Transcript for:
Lektyur tungkol sa Lipunang Sibil

Music Magandang araw, Grade 9! Ako si Teacher Janjan. Ang ina- yung guro sa edukasyon sa pagpapakatao. Samahan nyo ako sa isa na namang masayang pag-aaral tungo sa pagkakaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso, at makataong pagkilos. Handa ka na bang matutos? sa araw na ito. Mabuti kung ganun. Ihanda mo na ang iyong ballpen, papel o kwaderno at self-learning module at sabay-sabay tayong makinig, sumagot at matuto ng mga bagong kaalaman dito sa edukasyon sa pagpapakatao, ikasyam na baitang. Bago tayong magpunta sa ating bagong aralin, balikan natin ang ating napag-aralan sa nagdaang episode. Dapat nating tandaan na ang mabuting kalagayan ng ekonomiya ay napauunlad ang lahat. Hindi lamang... ang mayayaman ang nakararamdam ng ginhawa, kundi ang bawat isang mamamayan. Dapat din nating alalahanin na ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pagunlad, kundi... sa pag-unlad ng lahat. Ngayon naman, para malaman ninyo ang ating bagong aralin, ay mayroon muna akong ipagagawa na isang exciting na activity. Nakikita nyo ba ang mga numerong ito? Very good! Ngayon, pagsunod-sunodin mo ang mga numerong ito para masagot mo ang tanong na Hango sa datos na inilabas ng The World Bank, ilan na ang populasyon ng Pilipinas? Noong 2019, bibigyan lamang kita ng 30 segundo upang ayusin ang mga jumbled numbers na ito. Gusto mo ng clue? Sige, bibigyan kita. Ang una. Ika-apat at panghuling number ay nasa tama na nilang pwesto. O, handa ka na ba? Ang iyong 30 segundo ay magsisimula na ngayon. Time's up! Tama kaya ang iyong sagot? Tingnan natin. Muli, base sa datos na inilabas ng The World Bank, ang kabuoang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong 2019 ay 109,947,900. O, tama ba ang sagot mo? Very good ka talaga. Eh, gaano? Ano nga ba karami ang 109,947,900? I-imagine mo na lang ito. Kung papapasukin ang lahat ng Pilipino sa loob ng Philippine Arena, ang itinanghal na pinakamalaking multi-purpose indoor theater ng Guinness World Records na may seating capacity na 55,000, kailangan pa natin magpatayo ng 2,000 pang Philippine Arena. Ganito. Ganito tayo karami sa Pilipinas. Ang tanong, paano kung sabay-sabay nangailangan ang lahat ng tao sa loob ng 2,000 Philippine Arena? Sabay-sabay nangailangan ng pagkain, servisong medikal, ng trabaho, at ng iba pang pangangailangan. Magagawa kaya na tugunan ito ng pamahalaan sa mabilisang paraan? Hmm, mukhang mahirap. Thank you for watching Pero kung sa bawat Philippine arena ay may mga grupo ng tao na tatayo, kikilos, at buong pusong tutulong upang tumugon sa mga nangangailangan, mas magiging madali ang pagtugon at pagtulong sa lahat ng Pilipino. Dito na papasok ang mahalagang papel ng Lipunang Sibil. Ang Lipunang Sibil ay tumutukoy sa mga individual na bumubuo ng isang grupo o organisasyon. Ito ay ang kusang loob na pag-organisa ng mga tao tungo sa sama-samang pagtulong sa mga nangangailangan. Hangad ng lipunang sibil na maging kaagapay ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao, lalo na ang mga hindi naaabot ng agarang tulong. Ang layunin ng lipunang sibil ay hindi upang kumita, magkaroon ng kapangyarihan sa mga tao, o mangyari ang pansariling interes. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang pangangailangan ng kanilang kapwa Pilipino. Natatandaan mo ba ang nangyaring pagputok ng Bulcang Taal noong Januari? Isa ito sa unang pagsubok na hinarap ng ating bansa pagpasok ng taong 2020. Napakaraming mga tao ang nawala ng tahanan, hanap buhay, Mga alagang hayop at mga ari-arian dahil sa ibinugang makapal na abon ito. Agaran ang tulong na ginawa ng ating pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga nasalantang kababayan. Sa pagkakataon ding ito, naipakita ang lakas ng lipunang sibil. Naging kaagapay ng pamahalaan ang lipunang sibil sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng pagputok ng Bulcang Taal. Maraming grupo ng mga tao na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa ang gumawa ng paraan upang magbigay ng tulong para sa mga nangangailangan. Ano-ano nga ba ang mga halimbawa ng lipunang sibil? Alamin natin sa pamamagitan ng isang game na tinatawag na Word Clues. Simple lang ang larong ito. Magpapakita ako ng tatlong salita na magsisilbing clue sa hinahanap natin. Mayroon ka lamang limang segundo para isipin kung anong halimbawa ng lipunang sibil ang pinatutungkulan ng ating world clues. Handa ka na ba? Narito ang una. Dasal, pikit, Diyos. Tama kaya ang sagot mo? Ang unang halimbawa ng lipunang sibil ay ang Tama ka! Simbahan! Ang simbahan ang tumutugon sa mga pangangailangan nating may kinalaman sa moral at espiritual na buhay. Sa tulong ng mga kaparian, pastor, imam, ministro, at iba pang lider pang reliyon, Nauunawaan natin ang mga isyong magpapaunlad ng ating buhay espiritwal. Gumagawa rin ng mga misyon ang simbahan upang tulungan ang mga tao, hindi lang pang espiritwal, maging mga pangangailangan kagaya ng pagpapakain sa mga nagugutom at pagbibigay ng masisilungan sa mga taong walang tahanan. Dumako naman tayo sa pangalawang halimbawa ng lipunang sibil. Narito ang mga word clues. Karapatan, grupo, kongreso. Time's up! Anong sagot mo? Tama! Ang ikalawang halimbawa ng lipunang sibil ay ang Partylist Groups. Ang Partylist Groups ang kumakatawan sa mga sektor ng ating lipunan na nangangailangan ng wastong pagkalinga. Sa tulong ng mga taong pinili ng isang party list, agaran ang nagagawang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Mapunta naman tayo sa pangatlong halimbawa ng lipunang sibil. Narito ang mga word clues. Telebisyon, radyo, pahayagan. Oops! Tapos na! Anong sagot mo? Tumpak! Ang ikatlong halimbawa ng lipunang sibil ay ang Media. Ang media ang pangunahing hinaasahan ng mga tao na makapagbibigay sa kanila ng iba't ibang impormasyon tungkol sa nangyayari sa ating bansa, lagay ng panahon, entertainment, at ano pa mang isyo na nakaapekto sa ating buhay at kabuhayan. Sa tulong ng media, nalalaman ng mga mamamayan kung may paparating na bagyo, kaya't nakagagawa sila ng mga kaukulang paghahanda. Kapag may nangangailangan ng saklolo at gustong ipanawagan sa marami, Media rin ang inaasahan. Marami rin mga media organizations ang bumubuo ng kanilang sari-sariling foundations upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Madalas natin silang nakikita sa mga oras ng trahedyang nangyayari sa ating bansa. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mas lumawak na ang sakop ng media. Kasama na rin sa halimbawa ng lipunang sibil, ang social media. Ang social media ang isa sa pinakamakapangyarihang anyo ng media sa panahon ngayon. Gamit ng laptop at cellphone, nagagamit din natin ito upang mag-update tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang social media ay nagagamit na rin sa public service. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay informasyon, tungkol sa mga nawawalang tao, mga nangyayaring sakuna na nangangailangan ng agarang aksyon, mga taong nangangailangan ng tulong, at iba pa. Magpunta naman tayo sa panghuling halimbawa ng liponang sibil. Narito ang mga word clues. Privado, grupo, pareho. Time's up! Anong sagot mo? Tama! Ang panghuling halimbawa ng lipunang sibil ay ang Samahang Sibil. Ang Samahang Sibil ay grupo ng mga mamamayan na may pare-parehong gawain at adhikain. Sila ay ang mga pangkat na gumagawa ng misyon sa iba't ibang lugar sa bansa upang maghatid ng tulong sa mga tao. Karaniwan sa kanila ay nag-aambag ng kanika nilang sariling pera upang maihatid ang pangangailangan na kanilang nakikita sa paligid. Walang nag-uutos sa mga samahang sibil pag- Pagdating sa pagtulong, ginagawa nila ito sa abot ng kanilang makakaya sa ngala ng pag-agapay sa kanilang kapwa. Congratulations, Grade 9, na pagtagumpayan nyo ang hamon ng word clues. Base sa nabuonin nyo, narito ang mga halimbawa ng lipunang sibil. Simbahan, partylist groups, media, social media, at samahang sibil. Sabi nga ni Father Eduardo Jontiveros sa isang awit, Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tandaan mo, bilang isang mag-aaral, ikaw ay maaaring maging kabilang ng lipunang sibil. Maaari mong gamitin ang iyong kalayaan sa pagbibigay tulong sa iyong kapwa kahit sa munting paraan. Bago tayong magtapos, subukin natin ang iyong mga natutunan sa araw na ito. Gamit ang iyong papel at bolpe? Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa loob ng limang segundo Narito ang unang tanong Una, ang sama-samang paggawa ng patlang ay maituturing na gawain ng isang lipunang sibil A. Pagsisid sa mga basura B. Pagtatanim ng mga puno C. Pagmamasid sa mga ibon O D. Pagdalo sa fiesta. Ang tamang sagot ay B. Pagtatanim ng mga puno. Pangalawang tanong. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong pang-religyon ay bunga ng... A. Paniniwalang hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng kahulugan ng buhay. B. Hawak ng mga lider ng reliyon ang kapangyarihan. C. Kinamulatang kalakaran ng ating bansa. O D. Kawalan ng saisay ng buhay sa gitna ng ating mga tinatamasa. Ang tamang sagot ay A. Paniniwalang hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng kahulugan ng buhay Pangatlo, bakit nagkukusa ang mga tao na mag-organisa ng proyekto na tugunan ang pangangailangan ng nakararap? A. Upang maipakita ang kahinaan ng pamahalaan. B. Ito ay paraan ng pagkapakita ng lakas ng mga tao. C. Upang samahan ng pamahalaan sa pagtugon sa pangailangan ng tao. O D. Upang magamit na propaganda sa darating na eleksyon. Ang tamang sabot ay C. Upang samahan ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng tao. Pangapat, anong halimbawa ng lipunang sibil ang kumakatawan sa mga... Sektor ng ating lipunan na nangangailangan ng wastong pagkalinga. A. Simbahan B. Media C. Partylist Groups O D. Samahang Sibil Ang tamang sagot ay C. Partyless groups. At panghuling tanong, ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil? A. Pagpaparating ng... B. Pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan Kumusta ang score mo? Kung tama ang lahat ng iyong sagot, mahusay! Kung hindi naman, tandaan mong may pagkakataon kang bumawi sa ating mga susunod pang aralin. Bago tayo matapos sa ating aralin, ay bibigyan muna kita ng karagdagang gawain upang mas mapagyaman mo pa ang iyong mga natutunan sa ating aralin ngayon. Nais kong sagutan mo ang karagdagang gawain na nakasulat sa iyong self-learning module. Sigurado kung marami kang natutunan ngayon sa ating aralin, pwede mo itong ibahagi sa iba upang mas maraming tao pa ang magkaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso at makataong pagkilos. Muli, ako si Teacher Janjan. Isang magandang araw sa inyong lahat at magkita-kita tayong muli! Dito lang kung saan masayang mag-aral ng ESP, ang DepEdTV. Paalam!