Transcript for:
Paghahanda sa Kalamidad at Kahandaan

Values Education 7, Quarter 1, Learning Competencies 6C na ilalapat ang mga pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad. Ang mga kalamidad ay mga hindi inaasahang pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa buhay at ari-arian. Ito ay maaaring natural o likas o bunga ng puwersa ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, tsunami, at baha.

Ito rin ay maaaring bunga ng pagkakamali o kapabayaan ng tao tulad ng sunog, Industrial accident, pollution at oil spill. Sa ating aralin ngayon, pagtutunan natin ang paglalapat ng pansariling pagtugon sa panahon ng mga likas na kalamidad. Ano ang dapat natin gawing paghahanda bago pa man dumating ang bagyo? Maghanda ng go-bag. Ang go-bag ay isang maliit na bag na naglalaman ng pinakamahalagang gamit na kailangan mong dalhin kung sakaling magkakaroon ng emergency.

Ito ay dapat madaling bitbitin kung kakailanganin ng lumikas. Ang laman ng go-bag ay mga importanteng dokumento tulad ng birth certificates, ID, insurance papers o titulo na nakalagay sa isang waterproof na plastic. Naglalaman din ito ng pang-tatlong araw na mga dilatang pagkain, bottled water, damit na pamalit, first aid kit, flashlight na may extra batteries, panglinis ng katawan tulad ng sabon, toothbrush, toothpaste at iba pa, power bank at pera.

Kung hindi naman kakailangan ng lumikas, tiyakin na ang inyong pamilya ay may sapat na pagkain. malinis na tubig at gamot para sa ilang araw. Sa ganitong paraan, hindi na ninyo kakailanganin pang lumabas habang may bagyo.

Kung may mga bahagi ng bahay na sira tulad ng bubong o bintana, ayusin na ito upang huwag lalong mapinsala kapag dumating na ang bagyo. Magbantay sa balita mula sa mapagkakatiwalaang news media outlet sa TV, radyo o social media upang malaman kung kailan darating ang bagyo, ang direksyon nito at kung gaano ito kalakas. Bago pa man tumama ang bagyo, tiyaking may baterya ang inyong flashlight at i-charge ang phone at mga rechargeable light at fan upang maging handa kung sakaling mawala ng kuryente.

Dari to naman ang mga ari nating maging pagtugon sa panahon ng bagyo. Kung nandyan na ang bagyo, ilagay na ang go-bag sa lugar na madaling makita upang madali itong mabitbit kung kailangan ng lumikas. Habang nagaganap ang bagyo, huwag nang lumabas o manatili na lang sa loob ng bahay at lumayo sa bintana.

sapagkat ito ay maaaring mabasag kung humampas ang malakas na hangin. Gumamit ng flashlight sa halip na kandila kung sakaling mawala ng kuryente. At manatiling magbantay sa balita mula sa radyo, TV o social media kung may utos na ang otoridad tungkol sa paglikas. Agad na sumunod kung mayroon. Ano naman ang mga paghandang dapat natin gawin para sa lindol?

Maghanda ng go-bag na dadalhin kung kinakailangang lisanin ang bahay pagkatapos ng lindol. Alamin ang mga safe spots sa iyong bahay na maaari mong pagtaguan kung sakaling dumating ang lindol. Ito ay maaaring sa ilalim ng isang matibay na mesa.

At makilahok sa regular na pagsasagawa ng earthquake drill sa inyong paaralan at seryosoin ito upang malaman mo ang mga dapat gawin kung sakaling dumating ang lindol. Kung maramdaman mong lumilindol na, agad kang mag-drop o yumuko upang maiwasang matumba. Cover o protektahan ang ulo, leeg, at kung kaya ay buong katawan sa pamamagitan ng pagtatago sa isang matibay na mesa at hold o manatiling nakatago hanggang sa tumigil na ang paggalaw ng lupa. Para maiwasang masaktan, lumayo sa mga salamin, bintana at mga bagay na maaaring mahulog o matumba tulad ng cabinet o bookshelf. At kung ikaw ay nasa labas habang nagaganap ang paglindol, pumunta sa isang open area o mga lugar na malayo sa mga gusali, puno at poste.

sapagkat maaaring pagmulan ng pinsala at kamatayan kung mabagsakan ng mga ito. Paghahanda para sa pagputok ng bulkan. Kung nakatira malapit sa bulkan, ihanda ang go-bag na naglalaman ng mga bagay na binanggit kanina at face mask at goggles na bibitbitin kung kinakailangang lumikas. Manatiling nakatutok sa mga alertong mula sa Feebox upang malaman ang aktibidad ng bulkan at kung may babala na bang inilabas ang otoridad. Ihanda ang mga face mask at goggles na gagamitin upang maprotekta ng sarili na makahinga at mapuwing ng volcanic ash kung sakaling pumutok ang vulkan.

At alamin ang mga posibleng ruta ng paglikas at evacuation center upang maging madali ang paglikas kung kakailanganin. Kung naganap na ang pagputok ng vulkan, ihanda na ang go-bag upang madali itong mabit-bit kung sakaling kakailanganin lumikas. Kung magsimula ng magkaroon ng ash fall, Magsuot na agad ng face mask upang maprotekta ng iyong sarili laban sa mga pinsalang dulot nito lalo sa iyong baga. Manatiling nasa bahay upang makaiwas na makalanghap ng abo mula sa bulkan o lumikas agad kung ipinagutos na ito ng otoridad.

At huwag pumunta sa mabababang lugar at mga ilog na maaaring pagdaluyan ng lava. Narito naman ang mga paraan upang mapaghandaan ng tsunami. Alamin kung ang pamaya ng iyong kinabibilangan ba ay nasa panganib ng tsunami upang makapaghanda na agad para rito.

Planuhin agad kasama ng pamilya ang ruta papunta sa matataas na lugar kung sakaling dumating ang tsunami. At tiyakin na ang lahat ng kasapi ng iyong pamilya ay alam ang evacuation plan at kung saan magkikita-kita kung sakaling magkahihwa-hiwalay. Mga pagtugon sa panahon ng tsunami. Tiyaking laging nakahanda ang go-bag at madali itong makikita kung sakaling kailangang mabilis na lumikas.

Nakakasira ng mga bahay ang tsunami. Kung may go-bag, maililigtas mo ang mga pinakamahalagang dokumento o pag-aari mo. Kung makaramdam ng lindol at kayo ay nakatira malapit sa dagat, hintayin tumigil ang lindol at agad na lumikas patungo sa matataas na lugar ng inyong pamayanang kinabibilangan. Kung makita mo na biglang nawala ang tubig sa dalampasigan o baybayin, ito ay ituring mong babala.

Agad ka ng lumikas at huwag nang maghintay pa ng panawagan mula sa otoridad. Kapag nagawa mo o ng iyong pamilya na lumikas papunta sa matataas na lugar, manatili. Hintayin ang signal mula sa otoridad kung maaari na bang makauwi.

Ano naman ang pwede natin gawin para mapaghandaan ang baha? Tiyakin na ang go-bag ay waterproof. Tiyaking regular na nalilinis ang kanal at alulod sa paligid ng iyong bahay upang matiyak na ang tubig ay madaling makakadaloy at hindi mananatili sa iyong lugar na maaaring magdulot ng baha. Ihandang palagi ang emergency supplies tulad ng pagkain, bottled water at flashlight kung sakaling magdulot ng pagkawala ng kuryente ang baha.

At ilipat sa matataas na lugar ang mahalagang gamit sa iyong tahanan tulad ng mga dokumento, larawan at electronic devices. Kung mangyari na ang baha, manatili sa iyong tahanan sa halip na lumusong sa mabilis na tubig baha sa daan. Kung ang iyong bahay ay may mga palapag, Manatili sa pinakamataas na palapag nito.

Ang tubig baha ay mapanganib. Maaari itong may dalang lason o kemikal o mga bagay na nakatutusok at nakasusugat. Iwasang maglakad dito upang maiwasan ang injury at sakit na dalan nito.

At manatiling updated sa anunsyo ng otoridad. Sila ang maghahatid ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng baha at utos ng paglikas. Maging handa sa mabilisang paglikas, dala ang inihandang go-bag.

Mga mag-aaral, layunin ang naging pag-aaral natin tungkol sa pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad na malinang sa atin ang pagpapahalagang kahandaan o preparedness. Ano nga ba ito at bakit ito mahalaga? Ito ay tumutukoy sa pagiging handa para sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng kalamidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagpaplano.

Ito ay makatutulong sa atin na manatiling mahinahon at ligtas na harapin ang mga hindi inaasahang pangyayari. Bakit mahalaga ang kahandaan o preparedness? Kung ikaw ay handa, hindi ka madaling matatakot o matataranta kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Kung alam mo ang gagawin kapag may bagyo, mananatili kang mahinahon at makasusunod sa plano. Ang kahandaan o preparedness ay nakatutulong sa iyo at sa iyong pamilya na maging ligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malino na plano kung may emergency.

Halimbawa ang pagkaalam sa kung saan pupunta. At ano ang gagawin kapag may lindol ay magpapanatili ng kaligtasan ng bawat isa. Ang pagiging handa ay nagpapakita na ikaw ay responsable sapagkat maagap kang mag-isip at magplano para sa mga posibleng problema ang kakaharapin. Halimbawa, ang pagkakaroon ng go-bag ay nagpapakita na ikaw ay handa para sa mga emergency.

At kapag ikaw ay handa, maaari ka rin makatulong sa iba. Halimbawa, ang pagkakaroon ng extra supply sa panahon ng bagyo ay nagpapakita na ikaw ay handa para sa mga posibleng problema ang kakaharapin. ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na magbahagi sa iyong kapitbahay na hindi nakapaghanda. At dyan po nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito. Sana po ay may natutuwang kayo.

Salamat sa panunod at pakikinig. Paalam po.