Sa video na ito ay pag-aaralan ang akademikong pagsulat. Layunin, nabibigyang kahulugan ng akademikong pagsulat. Ano ang pagsulat? Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsalina ng mga nabuong salita. simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaisipan.
Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, tala-salitaan, pagbubuon ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Ano ang kahulugan ng akademikong pagsulat? Ito ay tumutukoy sa intelektual na pagsulat na nakaaangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
Ito ay nangangailangan din ng mapanuling pag-iisip at nakayahang mangalap at mag-organisa ng mga informasyon at datos na kailangan sa ginagawang paksa. Ang sulati na ito ay isang pangangailangan para sa mga akademiko at profesional. Ito rin ay nangangahulugan na anumang pagsulat na isinasagawa para makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
Kinapapalooban ito anumang itinak ng gawaing pasulat sa isang setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong pagsulat. para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mga konferensya. Ano naman ang mga kalikasan ng akademikong pagsulat? Una ay katotohanan.
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang mga manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. Pangalawa ay balanse. Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinion, at argumento ay kailangan gumamit ng wikang walang pag-healing, seryoso, at di-emosyonal ng maging makatwiran sa mga nagsasalungat ang pananaw.
Pangatlo ay ebidensya. Ang mga scholar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya para suportahan ng katotohan ng kanilang inilalahan.