Naku na tayo ngayon sa kabanata dalawa na pinamagatang sa ilalim ng kobierta. Ang ating mga tagpuan mga anak ay ang Bapor Tabo pa din. Sasakyang pandagat na hugis tabo.
Kaya tinatawag nating Bapor Tabo. Ang sasakyang ito ay may dalawa no. Una sa ibabaw, pangalawa ay sa ilalim ng kobierta.
Ngayon, tukuyin muna natin kung sino-sino ang mga tauhan dito. Una, si Basilio. Pangalawa, isagani, ikatlaw Padre Florentino, Kapitan Basilio, maging ang Kapitan ng Bapor, at yung mga kadalagahan, kalalakihan.
Paano nga ba natin ilalarawan ang sa ilalim ng kubyerta? Unang-una, tinatawag natin itong pangmasa, mga anak. Pag sinabi natin pangmasa, ito yung mga pangkaraniwang tao, yung mga pasahero dito nakapuesto sa ilalim ng kubyerta. Ngayon, yung lugar na ito mga anak, maraming mga nakatambak na gamit ng mga pasahero. Ibig sabihin, katabi ng mga tao, mga kahon, at kung ano-ano pa.
Yung mga pasahero dito mga anak, ito yung mga nakaupo lamang. Siksikan, pagkatapos, sa paligid, napakainit. Bakit kaya? Kasi yung makina, yung buga ng makina ay nasa kanila. Kaya naman, May mga nakahiga doon na pawis na pawis.
Ang iba naman ay maiingay. Lalo na ang mga kadalagahan, kalalakihan kasi sila ay nagtutuksuhan. Tapos may mga naglalaro din ng baraha.
O bakit ganun ang mga ginagawa nila? Libangan habang sila ay naglalakbay. Yung usok ng langis sa makina, yun ang nagsisilbi sa kanilang...
pabango. Sa madaling salita mga anak, halo-halo na na kung sino-sinong mga pangkaraniwang pasahero. Ibang-iba doon sa sitwasyon sa ibabaw ng kubyerta.
Ngayon, isa sa mga mapapansin natin na naguusap ay sa katauhan ni Basilio at ni Isagani na kung saan sila ay mga estudyanteng bihis na bihis. Ang kausap ng dalawang isadyanting ito ay si Kapitan Basilio. Isa sa mga napag-usapan ng tatlo ay kinungusta ni Kapitan Basilio kay Basilio si Kapitan Tiago.
Sumagot naman si Basilio na si Kapitan Tiago nga raw mga anak ay medyo hindi maganda ang kanyang kalagayan kasi ang ginagawa pala ni Kapitan Tiago ay inuutosan niya si Basilio na pumunta sa isang lugar para lang magkaroon siya ng pagkakataon para makahitit ng apyan. Ngunit na-detect yun ni Basilio, kaya hindi okay. Pangalawa, si Kapitan Tiago ay ayaw na ayaw magpaalaga kay Basilio. Hanggang ang kanilang usapan mga anak ay napunta sa paggamit ng opyo. Ayon kay Kapitan Basilio, ang problema daw sa henerasyon ngayon ay ang paggamit ng opyo.
Bakit kaya? Kasi hindi nila alam kung paano kontrolin. Dapat daw ang paggamit ng opyo ay para lang sa medisina.
Ang problema, pati tao nalululong. At sino yung tao na nalulong dito? Ito daw yung mga in-check. Hanggang sa, ang kanilang usapan ay nabanggit ang tungkol sa wikang kastila.
Kasi itong mga mag-aaral na ito na si Basilio at Isagani, ay isa sa mga nakikipaglaban o naninindigan na dapat sa lugar nila magkaroon ng akademya ng wikang Kastila. Ngunit, nang marinig ni Kapitan Basilio yung marubdob na hangarin ng mga kabataan na magkaroon ng akademya para sa wikang Kastila, agad na sinabi ng Kapitan na ipapaputol niya ang kanyang mga daliri kapag natuloy daw dahil laharangan niyan ni Padre si Basilio. Kaya ang sagot ni Basilio, edi salungatin niya kung gusto niyang salungatin.
Ibig sabihin mga anak, si Basilio sa kanyang pahayag ay naiinis o nagagalit. Ikalawa, kaya nasabi ni Kapitan Basilio yan na hindi matutuloy ang pagpapatayo na yan kasi napakalaki ng gastos. Ngunit ang sabi ng mga mag-aaral na ito na si Basilio at Isagani na ang mga mag-aaral daw ay nag- aambag-ambag na para sa gagastusin sa pagpapatayo ng akademiyang ito. Pagkatapos, meron na din daw silang profesor.
Ikalawa, sabi ng mga mag-aaral na ito na ang bahay daw ni Makaraig ay handang ialok para magsilbing bahay paaralan. Kaya ang nahihayag na lang ni Kapitan Basilio ay nakakatuwa daw kasi dati daw ang mga libro, mga anak, tandaan nyo ha, ito ay nasa wikang Latin. Pero ngayon daw sa panahon nila Basilio Isagani, ito daw ay nasa wikang Kastila. Para kay Kapitan Basilio, nakapagtataka daw.
Bakit kaya? Oo nga, ang mga libro ay nasa wikang kastila. Pero bakit daw ang mga kabataan ay hinihigpitan na mag-aral ng kastila? Kaya para sa kanya, baka naman may dahilan.
Kaya nabanggit niya, tunay nga ba na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan? Sa pahayag ng Kapitan Basilio, alam natin na siya ay nangungutya. Ibig sabihin, Minamaliit niya ang marubdob na hangari ng mga kabataan kaya ang sabi niya ipapaputol niya ang kanyang mga daliri kapag natuloy ang pagpapatayo ng akademya sa wikang kastila.
Pagkatapos nun, si Kapitan Basilio ay agad na tumalikod sa kanyang mga kausap. Samantalang napag-usapan naman ng dalawang ito na kung hindi nga lang daw malakas ang kanilang pananalig. At pananampalataya, baka mawalan na rin sila ng pag-asa.
Hanggang sa ang usapan ni Basilio at ni Isagani ay napunta kay Paulita. Simon nga ba si Paulita? Ito yung nililigawan ni Isagani. Ang sabi ni Basilio, ano daw ang masasabi ni Padre Florentino kay Paulita? Sumagot naman itong si Isagani na ang sabi na Ang pag-aasawa daw, sabi ni Padre Florentino kay Isagani na hindi siya kanin na gusto mong isubo, na kapag napaso, iluluwa mo.
Sa madaling salita, mahabang sermon ang tinanggap ni Isagani mula sa kanyang ama-amahan niya si Padre Florentino. Ang pag-uusap ng dalawa ay natigil lamang mga anak nung dumating si Simon. Simon ulit si Simon mga anak? Siya ang mga alahas na balitang-balitang mayaman daw ito. Halimbawa mga anak, ito na yun ha, sila na ang nag-usap si Basilio Isagani at si Simon.
Kausap na ngayon ni Simon ang dalawang mag-aaral na ito. Saan nga ba si Simon galing? Mga anak, kung matatandaan nyo, si Simon ay galing sa itaas ng ukubyerta. Ito yung nag-udyok siya na gagamitin daw ang lahat ng mga...
nakakulong na gawing alipin. E diba nga nainis sa kanya ang mga praile? Kaya bigla siyang bumaba kasing nang iinis si Simon. Kaharap niya itong dalawa. Pagdating na pagdating ni Simon, agad na ipinakilala ni Basilio si Simon kay Isagani.
Ngunit itong si Isagani ay may halong pagkainis, pagkayamot. Kasi nung ipinakilala ni Basilio kay Simon, ang ginawa ni Simon, aba, tinignan ng Mula ulo hanggang paa si Isagani. Ibig sabihin mga anak, sa tingin ni Simon, nang iinis siya, nang aasar siya. Maliban doon, ipinapakita din ni Simon ang kanyang katauhang pagkamayabang. Kaya ang sabi ni Simon habang nag-uusap sila, iinom na lang daw sila ng serbesa.
Pero, nung narinig ng dalawang kabataang ito, sabi nila, Hindi daw sila umiinom ng serbesa. Kaya ang sabi ni Simon, ayon daw kay Padre Camora, ang kawalan daw ng lakas ng bansang ito ay dahil sa sobrang pag-inom ng tubig. Yun yung sabi ni Simon ha, nasabi daw ni Padre Camora.
Ngayon, ang sabi naman ni Basilio, sabihin mo kay Padre Camora na kung tubig sana ang iniinom ng paring ito. hindi sana marami na siyang naipong pera. Pangalawa, hindi sana nabawasan ang pera sa pagbili ng alak sa kaban ng simbahan.
Agad din namang sumagot si Isagani doon sa sinabi ni Simon. Ang sabi ng binatang ito, hindi lang daw nakapagpaalis ng uhaw ang tubig, kundi pumapatay din ito sa malaking sunog. Makinig kayo mga anak!
At kapag nag-init na daw, nagiging singaw na maaaring dagat-dagatan. Alam mo nung sinabi ni Sasakyang, labis na humanga si Simon ng... palihim, ngunit hindi niya pinahalata na siya ay humahanga. Sa halip, binanggit na lamang ni Simon na hindi daw niya alam kung paano sasabihin kay Padre Camora ang sinabi ni Isagani.
Hindi daw niya alam kung anong isasagot niya, kung kailan magiging singaw ang tubig at kailan magiging dagat-dagatan. Ngunit sanagot naman siya ni Isagani na kapag pinag-init ito ng apoy, Kapag nagkatagputag po ang mga agos ng tubig mula sa maliliit na ilog-ilogan patungo sa mga daang hinuhukay ng mga hindi na binyagan ng katarungan. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni Isagani?
Simon yung tinutukoy na apoy doon? Ibig sabihin mga anak, yung tinutukoy niyang maliliit na apoy, ito yung maliliit na galit ng mga karaniwang mamamayan. Na kapag pinagsama-sama ang kanilang mga hinain, ang maliit na apoy ay... aalab na maaring susunog sa sangkatauhan. Kaya nga si Simon, nung nakita niya na si Isagani at si Basilio ay nanggagalaiti na siya ay tatawa-tawa lamang.
Hanggang sa si Simon ay tumalikod na sa kanyang mga kausap. Habang naiwan ang dalawa, napag-usapan naman nila na ang kanilang kaharap daw ay isang malaking tao. Ibig sabihin ng malaking tao, makapangyarihan. Kasi ito ay malapit daw sa Kapitan General.
Bukod doon, tanyag ang kanyang kayamanan sa lugar na iyon. Kaya nga naitanong ni Isagani na kilala ba niya si Kapitan Tiago? Ang sabi naman ni Basilio, hindi lang kilala.
Kilalang kilala. Bakit daw? Kasi sa unang araw ng pagdating niya doon sa lugar na iyon, Ang unang pinuntahan daw ni Simon ay si Kapitan Tiago. Naputol ang kanilang pag-uusap ng ipatawag si Isagani na si Padre Florentino.
Ayan. Simon nga ba si Padre Florentino? Makinig kayo mga anak ha.
Katulad ng sinabi ko, si Padre Florentino ay isang napakamahinahong tao. Kaya nga... Wala siyang kaaway kasi kasundo niya ang mga mayayaman at ang mga mayhirap. Higit sa lahat, mas malapit ang paring ito sa mga mayhirap at nangangailangan.
Bakit? Kasi nakikihalubilo siya doon sa mga mayhirap. Samantalang ang paring ito ay mayaman kasi ang kanyang angkan ay talagang mayaman sa buhay.
Ngayon, paano ang kanyang physical na anyo? Mga anak, siya ay may malapad ang balikat. Siksik ang katawan.
At kahit siya ay may katandaan na, malakas pa rin. Ibig sabihin, kapag hinamon mo siya ng away, kayang-kaya niya pa. Okay? Mababakas sa kabuuhang anyo ng paring ito, ang pagiging mabuting tao.
Kaya nga, para sa lahat, siya ay... iginagalang. Kaya, si Padre Florentino ay binansagang siya daw ang sugo ng kalangitan.
Sa madaling salita, mga anak, si Padre Florentino ay may sariling pananaw sa buhay. At ang kanyang pananaw sa buhay ay, mayaman ka man o mahirap, kailangan ang respeto paggalang. Ngunit, mga anak, kahit na sabihin natin na siya ay mayaman, Si Padre Florentino ay malungkot ang kanyang buhay. Bakit?
Kasi ang pagiging pari niya ay hindi niya gusto. Ito ay gusto ng kanyang ina. Bakit? Kasi ang nanay niya, ang matalik na kaibigan nito ay ang arsobispo. Gusto ng nanay niya na siya ay magpari.
Kung ayaw niyang magpari, wala daw siyang makukuhang kayamanan. Ngayon, nung panahon na yun, si Padre Florentino ay may kasintahan. Dahil nga hawak ng kanyang nanay ang susi ng kayamanan, walang nagawa si Padre Florentino kundi sundin ang kanyang ina.
Naging pari si Padre Florentino sa edad na 25 taong gulang. Tandaan nyo ha, nung siya ay naging pari, tatlong araw ang selebrasyon. Maraming handa, mga pagkain, mga alak. Ngayon, sa sobrang tua ng kanyang ina.
Okay? Diba? Pangarap niyang maging pa... yung kanyang anak sa sobrang tua inatake at namatay.
At bilang gantimpala na sinunod ni Padre Florentino ang kagustuhan ng kanyang ina, lahat ng mga kayamanan ay ipinamana sa kanyang anak. Naging pari nga siya, ngunit ang kanyang kasintahan ay nawala sa kanyang buhay. Dalawa ang nawala mga anak, ang kanyang nanay at ang kanyang kasintahan.
Ngayon, ang ginawa ng kanyang kasintahan, dala ng kahihiyan, ito ay nagpakasal sa iba. Sa madaling salita, si Padre Florentino ay naiwan na muhay ng mag-isa. Yun ang dahilan kung bakit ay nagampon sa pangalan ni Isagani. Ayon sa sabi-sabi ng ibang tao, si Isagani daw ay anak ng dati niyang kasintahan.
Alam mo naman yung mga chismis, samantalang may nagpapatunay naman na si Isagani daw ay anak ng isa sa kanyang mga kamag-anak. Para magpatuloy ang kanyang buhay, si Padre Florentino ay tumutulong sa mga may hirap. Yun din ang dahilan kung bakit ang paring ito ay napilitang magretiro. Kasi, nung unang panahon, ipinagbabawal ang pagtulong sa mga katutubo. Simon yung mga katutubo?
Yun yung mga... Pilipino, yun yung mga mahihirap. Pagkatapos nun, nanirahan siya malapit sa dagat Pasipiko. Habang siya'y nagnilay-nilay, biglang sininyasan siya at tinawag ng piloto.
Ang sabi sa kanya ng piloto mga anak, nais daw makaututang dila o makausap, makakwentuhan si Padre Florentino ng mga pari na nasa itaas ng kubyerta. Pagkatapos, ang sabi ni Padre Florentino, magantay lamang at susunod siya. Tinawag naman niya ngayon si Isagani. Ang sabi niya, huwag na huwag mo kong susundan sa pakikipag-usap ko sa mga praile. Mananatili ka lang dito.
Isa pa, mga anak, isa pa sa mga nais niyong malaman, bakit si Basilio? O bakit si Isagani ay nandoon sa ilalim ng kubyerta? Kasi pinapakiusapan si Isagani ni Don Victorina na hanapin daw ang kanyang asawa na si Don Tiborcio. Kaya hindi makatanggi itong si Isagani, umuon na lamang.
Ngayon, kaya siya nasa ilalim ng kubyerta kasi nagtatago siya kay Don Victorina. Pero ang katotohanan, Si Don Tiborcio ay nagtatago sa kanilang bahay lamang. Ayan, at yan ang ating mga pangyayari sa ilalim ng gobyerta.
Thank you for watching!