Sa video na ito, pag-aaralan ang mga gamit ng wika sa lipunan. Mga layunin. Una, napibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Pangalawa, Napapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay ng halimbawa. At huli, nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.
Wika bilang instrumento, ito ay tungkulin ng wika na natutubunan ang pangangailangan, katulad ng pagpapahayag ng damdamin, pangihikayat, pag-uutos, pagtuturo at pagkatuto. Sa Speech Act Theory ni John L. Austin ay gumagamit ng wika para direkta o hindi direkta ang pakilusin ang kausap batay sa mensahe. Halimbawa nito, una ay loksyonaryo. Ito ay ang literal na kahulugan ng pahayag. Halimbawa, tama na ibig sabihin ay literal na tama na o tumigil na.
Pangalawa ay ang iloksyonaryo. Ito ay ang kahulugan ng mensahe na depende sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito. Halimbawa, tama na ay pwedeng mga hulugan na tumigil na o totoo. At huli, Ayang perloksyonaryo, ito ay ginawa o nangyari matapos mapakinggan ang mensahe.
Halimbawa, tama na ay pwede manghulugan na tumigil na sa ginagawa. Wika bilang regulatoryo. Ito ay tungkulin ng wika sa pagkontrol o paggabay sa kilos ng ibang tao. Halimbawa nito ay pagbibigay ng paalala, babala o direksyon.
Maaaring ito ay batas na pasulat o pasalita o tradisyon. Wika bilang interaksyonal. Ito ay tungkulin ng wika bilang pagtatatag ng relasyong sosyal sa ibang tao, pamilya, kaibigan o kakilala.
Halimbawa nito ay ang pulmulariong panlipunan. Iba pang halimbawa nito sa cyberspace ay ang email, group chat o online store. Wika bilang imahinatibo. Kungkulin ng wika na ginagamit sa pagpapahayag sa malikhaing paraan.
Maaaring gumamit ng idioma, tayutay o simbolo. Makikita ang malikhaing pagsulat sa tula, nobela, maikling kwento o awit at at marami pang iba. Wika bilang personal. Ito ay tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng opinion o damdamin, pasulatman o pasalita.
Halimbawa nito ay ang mga liham, formal o informalman. Nakapagpapahayag din ng damdamin ang pagsiselty na ginagawa ng karamihan. Wika bilang yuristiko. Ito ay tungkulin ng wika na pagtanong at pagsagot o pag-ieksperimento.
Halimbawa nito ay ang mga survey sa pananaliksik, interview, pag-oobserba sa mga tao o sa pangyayari. Ito ay pagkuhan ng kaalaman at natututo sa proseso ng pagtuklas sa paligid. Wika bilang representativo. Ito ay tungkulin ng wika na pagpapaliwanag ng datos, informasyon o mga natuklasan o natutuhan. Dito nakikita ang galing sa paggamit ng modelo, teknolohiya, mapa o larawan para makita ang nais na ilahad.
At ito ang gamit ng wika na instrumento, regulatoryo, interaksyonal, imaginatibo, personal, juristiko, at representatibo.