Linggo, araw ng pahinga, pero hindi uso ang salitang ito sa Pamilya Liwanag. Paano ang gagawin dito, Tay? Kukuha po ako ng bigas. Ah, ng bigas! Diyan po kami umuutang ng bigas.
Magkano po lahat-lahat? At 399. At 399. Ito po yung kinuha nila ngayon. Ilang buho po yung kailangan natin mababa para makamabayaran tong pananghalian?
60. 60? 60 buho? Opo.
Sa mga pamilyang isang kahit isang tuka, may kakambal na kalbaryo ang bawat subo. Dalawang oras ang lakaran paakyat sa gubat kung saan tumutubo ang mga buho. Karamihan sa mga aita ng sityo malipano sa Zambales, pagbubuho o pagbibenta ng mga tinabas na kawayan ang kinagis ng kabuhayan.
Puro kawayan na dito sa parting tutay, ah. Walang ibang alam na trabaho si Tatay Joseph kundi ito. Kaya gaano man katarik ang lakarin, handa siyang tiisin.
ang kagandahan sa kawayan, sa bambu hindi mo na siya kailangan itanim actually yung bambu mabilis siyang tumubo ang gagawin mo lang, kailangan regularly pinuputol mo siya para may bagong shoots na umuusbong Ito yung maiiwan. Dahil sa tusunog na taon, mayroon na namang kukunin. Habang nagtatabas ng buho si Tatay Joseph, abala naman sa pagtatali ng mga naipong kawayan ang kanyang tatlong anak na babae.
Si Maui, labing dalawang taong gulang ang pinakamaliit sa tatlo. Pero handa siyang magtrabaho, gaano man kabigat ang pasan. Bubuhatin mo to? Ha?
Kaya mo ito? Itali natin? Itali na lang na natin, mahirapan. Ang gating mo sa patag, pilain mo na lang. Bakit ka naman nag-bubukat ng buho?
Naawa po ako sa papa ko. Naihirapan po po. Naihirapan siya saan?
Opo. Saan siya nahihirapan? Dito po. Dahil masigot po yung tatay po. Nung malakas pa po si tatay ko, sila po yung nagtatrabaho.
Tapos, nung naano po siya nung dugo, nung po tinulungan nila po siya sa trabaho. Sa aming likuran, pilit namang binuhat ni tatay Joseph ang isang malaking bungkus ng kawayan. Halos makuba siya sa dami ng pasan. Pero sa gitna ng paglalakad, anemic o kulang sa dugo si Tatay Joseph.
Pero hindi niya ito pinapagamot. Hindi kasama sa prioridad ng pamilya ang pagpapaospital. Ano pong nangyayari sa inyo?
Pagka ano po naihilo ako, kaya naisip po ng mga anak ko, Tatay, magpuputo na lang kayo mag... Pag wala po kaming pasok tayo, kahit tigli lima lang po, baka hindi nyo namang kaya kako. Kaya namin po tatay, alang-alang po sa inyo tatay. Ano bang gusto mo maging paglaki mo?
Ano bang pangarap mo sa buhay? Mestra po. Ah, maging teacher.
Bakit gusto maging teacher? Para po mataluhan po yung mga kapatid ko po. Para maging ipaaralan po sila para hindi na po madanasan po yung pangmubuot nilang buo po. Makalipas ang isang oras, narating namin ang kalagitnaan ng bundo.
Ilan ang kailangan natin gawin? 60? Ha?
60? Kasi may utang tayong 399 pesos dun sa Sari-Sari Store. So kailangan makabuo ng 60 na buho.
Malayo pa kami sa taktang bilang ng kawayan, kaya napilitan ang mga bata na magpasang muli. Natanggal sa tali yung mga kawayan, kaya mas mabigat buhatin. Pagod. Ilan na tayo?
Sir. 35, 36. Ha? 50. 36. 36. 15 dala namin.
40. 45. 46 pati. Masakit na ang aming balikat pero hindi pa rin kami umabot sa taktang bilang. Akala ko pwede na kaming magpahinga pero hindi pa pala. Kailangan naming pasaning muli ang buho. at ibaba sa malabangin na paanan ng bundok.
Nakakatakot eh. Hindi ka sanay dyan, ma'am. Tatambling po.
Tatambling? Oo po, hindi ka sanay. Tara na lang. Saan tayo dadaan dito?
Dyan? Hindi mo pa bangin na yan? Hindi mo pa. Ano lang po, ganyan dyan po. Ayoko na sanang magpatuloy, pero nakita ko ang batang si Maui, sinoong ang daan, anuman ang mangyari.
At pag nakikita niyo po yung mga anak niyo na nagbubuhat? Kuminsan gusto kong iiyak, ma'am. Kaya lang, tinitiis ko.
Kasi imbis na hindi na po sila magtatrabaho, gawa po ng kahirapan po yung buhay namin, iyon po, tinitiis ko na lang. Gusto kong iiyak, wala akong magawa. Sadyang walang mabigat at walang matarik sa batang naghahabol ng panaginip.
PLEASE SUBSCRIBE! Music Halos dumausdus ako sa bigat ng kawayan sa aking balikat. Naisip ko, paano pa ang mga bata na di hamak na mas maliit sa akin?
Ay, salamat Lord. Thank you. Ilan po lahat-lahat? Bilakan natin. Ha?
Teka, bilakan natin. 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, Ano mang bigat ng kanilang pinasan, kulang pa rin ng 15 buho para mabayaran ang kanilang utang. Ang problema, lunes na bukas, alin kaya ang pipiliin ng mga bata? Magpasan o pumasok sa eskwelahan? Nakahinga ako ng malalim nang makita ko kinabukasan sa flag ceremony si Maui at ang kanyang mga kapatid.
Pinili nila ang eskwelahan. Hindi sila magtatrabaho sa araw na ito. Maging si Tatay Joseph tuwang-tuwa rin habang pinapanood ang mga bata.
Ito ang biyayang kapalit ng bawat pasakit. Bakit po importante na makapag-aaral yung mga bata? Ayaw po namin matulad sila sa amin na walang pinag-aralan.
Kasi po ma'am, kung minsan po may nalolo ako kami, kung minsan pag nangungutang kami sa may tindaan, kahit konti lang po yung alam namin na konti yung... Yung na-utang namin, palalakiin na yung lalakiin yung utang namin. Sa classroom, masayang sinilip ni Tatay Joseph ang kanyang anak sa loob ng silid. Si Maui ang isa sa pinakamagaling sa kanyang klase. Pursigido sa pagsusulat ang bata kahit pagod na pagod na sa pagpapasan ang kanyang mga balikat.
Ito pala. Ito ang pag-aaraw ng Maui. Alis na kami Maui.
Magbubad mo naman. Mag-isa lang magpapasan ngayon si Tatay Joseph. Halos dalawampung buho pa ang kailangan niyang ibaba sa bundok para mabayaran ng 399 pesos nilang utang. Ba't dito kayo nangunguha ng buho? Taas-taas?
Alat-alat akong makukuha sa patag, aside na sa patag. Dito ang talagang dinadaya ng bundok. Dito yung tinakakabot yung mga unap. Kailangan ko ito umakyat dito.
Ito na lang daw ang lugar kung saan libre ang buho. Lahat kasi nang nasa patag, may bayad na raw. Sa buho, piso, bayahan mo. Kung puputol sa may lupa, ay dito wala kang mabayahan.
Malayo nga lang, bayad ka ng pawis. Noon daw, walang iisang nagmamayari ng mga buho. Libre ito para sa lahat ng katutubo.
Pero nang dumating ang mga Tagalog o Unat kung kanilang tawagin, nagkaroon ng titulo ang lupa, nagkaroon ng bakod ang gubat. May mga kuwan sila, may mga sukat na sila lupa. Hindi ka pwedeng papasok, hindi ka babayad.
Ayaw nga mali ng masatanda namin noong unay. Nag-unat sa amin. Ang kamalihan, nag-upok sila ng unat dahil sa kamangmangan nila. Noon ko lang naintindihan kung bakit animoy walang kapaguran si tatay sa pagpasa ng nabigat na kawayan. Sa panahon kung kailan lahat may kabayaran, kawayan at pangarap na lang ang pwede nilang kapitan.
Doble ang bigat ng kawayan kapag bagong tabas ito, pero parating na ang buyer kaya kailangan magmadali. Ah! Hindi ko kaya! Tadala!
Tadala! Kaya ko to. Ligat ah. Ay shucks. Hindi na kasi kaya ni tatay na magbuhat ng 15. So.
Binoat ko na lang yung lima. Sampu sa kanya. Halos isang oras din. namin tinahak ang hubat, pasan ang kawayan sa aming likuran.
Mabagal ang bawat hakbang ni Tatay Joseph. Alam kong pagod na pagod na siya. Pero paano kasusuko kung nakapasan sa iyong balikat ang bigat ng iyong mga pangarap?
Music Maya-maya, dumating na ang buyer ng mga buho. Music Matyagang nag-abang si Tatay Joseph. Sapat na kaya ang buhong aming pinasan para mabayaran ang kanyang utang.
Habang naghihintay sa pagkarga ng kanyang aning buho, naikwento sa akin ni Tatay Joseph ang kanyang mga anak. Pumasaraw si Karen sa lahat ng kanyang mga exam at gagraduate na ng grade 6 sa susunod na buwan. Napakasalamat din ako sa paninood. Kahit may sakit ako, naipilit ko pa rin maitataguyo ng mga anak ko hanggang sa matapos.
Sana bago malalang ako mamamatay, makatapos kayo ka ako sa mga anak ko. Si Maui naman, pirmeng nasa top 10 ng klase. Matayog raw ang pangarap ng batang ito. Si Maui naman. Pangarap niya rin po, ma'am, pag matapos siya, maging doktora.
Alagi niya po sinasabi sa akin, ma'am. Sila ang punot dulo ng kanyang sakripisyo. nagpapagaan ang bawat kawayan na kanyang pinapasan. Sana sapat ang pinasanyang kawayan para bayaran ang pangarap ng kanyang mga anak. Pitong daang piraso ng buho ang ikinakarga ng mga buyers sa truck na ito linggo-linggo.
Anim na piso kada piraso ng buho ang bili nila sa mga katutubo. Ano pa maginagawa dyan sa mga buho? Nagagawa pong pang-ipin, pagsawa. Nagagawa pong bagot na sawa. Naging iba po pinanggiling din.
Maya-maya, binilang at ikinarganan ang mga buho ni Tatay Joseph. Dalawang araw niya itong inipon para mabayaran ang kanyang 399 pesos na utang. Sana umabot sa takdang bilang.
ang aming mga pinasang kawayan. So magkano po lahat-lahat yung kaya no? Si Tatay Joseph? 67 na pirasa ng...
...or 3. 402 pesos ang halaga ng naipasang buho ng Pamilya Liwanag. Sapat na para bayaran ang kanilang 399 pesos na utang at may sobra pang 3 piso. Pero nang oras na nang bayaran, Paano po ba yung bayaran sa kanila?
Hindi po. Kumuko sila sa pindahan po. Tapos, kada karga nila, nililista ko, minamainos po yung utang nila. Hindi po ulat na po full pay.
So ngayon po, 2,584 minus... Ano po yung 2,584? Yung utang yung... Yung dati po.
Yung bulat simula po ito. Hindi ko lubusang naintindihan ang aking narinig. Hindi lang pala, 399 pesos ang kailangan niyang bayaran.
So may utang pala siya? Oo po. Na 2,584?
Minus 400, 2218. Ang balak mo ngayon, bye. Ang balak ko po ngayon, babayaran ko po yung utang po. Para mga 300 pagsisikapan ko na lang po yung ma'am. Para makabawi na naman po ako ma'am.
Ganun po yung ma'am. Paano ang graduation ni Karen? Ba, yung nga, yung po ang iniisip ko ngayon, Mama. Sa mga pamilyang isang kahig, isang tuka, kulang ang isang kahig para bayaran ang mga pangarap.
Pag-uwi sa bahay, hindi ipinahalata ni Tatay Joseph ang kanyang lungkot. Hindi rin niya sinabi na malaki pa pala ang utang na kanilang papayaran. Pero kahit papano, tila ramdam na ito ng kanyang mga anak. Ang batang si Maui na pangarap noong maging doktor, tila nagpalit na ng panaginip.
Bakit gusto mo makatapos ng pag-aaral? Para po makatulong po ako kay Papa ko po. Anong obrang gusto mo?
Anong trabaho? Yung naglililis sa bahay. Yung naglililis sa bahay?
Opo. Yun ang gusto mong trabaho? Opo.
Sa maraming katutubong aita sa sityo Malipano, sadyang mas mahalaga ang trabaho kesa makapagkolehyo. Ba De Bi Bo Bago matapos ang araw, matyagang tinuruan ni Karen ang kanyang ama na magsulat at magbasa. Matupad man daw o hindi ang kanyang mga pangarap, kahit papanoy, naipasan na niya sa ama ang binhi ng panaginip. Bakit ba importante na matuto si tatay magbilang at sumulat ng pangalan niya? Para kahit sino po yung gusto magpapirma po sa kanya ng ibang tao po, alam niya po kahit wala po kami.
Anong pakiramdam niyo po nung naisulat niyo na yung pangalan niyo? Mga mga gaang po, kako ay salamat sa tanda ko ng ito. Naisulat ko rin ang pangalan ko. Makalipas ang isang buwan, dumating ang pinakahihintay na araw ng Pamilya Liwanag.
Ang araw na pinakahihintay ng Pamilya Liwanag. Sa unang pagkakataon, may magtatapos ng elementarya sa mga anak ni Tatay Joseph. Simulan po natin ang ating programa sa pagkasok ng Watawat ng Pilipinas.
Ano pong pakiramdam ninyo? Gagraduate na yung panganay ninyo. Na talagang natutuwa po yung loob ko para sa mga anak ko.
Kanino ka nagpapasalamat na makakapag-graduate ka? Mga maknahan, Tatay Lorenzo. Oo, kasi? Sila po yung nagpapaaras namin po.
Nang matapos ang seremonya, biglang nawala si Tatay Joseph. Kinabahan pati si Karen. Saan nagtungo ang kanyang ama? Makalipas ang ilang sandali, nagpakita rin si Tatay Joseph.
Bitbit ang ilang pagkain sa kanyang mga kamay. Marahil inutang na naman niya ang mga ito sa tindahan. Utang na ilang linggo kaya niyang papasanin. Salamat sa pagpapakataon ng mga graduate na ito. Bakit idol mo yung tatay mo?
Dahil siya po yung naghahalip na pagkainan. At siya po yung naghahalip ng mga, ano po, yung mga damit at saka mga sangkate. Sa kultura ng mga AITA, mga bata ang pinakamahalaga. Ang kanilang pangarap, ang puno't dulo ng lahat ng paghihirap. Ang kanilang tagumpay, ang matamis na biyaya ng buhay.
Sa tingin ninyo, kailan kayo magubuho? Hanggat mayroon po akong pinapaano sa pag-aaral, hindi ako titigil. Hanggat malakas pa ako, ma'am.
Hanggang hindi sila makatapos. Ako po si Cara David at ito po ang Eyewitness.