Transcript for:
Pagkakaiba ng Appendicitis at Kidney Stones

Okay, topic po natin, pag sumasakit ang tiyan, ang serious dito either appendicitis ba siya o kidney stones ba siya, bato ba siya sa bato, minsan mahirap ma-distinguish. So ituturo ko sa inyo paano malalaman kung yung sobrang sakit ng tiyan, appendicitis, kidney stone o baka hindi delikado. Itong dalawa kasi medyo delikado yan. So, Ang mahirap dito kung right-sided yung pain. Pag dito sa tiyan, depende kung nakaharap ba yung cellphone nyo.

Pag sa may kanan sa baba, pwedeng appendicitis yan. Pwede rin kidney stone yan. Dalawang pinagpipilian. Minsan mahirap yan. Unahin natin ang kidney stone.

Ano ba ang kidney stone? Ito yung kidneys natin. Tapos ang trabaho ng kidneys, gumawa ng ihi.

Ilabas yung mga toxins sa katawan. Kaya lang, minsan itong ihi natin may mga crystals parang buhangin. May mga calcium, may buhangin, may mga sediment. Nagbubuo. Katulad nito, nagbuo.

So pag nagbuo yan, pwede magbara dito sa kidney, dito sa ureter o sa pantog hanggang sa palabas. Sobra sakit yan. Pag sa kanan, pag sa kanan na kidney, sa kanan sasakit. So hindi mo alam kung appendix ba o kidney stone. Maraming klaseng kidney stone na pwede mag-form.

Pwede ang calcium stone, minsan kung masyado ka sa maalat, patis, toyo, kulang inom ng tubig, nagkakaroon ng calcium stone. Meron ding bato na uric acid stone, mataas sa uric acid. Laman loob, alak, pwede rin.

Kahit anuman stone mo, lalo na pag kulang ang tubig mo, pwede siyang magbuo. Nagbubuo, laki ng bato. Meron din iba, struvite stone, cysteine stone, ito mga kasama yan sa UTI.

Ang sakit, iba yung sakit ng kidney stone. Depende kasi sa laki ng stone. Pag ang stone lampas na sa 5mm, lampas sa 5mm, baka hindi na bumaba.

Hindi na siya lulusot. Play natin, 1cm, o mga 1cm, 2cm, hindi na lulusot yan. Lulusot lang yung bato kung 5mm. O, dapat mga 1cm lang. O, 1cm is 10mm eh.

So pag 5mm, maliit na maliit, pwede pa lumusot. Pero kung lulusot siya, sobrang sakit. Sobrang hapdi.

Para kang dudumi. Sabi nga na ibang babae, parang nanganak sila sa sakit. Ako, naka-experience na ako nito.

Ayan o. Sobra sakit yan. Ang sintomas, pag kidney siyempre, let's say, ang problem, kidney stone.

So yung ihi, magkakaproblema dapat. May dugo. kulay masakit umihi, medyo pink, hindi naman dugo talaga makikita, usually pinkish.

Tsaka pag kidney stone hanggang likod, may lagnat, may hilo, may suka, pero basically ang kakaiba yung sa ihi. Tsaka pwede pag ihi mo, may makita ka parang buha-buhangin sa inidoro. Yan o, minsan sa likod. Kidney stone yan.

Mamaya tuturo ko yung appendix pain. Sino ang prone magkaroon ng kidney stone? Usually age 40 to 65, pwede rin mas bata. May lahi kayo na kamag-anak mo may kidney stone. Kulang ang inom ng tubig and adequate fluid intake.

Kaya nga kailangan at least 8 to 10 glasses of fluid or water in a day. Kasi nga, pag hindi mo finelash yan ng maraming tubig, magbubuo talaga yan. Magbubuo yung mga bato-bato na yan.

Mas mataba, prone to kidney stone, mga may high blood, diabetes, may sira kidney. Ito pa, sobrang exercise. Di ba? Pawis na pawis. Di ba?

So, nade-dehydrate sila. Pawis na pawis, hindi uminom ng tubig. Sobrang alat kumain.

Alat, asin, patis. Daing, puro karne, maraming karne kinakain, prone din. Kahit yung mga matatamis, hindi rin magaganda. Masyado marami.

Okay, so ganito ang sintomas niya sa likod, lagnat, at sa pag-iisip. May depresya. Pwede sa kanan, pwede sa kaliwa. Tapos yung pain niya parang humihilab. Parang humihilab siya.

Parang madudumi. Tingnan naman natin yung appendix. Itong appendicitis, opera talaga ito. Lahat ng tao may appendix. Eh sa kanan din yan.

Ano trabaho nitong appendix? Misal tinatanong, ba't pag gumawa ang Diyos na may appendix? Actually, hindi ganun ka-clear ano trabaho nitong maliit na extra na appendix natin. Sabi ng iba, parang para din sa immune system, makakatulong din. Pero pag tinanggal itong appendix, walang kaso.

Mabubuhay ka pa rin ng normal. Normal lang yan. Naalala ko, nung grade school ako, sabi ng teacher namin, pag tinanggal daw yung appendix mo, hindi ka na daw makakatalon ng mataas. Actually, hindi.

Ngayon ko lang nalaman hindi tunay. O pareho lang yung lakas mo, appendix lang yan. So, bakit nagbabara sa appendix dito?

Pag may nagbara. Minsan nagbabara, dumi. May naiipit na dumi dito. O may tae, or whatever. May crystals, nagbara dyan, nag-inflame.

Pag nagbara, namamaga. Appendix usually in a week. Biglaan in a few days, palala ng palala. Common din sa bata.

Mas common sa bata yung appendix. Appendix, nagbabara dumi, bukol, bakterya. Kanan. Pag naoperahan yung appendix at nalaman, kaya nating ginagawa yung video, pag nalaman na may appendix, dapat very safe.

Wala pang 1% ang namamatay. Kasi na-operahan agad. Anong ang sintomas ng appendix?

Ganito yan. Medyo kakaiba siya. Nag-uumpisa yung kirot sa may sikmura.

Sikmura. Sa gitna muna. Kala mo ulcer. Kala mo nangangasim ka lang. Tapos, after 12 hours to 24 hours, kalahating araw, isang araw, yung masakit sa sikmura, biglang kakahanan.

Sikmura mo na tapos biglang kakanan. Maglo-localize siya dito sa kanan at bandang baba. Kumanan bumaba, sign ng appendixion.

Nilalagnat, sign din. Pag ginawa ng blood test, nakikita rin. Patindi na patindi yung sakit.

Pero hindi siya humihilab. Parang steady lang siya. Sino ang tinatamaan ng appendicitis? Usually 10 to 30 years old. Mga teenager.

Hindi alam bakit sa kanila mas common. Pero pwede rin matanda. Sa kidney stone, kadalasan 40 years old to 65. Sa appendix, 10 to 30. Kaya kung bata, lalaki mas common.

Compare na natin. Appendix versus kidney stone. Kunwari, doktor din kayo.

Pag appendix, siguradong kanan. Gitna, kumanan, 12 to 24 hours. Tapos, pag umuubo, masakit.

Pag hinawakan, masakit yan. Kidney stone, minsan kanan, minsan kaliwa. At nasaan yung bato eh. Minsan sa singit, kung sa ba. Minsan sa likod.

Depende sa location ng bato. Kaya paiba-iba yung position. At sya ka ito kasi medyo steady yung sakit. Steady. Ano mas masakit?

Appendix o kidney stone? Yung appendix, unti-unti pasakit ng pasakit ng pasakit. Ang kidney stones, humihilab. Humihilab. Ngayon, minsan ang appendix, ganito yan ah.

Makinig kayong maigi. So, gitna. Ang sakit.

After one day, two days, kumanan. Pasakit, nang pasakit, nang pasakit. So, two days na, three days na, masakit, nang masakit. Tapos, on the third day, bigla-bigla, nawala yung sakit.

So, happy ka na ba dapat? Nawala yung sakit sa appendix? Actually, hindi tayo dapat happy.

Kasi, kung biglang nawala na yung sakit, parang okay na bigla. Ibig sabihin, baka pumutok na yun. So minsan pumutok na yun, kaya nawala bigla yung sakit. Okay, ito na, compare natin. Appendix, sintomas, kidney.

may stone sintomas. Parehong may lagnat. Okay? Parehong may suka.

Harap pareho eh. Ito lang sa appendicitis, minsan yung pagdumi. Kasi connected siya sa large intestine, di ba? Yung pagdumi mo nagbabago.

Tumitigas o lumalambot. Tsaka sa appendix, sa gitna, kumakanan. Sa appendix dahil sa tiyan, makabag.

Tsaka sa appendix, pag hinawakan mo dito sa kanan, masakit. Masakit yan pag diniin mo dito. Kasi sa tiyan.

Pag kidney stones naman, masakit din sa tiyan pero kahit pindutin mo, wala eh. Tsaka kidney stones tumutugon sa likod. Pwede hanggang likod.

Kasi kidneys na sa likod. Tapos yung ihi, may dugo. Pero hindi obvious na dugo.

Misang pink lang. Kulay pink. Tsaka iba yung hilab niya. Parang pagganong-ganon yung hilab niya.

Okay. Ano yung mga sintomas na may abdominal pain ka na kailangan natin dalhin na sa ospital? O diba, kahit ano naman masakit, kahit hindi appendix, kahit hindi kidney stone, basta sobrang sobrang sakit, sobrang tagal, eh, kadali na. Mataas ang lagnat sa puwerta, dumudugo, ebang problema na yan kung sa puwerta.

Iba naisipin natin. Sobra bilis yung heart rate, mababa yung blood pressure, o talagang maga na yun yan. Talagang pag hinawakan, masakit na.

Alam mo na, ibang usapan. Putlang-putla na yung pasyente. Serious na yun. So para ma-distinguish, papacheck natin sa doktor.

Blood test, makikita. Sa appendix, mataas ang white blood cell. May infection kasi.

Tapos sa kidney stone, sa ihi, makikita sa ihi. May dugo. Tapos pinapa-ultrasound.

Kidney stone, makikita sa... ultrasound ng kidneys, meron pang mga CT scan at tinitingnan. Okay, explain ko lang konti ang gamutan. Pag appendix, halos kailangan talaga surgery. Merong iba binibigyan ng antibiotic, gumagaling din.

Kaya lang yung antibiotic sa mild appendicitis, after a month, yung iba na-opera din ulit. Kaya usually opera talaga. Lalo na kung pumutok na yung appendix, delikado.

Kasi pag pumutok yung appendix, Lalabas yung dumi sa abdominal cavity. Kakalat yung dumi sa buong tiyan. Mamamaga yun.

Peritonitis. Nakakamatay ito. Kasi yung dumi, napaka dumi. Kumalat sa buong bowel. Mapupuno ng bakteriyang buong tiyan.

Nakakamatay ito. Kaya nga inooperahan yan agad. Yan ang treatment sa appendicitis.

Pag na-opera na, tapos na. Hindi ka na magkaka-appendix ulit. Pag kidney stone, anong gagawin?

Yan, nakita mo ang daming bato. First sa kidney stone, minsan iinom ng maraming tubig Susubukan kung kaya lumabas ang kidney stone Kung wala pang 5mm, sabi ko nga eh Bali, 1.5cm yan, 5mm Bakal lumabas pa 8 glasses of water in a day, pipilit Okay? Minsan binibigyan ng gamot May gamot, may antibiotic minsan o meron pa mga ibang gamot.

Pampaluwag konti ng daanan. Ang urologist yung magbibigay. Pag hindi na makuha nito, pwede yung shockwave. Yan ang uso ngayon, shockwave.

Parang ano lang siya. Para siyang soundwave. Shockwave lang.

May isang makina, walang hiwa ito, tinatapat lang dyan sa area ng kin. Dudurugin niya. Pag nadurog, lalabas sa ihi. Kaya lang maraming dugo.

Isa, dudugo yan. Shockwave para hindi na ooperahan. Depende sa lugar, misan iba hindi nagsya shockwave. Ito, ureteroscopy. Maglalagay na isang parang tubong maliit.

Napakasakit to. Kung sa lalaki, sa ari, pinapasok to eh. Dudukutin, palagayin natin nandito sa ureter yung bato. Meron siya parang hook eh.

Kukunin niya yung bato, hihilahin palabas. O minsan, itong scope nila may laser yan. Lalapitan, dudurugin, ilalabas. And lastly, kung talagang malala, o yare, malaki talaga, minsan naglalagay ng parang tube dito. Nephroscope.

Nephrolithotomy. Yan. Kailangan gagamutin ng kidney stone. Kung hindi kasi, pwedeng maoperahan, pwedeng mag-kidney failure at delikado.

Okay, so sana po nakatulong ito para makita nyo difference ng appendicitis at kidney stone. Salamat po.