Transcript for:
Mga Kahalagahan ng Wika at Kultura

Mga pitagang pagbati sa inyong lahat. Ito ay Gen Ed 12A o Dalumat ng sa Pilipino. Ako nga pala si Binibining Baez. Para sa araw na ito, tatalakay natin ang Dalumat. Ano nga ba ang Dalumat? Una, ito ay ang pagkakaroon ng kakayahan na mag-isip ng malalim. Sa Dalumat o ang pagdadalumat ay kinakailangan o nire-require Nito ang malalim na pag-iisip dahil may mga salita o may mga wika tayo kailangang bigyang kahulugan ng mas malalim maliban sa mababaw nitong pagpapakahulugan. Sunod, ito ay pagsasaad ng ibang kahulugan sa mga simpleng salitang paksa o particular na sa sitwasyon ng tao. Ayan, bibigyan natin ng kaiba. o ibang kahulugan ang mga simpleng salita. Dahil ito ang dalumat. Bibigyan lalim natin ang mga salita o mga bagay na natalakay na nung kayo ay mga nasa mababa pang antas ng pag-aaral. Ngunit dito sa ating asignatura na dalumat ay mas palalalim natin para sa kalawakan ng inyong kaalaman. Ikatlo, nangangailangan ng matindi at malalim na... pag-iisip at kinakailangan ng imahinasyon. Ang imahinasyon na sinasabi dito ay kadalasan o nararapat lamang na nasa limitasyon ng realidad. Ang imahinasyon na ating gagamitin, ang gagamitin natin na imahinasyon sa pagdadalumat ay kailangan tama o angkop pa din sa kung ano ba ang tunay na nangyayari sa ating kapaligiran. Sunod. Dalumat salita? Ano ba ang dalumat salita? Ito ang paggamit ng wika sa mataas na antas. Dahil ang dalumat ay ginagamitan ng malalim ng pag-iisip, ang wika o ang paggamit ng wika sa mataas na antas ay nakapaloob sa dalumat salita. Halimbawa, ang pasasalita sa harap ng madla bilang presidente. Ayan, kapag tayo ay naging isang presidente, halimbawa, kailangan natin... ng mataas na antas ng wika. Hindi tayo maaaring gumamit ng mga salitang balbal o kolokyal na hindi naaangkot sa ating tagapakinig. Ikalawa, ang pagteteorya na may kabatayan sa masusi at kritikal na paggamit ng salita na umaayon sa ideya o konsepto na malalim na kadahilanan o uri ng paggamit nito. Ang halimbawa dito ay ang wika. o salita na ginagamit natin sa pananaliksik. Pananaliksik ay research o kaya sa mga thesis na ating gagawin sa pagdating ng panahon. Kumbaga, dito kailangan natin na may basehan ang ating wika o sinasabi dahil malamang ang ating pananaliksik ay nangangailangan ng malalim na pag-aaral. Kumbaga, ang ating mga datos ay may pinagmulan. o tama ang batis o source na ating tinagkuhanan ng mga informasyon, hindi dapat ito nagmula sa hula lamang dahil magiging mali ang ating pananaliksik kung ito ay walang batayan. Kung ang ating ginagamit na wika ay hindi malalim at hindi dinamitan ng pagdadaluman. Ikatlo, nagsisimula sa ugat na dahilan o kahulugan ng isang salita at madalas nag-uugat. o nagbubunga ng iba't ibang sangay na kahulugan ng salita. Dito naman, ang halimbawa ay ang salitang tokhang. Ito ay mula sa pinaghalong sebuah ng mga salita na tokto, na onomatopeya, o tunog ng katok, at hangyo, na ang ibig sabihin ay hiling, patawad, o pakiusap. Na sa panahon ito, ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng tokhang? Kung pagsasamahin natin ang... At hiling, o patawad, ano kaya ang maiibigay nating depinasyon ng tokhang pag-isipang mabuti. Sunod, sa ating kulturang Pilipino, mayroon tayong tinatawag na sawikain at salawikain. Dito, ginagamitan ito ng dalumat. Bakit nga ba? Nagaya ng halimbawa, luha ng buhaya. Kung iisipin natin sa mababaw na pag-iisip, may luha nga ba ang buhaya? O ano nga ba ang ibig sabihin ng luha ng buhaya? Kung ating gagamitan ng pagdadalumad, ito ay ang peke na pag-iyak o peke o hindi totoo na pagdadalamhati. Pakitang tao lamang. Ang iyak ng buwaya, ganon kalalim kung ating dadalumatin ang salitang o ang mga salitang iyak ng buwaya. Yun ang ating ibig sabihin doon. Sunod, ang salawi kain na ang magnanakaw, galit sa kapwa, magnanakaw. Totoo na galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw. Kung gagamitan natin ito ng dalumat, Bakit kaya? Ano ang magiging dahilan? Rason? Bakit galit sa kapwa magnanakaw ang magnanakaw? Titignan natin ang mas malalim na ibig sabihin ng salawi kain na ito. Uulitin ko, ang ating bansang, Pilipinas, ay talagang mayabong o mayaman sa sawi kain at salawi kain. Ang kailangan lang natin talaga dito ay dalumad. Kailangan lang natin itong isipan ng malalim para mas maintindihan natin. At nakikita natin dito na talaga namang mayaman at kakaiba ang kulturang mayroon ang ating wikang pambansa na Pilipino. Susunod, ang Sawi Kain at Salawi Kain ay mayamang bahagi ng kulturang Pilipino. Ito ang mga hiyas ng ating wika. mga salita ng ating mga sinaunang ninuno na naipamana sa mga susunod na henerasyon o sa ating henerasyon hanggang ngayon. At ito ang mga nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa traditional na kulturang Pilipino. Kung ating babalikan ng ating halimbawa, Iyak ng buwaya. Paakit kaya binigyang pagkahulugan ng ating mga ninuno na sa buwaya? may peking luha. Kung iisipan natin ng mas malalim, malamang ang buhaya ay nagtataglan na isang malakas na katangian o matapang na katangian, ngunit ito ay iiyak. O kaya naman, ang buhaya ay sugapa. Sugapa sa kapangyarihan, kayamanan, at sa kung ano man. At kung ito ay iiyak, Ano ba ang ibig sabihin o ano ang pagpapakahulugan natin sa kanyang luha? Ito nga ba ay talagang iyak ng pagdadalamhati o sadyang pakitang tao lamang? Makikita natin kung gaano kalalim ang binigay na halimbawa ng ating mga ninuno sa pakitang tao. Ito ay binigyan nila ng terminong iyak ng buwaya. Ganon kalalim. O ganon kaganda ang karunungan na mayroon ating mga ninunok na ipinapamana sa atin ngayon. Susunod, ambagan. Dito sa ambagan, ginagamit ang dalumat dahil ito ay kumperensya sa paglikom ng mga salita mula sa iba't ibang wika dito sa Pilipinas. Ito ay kumperensya o conference na dinadaluhan ng mga dalubhasa. sa wika o ito ang kumpere o kumperensyang ambagan ay para sa pagsulong ng pagdadalumat sa Pilipinas. Ayon sa pagbabatid ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF 2015, ang proyektong ambagan ay proyekto ng Pilipinas Institute of Translation o FIT na ginaganap kada dalawang taon bilang pagkilala at pagpapatupad sa hangarin ng Espesipikong probinsya o probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987, Artikulo 14, Section 6 na nagbibigay din sa papel ng mga wika. Dito sa ambagan, kung titignan natin o kung sisiyasati natin, literal na ambagan ng salitang Pilipino ang nagaganap sa conference na ito. Nagbibigay ang mga dalubhasa ng iba't ibang salita na maaari natin gamitin at maaari din na wala pa ito sa diksyonaryong kaya sila nag-aambag o nagbibigay kontribusyon para sa ating wika. Ginagamitan ito ng malalim na dalumat dahil eksperto at dalubhasa sa wikang Pilipino ang gumaganap dito. Panghuli, ang mga susing salita at iba pa. Mula sa iba't ibang seminar na dinadaluhan muli ng eksperto at dalubhasa sa wika, tinatalakay at dinadalumat nila ang iba't ibang susing salita. Para sa karagdagang kaalaman, pumunta kayo sa website na makikita ninyo sa aking presentasyon. At ano nga ba ang tinatalakay sa presentasyon ito? Ito ay nagmula sa UP. sa Universidad de Filipinas, Diliman. Dahil noong nakaraang September 22, dalawang eksperto mula sa magkaibang disiplina ang nagbahagi ng kanilang kaalaman tukol sa mga salitang Indi at Deluvio sa seminar na inorganisa ng Centro ng Wikang Filipino, o SWF, bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng wika noong Agosto. 2017. Dito, ang binigay nilang susing salita ay Indi at Delubyo. At tinalakay dito kung ano nga ba ang pakahulugan sa Indi at Delubyo. Ganon ang pagbibigay ng mga susing salita at iba pa. Palalawigin, palalalimin at bibigyan ng iba pang pagkakahulugan ang iba pang salita na mayroon tayo sa ating wikang. pambansang Filipino. Sa araw na ito, yun lamang nga ating tatalakayin. Doon nakapaloob ang leksyon na mayroon tayo sa buong linggo ito. Maraming salamat. Muli, ako si Binibining Baez para sa inyong dalumat ng sa Filipino.