Transcript for:
Ang Garantiya ng Diyos sa mga Masunurin sa Kanyang Mga Utos

Sumasa inyo ang Palatuntunang Salita ng Diyos, Ang Tanging Lunas. Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa Palatuntunang ito. At ako po ang inyong lingkod, ang kapatid na Wally Taray. Ako naman po ang kapatid na Vincent Valdez. Kamusta na kayo? Sana inasa maayos po kayong kalagayan. at patuloy po ninyong subaybayan ang palatuntunan dito. Kapatid na Vincent, nais nating pasalamatan yung mga takasubaybay natin na patuloy na tumatangkilig sa INC Radio at maging dito sa ating program. Yung mga nagko-comment po sa YouTube, kapatid na Vincent, ang mga ipinahahayag ng mga taga-subaybay natin, ang mga aral ng ating Panginoon Diyos na kanilang naririnig, ito ang kanilang pinanghawakan, ito ang kanilang pinanaligan, kaya napagtatagumpayan yung mga suliranin na pinagdaraanan araw-araw. Sana po ipagpatuloy ninyo ang inyong pakikinig at pagsubaybay at makatulong po itong ating mga pagtalakay. ng mga salita ng Diyos. Magabayan tayo sa pagharap sa iba't ibang mga pagsubok sa ating pamumuhay at sa ating buhay araw-araw. At nais din po natin batiin yung mga kapatid natin dyan sa Distrito Eclesiastico ng Italy North. Partikular dyan sa lokal ng Roma North. Maligayang pakikinig po sa inyong lahat. At kapatid na Vincent, muli natin ipaglilingkod sa ating mga taga-subaybay sa pamamagitan po ng palatuntunan. Kung gaano po kalaki ang magagawa sa ating buhay ng mga salita ng ating Panginoon Diyos. Sana po ay pakinabangan ninyo ang dulot na biyaya ng pagpapahalaga at pagsunod po natin sa mga aral ng ating pong Panginoon Diyos. Gusto nating ipapansin at ipaglingkod kapatid na wali sa ating mga taga-subaybay na ibinigay ng ating Panginoong Diyos ang kanyang mga utos, hindi para tayo ay pahirapan. sa pagsunod o kaya ay paraapihin. Napakarami pong napakagandang panukala ng ating Panginoong Diyos sa mga laging sumusunod sa Kanyang mga kautosan. Kapatid na Vincent at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay, itatanong natin ngayon sa mga... ang aaral ng ating Panginoon Diyos na nakasulat po sa Biblia kung bakit napakahalaga na sa panahon pong ito ay manindigan tayo sa buhay espiritual sa pamamagitan po ng pagsunod. sa mga utos o sa mga aral ng ating Panginoon Diyos. Ganito po ang ating mababasa, mga mahal po naming mga taga-subaybay, sa Kawikaan 2.1-4.9. Pakinggan po natin. Anako, kapag sinunod mo ang aking mga salita at iningatan sa iyong puso ang aking mga utos, kung pakikinggan mo ang karunungan at itatalaga ang iyong puso sa kaunaan. Kung tatawagin mo ang kaalaman at sisikaping masumpungan ang pangunawa, kung hahanapin mo itong tulad ng pilak sa saliksiking tulad ng natatagong kayamanan, kung magkagayoy mauunawaan mo kung alinang tama at matwid at tapat at bawat mabuting landas. Napakahalaga po na tayo ay manindigan sa pagsunod sa mga kautusan ng ating Panginoong Diyos. Kapatid Nawali, ayon po sa mga talatang ito ng Biblia, ang sabi ng Diyos, kapag sinunodan niya ang kanyang mga salita at iningatan sa puso ang kanyang mga kautusan, kung magkagayonan niya ay mauunawaan kung alinang tama. at matwid, at tapat, at ang mabuting landas. Sabalit, sino kaya kapatid na Vincent ang makagagawa nitong inaasahan ito ng ating Panginoon Diyos? Sino yung makasusunod sa kanyang mga utos? Sila po yung mga... may mataas na pagpapahalaga sa mga aral at utos ng ating Panginoong Diyos. Kapatid na Vincent, gaano'ng pagpapahalaga ang dapat nating iukol sa mga utos ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi po sa mga talatang ito na ating binasa, hahanapin mo anya ito ng tulad ng paghahanap mo sa pilak, sa saliksiking tulad ng iyong pagsaliksik sa natatagong kayamanan. Sa makatwid kapatid na Vincent, ay talagang pagsisikapan natin. Talagang hahanga rin natin at maglalaan tayo maaring ng panahon, ng pagod. ng pagtitiis, alang-alang sa pagsunod sa mga utos ng ating E bakit kaya kapatid na Vincent, kapag ka ganito ang pagpapahalaga na iniukol natin sa pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos, ang sabi kanina ay malalaman natin o mauunawaan natin kung alin yung tama at matwid. Ibig sabihin talagang para sa ating ikabubuti. Totoo po yun. Ano ba ang proteksyon na maibibigay sa atin ng pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos? Muli po. po nating ipaglingkod sa ating mga taga-subaybay ang pahayag ng Biblia sa Kawikaan 2, 11 hanggang 15. Patuloy po ninyong subaybayan ang pagtuturo sa atin ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa mga banal nakasulatan. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat. Ang unaway maglilihis sa likulikong landas. Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan. Ilalayo ka rin ito sa mga tampalasan na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman. Mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan. Ang kanilang kasiyah ay magulong pamumuhay. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan. Sila ay hindi tapat, hindi mapagtitiwalaan. Sa ano po tayo ililigtas ng mga aral ng ating Panginoong Diyos na nakasulat po sa Biblia? Ang sabi sa atin, mga listeners and viewers namin, ilalayo ka anya nito sa masamang pamumuhay at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan at ilalayo ka rin anya nito sa mga tampalasan dito sa sanlibutan. Ayaw nating... mangyari sa atin ito. At yan din ang marahil ay ayaw ng mga nakikinig sa atin na sumapit na mangyari sa kanilang buhay. Eh sa hirap na nga ng buhay ngayon. At sunod-sunod ang mga problema. Bukod sa mga kalamidad, iba't ibang mga sularanin, araw-araw, nandyan ang kahirapan, meron pang pandemya. Pagkatapos ay yan pa ang darating sa atin. Ayaw natin yan. Kaya upang malayo... Ayaw tayo sa masamang pamumuhay. Mahalaga po nasundin natin ang mga utos o mga aral ng ating Panginoon Diyos. Huwag po nating susuwayin. Bukod yan, kapatid na Vincent, ano pa ang kahalagahan sa atin ng mga salita ng ating Panginoon Diyos? Ano ba ang taglay na kapangyarihan ng mga salita ng ating Panginoon Diyos? Katuloy po nating sangguniin ang Biblia sa kabikaan. 126-8, patuloy po ninyong subaybayan mga mahal po naming mga listeners and viewers. Sabagat ang Panginoon ay nagbibigay ng katalinuhan. Sa kanyang bibig nang gagaling ang karunungan at pangunawa. Pinaglalaanan niya ng tagumpayang matwid. Siya ay sanggalang ng mga namumuhay sa kabanalan sapagkat binabantayan niya ang landas ng namumuhay sa katbiran at iniinip. Iingatan ang daan ng mga lingkod niyang tapat. Sa pamamagitan po ng mga utos ng ating Panginoong Diyos, kapatid Nawali, at mga mahal po naming mga taga-subaybay, binibigyan ng ating Panginoong Diyos ang mga matuwid ng katalinuhan at tagumpay at binabantayanan niya ang kanilang landas. Kalakip ng... Mga salita o mga utos ng ating Panginoon Diyos, ang kapangyarihan at ang kanyang kalakasan na ipagkakaloob niya sa mga nagpapahalaga at sumusunod sa kanyang mga utos. Kaya yun ang magsasanggalang at magbabantay sa atin. Totoo po. Dahil yan kapatid na Vincent at sa lahat po ng mga taga-subaybay, ano kaya ang ipinagagawa sa atin ang ating Panginoon Diyos patungkol po sa kanyang mga utos? Basahin natin ang pahayag dito pa rin sa Kawikaan sa 2.20-22 naman. Pakinggan po ninyo at ganitong itinuturo sa atin ng Biblia. Kaya nga tahakin mo ang landas ng mga mabuting tao at mga natili sa mga landas ng matwid. Sabagat ang matwid ay mamumuhay na matiwasay sa lupain. At ang malinis ay mamamalagi roon. Ngunit ang makasalanan ay mawawala sa lupain. Ang hindi tapat ay aalisin doon. Ano pong ipinagagawa? Ang tinutukoy na matwid, kapatid na Vincent, ito ay ang mga kautusan. ng ating Panginoon Diyos. Opo. Sapagkat ang kautosan niya ayon na rin sa Biblia ay matwid, banal at mabuti. Kato'o po. Kaya dapat ay namamalagi tayo sa pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos at namumuhay tayo ng matwid sa Kanyang paningin. Ano ba ang tinitiyak ng ating Panginoon Diyos, kapatid na Vincent? Kapag ka tayo po ay namumuhay ng matwid at namamalagi tayo sa pagsunod sa sa kanyang mga kautusan. Ayon din po sa ating binasa, ang matwid-anya ay mamumuhay na matiwasay sa lupain at ang malinis ay mamamalagi roon. Kapatid na Vincent, mamaya sa ating pagbabalik, ay ating itatanong sa Bibya kung sino ba yung inaasahan ng Diyos na mangunguna sa pagtuturo. at sa pagsunod sa mga kalooban niya o sa kanyang mga kautusan. Kaya huwag po kayong bibitiw sa inyong pakikinig at panunod. Magbabalik kami makaraan lamang po ang ilang paalaala ng ating pong himpilan. Ito ang INC Radio, DZEM 954, ang tinig ng katotohanan, himbilan ng Iglesia Ni Cristo, sumasahinpapawid mula sa Quezon City. Maraming salamat po sa inyong pamamalagi sa pagsubaybay at kanina po ay ating tinalakay sa pamamagitan ng mga aral ng Diyos na nakasulat po sa Biblia kung gaano po kahalaga ang pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos at pamamalagi sa pamumuhay na matwid. Kapatid na Vincent, sino ba ang dapat na manguna sa pagtuturo at sa pagsunod sa mga kalooban ng ating Panginoon Diyos? Ganito pong pahayag sa Deuteronomio. 11, 18, 19, 21 Itanim ninyo sa inyong mga puso't isipan ang mga salita kong ito. Itali ninyo sa inyong mga kamay bilang tanda at itali sa inyong mga noo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Sabihin ninyo ito sa kanila kapag kayo'y nakaupo sa tahanan Habang kayo'y naglalakad sa lansangan Kapag kayo'y nahihiga at kung kayo'y bumabangon Upang ang mga araw ninyo at ng inyong mga anak ay tumagal sa lupa yung ipinangako ng Panginoon sa inyong mga ninuno. Maninirahang kay roon habang may mga kalangitan sa itaas ng lupa. Ang pinapananagot po ng ating Panginoong Diyos, kapatid na wali, mga mahal po namin, mga listeners and viewers, na magturo at maging huwaran sa pagsunod sa mga kalooban ng ating Panginoong Diyos ay ang mga magulang. Ang katunayan po, ang alinig. Kapatid na Vincent, gaano kayang pagtatalaga ang dapat na iukol ng mga magulang sa pagtuturo sa mga anak? Ukol sa pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos. Nilinaw din po yan. Sa pahayag ng ating Panginoong Diyos sa mga talatang ating binasa, ang sabi, sabihin anyan ninyo ito sa kanila kapag kayo nakaupo sa tahanan, habang kayo'y naglalakad sa lansangan, kapag kayo'y nahihiga, at kung kayo ay bumabangon. Ano po ang... Katumbas nito, ibig sabihin ay sa lahat po ng angkop na pagkakataon ay pinapananagot ng ating Panginoong Diyos na magturo ang mga magulang ng mga kalooban ng ating Panginoong Diyos sa kanilang mga anak. Tama po yun. Yan kapatid na Vincent. Kaya sa lahat ng mga magulang na nakikinig, samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon. Huwag natin sasayangin ang pagkakataon para tayo po ay makapagturo, makapagpayo sa atin pong... mga anak. Talagang akayin natin sila sa pagsunod sa mga utos ng ating pong Panginoon Diyos. Kapatid na Vincent, bakit kaya ganun na lang ang pagnanais ng ating Panginoon Diyos na tayo po ay sumunod sa kanyang mga utos mula sa mga magulang hanggang sa lahat ng ating mga anak? Ano ba ang kinalaman nito sa magiging kapalara ng mga tao na nilalang ng ating Panginoon Diyos? Ang binasa po natin kanina ay Yotoronomyo Ono. 11, 18, hanggang 19 at 21. Ang babasahin naman po natin ngayon ay Deuteronomio 11 sa mga talatang 26 hanggang 28 naman. Pakinggan po ninyo. Tignan ninyo. Sa araw na ito'y inilalagay ko ang pagpapala at ang sumpa. Pagpapala, kung susundin ninyo ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos na ibinibigay sa inyo ngayon. At sumpa, kung susuwayin ninyo ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos at tatalikda ng mga iniutos ko sa inyo ngayon upang sumunod sa ibang mga Diyos na hindi ninyo nakikilala. Ano po ang kinalaman ng pagsunod sa mga utos ng ating Panginoong Diyos? para po sa ikapagtatamon ng mga kapalarang inilalaan niya sa mga taong kanyang nilikha. Napakalaki po, kapatid na Wally, sapagat ayon po sa ating binasa, pagpapalain po ang susunod sa kanyang mga utos, samantalang yun namang susuway ay susumpain ng ating Panginoong Diyos. E ano ang pipiliin natin, kapatid na Vincent? Dapat ang piliin natin yung pag... ...papala ng ating Panginoon Diyos. Paano mangyayari yan? Ang kinakailangan ay sundin natin ang mga utos ng ating pong Panginoon Diyos. Yan po ang ating gawin sa ating tahanan. Akayin natin ang ating buong sambahayan. sa pagtalima sa mga utos ng ating pong Panginoon Diyos. Subalit, sino kaya, kapatid na Vincent, at sa mga nakikinig sa atin ngayon, ito ang ating itatanong sa Biblia, sino kaya ang tiyak na makasusunod? sa mga utos ng ating Panginoon Diyos. Basahin po natin ang pahayag dito sa Lukas 8 at 15. Pakinggan po ninyo ang pagtuturo sa atin ng Biblia. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa Ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila'y nagtitiaga hanggang sa mamunga. Kung sino po ang tiyak na makasusunod sa mga utos ng ating Paginoong Diyos, kapatid Nawalis, at mga ginigiliw po namin, mga taga-subaybay, ang sabi po ng ating Panginoong Heso Kristo, iniingatan anya nila yung mga salita o mga kautusan ng ating Panginoong Diyos sa kanilang pusong tapat at malinis at nagtitiaga po sila hanggang sa sila ay mamunga. Samakatwin, hindi basta narinig lang yung mga salita ng ating Panginoong Diyos. Yun ay kanilang iniingatan sa kanilang puso katumbas ng nakatimo sa kanilang damdamin yung kanilang mga narinig na mga salita ng ating Panginoong Diyos. Ibig sabihin lang ay talaga hindi lang... dumating sa kanilang pandinig, kundi talagang minahal nila ang mga utos ng ating Panginoon Diyos at iningatan sa kanilang puso. Subalit maaaring ang sabihin ng iba ay gusto man nilang sumunod at ingatan ang mga utos ng ating Panginoon Diyos. Kaya lang napakaraming kasamaan at tukso sa ating paligid. Yun daw ang humahad lang sa iba. Mga giliw po namin, taga-subaybay, ano po ang ating mapangahawakan para tayo pangunod? po ay makapanindigan sa pagsunod sa mga utos ng Diyos sa kabila ng mga tukso at kasamaan sa ating paligid. Muli nating ipaglingkod sa ating mga taga-subaybay ang pahayag ng Biblia sa awit 71 hanggang 5 12 at 20 O Panginoon, sa iyo ako nanganganlo. Huwag mong tulutang malagay ako sa kahihiyan. Iligtas mo ako at dalhin sa iyong katwiran. Ikiling mo sa akin ang iyong pakinig at iligtas mo ako. Itulot mong ikaw ang aking maging batong katwiran. kanlungan na lagi kong malalapitan. Iutos mong iligtas ako sabagat ikaw ang aking bato at tanggulan. Iligtas mo ako o Diyos sa kamay ng masama, sa pagsakmal ng masama. at malulupit na tao, sabagat ikaw ang naging pag-asa ko o makapangyarihang Panginoon na aking pinagtitiwalaan simula sa aking kabataan. Huwag kang lalayo sa akin. O Diyos, lumapit ka agad. O Diyos, tulungan mo ako. Bagamat ipinakita mo sa akin ang marami at mapait na mga kahirapan, ibabalik mong muli ang aking buhay mula sa kalaliman ng lupa muli mo akong itataas. Ang atin pong mapanghahawakan para tayo ay makatagal na nakasusunod at nakapaninindigan sa panig ng ating Panginoong Diyos. Ayon po sa ating binasa, magagawa nating makapanganlong sa ating Panginoong Diyos. Makahihingi tayo ng tulong at saklolo sa Kanya. Inisa po mamagitan ng ating pananalangin sa ating Panginoon Diyos. Kaya napakahalaga nito, kapatid na Vincent, laging naririnig natin sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan, sa kapatid na Eduardo Manalo, na lagi tayong sasangguni at mananalangin sa ating Panginoon Diyos. Yan ang natutunan ng maraming mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Kaya kahit na napakasama ng daigdig na ito, laganap man ang iba't ibang mga suliranin at mga kapigatian sa buhay. ay nakapaninindigan sa pagsunod sa mga utos ng ating Panginoon Diyos. Sa mga taga-subaybay nating kapatid na Vincent na hindi pa natin kasama sa loob ng Iglesia ni Cristo, patuloy po ang ating paanyaya sa kanila. Sana po ay... Ipagpatuloy ninyo ang pagsusuri at ang pakikinig sa mga aral ng Diyos na itinuturo at inihahayag ng Iglesia Ni Cristo. Sumubaybay po kayo sa mga palatuntunan ng INC Radio dito po sa ating himpilan sa 954 KHz. At pwede rin kapatid na Vincent sa online, yung ating website www.iglesianicristo.net INC Radio. Meron din sa YouTube, kapatid na Vincent. Opo, at patuloy ang ating paanyaya sa ating mga taga-subaybay. Kung sakasakali, at hindi pa po kayo subscribers sa INC Radio YouTube channel, ay inaanyayahan po namin kayong mag-subscribe at iklik po ninyo ang notification bell para lagi po kayong updated sa mga latest na mga programs, lalo na nga po ang pagtuturo ng mga salita ng ating Panginoong Diyos. Sana po itong mga salita ng Diyos na na atin pong narinig sa pagkakataong ito ay makatulong sa ating lahat upang mapagtagumpayan natin ang iba't ibang mga suliranin at kahirapang nasasagupa natin dito po sa daigdig. At bago tayo pansamantalang magpaalam, inaanyayahan po namin kayo sa isang panalangin sa atin pong Panginoon Diyos. Ama namin Diyos. Maraming maraming salamat po sa iyo. Muli mong kinasangkapan ang palatundunang ito para maihayag ang iyong mga salita sa amin pong mga taga-subaybay. Lahat na wanang inabot ng pagtuturo ng iyong mga katotohanan sa pamamagitan ng programang ito, ganap na makinabang at maakit na magtiwala at manalig sa iyong dakilang magagawa maging Matwid sa iyong dakilang paningin sa pamamagitan ng laging pagsunod sa iyong mga kautusan at mamuhay ng buong katapatan sa iyong dakilang kalooban. Pagpalain mo rin, Panginoong Heso Kristo, ang iyong mga hinira. Pakigunita ang mga may karamdaman at dumaraan sa iba't ibang mabibigat na mga suniranin at pagsubok. Ipakilapit mo po ang aming panalangin sa ating Ama at patuloy. tuloy mo kaming dagdagan ng pananampalataya. Amabuo ang aming pananalig, pagpapalain mo po ang kabuuan ng iyong banal na iglesia sa pangunguna ng aming tagapamahalang pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo Manalo. Magalang naming hinihiling ang lahat sa pangalan po ng aming Panginoong Heso Kristo. Amen. Sumayon ang palatuntunang salita ng Diyos, Tanging Lunas. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Nawa ang mga aral ng Diyos na ating napakinggan ang maging gabay natin sa ating pamumuhay.