Transcript for:
Pag-format ng Teksto at Graphics

Magandang buhay mga bata! Tara! Samaanin nyo ako kasama si... Teacher Aika, your online teacher. Please don't forget to subscribe, like, share, and hit the notification bell for more videos. Thank you! Matatag Curriculum EPP ICT Grade 5, Quarter 1, Lesson 4. Ang ating arali ngayong araw ay tungkol sa Desktop Publishing Software. Muli, ako si Teacher Aika, ang inyong online teacher. Simula na natin! Mga kasanayan at layunin. Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng desktop publishing document gamit ang page design layout. Mga nilalaman. Desktop Publishing Software Formatting Texts and Graphics for Publication Magkaroon muna tayo ng munting balik-aral. Anong mga hamon ang iyong hinarap sa pag-format ng text at graphics sa iyong mga proyekto? Ibahagi ang iyong sagot sa klase. Ngayon, matututuhan natin kung paano efektibong mag-format ng text at graphics para lumikha ng mga publication Namukhang profesional gamit ang Microsoft Publisher Software. Sagutan natin ang mga sumusunod. Una, bakit mahalagang i-format ng maayos ang teksto at mga graphics sa mga publikasyon? Sagot, mahalagang ayusin ng maayos ang teksto at mga larawan sa isang publikasyon Para mas madaling maintindihan at basahin. Kapag maayos ang pagkakaayos ng mga salita at larawan, mas nagiging malinaw ang mensahe at mas kaaya-ayang tingnan ang gawa. Nakakatulong din ito para hindi malito ang mambabasa. Pangalawa, Paano mapapahusay ng efektibong pagformat ang pagiging madaling mabasa at visual appeal ng iyong mga dokumento? Sagot, kapag maayos ang pagformat, mas madaling basahin ang dokumento. Halimbawa, ang paggamit ng tamang laki ng letra, wastong espasyo sa pagitan ng mga salita at talata, at paglalagay ng pamagat, ay nakatutulong para mas maintindihan ang nilalaman. Ang magagandang larawan at kulay ay nagbibigay rin ang ganda sa itsura ng dokumento, kaya mas nakakahikayat itong basahin. Sa pagtatapos ng araling ito, magagawa mong i-format ang text at graphics para sa mga publikasyon Gamit ang desktop publishing software na ginagawang malinaw, profesional at kaakit-akit ang iyong mga dokumento. Basahin ng pabaliktad ang mga titik upang mabuo ang tamang salita. Pagkatapos mabasa ang salita, ibahagi ang iyong ideya o karanasan tungkol dito. Pagkatapos ng pagbabahagi, Ipapakita ang kahulugan ng salita. Una, Tresni. Ito ay tab na makikita sa ribbon na ginagamit upang makapagdagdag ng image, shapes at iba pa. Ang sagot, Insert. Insert. Pangalawa, isnegram. Ito ay tumutukoy bilang boundary sa pagitan ng pangunahing nilalaman at mga gilid ng pahina. Ang sagot, margins. Margins. Pangatlo, tiksek, ksob. Ito ay kahon kung saan ay maaari. maglagay ng teksto na maaaring paglagyan ng mga impormasyon. Ang sagot, text box. Text box. Ikalawang araw, kaugnay na baksa bilang isa, formatting text and graphics for publication. Ang maayos na pag-format ng teksto gaya ng tamang laki, kulay, simbolo at pagkakahanay ay nakatutulong upang mabigyang diin ang mahalagang impormasyon at maging mas efektibo ang iyong publikasyon. A. Para mag-apply ng format sa teksto, sundin lamang ang mga sumusunod. 1. Sa ribbon, piliin ang Insert na tab, pagkatapos ay hanapin ang text group. 2. I-click ang command na Draw Text Box. 3. Ang cursor ay magiging mga crosshair. Mag-click kahit saan sa inyong publication at i-drag ang iyong mouse upang gawin ang text box. 4. Maaari ka na ngayong magsimulang mag-type sa loob ng text box. 5. Para baguhin ang fonts, ihighlight ang text at pumili ng naayon sa fonts, size, color at style para sa iyong dokumento. Ang larawan na ito ay nagpapakita ng pagbabago sa font size, color at style. At para naman mag-apply ng format sa graphics, sundin lamang ang sumusunod. Ang mga larawan ay isang mahusay na paraan upang magdagdag ng biswal na interes sa iyong publikasyon, depende sa uri ng publikasyon na iyong ginagawa. Ang pagdaragdag ng mga larawan ay nagbibigay ng kulay Hulay at kawili-wiling itsura na nakakapagbigay interes sa mambabasa. 1. Piliin ang Insert na tab pagkatapos ay hanapin ang Illustration Group. 2. I-click ang Picture Command. 3. Lalabas ang dialog box ng insert picture. Hanapin at piliin ang larawan na gusto mong ipasok, pagkatapos ay iklik ang ipasok o insert. 4. Ang larawan ay idaragdag sa iyong publikasyon. Maaari itong lakihan o liitan ng naaayon sa iyong dokumento. Maaari ding piliin ang commands na guides, background at master pages kung gusto mong maglagay ng pagbabago sa dokumento. Ikatlong narawan. Video presentation. Demonstrasyon. Ang guro ay maaaring ipanood ang mga link ng videos sa iba ba. upang makita ng mga mag-aaral ang formatting text at graphics. Video Presentation How to Insert and Modifying Text Box in Microsoft Publisher at How to Insert Image in Microsoft Publisher Document Paglalapat at pag-uugnay Paggamit ng formatting text and graphics Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay may nakaatang na sariling gawain tulad ng nasa ibaba. Pangkat una, formatting text. Pangkat dalawa, formatting graphics. Pabaong pagkatuto 3, 2, 1 Magbigay ng tatlong bagay na iyong natutunan Dalawang bagay na nagustuhan mo at isang bagay na nais mo pang malaman Pagninilay sa pagkatuto Gen Alpha Saguti ng mga tanong bilang kinatawan ng Gen Alpha Generation 1 Ano ang kahalagahan ng arali na ito bilang ikaw ay nabibilang sa henerasyon ng Gen Alpha? Maaring sagot, mahalaga ito dahil natutulungan kaming maging responsable at maingat sa paggamit ng teknolohiya at impormasyon sa digital na mundo na bahagi ng aming pang-araw-araw na buhay. 2. Makakatulong ba sa iyo ang aralina ito sa paggawa ng publikasyon? Maaring sagot, oo dahil natutunan naming ayusin ng maayos ang impormasyon at gumawa ng malinaw na mga mensahe para mas maintindihan ang mga mambabasa o tagapakinig ang aming mga gawa. 3. Sa anong bahagi ng iyong buhay may a-apply ang iyong natutuhan? Maaring sagot, magagamit ko ito sa paggawa ng mga school projects, pagsali sa online na talakayan, paggawa ng mga social media posts, at pati na rin sa mga presentasyon o reports sa paaralan at sa hinaharap. Tayo na at magkaroon ng pagsusulit. Multiple choice. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang maaari mong gamitin kung hindi ka nasisiyahan sa alinman sa mga pagpipilian sa margin? A. Add margins, B. Create margins, C. Custom margins, o D. Fit margins. Ang sagot, C. Custom margins. 2. Ano ang ginagamit upang mapalitan ang itsura o muka ng iyong teksto? A. Color. B. Font C. Numbering D. Size Ang sagot? B. Font 3. Ano ang pipiliin sa insert command upang makapaglagay ng teksto? A. Borders and accents B. Draw text box C. Pictures o D. Shapes Ang sagot, B. Draw text box 4. Anong command ang may layuning pahusayin ang iyong nilalaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga frames sa paligid ng iyong mga larawan o mga hangganan sa iyong mga pahina? A. Borders and accents B. Draw text box. C. Pictures o D. Shapes. Ang sagot, A. Borders and accents. 5. Anong command ang may layuni na makapagdagdag ng visual interest sa mga mambabasa? A. Borders and accents. B. Draw text box. C. Pictures o D. Shapes Ang sagot, C. Pictures 6. Aling tool sa isang desktop publishing program ang nagbibigay daan sa iyong baguhin ang estilo ng font, laki at kulay ng text? A. Font panel B. Text box tool C. Formatting toolbar o D. Lahat ng nabanggit Ang sagot? D. Lahat ng nabanggit 7. Paano mo maihahanay ang teksto sa isang text box o frame? A. Gamitin ang mga alignment button sa toolbar na pag-format. B. I-right-click ang text box at piliin ang text alignment. C. I-drag ang teksto sa nais na posisyon. O D. Parehong tama ang A at B. Ang sagot? D. Parehong tama ang A at B. 8. Ano ang layunin ng feature na wrapping o text wrapping sa desktop publishing software? A. Upang balutin ang teksto sa paligid ng mga imahe o bagay. B. Upang lumikha ng mga hanay ng teksto. C. Upang magdagdag ng mga hangganan sa paligid ng teksto. o di Upang baguhin ang direksyon ng teksto. Ang sagot? A. Upang balutin ang teksto sa paligid ng mga imahe o bagay. 9. Aling tool o feature ang maaari mong gamitin upang i-crop o i-resize? Ang isang imahe sa isang desktop publishing program. A. Picture tools, B. Crop tools, C. Resize handles, o D. Lahat ng nabanggit. Ang sagot, D. Lahat ng nabanggit. 10. Paano mo maiikot ang isang imahe o bagay sa isang layout ng desktop publishing? A. Gamitin ang hawakan ng pag-ikot. B. I-right-click at piliin ang rotate. C. Gamitin ang rotate tool o command. O D. Lahat ng nasa itaas ay tama. Ang sagot? D. Lahat ng nasa itaas ay tama. Maraming salamat sa panonood! Huwag kalimutang i-like at mag-subscribe para sa higit pang educational content. I-click ang bell icon para ma-update ka sa ating mga bagong video. Salamat!