Ang puno at ikaw ay hindi nalalayo. Ang ugat na nakatago ay ang iyong mga pinahahalagahan at kinatatakutan. Mga pangarap na kinalauna na iuusbong mula sa dilim, patungo sa liwanag ng ibabaw. Ang mga sanga at mga dahon nagmula sa isang buto. ay ang iyong milya-milya at libo-libong epekto sa kalupaan, sa ibang nilalang, at sa iyong kapwa.
Nag-iisa ka, oo, ngunit malayo at matayog ang pwede mong maabot. Dito sa Nabunturan, sa probinsya ng Davao de Oro, may isang grupo na mahilig magtanim ng puno. Ngunit hindi basta-bastang puno ang kanilang itinatanim. Mga native species ang ginagamit nila sa mga reforestation at urban landscaping projects.
Ang mga native species ay mga uri ng halaman o hayop na natural na tumutubo o matatagpuan sa isang lugar. Dito sa arboretum o garden of trees ng Nabunturan Native Tree Enthusiasts, iba't ibang native tree species ang nakatanim at pinaparami. May mga red lawaan, piho, agoho, kalantas, mangkono, hagak-hak, pangis at marami pang iba. Ang mga seedlings mula sa mga ito ay ginagamit nila sa kanilang iba't ibang tree planting activities.
Sila at ang iba pang native tree enthusiasts sa buong bansa ay nagsusulong ng pag-uusapan. Paggamit ng katutubong kahoy upang pangontra sa krisis ng klima. Importante na native trees yung itanim natin at yung alagaan natin kasi sila yung swak sa Pilipinas. So meron na silang relationship sa native wildlife.
Pag sila yung tinanim mo, na-invite mo rin yung native wildlife, mga ibon, mga mamas, kung ano-ano. Pag nag-tanim ka kasi ng invasive or alien species or exotic species, mabibreak mo yung relationship sa wildlife. So maaaring itong puso.
puno na ito na native, pinalitan mo ng mahogany or jamelina, eh, binabahayan pala yun ng isang rear na ibon. So, wala yung ibon. Ayun yung mahalaga.
Mahalaga yung native trees. Bukod sa sino supportahan nito ang ating local wildlife, ang mga native trees ay mas adapted sa ating environmental conditions. Ibig sabihin, mas kaya nilang makasurvive sa mga bagyo at nakakatulong makabawa sa pagbaha at pagguho ng lupa. Kadalas ang naguugat sa magandang intensyon ang mga tree planting activities, ngunit dapat isaalang-alang na may mga limitasyon ito. Ang susi upang mas mapalawig ang pakinabang nito ay ang pagtatanim ng tamang puno, sa tamang lugar, sa tamang panahon at sa tamang paraan.
Ang tamang puno, walang iba kundi ang mga katutubong kahoy o ang native tree species. Mahalaga rin na hindi lang isang uri ng puno ang itanim. Dapat kopyahin ng isang natural na gubat na may iba't ibang klase ng puno at halaman. Hindi dapat monoculture o isang uri lamang. Importante rin na may species site matching bago pa man magtanim.
Ito ay iyong pagtukoy sa mga katangian ng lugar ng pagtataniman tulad ng klase ng lupa, akses sa tubig at uri ng klima. Pagkatapos ay pagtugma ng mga species na nababagay rito. Sa usapin ng krisis sa klima, pinakamahalaga na mabawasan ng carbon emissions at maprotektahan ang mga natitira pang kagubatan natin. Kasabay nito, importante rin na gumamit tayo ng nature-based solutions upang maibsa ng epekto ng pag-init ng mundo.
At isa na nga rito ang pagtatanim ng katutubong kahoy. Ikaw at ang puno ay hindi nalalayo. Mayroon ka rin koneksyon at responsibilidad sa kalupaan at sa iyong kapwa. Kung nais mong yumabong, isama mo sila.
Hindi ka nalalayo sa puno. Oo, nag-iisa ka. Ngunit malayo at matayog ang pwede mong maabot tulad ng isang puno.
Paano pa kaya kung magsama-sama tayo at maging tulad ng isang gubat? Na nagtitipon? Kumakalinga at nagtataguyod.