Transcript for:
Kulturang Slam Book at Maikling Kwento

Sikat noon ang magpapirma sa slam book. Kaway-kaway sa mga batang 90s, maliban sa song hits, favorite pastime noon ng mga teenagers na gaya ko, ang magpapirma at sumagot sa tinatawag na slam book. Dito nga nausong mga linyahang, judge me na lang. Para ito sa bahaging describe yourself. Love is like a rosary, always full of mystery. Para sa parting kailangan mong sagutin kung what is love. At secret. Crush is paghanga lang naman. Para naman ito dun sa who is your crush or describe your crush. Natutuwa at natatawa akong balikan din ng mga nakatabi kong slambok. Hindi ako makapaniwala na noon pala ay ginugusto ko na rin malaman kung ano nga ba yung ideal na partner para sa isang tao. Teka nga ah, kung sakali lang ha, hindi ko ito itinatanong ngayon para sa iba pa mang dahilan. Parang ano lang, parang gantos grade 10. Parang slambok noong nakaraan. Meron ka bang ideal na karakter para sa isang taong iyong pakikisamahan? Pero hindi pa riyan nagtatapos ang kwentong slambok ha. Bukod kasi sa mga tanong na binanggit ko kanina, kasama rin dun yung mga tanong na binanggit ko. Ito ang mga tanong sa mga dream destinations natin. At alam ko, hindi nawala ang US at France sa mga lugar na gusto kong marating noon. Bakit ba naman hindi ang France? Isa ito sa bansang may makulay na kultura na kumakatawan sa pamumuhay, paniniwala, wika, kaugalian, hilig, tradisyon, at at mga pagpapahalaga ng mga tao. Mahilig din kasi ang mga taga-France sa pagkain at alak. Ito yung sentro ng kanilang mga pagtitipon sa lahat ng antas ng lipunan at sa mga mararangyang handaan. Favorable kaya sa akin kasi mahilig akong kumain. Ang mga taga-France ay kilala sa pagiging supistikado kung manamit. Desente sila at laging sunod sa uso ang estilo. Fashion is... passion, ika nga. Pag iniisip ko pa lang yan, nalululan na ako sa maraming posibilidad ng mga Instagramable na larawan. Teka, grade 10. Gusto mo bang pagsamahin natin ang aking slam book memories sa pag-ibig at pasyalan gamit ang isang maikling kwento? Talaga naman, oh. Basta usapang pag-ibig at pasyal, gising na gising talaga tayo, diba? Excited! Hated na ba kayo? Sige, ihanda na muli ang sarili para sa panibagong aralin dito sa classroom ni Ms. Pam. Kung saan, magbibigay tayo ng pam, padagdag kaalaman, at pam, palakas ng loob mo, pam, bihirang bagets. Ihanda muli ang sarili, module, papel at ballpen. Game? Hitik sa kwento. ang buhay ng tao. Hindi ito mawawala ng anggulong pwedeng maikwento. Kaya nga, ang genre ng panitikan na kilala natin bilang maikling kwento ay isa sa mga pinakapatok na akdang binabasa ng mga tao. Madalas kasi, mayroon at mayroong isang maikling kwentong hashtag relate much ang masasabi mo. Balik. Balikan lamang natin ha para mas klaro tayo grade 10. Kapag sinabi natin may ikling kwento, ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagin. ng mga pangungusap at talatay binubuo ng may akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad ba niya? Ang isang pangyayari sa buhay... ng pangunahing tauhan. Makapagkintal ng isang visa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Kaya nga, grade 10, pinag-uusapan na rin lang naman natin ang pag-ibig at pasyalan. Tunghayan natin ang isang maikling kwento mula sa France, Ang Quintas ni Guy de Maupassant. Si Mathilde Loisel ay isang napakagandang babae, ngunit simple lamang ang napangasawa na nagtatrabaho sa kagawaran ng instruksyon publiko. Hindi marangyang kanilang pamumuhay na madalas ikinalulungkot niya. Ay, kung bakit kasi sa ganda kong ito ay hindi ako nakapangasawa ng mayaman. Walang kaganagana ang takbo ng buhay ko. Kailan kaya ako sasaya? Isang gabi ay dumi. tumating ang kanyang asawa na may dalang imbitasyon na sa palagay niya ay ikatutuwa ng asawa. Matilde, tingnan mo matutuwa ka sa pasulubong ko. Puksan mo ang sobray na ito para maging maganda ang araw mo. O, nabasa ko na. Ganun lang reaksyon mo? Hirap na hirap ako makakuha ng imbitasyon mula sa ministro ng instruksyon pang publiko. Dahil piling tao lang ang pwedeng makadalo dyan. Kaya nga ang swerte natin eh. Anong gusto mo reaksyon ko? Tumalon ako? Magsisigaw sa tuwa? Eh hindi naman talaga ako natuwa. Hindi ka natuwa? Bakit? Sino ba naman babae ang matutuwa kapag nakatanggap siya ng imbitasyon? para sa isang pagdiriwang. Tapos wala naman siyang maisusuot na damit. Kakagigil ka. Wala kang maisusuot na damit. Sige. Kung sakaling bibili tayo ng bestida, pupunta na tayo sa pagdiriwang? Magkano ba ang bagong bestida ngayon? Mga nasa apat na raang prangko. Oh, nakita ko ang mga reaksyon nyo ha. Matindi ba ang demand ni Matilde? Tignan natin kung pinagbigyan ni Ginoong Loisel ang kanyang asawa. At ginawan nga ni Ginoong Loisel ng paraan na mabilhan ng bagong bestida ang kanyang asawa. Ngunit, imbis na matuwa, tumagdag pa lalo ang inis at lungkot ni Matilde. Hindi mo ba nagustuhan ang bestida? Bagay na bagay naman sa'yo ah. Bagay nga, pero wala naman akong kahit anong ma-eternong palamuti. Maganda siguro kung mga sariwang bulaklak ang eterno mo sa bestida. Uso naman ito ngayon. San ka pa? Binilhan na pero kulang pa rin? Sige nga, grade 10. Sa tingin nyo ba ay ginawa ni Matilde ang sinabi ni ginaong Loisel? Lalo lamang ikinabahala ni Matilde ang pagdalo dahil sa suliraning ito. Naisip niyang kahiyan. Dahil magmumukhang mahirap siya sa lahat ng babaeng dadalo. ng kanyang asawa. Salamat ha, tayos lang manghiram ako sa iyo ng alahas. May tiwala naman ako sa iyo na iingatan mo yung mga hiniram mo. Pagkaibigan naman tayo, di ba? At hindi nagdalawang isip ang kaibigan at ipinahiram dito ang napakagandang diamanteng kwintas. Oh, napunta rin pala sa panghihiram sa kanyang kaibigang si Madam Forestier ang ating si Matilde. Sulit naman kaya ang kanyang desisyon? Sa gabi ng okasyon ay naging sentro ng atensyon si Matilde. Siya ang naging pinakamaganda kaya napakaraming humanga sa kanya. Marami ang nakipagsayaw ng waltz sa kanya. Kabilang ang may matataas na katungkulan sa pamahalaan. Inabot na nga sila ng ikaapat ng umaga sa pakikipagsayaw. Naglakad lamang sila ng kanyang asawa sa kanilang pag-uwi. Pagdating ng bahay ay napansin ni Matilde na wala na ang kwintas. Hindi na nila ito mahanap. Binalikan ni Ginoong Loyce. Kaya lang lahat ng kanilang dinaanan at pinuntahan. Ngunit walang bakas ng kwintas. Grade 10, kung ikaw kaya ang nakawala ng kwintas, ganito rin bang magiging reaction mo? At dahil kailangan na itong maibalik, ay gumawa na sila ng paraan. At nauwi nga sila sa paghahanap ng kamukhang-kamukha nito sa halagang 34,000 prangko. Gumawa sila ng paraan para mabili ang kwintas nang matapos ng kanilang problema. Pinagsama nila ang kanilang hawak na kaunting halaga at mga inutang na pera. At ito ang isinaoli niya sa kaibigan. Dahil naubos ang minana niya at nangutang pa, ang kanyang asawa upang mabayaran ng biniling kwintas, sampung taon silang naghirap at nagdiis. Biruin niyo yun, grade 10? Isang gabing masaya? Sampung taong pagdurusa? Isang araw, habang naglalakad, ay nakasalubong ni Matilde si Madam Forestier. Jane! Sino ka? Bakit mo ako kilala? Ako to, si Matilde. Matilde? Di kita nakilala. Bakit? Ibig kong sabihin, ano ang nangyari? At mukhang mas matanda pa ang itsura mo kesa sa edad natin. At naikwento niya na naiwala niya ang kwintas at nagbayad ng malaking halaga. Nang problema siya, buong buhay niya at pinagdusahan niya iyon. Ano ba naman yan, Matilde? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Natakot ako at naiya sa'yo. Hay nako, Matilde. Peke naman ang kwintas. Inukit lamang ito sa pet ng isang baso at halos limang daang prangko lamang ang halaga nito. Ang natunghayan nating maikling kwento ay isang halimbawa ng kwento ng tauhan. Grade 10, tandaan na sa ganitong uri ng maikling kwento, ang higit na binibigyang diin ay ang paglalarawan sa pangunahing tauhan ng kwento. Yung kanyang kinikilos, ang paraan ng pagbibitaw niya ng mga salita, Kung paano siya mag-isip at kung ano ang kanyang mga nararamdaman. Nangingibabaw rito ang isang masusing paglalarawan sa tunay na pagkataon ng tauhan sa akda. Ang kanyang larawan o katangian ang siyang magiiwan sa atin ng kakintalan. O, aminin mo, tumatak sa iyo ang mag-asawang Loisel, di ba? Sa kwento nga ng tauhan, napakahalaga na mailarawan ng maigi ang mga tauhan, lalo yung pangunahing tauhan. Kaya naman, ang paglalarawan ng buong pagkataon ng tauhan ay nakadepende at naipaliliwanag sa kanyang panloob na anyo. Iyong kanyang isipan, mitiin at damdamin. Gayun din naman sa kanyang panlabas na anyo. na nakasalalay sa paglalarawan kung paano siya kumilos at magsalita. Nakatutulong din sa pagpapalitaw ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa kwento tungkol sa kanya o ang kanilang reaksyon na mga ipinapakita. Pero grade 10, higit na mabisang paglalarawan sa katauhan ang kanyang reaksyon o saluubin sa mga tiyak na pangyayari. Dito nga, lutang na lutang si Matilde sa ating maikling kwento. Sige, ganito. Para mas maintindihan pa natin, paigtingin pa natin ang iyong pagugnawa sa akda at sa kwento ng tauhan. Maglalahad muli ako ng mga tanong at piliin mo lamang ang titik ng tamang sagot. Simulan natin. Pagkatapos ng sampung taon, ang buong pagkakautang ay nabayaran. Si Matilde ay mukhang matanda na ngayon. Anong salita o mga salita ang naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Matilde? A. Sampung taon B. Pagkakautang C. Mukha Mukhang matanda? D. Ngayon. Kung ang sagot mo ay titik C, aba, nakuha mo agad. Dahil ang mukhang matanda ay nagpapakita ng pagbabago sa pisikal na anyo. Tingnan natin ang kasunod. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Matilde? A. Isa B. Tagasulat C. Magagandang babae D. Pagkakamali ng tadhana Tignan mo nga ang iyong sagot. Dapat ito ay titik C, ha? Dahil inilalarawan ang kanyang itsura. Tara, eto pa! Alin sa mga sumusunod ang larawan ni Matilde sa kasalukuyang panahon? A. Sinora. Mayaman, maganda, mabait, ngunit hindi. B. Si Alma, nakatira sa isang kubo na walang kasinlinis at di matatawaran sa dami ng mga tanin na prutas at gulay. C. Si Edna, mahal na mahal ng asawa, lahat binibigay sa kanya kahit hindi niya hinihingi dahil may trabaho at kita naman siya. D. Si Myrna. Kilala sa kanilang lugar dahil sa ganda ng katawan at kagalingan sa pagbibihis ng kasuotan. Araw-araw ay nagtatago dahil sa utang. Parang lahat uubra, no? Pero syempre, ang sagot ay yung talagang pinakamalapit na paglalarawan. Kaya sana ang sagot mo dito ay titik D. Dagdagan pa natin. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Matilde? A. Laging nasa huli ang pagsisisi. B. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin. C. Gaano man kataas ang paglipad ay siya ring bigat ng pagkakabagsap. D. Ang paghahangad ng labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan. Dito naman, grade 10, ang sagot mo dapat ay titik T. Dahil talaga namang napahamak silang mag-asawa sa sobrang pagnanais ni Matilde na makuha ang lahat para makipagsabayan sa iba. Huli na to, bakit nabibilang sa kwento ng tauha ng kwentong ang kwintas? A. Nagpapakita ito ng kultura ng bansang France. B. Ito'y nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing tauhan. C. Dahil naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang ginaong Loisel at Matilde. D. Ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang kabiyak. Naman, ang sagot dito ay titik B. Teka nga muna, medyo nabitin pa ako sa ating naging talakayan. Dagdagan pa natin ng ilang pagsasanay. Ganito grade 10. May limang pangungusap akong ipakikita. Heto na sila. Basahin natin. Una, nakatuon sa mga pangyayari sa kwento. Pangalawa, tinatalakay ang pinagmulan ng mga tao o bagay. Pangatlo, naglalarawan ng iisang kakintalan sa taong pinapaksa. Pangapat, paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha. Paglima, higit na binibigyang... Mahalaga ang kilos, pananalita at kaisipan ng tauhan. Susuriin natin ang bawat isang pangungusap. At naghanda ako ng isang table na nahati sa dalawang kolom. Para sa tumpak, kung ito ba ay tumutukoy o nagpapaliwanag tungkol sa kwento ng tauhan? O sablay? Naman kung hindi. Simulan natin. Nakatoon sa mga pangyayari sa kwento. Ayan, dito ka sa sablay. Tinatalakay ang pinagmulan ng mga tao o bagay. Ikaw rin, sablay. Naglalarawan ng iisang kakintalan sa taong pinapaksa. Pakpakpak! Tumpak! Paglalarawan sa tunay na pagkataon ng tauhan sa katha. Hmm, tumpak ito. Higit na binibigyang halaga ang kilos, pananalita at kaisipan ng tauhan. Isa pa to, tumpak rin! Ayan, tignan nga natin kung pareho tayo ng naging sagot. Tatlong pangungusap ang tumpak at dalawa ang sablay. Bawat akdang ating binabasa ay nagiiwan ng mga aral. na talaga namang akma sa panahon at magandang maisabuhay. Ganito, hayaanin niyong matulungan ko kayong makapulot pa ng mga munting butil ng aral sa ating paksa. Maglalatag ako ng ilang pahayag mula sa angkwintas at tatapatan natin ito ng aral. Okay ba yun? Para naman may pampagana sa buhay at pampalambot sa ating mga pusong bato na. Tara let's! Sabi sa kwento, May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan, kaya't ipinaghihinagpis niya ang kanyang karukaan. Teka, dapat malaman ni Matilde na ang pagtanggap sa sarili ay hindi isang pagkakamali. Sabi sa kwento, O kahabag-habag kong Matilde, ang ipinahiram ko sa iyong kwintas ay imitasyon lamang, kwit lamang ng baso. Kung nalaman lamang sana ni Matilde na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, wala sana siyang naging problema. Sabi sa kwento, sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang utang. Anto ni Matilde, natunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga. Ito grade 10 ay matibay na halimbawa na ang paghangad ng labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan. Sabi sa kwento, upang makadalo sa kasiyahan, ibinigay ni Ginong Loisel ang naipon niyang perang pambilisana ng baril pang ibon upang ibili ni Matilde ng bestida. Malinaw ang naisipakita sa atin dito. Ang tunay na nagmamahal ay handang magsakripisyo, alang-alang sa kanyang minamahal. At kulang na naman ang kalahating oras para sa ating mga aralin grade 10. Pero hindi natin ito iiwan basta-basta. Pulutin ang mahalagang aral na ibinigay sa atin ng maikling kwento ng tauha na ito mula sa France. Gaya ng pagsagot mo sa slam book. Meron na tayo. ang mga bagay at tao na gusto nating makamit o makilala. Kung kaya sana, sa buhay, huwag tayong maging padalos-dalos sa pagpapasya. Pag-isipang mabuti ang bawat sitwasyong ating papasya. at hindi laging love will keep us alive ang peg ng buhay natin. Makapagsasakripisyo ng minsan siguro para sa ating mga mahal. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama o ligaya ang magiging hatid nito. Matuto rin tayong magpahalaga sa mga bagay na mayroon tayo nang hindi tayo nasasaktan sa huli. Isang kwento pa lang yan, Grade 10. Tunghaya ng ibang hatid na kaalaman at aral sa buhay sa mga susunod pa nating talakayan. Paano? Hanggang sa susunod nating pagkikita, makinig, magmasid at makiisa sa ating mga aralin dito sa DepEdTV. Sakalimang malagpasan mo ang oras natin sa DepEdTV, bisitahin mo rin ang official YouTube channel natin. At yan ang ating tampok na aralin para sa inyong mod. sa Filipino 10. Huwag mabahala sapagkat sama-sama tayong matututo at uunawa dito sa classroom ni Ms. Pam. Kung saan mag-e-enjoy kang matututo at matututo kang nag-e-enjoy. Dahil ang pagkatuto ay hindi lamang sa isip, tagos hanggang puso. Tandaan sa panitikang Filipino. Abot kamay mo ang mundo.