Music Music Inihahandog ng Itulay Online Tutorial at ng Team Senior High School Filipino ang inyong magigiting at mahusay na mga tutors na magiging katulong ninyo sa inyong pagkatuto sa Filipino. Pinangungunahan nito ni Tutor Vida, Tutor Guibo, Tutor Ruby, Tutor Sheila, Tutor Pau, Tutor Nina, Tutor Irvin, Tutor David, Tutor Joey Mar at Tutor Curvey. Sama-sama nating tuklasin ang wika, panitikan at ang kulturang Pilipino kasama ang inyong Team Senior High School Pilipino.
Mabuhay! Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Ako ang inyong lingkod, Tutor Madge.
Welcome sa ating e2life, ang ating libring online tutorial na hatid ng ating kagawaran ng edukasyon, ICPS EdTech. Ang program... Ang programang ito ay inaasahang makatutulong at maging karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School, ALS, ALIVE at SPED Learners. Bukod sa pagsagot ng mga modules, ang ina-invite. Itulay ay may mga special programs din na siguradong aabangan ninyo araw-araw.
Katuwang ang ating mga minamahal na mga magulang at guro ay maitutulay natin ang pagkatuto. Kaya, ihanda na ang inyong module, lapis, papel o kwaderno. Ihanda rin ang isip, mata at tenga sa isa na namang makabuluhang aralin. Tayo nang matuto kasama ang inyong volunteer online tutor sa oras na ito. Ayan, magandang hapon pong muli sa ating lahat.
Ating mga mag-aaral ng Senior High School mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Excited kami ngayong araw na ito ni Tutor Mina dahil meron po tayong bagong mga kasama kayo. Espesyal na bisita natin ngayong araw.
Magandang hapon po sa ating lahat. Welcome po sa Itulay Filipino sa Pilinglarang Academic. So tayo po ay nasa quarter one, ikalimang linggo. Ito po ang Tutor Mina.
Ako naman, si Tutor Roxy. Pag ilang linggo na natin ito. Sige, pisahan na natin.
Gusto ko na ipahilala ang ating makakasama ngayon. Ay, mag-shoutout muna tayo kay Lalison Castro ng grade 12 STEM 2, Gemma Marciliana ng grade 12 STEM 2 MVTS, yan, kila Glazi, Kampilan, Zalyn, Trinidad Andujar, kila Rolly, Dela Cruz ng grade 11 Gasuan, advisory class ko yan, kay Leia Jane Aswe Antiga ng grade 12 ABM. Ayan, maraming salamat po.
sa inyo pong pagsubaybay ngayon sa aming sesyon sa E2 Live. So panibagong arali na naman ito. Ayan, muli. Nasa ikalimang linggo na po tayo. Quarter 1. Ayan.
Pinakita na natin ang napakagwapong bisita natin ngayong araw na ito. Makakasama natin ngayon sa Pilipino sa Pilinglarang. academic, si ginoong Raymond Magno Garlitos. So ipapakilala ko po siya sa inyo.
Siya po ay, he is an award-winning literary writer, journalist, and a seasoned resource speaker, and subject matter expert on journalism, creative writing and art, and cultural studies. His work in journalism has been recognized by the Catholic Mass Vida Awards and the Lasallian Scholarium Awards. His poetry won in the Palangka Awards, the Talaang Ginto Awards, and several independent award-giving institutions.
Bigate, di po ba? His children's books have received the International Board on Books for Young People Diploma of Excellence. The PBBY Salanga Prize.
The 2000 Gintong Aklat Award and the Palangka Awards. He currently manages an online master's class on writing storybooks for kids and a small book-selling business. So once again, pwede na nating ipakita ngayon ang ating guest speaker, ang ating bisita ngayon, si Sir Raymond Magno Garlitos.
Shout out po tayo. Ayun po yun! Ganda hapon sa inyong lahat, mga taga-panood ng Deaf and E2Li online tutorial sa ating mga kasamang guro at mga... at syempre ang mga studyanteng nanonood ngayon sa ating online educational television program.
Ayun! So sir, kami po ay lubos-lubos po ang aming pasasalamat dahil kahit po short... notice lang po yung message ko sa inyo na ma-invite ko po kayo ay pinagbigyan niyo po kami.
Maraming maraming salamat po sa inyong oras ngayon. Isang kagalakan po ang makasama namin kayo, Sir Raymond ngayong hapon at alam natin ang mga mag-aaral ng senior high school ay masaya sa mga oras na ito. Sige po, tayo po yung magpatuloy na.
May surprise ba tayo ngayon, ma'am? Ayun, marami tayong surprise. May papremyo po kami. Kaya please, yung mga mag-aaral, mula sa umpisa hanggang dulo, maluod po tayo. Isa sa mga surprise natin, syempre si Sir, no?
Mga kasama natin. Pangalawa nating surprise, magbibigay po tayo ng load sa mga mag-aaral. Kung may magulang, pwede rin.
Pero hindi na po yung mga teachers. Ayan. So, Yung instructions natin naman ibigay natin sa gitna at sa huli. Para hanggang sa dulo ay nakakapit ang ating mga mag-aaral at mga magulang sa hapong ito.
Siyempre, paano unin o magkakaroon ng load? Meron po tayong i-encode or i-type sa chatbox na may hashtag. Ngayon, aantayin niyo po yun, yung hashtag na yun.
Kailangan hanggang dulo ay nakakapit po kayo. Yes, kapit lang. Okay.
So ang naralili po natin ngayon ay mga hakbang sa pagsulat ng Organisado at Malikhaing Akademikong Sulatin. Ito po ay pagsulat ng talumpati. Base po sa MELP, pinakamahalagang kasanayan po ay nakasulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa. Ito po muli ay nanggaling sa ating Pivot 4A Learner's Packet from Region 4A Calabarzon. Ayan, meron tayo kagad tanong sa ating mga mag-aaral.
Ano yan? Naranasan mo na bang magtalumpati? Pwede po tayong sumagot sa ating chatbox. At nakarinig ka na ba ng talumpati?
Siguro itong mga mag-aaral ng senior high school ay marami na dyan ay sumali sa mga patimpala ng mga ganitong kontes. pagkatalumpati. Meron na ba tayo diyan mga mag-aaral na nakasali ng talumpati? Si Sir Randy kaya.
Sir Randy, naranasan mo na bang magtalumpati nung ikaw ay high school? High school. Actually elementary. Meron na mga kanyang klaseng extemporaneous speaking contest and I actually studied sa public elementary school kung saan napakayamahan ng mga interscholastic competitions for for those who are in the public school system.
So isa rin yun sa naging kasanayan ko. Pero when I was in high school, naging member ako ng debate team. So all of ibang disiplina, na-apply ko yun when I was temporarily a member of yung Forensics Guild. Yung Forensics Guild sa LaSalle Green Hills, kung saan ako nag-high school.
Tinuruan kami on how to speak on issues. So technically parang speech masters club siya. Pero ang training sa amin is more of extemporaneous speaking rather than reading a prepared speech.
O yung parang ihinandang talumpati. Ang reason kasi doon is that... Mas natural yung bitaw ng salita sa isang biglaan or extemporaneous na speech. At saka mas natural yung dating. Whereas, although hindi naman masama magbasa ng isang prepared speech, normally you read a prepared speech kapag ikaw ay, halimbawa, ikaw ay magbabasa ng isang bagay na medyo magiging emotional ka, for example, if you're reading a speech.
As a tribute, for example, to somebody who might have died or is going away or is, ano, yung kumaga parang you are wishing them well. So parang, ano siya eh, pag ang speech ay dumarating sa punto na nagkakos ito ng extreme emotion sa isang tao, may tendency na ma-discarry yung tao sa kanyang normal train of thought, no? So kailangan niya ng natural na pag- natural na flow sa pagsasabi ng kanyang kalumpati.
Pero sa extemporaneous speech, ang pinakamalaking preparation actually is yung paghahanda ng iyong isip, which is actually malaking challenge na sumarami sa mga sudyante natin ngayon. Kasi syempre, parang ano yan eh, parang nagdedepensa ng iyong sarili sa isang napakalaking larangan na isang bagay. Tapos ikaw ay parang pinagtatanggol mo yung bagay na iyo.
Wow! Nagbigay na, nagbukas na ang ating Sir Randy ng malaking ideya ngayon sa ating aralin, no? Sa Talong Bati. Salamat po Sir Randy sa iyong pagbabahagi ng iyong karanasan.
Simula pa lang yan, talagang appetizer pa lang. Sigurado si Sir, panalo yan ng elementary. Sabi nga, ang pagtatalumpati, nabanggitan ni Mr. kanina, pero ano nga ba ang pagtatalumpati?
Ano nga ba? Tutormina. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa. layunin itong humikaya. tumugon, mga tuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigas sa harap ng magla. Ayan, nabanggit na yan ni Sir kanina. Ano nga ba ang uri ng talumpati? Meron tayong panlibang, panghikayat.
Pampaparangal o pagpaparangal. Pangapat, pagbibigay galang. Pampasigla at pangkabatiran.
So ano nga ba ang panlibang? Ito ay kadalasing binibigas sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati. Kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakakatawa.
Siyempre, kaugnay sa... paksang tinatalakay. Ang panghikayat naman na uri ay hinihikayat ang mga takapaginig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebedensya.
Halimbawa po niyan ay sa simbahan, kongreso, kumpanya o kampanya ng politiko. Samantalang ang pagpaparangal naman, Hinahanda ito upang bigyang parangalang isang tao o di kaya ay magbigay puri sa mga kabuti ang nagawa nito. Samantalang ang pagbibigay galang na talumpati ay matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay galang bilang pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong salapi o kasapi ng samahan. Panglima naman, Tutor Roxy, ano bang meron dyan?
Ang panglima ay ang tinatawag nating pampasigla. Mula po sa salita niyang pampasigla. So syempre, ano nga ba ito? Natural, ito po ay karanimang binibigkas sa mga araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan. At pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan.
Ito ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga taga-pakinig. So yan po yung isang uri ng talumpati na kung saan ang kanya pong talumpati, ang layunin niya ay makapagbigay ng kasiglahan sa kanyang mga manonood. Jotoroksi, ano kaya yung kalimay tangginan? Nagamit ditong uri ni Sir Randy.
Sir Randy, ano bang mga nasubukan mo na rito ng uri ng tanong pati? Sa 6 na to. 6 metan. Well, actually, ano, ang mga nasubukan ko na dyan is, for example, yung pampasigla, no?
Isang example ng pampasigla na speech, yung tinatawag nating pep talk, no? Pag sabing pep talk, parang ang goal nito... Ay kunwari, may dadaluhang isang competition yung isang grupo ng mga mag-aaral, tapos ang goal ay magbigay ng isang inspirational speech.
Ito yung example nito, no? Or tinatawag nating pep talk. Pag sabi nating pep talk, parang ang goal is to cheer up, no?
Parang bigyan ng positibong panan, optimismo yung ating mga tagapakinig para sila ay ganahan, sila ay maging inspirado, no? Well, panghikayat, although hindi ako mismo nag-bidcast, pero nagsulat ako ng speech before para sa isang opisyal ng gobyerno. So, parte ito ng example ng tinatawag na panghikayat, lalo na kung yung panghikayat na ito may kinalaman sa papapakilala ng mga programa ng gobyerno. So, because I was a part of government service a long time ago. Ito yung mga ginagawa ko before.
Susulat ako ng talumpati, nabibig kasi ng isang actual na official ng gobyerno. Kasi sa totoo lang, sa realidad talaga, ang mga top officials, even mga VIPs, hindi talaga yan gumagawa ng sariling speech. Pero silang tagagawa ng kanilang sariling speech.
And hindi naman necessarily yun ay talagang kailang-kailangang magmula sa kanila. Pero aariin yun ng tao kasi syempre... it's commissioned work din.
So yun yung dalawa, pinakamarami yung pang-ikay at pang-pasigla. Yung pagpaparangal, ito yung for, ito yung klase ng mga speech na may kinalaman usually kapag sa mga taong pumanaw na tulad ng eulogy, tribute, yung mga tribute, mga pagpaparangal, yun yung mga halimbawa. Mas madalas sa akin ngayon na ako ay sumusulat rather than bumibigkas ang sarili kong speech.
Pero gusto ko yung pasulat kasi mas nararamdaman ko yung, mas sa paghahandaan ko yung preparation needed for the, parang po na rin sa pagsasayos ng mga patalumpating ito. Mga halimbawa ni Sir talagang. Kapag pala ako, ito bakbo ng mayor. Papagawa ko ng speech guys Salamat po sir Okay, so para sa ika-anim Nasabi na ba natin yung ika-anim?
So klasifikasyon ng talumpati Ano ba ito? Tutoroksi Okay, so madali lang ito Kalimitan ito yung tinatawag na Mga anyo ng talumpati So ang una yung tinatawag natin Biglaan, ito yung impromptu Yung nandun ka Tapos ito yung paksa Tapos, ayun na. sasabihin na na, ikaw ay magtatalupati.
Binibigkas yan na walang ganap na paghahanda. Nalalaman na lamang yung paksa dun sa mismong araw nung ganong klase ng pagdiriwang. So yan, kaya biglaan.
Yan, ang ikalawa naman po ay yung tinatawag nating daglian o maluwag. Okay, ito yung sinasabi ni Sir Randy kanina, yung binabanggit niya na extemporaneous speech. Ito yung big... binibigkas ng may maikling panahon na paghahanda. Usually, ito ay makikita natin sa mga contest, no?
Na ito yung paksa, tapos magbibigay sila ng oras mo para ikaw ay gumawa ng iyong balangkas. Ayan, dibiha ka ng oras bago mo sabihin yung iyong talumpati. So, ayan, medyo nakakapaghanda ka pag sinabing daglian. At ang ikatlo ay tinatawag natin isinaulo.
Mula dyan sa salitang isinaulo, no? Ito po ay minemorize, ito po ay kinabisado, prepared na. So yan naman po ay binidikas ng may mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon o deliberasyon, no? So sabi nila mas maganda po ito kasi sabi isinaulo na. Pero ang challenge dito, yung hamon, yung hindi ka makakalimot.
No? Kasi kapag nakalimot ka, mawawala ka na. Mawawala na. Minsan sa aming pong subject, no, kasi meron din tanumpati.
Talagang nagbibigay ako ng performance sa mga bata na magbigay sila ng tanumpati. So kung isinaulo yun, minsan nakakalimutan nila. Pag nakalimutan na nila yung word na yun, hindi na sila nakakapagpatuloy. So yun yung challenge dito sa isinaulo. At yung last ay yung tinatawag nating manuskrito.
Ito yung kinakailangan nito ng matagal na panahong paghahanda at pag-aaral. So kadalasan yun yung mga tinatalumpati sa konbensyon, sa mga seminar, sa mga programang pagsasaliksik. So ito ay binabasa po usually yung talumpati niya. Kaya nga sinabing manuskrito kasi meron siyang hawak na kopya niya. Na yun ay pinaghandaan niya sa napakahabang panahon, no?
Okay? O, Sir Randy, o daglian po yung iyong ginawa, yung zona natin, ano kaya yun? Tumako naman tayo sa elemento ng talumpati para marinig na natin yung talumpati mamaya ni Sir kasi excited. Oo, excited ako.
Ayan. So ito yung mga elemento po ng talumpati. Ano ba yung pagsabing elemento, ito yung nilalaman no, nung talumpati o paano natin siya umpisahan.
Kasi nga ang piling larang sa academic ay yung pagsulat no, ng mga academic na sulatin. Sige, umpisan natin yung introduksyon. Usually tatlo lang po yan. po ay yung paano mo siya sisimulan, yung katawan ng iyong talumpati, at saka yung paano ka magwawakas. Pero dito po, makikita natin yung introduction, so napakahalaga po yan kasi para po magbigay ka ng iyong simula ng iyong talumpati na kung saan mahihimok mo agad yung iyong mga tagapakinig na ng pagpakinggan.
So napakahalaga po yung bahagi po yan ng elemento ng talumpati. Ako ganun ako eh, pag nakikinig ako, dapat una pa lang, mapapahalingon na ako sa kanya. At syempre, bahagi po ng introduksyon na yan, yung pangunahing ideya. Ano nga ba yung paksa ng iyong ibinibigay ng talumpati? Napakahalaga po yan.
Kasi yan po yung, yun na yung nilalaman ng iyong talumpati. Kasi pupunta ka na dun sa katawan. So kapag ka naibigay mo na yung pangunahing ideya, madali. Dali na po yun na maunawaan, magbubukas na po yun ng ideya sa iyong mga taga-pakinig. Next.
Ayan na. So, pag naibigay mo na yung pangunahing ideya, eto na po yun. And nandyan na po yung katawan o paglalahad mo tungkol dun sa pangunahing ideya ng iyong talumpati. Napakarami po yan. Makikita mo, nandyan yung gagamit ka ng paghahambing o kaya ay pagtutulad.
Yan, pwede rin na. Ibigay mo yung mga paninindigan ng topic o ng pangunahing ideya ng iyong tanong bati. At yung dulo, conclusion.
Napakahalaga po niyang conclusion na yan. Kasi dyan muna po ibigay yung lahat. yung lahat ng pagtatanggol mo, ng panghihikayat mo, sa madlang people, sa mga taong nakikinig sa iyo, ng tungkol doon sa iyong pangunahing ideya.
Ayan, nagkukungklud ka na. Okay? Ayan, meron pa.
Siyempre mga dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati. So ang unang-una dyan ay tinatawag nating paksa. Ayon po kay Casanova at Ro...
noong 2001 mula sa kanilang aklat ng Rhetoricum Pangkolehiyo masigit na nakapagbibigay ng kawiliwiling talumpati po kapag ang isang mambibigkas ay may sapat na kaalaman dun sa kanyang paksa. So, paano ba magkakaroon ng kaalaman sa paksa? Natural, ikaw po ay magsaliksi.
Pwede ka mag-interview na mga kilalantao. Magbasa ka ng mga Pagbasa ka ng mga aklat, mga magazine, mga journals, sa internet. Para ikaw po ay maging may alam ka sa paksang inyong tatalakain. Ikalawa yung tagapakinig.
Napaka-importante po nito. So, dapat isaalang-alang mo ito. Kasi, ito po yung dito ka kukuha, eh, hugot ka ng lakas ng loob mo bilang isang mambibigkas ng talumpati. ako pagka hindi nakaka-relate sa akin ng tagapakinig. Parang nakakapanghina bilang isang nagtatalumpati.
So ayon din kay Lorenzo at yung kanyang mga kasama noong 2002, mula sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastas ng Panlipunan, dapat sapat nakilala ng isang mananulumpati yung edad. Yan, yung edad, kasarihan ng mga tagapakinig, pati yung edukasyon, yung antas ng lipunan nila, yung wikang gagamitin, pati yung bilang ng mga makikinig, kailangan mong alamin nyo, at yung saloobin ng mga makikinig. So bakit?
Kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong audience. So ganun dapat ang isinaanang-alang na isang mananalumpati. Okay? Pat, yung balangkas, ito po ay ating inaaral na nung mga nakaraang linggo.
Mahalaga po ang pagbabalangkas ng iyong talumpati. Kasi ito yung guide mo. Ito yung plano mo para matapos mo itong talumpati mo.
Mula sa umpisa hanggang sa wakas. Okay? So, meron pong tatlong nga ginagamit sa pagbuwan ng talumpati.
Ang una po yung tinatawag natin na problemahikan. Ang ikalawa ay... topical, at ang ikatlo, yung problema at solusyon. So, yung tatlong paraan. Yung unang paraan, yung chronological, importante ito.
Sa pagbabalangkas, dapat maihanay ninyo yung mga pangyayari, yung mga pangyayari o yung mga dapat napahayag mo sa iyong tanumpati, una pa lang hanggang sa huli ng tanumpati. Pagkakasunod-sunod, mahahanay mo dapat yun sa iyong gagawing balangkas. Ang ikalawa, yung topical naman, dapat po ito ay nakaayos batay sa pangunahing paksa. kasama ng mga pantulong na ideya. So, yun naman siya, no?
Ang tawag doon, topical. At yung ikatlo, yung problema at solusyon. So, ito ay ginagamit sa talumpating ng hihikayat o gusto mong may pakilusin ka. No to Gabriela sila.
So yan, parang hikayatin mo sila para sila ay kumilos. So ilahad mo yung problema, at the same time, pwede ka rin magbigay ng solusyon. At hikayatin po ang mga nakikinig. So yan po yung mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.
Dr. Roxy, baka may dadagdag ang ating... Oo, alam ko marami dadagdag si Sir Randy. Okay. Actually magandang tukuyin yung tinatawag na connection ng speaker. o yung tagapagtalumpati sa kanyang audience.
May mga pagkakataon na maaaring ikaw ay naimbitahan sa isang event kung saan hindi ka masyadong na-inform. At nangyari sa akin ito na ilang beses sa speech ako, na ang audience ko pala ay primarily halimbawa mga bata. Tapos ang hinanda kong speech ay para sa isang mas matandang audience. o di kaya ay magbibigay ako ng... speech na nakasulat sa Ingles because yung paksa ay nakasulat sa Ingles, yun pala para ito sa isang audience na ang mga tagapakinig ay mostly nagsasulta ng Filipino nagsusulta sa Filipino o gumagamit ng wikang Filipino over English.
So ito yung pagkakataon na kailangan maano ka maging handa ka rin na Kung talagang kabisado mo yung speech mo o naisapuso mo yung speech mo kahit hindi mo ito naisulat, yung handa mong isang tabi yung iyong prepared na speech sa English, tapos ikaw ay magtatalumpati ng kung ano yung nasa laman ng puso mo. Dito ang pumapasok yung extemporaneous speech. Bagamang preparado yung utak mo at... At ang ideas mo ay very clear naman. In a way, ready ka na doon.
Pero ang mangyayari niyan, you have to be articulate. O yung tinatawag natin, matatas ang iyong paggamit sa mga salita. Lalo na kung ikaw ay biniglang magkaroon ng isang audience na hindi handa doon sa pinila ng talumpati. So kailangan meron din ganung presence of mind.
yung tao na iniimbitan sa mga ganito. So, yun lang yung payo ko. You have to be prepared to kailangan maihanda mo yung sarili mo na maging conversant sa isang language na mas marami makaka-relate sa'yo.
Of course, you also need to have yung tinatawag natin sa English na rapport. Ano yung rapport? Yung natural na connection mo with your audience, your listening audience.
Kasi halimbawa, kung ikaw ay academic at masyadong, kaya ikaw ay profesor ng panitikan at nagtalumpati ka tungkol sa kasaysayan ng panitikan, natural, hindi masyadong makakarelate yung mga bata, lalo na kung ang paksa mo ay very archaic, very classical, very academic. So, ang tendency niyan... Para mag-retain mo yung arapor na yun sa iyong estudyante o sa iyong mga tagapakinig, kailangan mag-build up ka rin ng konting references na nakaka-relate sa kanila.
So for example, tungkol sa panitikano, romanticong panitikani, siyempre ipapuwento mo yung halaga ng Florante at Laura pero wala talagang interested doon kasi wala na namang nagmamahala tulad ng Florante at Laura. Ang nangyayari ay in-relate mo yan halimbawa sa isang love theme na halimbawa tulad ng Crash Landing Over You, or Altab. Yung mga ganong klaseng mga bitawan ng salita nila, maaari mo maging gawing launchpad para magkaroon ka ng engagement sa audience.
Kasi otherwise, yung palakpak na ibibigay sa inyong audience, mararamdaman mo na hindi tapat sa kanilang loob. Para hinihintay lang nila na matapos ka. So, syempre, ayaw mo naman.
Ang hirap, no? Ang hirap, no? Nakaka-nervious, diba?
yun yung nakakanervis na parte Nakikita mo na yung audience mo, pilit na pilit na pangikinig sa'yo at lalo kang madi-disturb. Kapag nakita mo silang pumipikit na at ano yan, pumipikit na, wala na yung interest. Yung nag-yoyon, ano yung Tagalog nun?
Sorry, bigla ko na naubusan ng Tagalog. Ano yan? Humihikab, humihikab na sila. Humihikab?
Oo, humihikab na sila. Pag may naghikab sa harap ko, sobrang papawisan ako ng malapot nun. May isa nang ginawa.
Pag bata, medyo ko call ko yung attention ng bata, sabihin ko sa kanya, O Ijo, gusto mo bang bigyan kita ng unan? Sabi ko, mga ganon. Gagawa ko na ganon klaseng breaking the ice type of, parang babreaka ko sa normal pattern ko of discussing my speech. And rather, I would make a comical relief, yun yung term na tinatawag mo.
Yung ad-libs. Importante rin yung ad-libs. Importante rin po.
Yung ad-libs sa talumpati. Yun actually minsan ang natatanda ng mga tao. Strangely. Baka yun kasi yung pinakanatural na paraan na natural na wika na nagagaling sa'yo na nararamdaman nila na totoong-totoo na talagang nakaka-relate sila. Yun.
Yan. Actually, maganda nga yung biglaan. Kaya lang, kailangan maruno.
Alam mo talaga yung paksa pagkabiglaan. At saka, Dr. Ito yung isa sa mga... Ayun, dapat sa isinan sa alang-alang sa pagbibigkas ng tanong pati, yung presence of mind. Andiyan pa ba ang ating mga mag-aaral? Oo, andiyan pa po sila.
May natin sa mga mag-aaral na pwede sila magtanong, no? Oo, tanongin niyo si Sir Randy. Mamaya may question and answer tayo sa bandang gulong, no?
Kaya pwede po natin i-chat sa ating chatbox. Dahil isang manonulat si Sir Randy, pwede niyo pong tanongin si Sir Randy. Oo, yung mga writers dyan, future writers. The Canaman. The Canaman.
O yan, shoutout. Bago tayo. Shoutout tayo dyan, o. Bago tayo tumungo sa talumpati ni Sir Randy mamaya, no.
Eto na po ang mahiwagang hashtag na i-encode nyo po o itatype dyan sa chatbox. Yan, habang nag-shoutout si Mamay Mosey. Mag-shoutout muna ako kay Christina Gray, si Pagan Corpus, watching from Alibadbad National High School. Carla Egod, 12STEMM MVTS.
Kay Anna Maylo Vendino, kay Alexander Capada. So meron tayo tutoroksi na limang mag-aaral na kung sino yung unang limang makapag-encode o makapag-chat dyan sa chatbox na may hashtag, feel na feel ko ang talumpati ni Sir. Kasama po ang cellphone number niya po at next week.
po ay i-announce namin yung winner. Okay po? Okay. So, kailangan po i-chat-chat nyo po yung hashtag na yan pag nagsimula na si Sir.
Ano po? Para talagang nakikinig itong mga sudyante. Hindi po i-count yung nag-encode na ngayon. So, dapat antayin nyo yung talumpati ni Sir.
Yes! Antayin ang talumpati ni Sir. Okay.
So, Dahil isa sa mga sorpresa namin si Sir Randy at ang aming paksa ay tungkol sa talumpati, magbibigay po ang ating Sir Radigar Litos ng napakamakabuluhan na talumpati po niya ngayong araw na ito. Ang kanya pong paksa ay tungkol sa nasaan na nga ba ngayon ang kalagayan ng mga manonulat sa gitna ng pandemia. So napaka-importante niyan ngayon.
So dahil magdadalawang taon na yung pandemia. nasa ba yung mga ating mga manunulat ngayon? Ano lang kalagayan?
Sige, Sir Randy, kami po excited na. Ganon din yung ating mga viewers, oh. Sabi nila, kinakabahan ako. Bakit? Kinakabahan ako.
Sabi nila, kinakabahan ako. Isudyante? Oo. Ay, grabe.
Siyang kinabahan. Okay. So, palakpakan natin si Sir Randy. Virtual club sa ating... Sir Randy Maraming salamat.
So magandang hapon sa inyong lahat, mga studyante at ating mga kaguruan na nakikinig ngayon sa palatuntunang ito. Naimungkahi sa akin ang paksa ng kondisyon ng mga manunulat sa panahon ng pandemia at kwarantena. Yung kwarantena or quarantine. So, siyempre bilang mga tao, ang manunulat ay Tawag dito, isa rin tao na kailangan mabuhay, kailangan niyang may taguwid ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkain, sa pamamagitan ng pagbili ng mga kailangan niyang mababasahin, sa pagkugon sa sarili niyang mga luho. So kailangan niyang magtrabaho.
So isa sa naging pinakamalaking challenge sa mga manonulat simula ng sumapit ang COVID-19 ay yung tinatawag na economic implications ng pandemyang ito. Unang-una, maraming mga writer ang nawalan ng trabaho. Siya man ay nagtatrabaho para sa dyaryo o nagtatrabaho para sa publishing house kung siya ay nagsusulat.
At kung siya man ay, nasa ibang laranga na may kinalaman sa pagsusulat. Siyempre sa... Sa economical point of view, ang pagsusulat ay hindi isang essential na pangangailanan ng mga tao.
So yung mga artikul na nasusulat sa news, yan ay mostly, hindi siya ganun kalaki ang impact kapag ang mga tao ay nagugutom o may problema kung sila ay may sakit. Unfortunately, sila ang mga unang natamaan nitong pandemia. Hindi necessary dahil tinamaan sila ng sakit, although napakarami mga manunulat ang namatay.
Sila ay tinamaan ng COVID o sila man ay napagkaitan ng medical na tulong dahil mas pre-prioritize sa mga ospital yung paglunas o yung pag-accept ng mga pasyente. May COVID. So marami akong makakilala na namatay. And in fact, habang nagsasalta ako, malamang may isang kakilala o isang acquaintance na kapamanonulat na mabibigla na lang ako, mababasa ko na pumanaw na.
So for example, nung itong nakaraan, binasa ko na may namatay akong colleague sa ibang larangan ng journalism or periodismo. mamamatay ang isang reporter, mamamatay ang isang lifestyle writer, mamamatay ang isang... Itong mga kakilala mo na dati mo nakaka-interact, suddenly, hindi mo na sila nakita uli.
Nag-usap pa kayo dalawang linggo bago sila mamatay. So, medyo masakit iyon kasi pinapagkaitan tayo ng ating pagkakataon para makapagpaalam properly sa mga taong minsan naging bahagi ng ating buhay sa profesyon ito. So isa yun, yung economics, marami nawalan ng trabaho definitely. In fact, mas marami sa kanilang napagkaitan ng tulong pinansyal in terms of ayuda mula sa gobyerno. Although may mga ahensya ng gobyerno tulad ng CCP, Cultural Center of the Philippines, at National Commission for Culture and the Arts ang nagpaabot ng ayuda sa mga writer.
Pero kadalasan itong mga ayudang ito ay panandalian lamang. temporary. Parang panluna sa isang linggo na hindi talaga makaka-extend beyond that kind of amount. Ganon kaliit. Siyempre, gagawa ng para ng mga manonulat upang makapagsulat.
At yung iba pa nga, na gainful employed. Yung hindi naman sila nawala ng trabaho, pero halimbawa, marami sa mga nagkatrabaho sa dyaryo. Ang biglang pinag-retire, lalo, pinag-retire yung mga matatagal na nagtrabaho dahil nag-retrench nila.
Isa sa mga unang pinakatinamaan economically yung mga dyaryo. Nagbawas ng tao, karamihan sa malalaking dyaryo. May isang dyaryo na kilala ko na dati meron silang 6 na daan ng mga tauhan, kasama na yung mga proofreader nila, biglang all of a sudden. Tatlong daan na lang sila. Binigyan ng early retirement yung mga manonulat.
At yung iba naman na niretain ay binigyan naman ng sweldo na kalahati doon sa... Usually natatanggap nila. At ang dahilan ng publisher ay dahil kaunti ang pumapasok na pera.
So napupwersa ngayon yung tagapaglathala ng dyaryo o yung businessman na nagmamahala sa dyaryo na pilitin niya na magtrabaho lang ng pangkalahating buwan ang isa sa mga tauhan niya. So syempre aaray yung mga taong dumadanas ng hirap. kakalahatiin pa yung sweldo nila.
Kakarampot na nga yung kita sa dyaryo. Maraming di nakakaalam. Ang pagtatrabaho sa dyaryo ay hindi po isang financially rewarding job.
Kung pag-uusapan natin ay yung pagtatrabaho nila sa mismo mga publications. Tulad ng maraming ibang kabuhayan, ang pagdyaryo o periodismo para maging maunlad ang isang manunulat or financially. Kailangan niyo humanap ng ibang pamamaraan sa pagkita.
Maaring gagawa siya ng ibang proyekto sa labas ng kanyang trabaho, o siya ay magne-negosyo sa bahay, o magpitinda ng kung ano-ano. Pero importante, mahawakan, mapangalagaan pa rin niya yung kanyang ego bilang isang writer. Kasi napaka-lofty kasi ng idea ng pagpapakilala na kapag ikaw ay manunulat, o lalo ikaw ay periodista, o ikaw ay... Mabilis na, parang napaka-taas ng tingin sa iyo ng mga tao. Usually kasi mga gawain pang intelektual itong pagsusulat.
So yun, nailahad ko na kailangan tulungan ang mga manonulat na ito, pero sa kasamang palad, hindi lahat ay natutulungan at may iba pa nga na napabayaan. So may kinalaman din dito yung industriya ng kinabibilangan nila. Isa sa mga natamaan definitely ay ang newspaper industry, yung industriya ng paglalatala ng dyaryo. Karamihan sa mga dyaryo ngayon ay nagsiscale down sa kanilang print edition, meaning hindi na gaano nag-iimprintan ng dyaryo sa papel.
Kaya kung napapansin niyo, mas mahirap pag-anap ng dyaryong naka-imprinta sa papel. So sinong unang tinamaan nun? Hindi necessarily mga nagsusalat sa dyaryo, Pumindi. yung mga nagtatrabaho sa printing press o imprenta. Kung saan, yung mga nasa printing press sila, yung unang tinanggal, hindi muna tayo maglalabas ng dyaryo, online muna tayo ngayon.
So, meron na kinabang din doon, no? Yung mga online writers, no? Yung tinatawag natin mga online writers.
Kasi halimbawa, sa halip na nagsusulat ka para sa isang imprenta na i-edit at maraming pinagdadaanan na isang article na nilalabas sa dyaryo, So online, madaling itong i-post. In fact, ipinoprogram na nga lang yung mga posts at hinihintay mo na lang na magkaroon ito ng natural following o tinatawag nating virality. Pag sabi nating virality, ibig sabihin, natural na yung mga tao ay makikinig at pag-uusapan ng isang paksa o isang balita.
So yun. Pangatlo, sa pinakamalaking isyong kinakarap ng mga writers ngayon, yung tinatawag nating mental health. Lahat ng taong dumaan sa pandemya ay nag-suffer sa mental health.
Tinatawag nating cabin fever. Pagsabi nating cabin fever, ito yung mga tao na suddenly ayaw na nilang lumabas ng bahay, ayaw na nilang makapag-uusap sa ibang tao. Dumarana sila ng tinatawag nating clinical depression.
Ang tawag po natin doon ay cabin fever. Dahil sa ayaw na nila lumabas ng bahay, maaaring mag-degrade yung kanilang mental health condition dahil sa mga dinaranas nilang problema personal o yung mga factors like kung napapanood nila sa television o nababasa nila sa internet na nakaka-apekto sa kanilang mental well-being. So may mga writers na umamin and in fact ako aaminin ko noong unang parte ng unang pandemya noong last year.
ng nakaraang taon, nakaramdam ako ng tinatawag na cabin fever. At hindi lang naman ako yung tinamaan nito. Marami sa mga kaibigan ko, ang dumanos nito, biglang nagde-deactivate sila sa Facebook.
Biglang pag mini-message mo, hindi sila na nagmi-message o sinisin lang nila. Mga signals actually yun, isang depression na nangyayari sa kanila. Kasi ibig sabihin nun, ayaw nilang maistorbo.
kasi the moment may makaalam ng... kanilang nararamdaman o condition nila ay ayaw nilang umaminin yun. Napakahirap aminin kasi ng pagkakaroon ng mental health issue dito sa ating bansa. Hindi pa, hindi pa, iahambing ito, example sa mga tao sa United States, sa kanduran ng lugar, hindi tayo ganong komportable sa pag-acknowledge ng ating mental well-being. Kunari, kung ito'y nagde-degrade, kung tayo dumaranas ng depression, Ang naisip ng mga tao, ikaw ay nababaliw o ikaw ay nasisiraan ng ulo, mga ganun.
So, yun yung kailangan natin i-overcome. To acknowledge the fact na kailangan natin i-accept na kung may mental health problem tayo, kailangan magsigtay ng tulog. Yung necessary ng isang psychiatrist, yung nimaaring sa pagkausap lang sa kaibigan. So, yun.
And ano kaya yung dahilan kung bakit pumapasok minsan itong mental health issue sa mga writers? Yun ay dahil sa napakalaking demand para magkaroon ng online presence. ng mga tao ngayon. Pagsabi natin, online presence meaning kailangan parte sila ng pinatawag na network of social media people. So kapag ikaw ay writer, ang tendency ay mataas ang moral ascendancy mo.
Ibig sabihin, dapat mas bayani ka sa normal na tao, mas mature ang iyong pag-iisip, mas malalim ang iyong pananaw sa lahat ng uri ng ng pagtingin. For example, kailangan mas respectable ang iyong mga pananaw sa politika o mas popular para sa kanila yung iyong mga choices ng iyong mga political na paniniwala. So, isa sa factor ng mental health problem ng mga tao ay yung kanilang need to have as many acceptances.
That's the reason why Marami yung mga writers ngayon na nagagawa ng kanilang mga social media accounts sa Instagram, sa TikTok, kung ano-ano ginagawa nila para magkaroon sila ng consistent media presence. Pero isa rin ay tuturing na parang problema ang kakaharapin nila kapag sila nag-online presence, ay yun yung tinatawag na presence ng trolls. Makakaroon sila ng haters, makakaroon sila ng bashers, lalo na kung ang usapin minsan ay usapin ng paniniwala sa isang politiko, o political na paniniwala, o yung kanilang religious na paniniwala. So, isa sa naging phenomenon na lumitaw noong last year na may kinalaman sa pandemia, na may kinalaman sa mga writers, ay tinatawag nating cancel culture. I'm sure, familiar na familiar yung mga...
Yung mga ating netizens dito sa idea ng cancel culture, ano po yung cancel culture to refresh our students? Ito yung nananawagan yung mga social media people para i-boycott, huwag tangkilikin ang mga posts or ang mga paniniwala ng isang tao dahil sa paniniwala ito ay naglalahad ng fake news, maraming factor ito. Whether sila daw ay peddler ng fake news, whether ito ay historical revisionism.
Anong ibig sabihin ng historical revisionism? Gumagawa ka ng kasaysay na taliwas dun sa dapat paniwalaan ng mga tao. So example ng historical revisionism na sinasabi ay yung paniniwala na bayani halimbawa ang dating presidenting si Ferdinand Marcos. o na yung si Corazon Aquino ay may... Isa rin tinatawag na may other side siya na hindi dapat nilalabas sa tao pero biglang nilalabas na ng tao.
So, ito yung mga more or less kinakaharap ng mga writers ngayon. Economic, mental health problems, and social media presence. Ang importanteng magkaroon itong mga writers ng mental preparedness.
Kasi kung ikaw ay isang writer, Natural lamang na makikipag-argumento ka. Importante sa isang writer yung tinatawag na diskurso. Pero kailangan din matuto ang mga writers na umiwas sa mga laban, mga away, na hindi nila dapat i-engage. Itong mga trolls, for example, hindi mo dapat i-engage ito kasi ang purpose talaga nila sa buhay ay bisitin ka para ikaw ay madiscourage na mag-isip ng nakayon sa'yo.
Meron din term na tinatawag na gaslighting. Biglang ipaparamdam sa iyo ng mga troll na pagdudahan mo ang sarili mong mga ideya. Imagine nyo, andaming magsilitawang mga terminolohiya sa panahon nitong pandemia na nakaka-apekto sa mga writers na whether sa malikhaing pagsulat o sa periodismo o journalism. So yung cancel culture, yung cabin fever, yung trolling at saka yung...
yun nga, yung gaslighting ito yung isa sa mga nag-silly tawang mga terms at saka yung mga tinatawag nating example, yung mga tinatawag nating mga privileged people na of course, may mga terms may mga terms like mga DDS writers, mga dilawan tapos sa Amerika naman mayroong tinatawag ng mga currents or mga MAGA make America great again so, importanteng aware tayo Sa kung ano tayo sa ating political na pananaw, no? Kailangan ma-aralin o suriin natin mabuting ating mga political choices at the same time, suriin din natin kung ano yung ating mga pinopost sa ating mga social media. Kung hindi tayo ganong handa makipagbalitaktakan sa ibang tao, mas mabuting pag-isipan ng dalawang beses o isulat ng ilang beses ang ating mga ideya bago natin i-post.
Huwag tayo mag-post sa mga bagay na nakakagalit sa iba. Yun lamang at sana ay may natutuhan kayo sa aking munting pangaral tungkol sa speech. Ang dami ko natutunan, sir.
Nafil ko yung kalagayan ninyo bilang writer. Kasi ako din po nagsusulat po ng ma-konti lang po ng mga kwentong pangbata. So ito yung sunod na limang.
Mananalo ng load. Wow, sino yung mga yan? So ang tanong po ay tungkol saan ang talumpating binigkas ni Sir Randy? So lagyan nyo po ng hashtag, syempre yung sagot ninyo, then yung full name po ninyo, and then yung name of school, then yung cell phone number. Ayan.
So next week po natin yan, i-announce? Basta magsagot lang po kayo, mag-send lang po kayo ng sagot. Sa lahat po ng mga mag-aaral na natili hanggang dulo, ito po, Tutoroxy.
Yes, pwede niyo pong i-follow si Sir. Pwede po sa iyong FB account, randigarlitos.com Kung nabitin sila. At syempre, o yung libro ni Sir na Cheneline Cheneline, gusto ko yun.
So yan, grab your copy na po ng kanya pong storybook na yun. May nagtanong ba dyan sa ating mga mag-aaral? Kahit isa siguro, masagot ni Sir?
Ayan. Napakaganda po ng tanong pati mo, Sir Randy. Ah, poor message.
Ayan. Feel na feel ko po. Ayan.
Ayan. So, marami po silang natutunan. Nag-take down notes po ako sa binidanyen na astelyero.
So, walang tanong. Ibig sabihin, I will explain. At ang ating example ay talagang ano. At talagang nakapagbigay si Sir ng kanyang...
Makabuluhan at napaka-importante yung mensahe ang kanya pong talumpati ngayon. Maraming maraming salamat. Sigurahin natin ang huling salita sa sir.
Sir, ano niyo po? Encouragement sa ating mga mag-aaral. Ayun, maraming salamat sa mga...
...komento at sa mga reaction ng ating mga manunulat, mga aspiring na mga manunulat, whether teacher man or mga estudyante. Siguro as parting word for, para message of inspiration para sa ating mga... pag-aaral.
Unti-unti na tayo nakakabawi bilang isang bansa sa dinanas nating malaking challenge na ito na itong pandemia ng COVID. Kaya importante talaga ay manatiling well-informed. Kung meron man na ituro sa atin ng pandemia, yun ay yung pagyakap sa teknolohiya ng internet, at mga teknolohiya ng... ng internet connectivity upang tayo ay makapag-interact. Hindi naging imposible para sa atin ang mag-aaral, so ini-encourage ko kayo na ituloy ang pagiging mananaliksik.
Wala man tayong physical na library sa mga panahon to, magkakaroon nito next year, panigurado kapag wala ng pandemia, pero subukan din maging mahusay na mananaliksik sa pamagitan ng pag-research sa internet. Siyempre, gagamitan natin ito ng tinatawang critical skills. Learn to spot the fake from the truth.
So, huwag basta-basta naniniwala sa mga inilulutang, kailangang i-verify natin ito. So, yun po. And of course, last but not the least, think before you click.
Gaya nga ng sabi ni Howie Severino, think before you click. Lahat ng pinapost natin sa social media, Hanggat maaari, ipag-isipan natin mabuti. Kasi the moment ipublish natin ito at makita ng kahit isa lamang na tao, at kung kayo naging irresponsible sa pagiging social netizen, bumabalik po sa inyo yun.
So, yun lamang po. Maraming salamat sa pagkakataon na palad kayo virtually, mga estudyante at mga teachers. Good luck and congratulations sa inyo. Thank you, sir!
Sana sa susunod pa. Salamat po, sir. Salubitong salubo po kami sa iyo.
Ayan. Maraming salamat. Mayroon po tayong komento. Thank you, sir. Padala po ang inyong mga mensahe, suwestion, at komento sa DepEd.
Tech Unit DepEd tayo sa Facebook, sa YouTube, DepEd Educational Technology Unit, DepEd TV. Ayan. So kailangan i-follow niyo po yan. And maraming salamat. Maraming salamat po, Sir Randy Garlitos.
Salamat sa mga sajante natin. Ito po si Tutor Mina. Tutor Roxy.
Nagsasabing, sama-sama nating itulay, ang kalidad ng edukasyon sa gabay ng Panginoon. Susunod po ang House Elementary. Thank you po, Sir Randy. Thank you po. Ang husay naman!
Natapos mo ang iyong tutorial session kasamang iyong mahusay na Itulay Tutor. May bago ka bang natutuhan? I-share na yan gamit ang hashtag ItulayLevelUp.
Huwag aalis ha, dahil may susunod pang programa na pwede mo rin panoorin at salihan. Dahil naghihintay na ang iyong mga tutors. Happy learning dito sa Itulay!