Magandang araw! Ako ang inyong guro sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Narito ang kasanayang pampagkatuto na ipaliliwanag ng pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Para sa iba pang layunin, natutukoy ang pasalitang paraan ng paggamit ng wika sa lipunan. Nakabubuo ng pangungusap o pahayag na ginagamit sa pasalitang paraan ng gamitang wika sa lipunan, na isa sa buhay ang mga efektibong komunikasyon gamit ang pasalitang paraan sa araw-araw na pakikipag-talastasan.
Dito ang mga paksang tatalakayin. Una, mga gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday. Ikala wa. Paraan ng pagbabahagi ng wika ayon naman kay Jacobson 2003. Sa ating unang gawain, think and share. Suriin ang larawan na nasa pisara.
Ano kaya ito? Nakasulat riyan ang business letter. Saan kaya ginagamit ito?
Bakit kaya gumagawa ng business letter? Narito naman ang... susunod na larawan? Ano kaya ito?
Makasusunod ka kaya sa sinasabi ng panuto o directions? Bakit kailangan merong tinatawag na panuto o directions lalo na sa isang pagsusulit? Para sa ikatlo at panghuling larawan, nakikilala nyo ba ang personalidad na iyan?
Ano kaya ang kanyang trabaho? Ano kaya ang kanyang ginagampanan sa lipunan? Marahil ay nasagot nyo ng buong husay ang mga katanungan sa bawat larawan at naating napansin na may iba't ibang layunin o gamit ang mga nakasulat sa larawan. Upang higit natin maunawaan ang pagkakaiba ng mga ito o gamit, Tumungo na tayo sa unang paksang tatalakayin. Gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday.
Kilalanin muna natin kung sino si M.A.K. Halliday. Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantog na eskolar mula sa Inglaterra. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang fenomenon.
Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingwistika, ang popular niyang modelo ng wika, ang Systemic Functional Linguistics. Narito ang unang gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday. Una, Interactional. Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa-tao. Halimbawa, pakikipagbiruan, pagkukwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang loob, at paggawa ng liham pang kaibigan.
Ikalawang gamit ng wika, instrumental. Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkulin ito sa pakikiusap o pag-uutos. Halimbawa, paggawa ng liham pangangalakal, application letter, at pagpapakita ng patalastas tungkol sa halaga ng isang produkto.
Ikatlong gamit ang regulatory. Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Halimbawa, paggamit ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, at direksyon sa pagsagot sa isang pagsusulit. Ikaapat na tungkulin, personal. Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Halimbawa, liham patnugot, mga komentaryo sa kolom ng editorial, pagsulat ng talaarawan o jurnal. Ikalimang gamit, imahinatibo. Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa, Paggamit ng mga idioma, paggamit ng tayutay, at paggamit ng mga sagisag o simbolo. Ika-anim na gamit, heuristic o heuristico. Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon. Halimbawa, pag-i-interview, pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbasa sa pahayagan, magazine, blog at mga aklat.
Ang ikapitong gamit ng wika ayon kay M.A.K. Halliday, informatibo. Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Halimbawa, pag-uulat sa klase, pagtuturo, pagpapasa ng pamanahong papel. Dahil atin ang naunawaan ang iba't ibang gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday, Balikan natin ang mga larawan kanina. Anong gamit ng wika ang pagawa ng business letter?
Tama, ito ay instrumental. Anong gamit ng wika naman ang pagbibigay ng panuto sa isang pagsusulit? Tama, ito ay regulatory.
Para sa ikatlong larawan ay nakilala na natin si Mike Enriquez. Anong tungkulin ng wika ang kanyang ibinabahagi sa kanyang manunood? Tama, ito ay impormatibo. Ngayon ay tumungo naman tayo sa ikalawang paksa.
Paraan ng pagbabahagi ng wika? Ayon kay Jacobson, 2003. Una, ang pagpapahayag ng damdamin o sa Ingles ay emotive. Ang emotive ay pagpapahayag ng damdamin, saluubin at emosyon.
Ang referensyal, gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmula ng kaalaman. Upang maiparating ang mensahe at impormasyon. Ikalima, paggamit ng kuro-kuro o metalingual.
Ang metalingual lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Ikaanim o panghuli, poetic. Ang poetic ay masining na Paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, saraysay at iba pa.