Mga Kwentong Pambata Ang Kwentas Noong unang panahon sa napakagandang bansa ng pransya, may isang kaakit-akit na babaeng ang pangalan ay Matilda. Inaalagaan niya ang kanyang itsura at palaging nag-aalala lang wala siyang magagarang gamit. Siya'y kasal sa isang hamak na clerk na si Victor na nagtatrabaho sa ministro ng edukasyon at kumikita naman ng sapat.
Palaging bitbit ni Matilda ang pag-aalala. Ha! Ang ganda ng suot ng babaeng yun.
Ang gaganda ng mga laso niya at alahas habang ako. Ni laso man lang ay wala. Ba't ka ba nag-aalala sa mga mabababaw na bagay?
Kahanga-hanga ang iyong ganda. Hindi pa ba yun sapat? Hindi kumbinsido si Matilda. Naniniwala siyang dapat na meron siya ng lahat ng mga yaman na mayroon ang ibang babae. Noong gabi, sila ni Victor ay naupo upang maghaponan.
Ah, mainit na sabaw at bagong lutong tinapay. Hindi ba ito kaaya-aya? Ah, sabaw na naman at normal na tinapay. Sana makakain man lang ako sa maraming pagpipilian at mas magagandang kubyertos.
At kaya si Matilda ay nagpatuloy na mabuhay na laging may gustong higit pa, kaysa sa makuntento sa kung anong mayroon siya. Isang araw, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya. Matilda, eto para sa'yo to.
Binuksan niya ang sobre at nakita ang imbitasyong nasa loob. Isa itong... Isang imbitasyon sa handaan. Nagagawin isang linggo mula ngayon sa bulwaga ng ministro.
Hindi ka ba masaya? Masaya? Victor, sabihin mo nga anong isusot ko sa handaan yun. Ha? Um...
Siguro yung damit na palagi mong sinusuot sa sinihan? Kasi maganda ka naman. Sa...
sa akin? Oh, anong problema? Kasi wala ako kahit anong, kahit anong pwedeng isuot sa handaang ganon! Mahal ko, huwag kang uyak.
Magkano ba ang bagong bestida? Tumahan sa pag-iyak si Matilda at nag-iisip ng mabuti. Ah, mga apat na raang francs.
Biglang namutla si Victor sa narinig. Yun ang eksaktong halaga na itinabi niyang pambili para sa gamit pangisda pag lumalabas sila ng mga kaupisina niya. Kung ganon, mahal ko, ibibigay ko sa'yo ang pera para makabili ka ng napakagandang damit. Ngunit habang papalapit na ang handaan, lalong hindi mapakali si Matilda.
Anong problema? Hindi ka ba masaya sa iyong damit? Maganda naman siya, pero wala akong alahas na pangterno dito. Naku, wala na akong perang pambili ng alahas. Bakit di ka magsuot ng mga bulaklak?
Nasa uso namang magsuot nun ngayon. Bulaklak? Ah, pues malalaman ng lahat na napakahirap lang natin. Hindi, kailangan ko ng alahas o kung hindi, hindi ako dadalo.
E di ba't di mo tanungin yung kaibigan mo? Si Jean, sigurado akong pahihiraming kanya. Natuwa naman si Matilda sa ideyang ito.
Kaya't siya'y bumisita kay Jean na siyang naging mabuting kaibigan sa kanya. Ngunit ngayong si Jean ay may maganda ng bahay at magandang buhay, inilayo ni Matilda ang kanyang sarili. Matilda! Kumusta ka na?
Nagkwentuhan sila ng ilang sandali, hanggang sa masabi na ni Matilda ang pabor niya kay Jean. Alahas ba? Siyempre, marami ako.
Piliin mo kung alinman ang gusto mo. Inabot niya ang isang kahong punong-puno ng mga trinkets at mga alahas. Nasasalamin ang kinang ng mga ito sa muka ni Matilda. Marami siyang sinukat, ngunit walang nagustuhan. May iba pa ba akong pagpipilian?
Eto, meron akong dalawang kahon pa. Tumingin si Matilda, ngunit wala siyang nakita sa unang kahon. Ngunit nang buksan niya ang pangalawang kahon, nakita niya ang pinakamagandang kwintas na diamanting nakita niya sa buong buhay niya. Maingat niya itong isinuot sa kanyang leig, at siya'y natuwang makita ito sa salamin.
Ah, ah, ayos lang ba kung, kung ito na lang, kung ito na lang ang hihiramin ko? Oh, syempre naman! Nagalak dito si Matilda. Nagpasalamat siya kay Jane at nagmadali ng muwi.
Sa gabi ng handaan, naging buo ang tagumpay ni Matilda. Siya'y tumawat na ipagkwentuhan ng may saya, lalo na't ng ang ministro mismo ang bumati sa kanya sa kanyang pagdalo sa handaan ito. Pagkatapos ng handaan, hinanap niya ang kanyang asawa na siyang pumasok sa isang kwarto at nagpahinga.
Kinuha niya ang balabal at inilagay sa mga balikat ni Matilda. Ah, ang balabal na ito'y nakakasira sa kabuuan ng ganda ng suot ko. Tingin ko di ko nalang isusuot yan. Ang kawawang si Victor ay sinunda ng asawa sa kalye. At tila ang gabing yun ay isang malas na gabi dahil walang dumada ang mga taksi.
Naglakad sila ng matagal hanggang sa sila'y nakapara na nito. Ano? Hinatid sila nito pa uwi at sila'y bumaba at umakit sa kanilang kwarto. Pagkapasok nila sa loob, hinangaan pang muli ni Matilda ang sarili ng panguling beses. Oh, hindi!
Anong nangyari? Ang, ang, kwintas! Wala sa leid ko! Na, nawala ako ang kwintas!
Ano? Imposible yun. Sinuot mo ba yun bago tayo umalis?
Siyempre suot ko! Naaalala ko rin na sa leid ko ito habang kausap ko ang ministro. Eh, doon kaya sa, sa taksi. Nakuha mo ba yung numero?
Hindi, hindi ko nakuha. Nanghina ng husto si Victor. Alas 4 na rin kasi ng umaga.
Sige, babalikan kong mga dinaana natin at hahanapin sa mga kalye kung nahulog man doon. Pagkatapos agad siyang umalis at iniwan si Matilda na nag-iisa at nakaupo at blankong-blanko ang isip. Paglipas ng ilang oras, malungkot na bumalik si Victor at siya'y walang nakita.
Sinabi niya sa asawa. na sumulat kay Jean. Sabihin mo na inabot mo yung kwintas para ipaayos kasi nasira yung kawit. Magkakaroon tayo ng panahon para mahanap ang kwintas.
At habang ginagawa ito ni Matilda, si Victor naman ay gumawa ng reklamo sa mga pulis at taksi driver. Pero walang balitang dumating sa kanila. Wala na tayong ibang magagawa kundi palitan ang kwintas na yun.
Umikot sila kung saan-saan sa lahat ng mga alahero. Saan? Sa wakas, may nakita silang kapareho na kwintas tulad ng kwintas na nawala. Ito na yun! Gino'o, magkano ito?
Eto, madam, ay naghahalagang apatnapunglibong franks. Masakit man sa loob nila, binili na nila ito. Nakiusap sila sa alaherong hintahin sila nito hanggang makakuha sila ng pera.
Si Victor ay lumibot at nakiusap at nagtanong sa lahat ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Nakolekta niya ang perang kailangan at binili niya ang kwintas. Isinauli niya ito kay Jean.
Nakinuha naman ito nang hindi man lang ito tinitignan. Pagkatapos noon, nagbago ang buhay ng mag-asawa. Binitiwa nila ang mga katulong at lumipat sa isang tirahan na mas mababa ang renta.
Si Matilda ay nagkuskus at nagkula at nagtrabaho sa iba't ibang bahay sa syudad. Ang kanyang mukay kumunot at gumaspang ang mga kamay. Si Victor ay mas humaba ang mga oras sa trabaho sa umaga at nagtrabaho rin sa gabi. Pagkatapos ng sampung buong taon ng paghihirap, nabayaran na nila ng buo ang kanilang utang.
Ngunit napakalaki ng ipinagbago nila. Napakapaangit na ng mga kamay ko ngayon. At ang maganda kong buhok.
May mga uban na ang buhok ko ngayon. Isipin mo na mga hibla ng pilak mahal para sa lahat ng pagihirap natin. Napangiti siya sa sinabi.
Ngunit nalungkot pa rin siya pag naiisip ang nangyari dahil ang sa isang diamanting kwintas. Isang araw, habang naglalakad sa labas, nakita niyang isang binatang sumasabay sa lakad ng magandang babae. Si Jean!
At ang kanyang itsura ay singganda pa rin ng isang rosas. Ano kaya kung puntahan ko siya at kausapin? Jean!
Kumusta? Napakatagal na pero ang ganda-ganda mo pa rin! Sino ang babaeng ito?
Parang hindi ko pa siya nakikita. Madam? Paumanhen, ngunit tingin ko'y hindi pa tayo nagkaka... Mahal kong kaibigan, ako ito, si Matilda.
Siguro nga malaki na ang pinag-iba ko. Matilda? Nako, mahal ko! Anong nangyari sa'yo? Kinuwento na ni Matilda kay Jean ang tungkol sa nangyari.
Naisip niyang bayad naman na ang buong utang nila at maayos na ang lahat. Mabuti ng umamin na rin sa kanya. Sinabi mong nawala mo noon ang kwintas ko.
At pagkatapos ay bumili ka ng kapalit na nagkakahalagang 40,000 francs? Oo, pasensya na at nawala ko nung una pa lang. Oh, Matilda!
Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang katotohanan? Ang kwintas na yun ay di man lang nagkakahalaga ng dalawang daang francs! Paano yun naging posible? Napaka-elegante pa naman nun! Ngunit peke lang yun.
Isa yung kwintas na gawa lamang sa inukit at kinulay ang mga piraso ng kristal. At kaya ang kawawang Matilda ay natutunan ang leksyon. Kung siya ay nakontento lamang sa kung anong mayroon siya at binilang ang kanyang mga biyaya, siguro ay hindi na niya kinailangang pahirapan ang sarili niya ng ganito.
Naging katawa-tawa talaga ako. Meron akong disenteng bahay at mapagmahal na asawa. Bakit hindi ko ito nakita dati?
Mahal kong Matilda. Nakauwi na ako. Anong tanghalian? Oh, at binili ko ang mga bulaklak na ito. Sana magustuhan mo sila.
Ang gaganda! Para sa tanghalian, naisip kong mag-init ng sabaw at mga bagong lutong tinapay. Ayos lang ba?
Naku, masaya na ako dyan.