Transcript for:
Edukasyon sa Kabila ng Hirap

Sa pinakamalayong sityo ng San Guillermo, Isabela, kailangan mo pang bumiyahin ng napakalayo para lang makapagturo. At kailangan mo pang tumawid ng mapanganib na ilog para lang matuto. Hindi ito tagpo sa isang bagyo o kalamidad. Papasok lang sila sa eskwelahan. Araw-araw, ganito ang tubig na sinusuong ng mga estudyante ng Burgos East Elementary School para maitawid ang pangarap na edukasyon. Pero hindi natapos sa ilog ang kalbaryo ng mga bata. Isang oras pang lakad sa maputik na bundok ang kailangan nilang tahakin. Kung sa ilog tulong-tulong ang mga bata sa pag-akay sa mga maliliit, sa bundok sabay-sabay rin kung lumakad ang mga bata. Kapit kamay, walang maiiwan. Katatapos lang ng bagyo noon, madulas pa ang lupa pero hindi nagpapigil sa putik ang mga bata. Kahit pa bumigay ang kanilang mga tsinelas. Dahil gaano man kalayo o kaputik ang daan, walang puwang ang pagod sa batang sabi sa eskwelahan. Puso kanila. Pasado alas 8 na nang marating ng mga bata ang paaralan. Puro putik at tusok ng talahib ang kanilang mga kamay at paa. Kaya ang unang leksyon sa eskwela? Habang nagsusulat o nagbabasa ang mga bata, ginagamot naman niya ang iba pa nilang kaklase. Ang batang si Marvin ang pirming pasyente ng guro. Tadtad ng sugat ang kanyang mga paa. Ano nangyari? Ha? Nasugat ka? Nadapa ka ba? Nasugat daw po ta ng panmam ng bolo. Ng bolo? Bakit? Ano nangyari? Kasi pag pupunta po yung mga magulang nila dun sa uma, naiiwan po sila kaya sila na lang po nagsariling. Kumukuha ng kahoy nila pag nagluluto po sila. Kasi almost one week ganun po silang naiwan sa bahay pag nagtatrabaho sa umayong kanilang mga magulang. Wala kang chinelas? Ano daw yun? Na pinutol doon ang kapatid niya. Kaya mam, baka nagkakansila. Nagsasalitan po sila dun sa tsinelas. Kaya naputol. Isa lang ang tsinelas ninyo? Ilan kayong gumagamit dun sa isang tsinelas? Sinukat daw mong gawin ang tsinelas mo? Dalawa daw po sila ng kapatid niya mam. Ah, dalawa kayo. Mas mabisa pa saan ang mga gamot. Kaya pagdating na recess, diretso si Marvin sa classroom ng kapatid. Oras na para siya naman ang gumamit ng tsinelas. Ano? Ano? Pero hindi lang sa tsinelas may kahati si Marvin. Kanin lang ang baon ng mga bata. Ang ulam, hati-hati sa isang lata ng sardinas. 32, 34, 36 Sa edad na 10, si Marvin ang pinakamatandang estudyante ng kinder sa Burgos East Elementary School. Ilang beses na siyang umulit sa kinder, hindi makapasa dahil palaging absent. Bakit absent ka last year? Mag-abirok, binalad yung kuyer. Bakit ikaw ang nag-aalaga sa kapatid mo? Labanda, inang pudi, ama. Budso sa apat na magkakapatid, wala ni isa sa mga kuya ni Marvin ang nakatuntong ng grade 3. Sa kanilang sityo kasi, kapag natuto ng magsulat at magbasa ang bata, tigil na sa eskwela. Pinagtatrabaho na sa uma. Mataas ang drop-out rate sa Burgos East Elementary School. Ito ang pangunahing suliranin ng mga guru dito. Yun yung gusto kong ipamulo sa magulang nila na seryoso ang DepEd, seryoso kami ito ng DepEd. Na, kumbaga, isagawa yung visions and mission ng DepEd na dapat walang... Bata na, mailiwan. Pananagutan ng lahat yung edukasyon ng bata. Si Sir Jun ang nagtuturo sa ilan sa pinakamatatalino sa eskwelahan. Tingnan natin, nasa pahambing kaya siya? Wala! Pero sa kanyang klase ngayon, may dalawang bakanteng upuan. Dito raw nakaupo si Aquino Guilin, ang top one ng eskwelahan. Pero tatlong buwan na siyang hindi pumapasok. Sa akin, kundi talaga yung damdamin na gano'n. What if? Anak ko yung may... Sige po, sir. Anak ko yung dalawa na yun. So parang masakit sa loob na halimbawa anak ko yun. Nagkita ko yung kaklase nila. Pagtapos na, anak ko naiiwan. Sabi ko nga, wala kang babayaran sa school. Ako na magbabayaran lahat. Wala kang babayaran. Anong problema masabihin mo sa akin? Mag-aral ka lang. Alas 4 ng hapon, uwian na ng mga bata. Tapos na ang klase. Pero hindi pa tapos ang trabaho ng maestro. Imbis na magpahinga, sinamahan ni Sir Jun ang mga bata pa uwi. Habang si Marvin at ang kanyang kuya, naglakad gamit ang pinaghahati ang pares ng chinelas. Palubog na ang araw nang marating ng mga batang ilog. Mas mataas na ang tubig at mas malakas na rin ang agos. Kayanin kaya ito ni Marvin at ng kanyang mga kaklase. Muli! Muling sinuong ng mga bata ang mapanganib na ilo. Ilubog man ng unos, tangayin man ng agos, lumangoy ang mga bata at pilit na isinalba bagay na pinakamahalaga sa kanila. Pasado alas 5 na nang makauwi sa komunidad ang mga bata. Sinundan namin ang batang si Marvin, na iskasin kausapin ni Sir June ang magulang ng bata. Magandang araw po! Oo po, magandang hapon po! Magamana-miyaman na! Nalaman ni Sir June na tumigil na sa pag-aaral ang dalawang kuya ni Marvin. Kinumbinsin ang maestro na pabalikin sa paaralan ng mga bata. Pero tumanggi ang kanilang ina. Desisyon raw ng mga bata na magtrabaho at tumulo sa pamilya. Kinabukasan, nagpatuloy si Sir June sa paghahanap sa mga nawawala niyang estudyante. Sa kagustuhang mapababa ang dropout rate sa lugar, nagbabahay-bahay ang maestro para kumbinsihin ang mga magulang na pag-arali ng kanilang mga anak. Papunta tayo dun sa bahay ni Aquino Guinib. Yun yung isa sa pinakamatatalinong estudyante ni Sir June. Consistent siya na top 1 since grade 1 to grade 4. Pero, ang sabi sa atin ni Sir June, panay daw yung absent niya lately. Inabot kami ng halos isang oras sa paghahanap sa batang si Aquino. Pero nang matuntun namin ang kanyang bahay, wala ang bata. At tatay lamang ang humarap sa amin. Ayon sa ama, ayaw na raw pumasok ng kanyang anak na si Aquino. Kagustuhan raw ng bata na magpastol na lang ng kalabaw. Pero hindi tumigil si Sir June sa paliwanag ng... na ito. O di mas maghanapin na lang po natin. Sige po. Hinanap namin sa kabilang sityo ang bata at dito namin siya natagpuan. Ayan po yung kalabaw niya mami. Si Aquino Ginib ang top 1 sa klase ni Sir Juan mula grade 1 hanggang grade 4. Matalino raw talaga ang bata, pero pag tungtong ng grade 6, sunod-sunod na ang kanyang pag-a-absent. Di siyang mga nag-absent. Bakit? Kasi nilagyan nila ako ng mga muslim ng kalabaw, ma'am. Lagi kang nagpapastol ng kalabaw. Yes, ma'am. Ba't ka nagpapastol ng kalabaw? Ayaw kasi yung mga kuya kong magpaslan ng kalabaw, ma'am. Eh, ba't hindi si tatay mo ang magtrabaho? Gusto ko lang po naman siyang tulungan, ma'am. Ah, ayaw mo na ba mag-aral? Gusto mo ba mag-aral o ayaw mo? Gusto ko pa po. Gusto mo... Mag-aral. Kung ang bata ang tatanungin, mas gusto sana niyang mag-aral kesa magtrabaho. Pero sa puntong ito, mas mahalaga raw ang kapakanan ng pamilya kesa pansariling pangarap. O bukas may klase bukas, papasok ka pa bukas? Oo, sabihin ko sa kuya ko na siyang magpapastol naman. Kung pumayag ang kuya mo na siyang magpastol? Papasok ka. Pero kapag hindi pumayag ang kuya mo... Hindi, hindi ka pa pasyoso. Bakit niyo po pinupunsigin na bisitahin siya, hikayatin siya kahit na mismo magulang na niya yun? Yes ma'am, yan po yung... Umaayaw, hindi naman po kayo magulang, pero bakit po kayo yung talagang nagpupunsigin na hanapin at hanapin siya? One point ma'am, nasa... Masa linya na po ng trabaho na dapat walang maiwan na bata. Maraming magagaling din tumabas, walang yun ang hindrance sa kanila. Dito sa trabaho, yung distance ng school to bahay, yung andaning asikasuhing alaga. Pagkatapos kay Aquino, hinanap naman ni Sir Jun ang isa pa niyang nawawalang estudyante. Itong isa naman natin na pupuntahan, ito yung isa pa sa mga estudyante ni Sir. Sir, anong pangalan itong estudyante na pupuntahan? Ricky. Ricky? Anong problema dito kay Ricky? Hindi pumapasok? Hindi pumapasok. Dalawang linggo na nung nakaraan. Dalawang linggo na hindi pumapasok. May tuberculosis ang buong pamilya ng batang si Ricky Malikdem. Pumanaw na ang kanyang ama at payat na payat naman ang kanyang ina. Kaya ang 14 anos na si Ricky, napipilitang magtrabaho imbis na mag-aral. Ba't di ka na pumasok? Naki-buras? Naki-anay ka saan? Sa Rizal? Palagi ka bang naga-absent? Ha? Naku, eh ba't ka lagi nag-aabsent? Umutulong ako sana. Pero anong mas gusto mo sanang ginagawa? Magtrabaho o mag-aral? Mag-aral sana, ma. Kaso lang? May hirap naman ang buhay. Bago kami lumisan, nangako si Ricky na papasok kinabukasan. Bukas ha? Sige, namin pula eh. Sana ito'y magkatotoo. Sana nga magbungang pagpupursige ng kanilang maestro. Ang yarnamuka ang dumating. Pagkatapos ng dalawang linggo, muling nagbalik sa paaralan ang batang si Ricky. Music Pero ang top 1 ng eskwelahan... Or is it predicate? What part of the sentence is it? Subject. Subject. And then the rest is? Predicate. Masaya ang lahat na makitang nagbalik na sa paaralan si Ricky. Pero nang makausap ko siya pagkatapos ng klase, nalaman ko ang tunay na kwento. Bakit kailangan mo magtrabaho? Kung hindi naman ako magtrabaho, ma'am, paura. Papagalitan naman din nga nila ako. Papagalitan ka nila? Oo, ma'am. Sabi niya sa akin, ma'am, na kung hindi daw ako tutulong, ilalahis na lang ako, ma'am. Paano yung pag-aaral mo? Anong sabi nila tungkol sa pag-aaral mo? Sabi nila, nahihintang na lang ako, ma'am. Dependent clause, hindi kong teto ang iwan. Therefore, kapag hindi kong teto ang iwan... Hindi ko alam kung hanggang kailan makakayanan ni Ricky na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Pero sapat ng biyaya ang malamang hindi pa rin siya bumibitaw sa pangarap. Pero kung ikaw ang may desisyon, anong mas gusto mo sana? Mag-aaral sana, ma'am. Anong gusto mo sana mag-aaral? Ano? Bakit gusto mo mag-aaral? Kahirap naman, ma'am, na walang pinag-aaralan. Ano bang pangaralan? Ang araw mo? Gusto kong maging... maistong. Pag sa Tagalog yan, hindi siya nakapag-iisa. Masaya po sa kanya, masaya po sa damdamin kasi nga nakapag-save na naman kami ng isang estudyante. Ang karapat dapat tala maisave. Yun po yung one po namin. Yung iba nga, tinan nyo, nakita nyo kung gano'n sila lumusong sa tubig. Kinakaya mong pumunta dito. Eh, doon pa lang, masaya na kami. Masaya na kami doon. Na ano po? Na maraming pumapasok. Maski yung sitwasyon sa daan, eh ganoon talaga. Pagdating ng tanghali, tulong-tulong nang nagluto ang mga nanay at guro. Para lalong mahikayat ang mga bata na manatili sa paaralan, nagbibigay sila ng libring pananghalian. Sa sandaling panahon, sa loob ng paaralan, nalilimutan ang mga bata ang hirap ng pagtatrabaho at araw-araw na kalbaryo. Taon-taon, mahigit isang bilyong batang Pilipino ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Pero salamat sa pagpupursigin ng mga guro tulad ni Sir Jun. Kahit papano, nababawasan ang bilang na ito. Pero bakit nyo pa rin po ginagawa? Hindi naman po madadagdagan yung sweldo ninyo doon. Hindi ko rin po alam bakit po. Kasi sa amin, hindi importante yung sweldo. Ang importante doon is makapagsilbi kami sa dito. Kasi ayon sa sinumpan namin. Dapat lahat ng bata, anuman ng kulay, anuman ng race niya, anuman ng pagkataon niya, dapat maturuan. At walang may iwan. Yes, walang dapat may iwan. Madaling mawala ng pag-asa sa mahaba at maputik na daan. Madaling mawalan ng loob sa mahirap at marahas na mundo. Pero hanggat may mga batang handang tawirin ang agos at unos, hanggat may mga gurong handang magsakripisyo sa ngala ng serbisyo. May pag-asa sa kitna ng kawalan at buhay ang pangakong walang batang maiiwan. Yun yung naging inspiration namin na coincidente, nakukuha ang pumasok, pagkalayo-layo niya, then kayo pa kaya, kami pa kaya. Ako po si Cara David at ito po ang Eyewitness. Music