Sa malalim na dagat sa paligid ng Rumblon, may isang isla na mayaman sa kalikasan, pero salat sa kabuhayan. Pitong taon na ang nakalilipas mula ng una akong tumapak sa isla ng Sibuyan. Sa aking pagbabalik, hindi lang ang malawak na gubat ang aking babalikan, kundi tatlong batang di ko kailanman malilimutan.
Ang gubat ay hindi lugar para sa mga bata. Madaling maligaw sa masukal na kagubatan. Ang usok at apoy ay hindi laruan. Pero sa mga batang ulila sa magulang, lahat ng ito kailangan kalimutan.
Taong 2015 nang isulat ko ang mga salitang ito. Tulad ng maraming probinsya sa Pilipinas, problema rin ang child labor sa Rumblon. Makalipas ang pitong taon, may nagbako na kaya sa sitwasyon.
Ang Gubat ng Sibuyan ang una kong pinuntahan. Sa paanan ng bundok, sila ang una kong nakita. Pakiramdam ko, bumalik lang ako sa nakaraan. Matyagang nagbubuhat ng kahoy na uulingin sina Kimberly, Jasmine at Abeljan, tatlo sa limang anak ni Mang Nono. So ilang taon nyo na pong ginagawa itong pag-uuling tay?
Matagal lang kasi nagsimula. Wala pa akong pag-uling, wala pa akong asakwa eh. Mga kinsipa lang ako.
Buti po kinakaya ninyo kahit sa kalagayan po ninyo. Kaya ko po ma'am kasi hindi naman ako dito lumaki dito sa baba. Lumaki ako sa bundok.
Sanay talaga kayo? Opo. Nakapag-aral kayo, tay?
Wala po, ma'am. Ah, hindi kayo nakapag-aral? Kasi hindi ko po kaya. Eh, bakit po? Eh, layo eh.
Hindi pa ako nakakusuot ng tinilas. Kaya hindi kayo makalakad papunta sa eskwelahan? Nakakalakad, pero yung sticky ko naman, ano, masakit sa simintado ba.
Ipinanganak ng ganito si Mang Nono. Akala ng kanyang mga magulang di na siya makakapaglakad. Pero tinuruan ni Mang Nono ang kanyang sarili na tumayo sa sariling paa. At anumang kakulangan sa pangangatawan, bumabalik. mawisim ang nono sa kasipagan.
Ang nangyayong trabaho ko po, yun talaga, nag-uuling talaga ako, pananit, tanom ng balinghoy, saging, ganito. Kung may anihan, yun sa salanas, sa punong, nag-aani ako. Ako, nakalubog pa ito dito, hanggang dito. Nakaluhod pa dyan ako sa tunga ng lanas.
Yan, yan ang binuhay namin at saka yung kumukha kami ng gulaman doon sa tabing dagat, yung sewage na tinatawag. At nang magkaroon siya ng mga anak, isa lang ang kanyang inaasam. Maiba ang kanilang kapalaran. So hindi na...
lang po kayo nag-aaral? Hindi po. Kahit grade 1? Meron, ma'am.
Hanggang grade 1 lang. Pero ang mga anak nyo po? May nag-aaral po yan, ma'am, kasi ayaw ko tumulad sa akin.
Mga anak nyo? Oo po. Anong grade ka na, Kim? Grade 9. Grade 9?
Oo, galing mo naman. Ibig sabihin, malapit ka na mag, ano, ilang taon na lang, senior high ka na, tapos ka na. Hindi ka tumigil sa pag-aaral, Kim? Hindi po kasi may pangarap ako.
Si Kimberly ang panganay sa limang anak ni Mang Nono. Araw-araw man silang nasa gubat para magtrabaho, hindi sila nakalilimot sa pag-aaral. Naaawa pa ako sa kanya, kaya na magsumika pa ako sa pag-aaral para matulungan ko po sila. Sa kalaga ni Papa, napakahirap na walang chinila. tapos naglalakad, pati sa mga bato, super sakit ko talaga.
So itong binubuhat namin na kahoy, medyo hardwood siya kung titignan mo. Actually, hindi naman ito kinuha sa gubat. Ito lang ay kinuha lang nila mula sa isang ginibang rest house. Rest house ba?
Opo. O yun. Kaya nakikita ninyo may paku pa.
Kasi sa totoo lang pinagbabawal naman ng gobyerno yung pag-uuling ng mga malalaking puno. So sila, ang ginagawa nila, mga sanga-sanga lang yung kinukuha nila. Tapos yun yung ginagawang uling. Or yun nga, kapag may ginibang bahay, kinukuha nila yung mga scrap na kahoy, tapos yun yung ginagawa nilang uling. Maya-maya, narating din namin ang hukay kung saan nila iniipon ang mga uulinging kahoy.
Dalawang buwan na raw nila itong iniipon, pero kulang pa. Habang nagtatabas ng mga sanga at natumbang puno si Mang Nono, ang mga anak naman niya ang nagbubuhat ng kahoy. Nagtatrabaho sa Maynila ang asawa ni Mang Nono. Kaya siya ang solong nagpapalaki sa mga bata. Pag nakikita niyo po si Abel Jan na nagbubuhat po ng kahoy, ano pong nararamdaman niyo minsan?
Bakit po? Masakit, Mommy. Masakit po, ah.
Siyempre masakit. Nakikita mo mga anak mo na maliit pa, ganito-ganun ang ginagawa. Pero tinitiis ko lang yan.
Kasi kailangan nilang tumulong sa akin. Kahit isipin ko man na hindi ko tiyala para tatrabahoy ng ganito-ganun. Wala namang kakaib niya.
O mahirap naman kasi ayokong gumaya sila sa ibang bata na ano lang yung inaatok pa, ganito ganun lang. Gusto ko lumaki sila na ano sa kanilang sarili, hindi sila umasal na ganito ganun. Maka tayo, sira sa sarili nilang pa.
Yung nakasukat lang ha, hindi pag-ibot ang angkot. Nang makaipon na ng sapat na kahoy, sinimulan na ang proseso ng pag-uuling. Yung naipon nila ng mga kahoy, tinabunan nila ngayon ng mga dahon at saka yung mga bagay na madaling masunog. Tapos ngayon tinatabunan nila ng lupa. Kasi ang sabi ni tatay, para daw mabuhay yung apoy.
for at least two days hanggang sa masunog talaga yung kahoy doon sa ilalim, kailangan tabunan nila ng lupa. Kailangan itong tabunan ng lupa para maging animoy pugon ang hukay na kanilang ginawa. Karaniwan silang kumikita ng isang libong piso sa trabahong ito.
Sa isang ulingan, isang libong kinikita ninyo. Opo, pero yung pag-uling ni Papa, matagal po bago nakakatapos. Umabot po ng dalawang buwan minsan.
Kasya na yun sa pagkain? Hindi po, kulang po talaga. Yung po talaga yung isang libo na yan kasi tamit po kasi si Papa.
Maliban pa po yung personal po kasi nga ginagamit namin. Nabahit sa utang. Habang umaapoy ang hukay, tuloy-tuloy ang usok sa lugar.
Bumalik sa aking alaala ang usok at apoy na madalas kaharap ng mga batang balaw. Nakilala ko si Nadiza, James at J.R. Vinancio noong 2015 sa kagubatan ng Rumblon. Batang balaw ang naging bansag sa kanila dahil sa trabaho nila na pagkuhan ng dagta mula sa mga puno ng balaw sa kagubatan. Ang balaw ay isang uri ng puno na naglalabas ng madikit na dagta.
Ginagamit itong pambarnis at pandikit sa mga bangka. Pero para lumabas ang dagta ng puno, kailangang painitan ng apoy ang isang bahagi nito. Naglalabas ito ng uso na nakasusulaso. Uli la sa magulang ang tatlong bata, kaya kailangan nilang magtrabaho para may makain na araw-araw.
Kumusta na kaya ngayon ang mga batang balaw? Ito yung litrato na kinunan ko way back 2015, nung last kong na-meet itong sina Diza, si James at si JR, ang liliit pa nila, seven years later. Eto, nandito na naman ako sa Sibuyan, sa Romblon. Ma'am Ivy! Hi!
Si Ma'am Ivy yung teacher na tumutulong sa amin. Kasi simula nung ginawa namin yung documentary na Batang Balaw, si Ma'am Ivy na ang tumayong parang nanay ng mga bata. Ito yung picture namin noon.
Malaki na ba sila ngayon? Maraming bago. Binadad talaga na po ngayon.
Talaga? Dati nakatira sila sa parang bahay lang ng manok yun eh. Dito na po sila nakatira. Hello!
Hello! Hi, Disa! Hi po.
Kamusta talaga? Hi! Ang laki mo na! Saan yung mga kapatid mo?
Ala! Dalaga ka na! Sino to? Si JR.
Oh! Oh my, alika nga dito. Diyos ko.
Ba't binata na? Ang laki-laki na. Si JR ka? Opo.
Ang liit mo. Tingnan mo yung picture mo, o. Iyan ko, o. Ang liit. San si James?
Kuya James? Kuya James! Alika dito, James.
Ay, naiyak naman ako. Kumusta na, James? Ang laki mo na. Kumusta na?
Anong grade ka na? Alam, parang binata na magsalita. Labing tatlong taong gulang lamang si Diza nang huli ko siyang makita. Ngayon, 20 years old na ang dalaga at hindi na musmos ang kanyang mga kapatid. Ulila na sa magulang ang tatlong bata.
Noon, madalas ko silang makita sa kagubatan. Nagbabanat ng buto, nagtatrabaho. Music Mula ng maipalabas ang dokumentaryong Batang Balaw, kinuha naming iskolar sa Project Malasakit ang tatlong bata. Maraming manunood ang nagambag-ambag para matustusan ang pag-aaral ni Nadiza.
Ang kanyang tita at ang mga teacher naman nila sa España Elementary School ang nagsilping pangalawang magulang ng tatlong bata. At makalipas ang pitong taon, nagbunga rin ang kanilang paghihirap. Nagtapos na sa high school si Diza at ilang taon na lang magkukulehyo na. Kung ipukumpara mo yung buhay mo noon nung huli tayong nagkita sa buhay mo ngayon, anong malaking pagkakaiba?
Malaki pong pinagbago. Sobra. Sobra? Bakit? Kasi po nung dati kumukha kami ng balaw, ngayon po hindi.
Dito na po kami sa bahay. May business na. Yung kapatid ko di na po pumupunta sa dagat para manghuli po para pambin tayo. Kumbaga libangan na lang po nilang dalawa kasama po yung parkada.
Ang gubat, ang dagat, na dating lugar ng pagod, piligro at sakripisyo, Ngayon, mistulang alaala na lang ng nakaraan. Nagbunga rin lahat ng pagbibira. Opo, nagbunga rin ako. Mahala ko po hanggang doon lang, hindi pala. Madami nga nagsasabi, Uy, tisang luha pa na, uy, ganito, gani-ganyan.
Ganon talaga ang buhay. Hindi lahat ng oras na nadadapa ka, babangon ka din. Naiiyak ako.
Nay-iyak po talaga ako, lalo na pa gabi hindi ako makatulog. Naisip ko, siguro kung hindi ako na-teacher ni Miss Cara, ano kaya ang buhay ko ngayon? Paano kaya ako?
Sa tulong ng mga nag-sponsor sa kanilang scholarship, full-time ng mga estudyante ngayon si Nadiza, James at JR. Kapag walang klase, nagtinigosyo si Diza, pandagdag sa kanilang school allowance. Mahilig po talaga ako sa magluto-luto. Kaya nga sabi niya nating mag-HM ako. Mahilig naman po talaga ako.
Bisa po nagluto ko ng banana cube, binibinta ko po. Bisa po nag-hot cake ako, binibinta ko din po. Tapos po yung ice candy po talaga. Diba mainit na po dito sa amin na? Tapos nasarapan po sila.
Tapos meron din pong umuoy, girl. Bukod sa paggawa ng ice candy, pumasok na rin sa online selling si Diza. Sabi niya nating para daw may purpose yung cellphone ko.
Kakahiga-higa ko daw. Ba't gano'n ko din pagpirahan? Sabi niya, tinayaya ako niya. Kasi wala naman po kami pera ilalabas. So yung auntie ko, nga taga dito din, tinayaya ako na mag-re-seller daw.
Nag-re-seller ako, yung tubo ko mahigit 1K. Naa-anap ako, parang nasihan ako. Tapos tinuloy ko pa hanggang ngayon. Nakakatulong po yun. Wala po kami pang-ulam.
Kung may personal akong kailangan ko na bilhin, nagbibili ko po. Kung dati nagsisikap si Diza sa gubat para buhayin ang kanyang mga kapatid, Ngayon, sa negosyo na siya, nakatutok. Sa kabila ng kanyang tagumpay, hindi nakalilimot si Diza sa kanyang pinanggalingan. Batid niyang marami pang mga batang tulad niya noon na nakikipagsapalaran sa kagubatan.
Halimbawa ko po, isan nga po, nakadako may tumatakbo na may dalang sihi, isda, nagbibinan. Naala ko ganyan din ako dati. Sabi ko gano'n. Sige lang, kaya rin yan. Makakaraos din.
Opo. Dahil sa malasakit ng mga tao, kahit papano, nakaahon na sa kahirapan si Nadiza, James at JR. Kailan kaya makakatakas sa usok ng kagubatan si Kimberly, Jasmine at Apple Jan?
O, tulatin niya na. Masako. Ito yung isa sa mga hukay na ginawa ng pamilya Merida.
Pagkatas ng dalawang araw, magiging ganito na yung mga nakuha nilang kahoy. Huling na ito. Pero may ibang ano ata eh. May hilaw ba? Reject yan, ma'am.
May mga reject? Patingin po ng reject. Ito po, ma'am.
Ito po. Yung ganito, rejected to kasi hindi siya totally nasunog hanggang dun sa loob. Maingat na kinuha ng mga bata ang bawat piraso ng uling mula sa hukay.
120 pesos lang ang halaga ng kada sako ng uling, kaya bawat piraso mahalaga. Kailangan talaga kasi kung napapagod ka, wala kang pinang lakas, hindi ka nagtitiwala sa Panginoon. Talagang iba talaga yung mapapagod ka kasi wala kang tiwala. Maliit man ang kinikita ng mag-aama, masaya silang umuwi at nagsasalo-salo. Gaano man kasalat sa kabuhayan, mayaman sila sa pagmamahal.
Sila talaga ang inspiration ko. Kaya nga sila sabihin ako ni Mrs., Pa, huwag ka naman ganito ganun. Sabi ko, hindi, nagtatrabaho ka nga. Diyan, ako hindi, hindi mo ko patatrabahoy. Alam mo naman, sabi ko na nung maliit pa yung mga anak natin, alam mo naman kung sino nagtatrabaho, ako.
Pagkatapos man ng halian, diretsyo sa pag-aaral ang mga bata. Isulat mo 3, 5 times 4 pila plus 1. Gaano man kapagod ang kanilang mga katawan, hindi pwedeng bumitaw sa pangarap. Ikaw naman. Ano naman pinagdadasal mo sa Panginoon, sa Diyos, Abel Jan? Sana maging ayaw ang kay Papa pa.
At saka lang ilayit siya sa mga sakit. At ilayit siya sa mga... kapahamakan, naginadulot.
E para sa sarili mo, ano naman ang pinagdadasan mo? Saan maabot ko yung pangarap para mabigyan ko si Papa ng lungas sa iya, mga gilpang ubra sa akon. Yung mga maayo.
Tulungan niya ako pagdako. Sa isang banda, maswerte pa rin si na Kimberly, Jasmine at Abeljan. Dahil sa kabila ng lahat ng problema, hindi sila nag-iisa. Meron silang amang gumagabay at nagsisikap, ipinaglalaban ang kanilang mga pangarap.
Gagawin ko talagang lahat. Kasi yun nga ang sinasabi ko, hanggat kaya ko, gagawin ko. Para sa kanila, para na matulungan sila sa mga pangailangan nila, gagawin ko.
Naalala ko si Nadiza nang pumanawang kanilang ama noon. Saan banda? Ito pa. Hindi ko alam kung paano kong papawiin ng kanilang lungkot at pangungulila. Iba talaga pong may magulang kasi may mayayakap ka.
Kapag walang pasok sa eskwela, dito madalas magpunta ang magkakapatid na James, J.R. at Diza. Saksi ang karagatan sa lungkot ng kanilang nakaraan. Sa gilid ng dalampasigan inilibing ng magkakapatid ang kanilang pinakamamahal na ama. Kamamatay lang ng kanilang ama nang makilala ko sila taong 2015. Wala pang lapida ang kanyang puntod noon.
Doon ko unang nakitang tumangis si Diza. At hindi ko malilimutan ang kanilang simpleng dasal. Anong dinadasal ninyo kay Jesus?
Sana maging masaya kami. Makalipas ang pitong taon, ito pa rin kaya ang kanilang dasal. Sinamahan ko ang tatlong bata sa puntod ng kanilang yumaong ama. Kung dati bumulong sila ng dasal sa kalangitan, ngayon, mensahe na ng pag-asa at pagmamahal. Huwag na po kayong mag-alala sa mabuting kalagayan na kami.
Hindi na kami nahihirapan sa araw-araw. Nakaraos na kami. Di gaya dati, may sitwasyon ng buhay ka pa. May sasikap na makapagtapos ako ng pag-aaral para itulungan ko sa araw-araw.
Matagal ng problema ang child labor sa Pilipinas. Si Disa at ang kanyang mga kapatid ang patunay na posible pa ang takumpay. Isang isla, pitong taon, dalawang pamilya. Sa tulong ng mga nagmamalasakit, sana si Diza ang maging kinabukasan ni na Kimberly, Jasmine at Abel Jan.
Sana wala ng batang magtatrabaho at makikipagsapalaran sa kagubatan. Ang gubat ay hindi para sa bata. Ang apoy at usok ay hindi laruan. Bawat bata may karapatan. Karapatang mag-aral, karapatang maglaro, karapatang mangarap, maging bata.
Ako po si Cara David at ito po ang Eyewitness. Ako'y dinikanan, dito'y atong lugar Ang ako'y hindi ako'y dito'y atong lugar Lugar sa... Pagkabukiran, yaduman nga tiwag Uksan kitang ulan May dua katawag, nangkatunsa bala