Magandang araw, Grade 10! Ako si Teacher Janjan, ang inyong magiging guro sa edukasyon sa pagpapakatao. Samahan niyo ako sa isa na namang masayang pag-aaral tungo sa pagkakaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso, at makatao.
pagkilos. Handa ka na bang matuto sa araw na ito? Mabuti kung ganun. Ihanda mo na ang iyong ballpen, papel, at self-learning module at sabay-sabay tayong makinig, sumagot, at matuto ng mga bagong kaalaman dito sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikasampung Baitang. Nalaman natin sa unang bahagi ng Module 1 na binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, umili, at gumusto.
Nalaman din natin na ang tao ay isang nila lang na may likas na kaalaman. tungkol sa mabuti at masama. Napag-aralan din natin na ang tao ay may material at espiritual na kalikasan.
Sa idaling ng material na kalikasan, narito ang ating panlabas na pandama. kung saan nabibilang ang paningin, pangamoy, panlasa, pandinig at pangdamdam. Nariyan din ang panloob na pandama kung saan naman nabibilang ang kamalayan, memoria, imahinasyon at instinct.
Kasama rin sa panloob na pandama ang ating emosyon. Sa ilalim naman ng espiritual na halikasan, narito ang ating isip o intellect at at ang kilos loob o will. Simula pa noong unang bahagi ng Module 1, lagi na nating pinag-uusapan ang isip at kilos loob.
Ngunit, ano nga ba ang kakayahan, gamit, at tunguhin ang dalawang ito? At paano ito nakakatulong sa atin lalo na sa pagpapasya? Sa diagram na ito, makikita ang kakayahan gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.
Unahin natin ang isip. Ang isip ay may kakayahang magnilay o magmunimuning bago kang magpasya o pagkatapos mong gumawa ng pasya. Ito rin ay nakauunawa ng mga bagay na pangyayari sa ating paligid. Parang ganito, minsan, naiipit ka sa desisyon kung anong organisasyon sa inyong paaralan ang nais mong salihan. Gusto mo sa Science Club?
Gusto mo rin sa Math Club? Gusto mo rin sa Arts Club? Pati na sa glee club. Kaya nagmumuni-muni ka muna bago mag-desisyon kung saan ka ba talaga sasali. Tama ba?
Ang isip ay may kakayahan ding mag-abstraksyon o pagtagpitagpiin ng mga pangyayari upang lalo mo itong maunawaan. At panghuli, kaya rin ang ating isip na makabuo ng kahulugan at kabuluhan ng mga bagay. Gaya ng pagpili mo ng strand sa senior high school, sa iyong kukunin sa susunod na taon.
Maging ang paaralan na iyong papasukan. Tinignan mo rin kung kakayanin ba ito ng iyong mga magulang pagdating sa pinansyal. O maaari din na tinignan mo rin kung sakto ba ito sa iyong kakayahan at kagustuhan. Dahil ang isip ng tao ay may ganitong kakayahan, maaari niya itong gamitin upang humanap ng impormasyon.
Maaaring gamit ang iba't ibang uri ng resources gaya ng aklat, media, at maging mga tao na may sapat na kaalaman tungkol sa bagay na hinahanapan mo ng kasagutan. Maaaring mo rin gamitin ang iyong isip upang umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng isip. ng impormasyon. At kaya rin ng iyong isip na sumuri at alamin ang dahilan ng pangyayari, alamin ang mabuti't masama, tama't mali, at ang katotohanan.
Janjararan! Tandaan! Maaari...
Magpapakalat mong gamitin ang iyong isip upang hindi ka mabiktima ng mga kumakalat na fake news. Halimbawa may kumakalat na balita sa social media tungkol sa isang tao. Agad mo ba itong isishare?
Paano kung fake news pala ito? Ano kaya ang pwedeng mangyari sa taong nasasangkot doon? Ano rin kaya ang magiging tingin sa'yo ng tao bilang isa sa nagpakalat ng maling balita? Magugustuhan mo kaya? Lagi mong tandaan, gamitin mo ang iyong isip upang humanap ng konkretong impormasyon sa halit na maniwala sa mga posts sa social media na minsan naman ay walang basihan at walang katotohanan.
Pwede mo munang tingnan kung katiwatiwala ba ang pinanggalingan nito o hindi. Dumako naman tayo sa kilos loob o will. Ang iyong kilos loob ay may kakayahang pumili, magpasya at isakatuparan ang iyong napiling pasya.
Ang kilos loob din ang dahilan kung bakit tayo naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Tandaan, mayroon kang will sa kung anong desisyon ang pipiliin mo Kung inaaya ka ng isang tao patungo sa isang maling gawain At alam mong ikapapahamak mo ito Tandaan mong hindi palaging oo ang dapat mong isagot Mayroon kang will na magsabi ng hindi Piliin mong gawin kung ano ang mabuti. Tuloy tayo.
Pagdating naman sa gamit at tunguhin, ang iyong kilos loob ay malayang pumili ng gustong isipin o gawin. Tulad sa buhay natin ngayon, maraming pagsubok ang dumadating sa atin. Maaring tungkol sa pamilya, sa pera, o maging personal nating problema.
Ngunit paalala, may kalayaan kang piliin na maging positibo sa buhay sa kabila ng ganitong sitwasyon. Malaya kang humingi ng tulong sa iyong pamilya o sa iyong mga kaibigan. Malaya kang gumawa ng iba pang mga bagay na makatutulong sa iyo upang ikaw ay maging masigla. Sa halip na magmukmuk na lamang at harapin ang problema ng mag-isa. Malaya ka rin umasam, maghanap, mawili at huminig sa anumang nauunawaan ng iyong isip.
At panghuli, ang gamit ng iyong kilos loob ay maging mapanagutan sa pagpili. ng aksong makabubuti sa lahat. Dyan, dyan, dyan!
Tandaan, dahil may kalayaan kang pumilit ng iyong gustong gawin, tandaan mong mayroon ka rin pananagutan sa pipiliin mong pasya. Kaya't kung ayaw mong magsisibandang huli, gawin ang tama at iwasan ang mali. Lubos-lubosin na natin kilalanin ang isip at kilos loob. Sa diagram namang ito, makikita ang pagkakaiba ng isip at kilos loob ayon sa tunguhin ito. Ang tungkulin ng iyong isip ay ang mag-isip at ang kilos loob naman ang magsasakilos ng iyong inisip.
Layunin naman ang iyong isip na malaman ang mga bagay o impormasyon. At ang iyong kilos loob naman ang pipili ng desisyon batay sa iyong nalamang mga impormasyon. Hindi ba't yan ang nangyayari sa tuwing ikaw ay gagawa ng isang artwork sa asignaturang mapi? Iniisip mo munang mabuti ang disenyong gusto mong gawin. May mga oras pa nga na ikaw ay naghahanap sa internet o sa aklat ng disenyong gusto mong gawin.
tularan. At kapag ikaw ay nakapagdesisyon na, saka mo palang ito sisimulang likhain. Galing, di ba? Pagdating naman sa kaganapan ng tao, ang katotohanan ang laging gustong malaman ng isip.
At kabutihan naman ang likas na gustong gawin ng iyong kilos loob. At ang panghuli, ang highest human fulfillment ng iyong isip ay ang pagkakaroon ng karunungan upang umunawa at kabutihan at pag-ibig naman para sa kilos loob. Dyan dyan na lang! Tandaan, ang bawat tao ay binigyan ng isip at kilos loob. Kaya't responsibilidad natin bilang tao na pahalagahan at pagyamanin ang mga ito.
Siguraduhin natin. na nagagamit natin sa tama at sa mabuti ang ating isip at kilos loob. Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala sa ibang nilalang sa mundo. Ang kanyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos loob na batay sa katotohanan.
Ngayong may sapat ka ng kaalaman tungkol sa isip at kilos loob, Susubukin ko naman kung talagang naunawaan mo ang ating pinag-usapan ngayong araw. Mula sa ating naging talakayan, kumplituhin ang mahahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagotang papit. Bibigyan lamang kita ng siyamnapung segundo upang sagutan ang diagram. Handa ka na ba?
Ang iyong siyam na pong segundo ay magsisimula ngayon. Music Tapos na ang oras. Natapos mo ba ang iyong gawain?
Mabuti kung ganun. Ngayon ay iwawasto natin ang ating naging gawain. Anong tamang sagot sa unang bilang? Tama. Ito ay tungkulin.
Sa ikalawang bilang naman. Tama na naman. Ito ay isakilos.
Punta naman tayo sa ikatlong bilang. Ang tamang sagot dito ay malaman. Sa ikaapat na bilang naman, ang tamang sagot ay kaganapan ng tao.
Dumako naman tayo sa ikalimang bilang. Anong sagot mo dito? Tama ka!
Ito ay kabutihan. At para sa panghuling bilang, Ang tamang sagot ay karunungan. Iyan ang pagkakaiba ng isip o intelek at kilosloop o will ayon sa tunguhin ito. Ngayon naman, sa susunod nating gawain, susubukin ko naman ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng katwiran. Mayroon akong ibibigay na sitwasyon sa iyo.
Nais kong isipin mo na ikaw ang bida sa sitwasyon ito. Sa loob ng siyamnapung segundo, isulat mo ang iyong katwiran sa naging pasya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawin mong solusyon kaugnay nito. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Uulitin ko, dalawa ang iyong magiging kasagutan. Una, ang iyong magiging katwiran. At pangalawa, ano ang iyong magiging solusyon. O, handa ka na ba?
Makinig ng mabuti sa sitwasyon, ha? Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa may mga honors.
Subalit mula ng makilala mo at naging barkada si John na may hindi magandang biso tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, naimpluensyahan ka niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib na rin bumagsak ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama at hinihingi niya sa iyo na sabihin mo ang iyong katwiran sa iyong naging pasya at ang plano mong solusyon kaugnay nito.
Ang iyong siyamnapong segundo ay magsisimula ngayon. Music Tapos na ang iyong 10 segundo. Kamusta naman ang pagbibigay ng katwiran? Nahirapan ka ba? Ganyan kahirap kapag nasangkot ka sa isang hindi magandang pangyayari.
Kaya't laging tandaan, gamitin ng maayos ang isip at kilos loob. Nang sa gayon ay wala kang maging mabigat na pananagutan sa bandang huli. Ang iyong guru na sa ESP ang magwawasto ng iyong kasagutan sa aktibidad na ito.
Magaling! Magaling! At para sa huli nating gawain sa araw na ito, gusto ko naman na may madiskubre ka tungkol sa iyong sarili. Habang nabubukay ang tao, mayroon tayong kanikaniyang kahinaan na dapat palakasin.
Ngayon, tututukan naman natin ang ating kahinaan sa pagpapasya. Sa gawain ito, nais kong magsulat ka ng isa mong kahinaan tungkol sa pagpapasya. Sa tapat nito, magbahagi ka ng paraan upang malampasan mo ang kahinaan ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasya. Halimbawa, ang kahinaan mo ay mabilis kang mabuyo sa pagpipilit ng barkada kaya't mabilis ka nilang napapapayag gawin ang isang bagay kahit na alam mong mali ito.
At ang paraan na iyong gagawin upang mas mapabuti ang iyong pagpapasya. ay mas titibayan mo ang iyong disisyon na humindi kapag alam mong mali ang ipinapagawa sa iyo. Ganun lang kasimple.
Sa palagay ko'y may naiisip ka ng kasagutan. Kaya ang iyong isang minuto ay magsisimula na... Ngayon! Tapos na ang iyong isang minuto.
Kumusta naman ang iyong pagsagot? Nahirapan ka rin ba? Tandaan, ang gawain ito ay hindi para ipaalala sa'yo na ikaw ay isang mahinang tao. Gusto lang natin na mas makilala mo pa ang iyong sarili tungkol sa paraan ng iyong pagpapasya at nang sagayon ay mapalakas mo pa ito. Muli, binabati kita.
Nais kong sagutan mo ang gawain ito. ang pinamagatang ang aking gampanin sa iyong self-learning module. Masayang-masaya ako dahil alam kong napakarami mong natutunan ngayon tungkol sa pagpapatibay ng iyong kakayahang magpasya gamit ang isip at ilos loob. Pwede mo itong ibahagi sa iba upang mas maraming tao pa ang magkaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso at makataong pagkilos. Muli!
Ako si Teacher Janjan, isang magandang araw sa inyong lahat at magkita-kita tayo ulit dito lang kung saan masayang mag-aral ng ESP ang DepEdTV. Paalam!