Transcript for:
Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ang paikot na daloy ng ekonomiya. Paano nga ba gumagalaw ang isang ekonomiya? Upang malaman ang kasagutan, ay marapat na makilala natin ang mga aktor na kumikilos sa ekonomiya at ang mga bahagi na kanilang ginagampanan sa palitan ng salapi, produkto at serbisyo. Gamit ang isang modelo ng pambansang ekonomiya ay ating kilalanin ang mga aktor na gumagalaw sa isang ekonomiya at ating suriin ang kanilang mga gawain. Una dito ay ang sambahay.

Ang sambahayan ang kumakatawan sa mga nagmamayari na mga salik ng produksyon na kailangan sa paglikha ng produkto at serbisyo. Ikalawa ay ang bahay kalakal. Ang bahay kalakal ang kumakatawan sa mga tagaproseso ng hilaw na material at tagalikha ng mga yaring produkto at serbisyo.

Upang matustusan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan, ang sambahayan ay ipapagamit sa mga bahay kalakal ang kanilang mga salik ng produksyon sa anyo ng pagawa, lupa at kapital. Ito ay tutumbasan ng bahay kalakal ng kabayaran sa anyo ng sahod upa at tubo. Ang mga salik ng produksyon na nakuha ng bahay kalakal ay kanilang ipoproseso upang magingyaring produkto at serbisyo na kanilang ipagbibili sa sambahayan.

Ang salapi na kinita ng sambahayan ang kanila namang gagamitin sa pagbili na mga produkto at serbisyo na mula sa mga bahay kalakal. Ang salaping tinanggap ng bahay kalakal mula sa sambahayan ay muli naman nilang gagamitin bilang pambayad sa sahod, upa at tubo. Ang ikatlong aktor sa ating ekonomiya ay ang pamahalaan.

Gampanin ng pamahalaan na pangalagaan at panatilihin ang katahimikan sa bansa. Kasama na rin dito ang pagpapatatag ng ekonomiya. Upang maisagawa ang kanyang tungkulin ay lumilikom ang pamahalaan ng buwis mula sa sambahayan at bahay kalakal.

Ito ang kanilang ginagamit. bilang pasahod sa mga empleyado ng pamahalaan mula sa sambahayan at pambayad sa mga produkto at servisyo na mula naman sa mga bahay kalakal. Ang patuloy at mabilis na palitan ng salapi, produkto at serbisyo sa pagitan ng sambahayan, bahay kalakal at pamahalaan ay isang senyales ng isang malusog na ekonomiya. Mapapansin sa ating modelo na ang lahat ng salapi ay ginagamit at ipinapasa kapalit ng mga produkto at serbisyo.

Ngunit alam natin na marami sa ating kababayan ang sinusubukan na makapagtabi ng salapi o makapag-impok. Ano kaya ang maaaring maging epekto nito sa ating ekonomiya? Ipagpalagay natin na namuhunan ang bahay kalakal ng 100 bilyon bilang pambayad sa sahod, upa at tubo na siyang tatanggapin ng sambahayan. Ginamit ng sambahayan ang 70 bilyon bilang panggastos at itinabi ang 10 bilyon bilang ipon.

Ibig sabihin nito ay siyamnapong billion lamang ang tatanggapin na kita ng bahay kalakal na magiging puhunan sa susunod na pag-ikot. Kapag muling nag- Pag nagtabi ng salapi ang sambahayan ay patuloy naliliit ang kita ng bahay kalakal, maging ang sambahayan at pamahalaan. Kapag ito ay nagpatuloy ay maraming bahay kalakal ang malulugi at magsasarado at marami ang mawawala ng trabaho. Ito ay maaaring magdulot ng pagbagsak ng ating ekonomiya.

Ang ibig sabihin ba nito ay masama ang mag-impok o mag-ipon ng salapi? Ang sagot ay hindi, kung tama ang paraan ng pag-iimpok. Ang pang-apat na aktor sa ating modelo ay ang bangko.

Ang bangko ay isang institusyong pinansyal na ang pangunahing gawain ay maging tagapagtago ng labis na salapi ng sambahayan o bahay kalakal. Ang salaping nakatago sa bangko ay kanya namang pinapautang dahilan upang maibalik ang salapi sa paikot na daloy na muling magbibigay sigla sa ating ekonomiya. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya