Transcript for:
Mga Uri ng Pang-ugnay

Music Para sa aralin natin sa araw na ito, ating tatalakayin ang pang-ugnay. Ito ay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga salita, parirala o pangungusap. Mayroon itong tatlong uri, ang pangatnig, pangangkop at pangukol. Pangatnig ang tawag sa mga salitang pangugnay sa mga salita o parirala o sugnay na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod. Ang mga pangatnig na magkatimbang ay ang mga at, pati, saka, ni, datapwat, maging, ngunit, subalit. Narito ang mga ilang halimbawa. Ang pag-aalaga sa kapatid. At paglilinis sa bahay ay kapwa kapaki-pakinabang na gawain. Ang ginamit na pangatnig para sa pangungusap na ito ay ang salitang at. Ito ay pangatnig na magkatimbang. Pangalawang halimbawa, si Jose ay masipag. Saka, mabait na bata. Ang ginamit na pangatnig ay ang salitang sa ka. Ito ay pangatnig na magkatimbang. Ngayon naman, tayo ay dumako sa mga pangatnig na di magkatimbang. Kung, ng, kapag, upang, dahil sa, sapagkat, Kaya, para, narito ang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng mga pangatnig na di magkatimbang. Dahil sa pandemyang ating kinahaharap, unti-unting humihina ang ekonomiya ng ating bansa. Ang pangatnig ay ang dahil sa. Maaga kong natapos ang aking gawain kaya maaari na akong maglaro. Ang pangatnig na di magkatimbang na ginamit sa pangusap ay ang salitang kaya. Ngayon, tayo naman ay dumako sa pangalawang uri ng pangugnay. Ito ay tinatawag na pangangkop. Ito ay mga salitang nag-uugnay sa panuring at tinuturingan. Ang mga salitang na g at ng. Narito ang ilang halimbawa. Kapatid na lalaki. Pitong taon. Lalaking kapatid. Ibong lumilipad Ang pangatlong uri ng pangugnay ay tinatawag na pangukol. Ito ay ang mga katagang naguugnay sa isang pangalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ito ay ang mga salitang Nang Ni Nina Kay Kina Para sa Para kay, ayon sa, ayon kay. Ukol sa, ukol kay. Tungkol sa, tungkol kay. Hingil sa, hingil kay. Alinsunod sa, alinsunod kay. Narito ang mga halimbawa. Nagtungo kami kinalolo sa probinsya noong Pasko. Ang ginamit na pangukol sa pangungusap ay ang salitang KINA. Walang pasok bukas ayon sa balita. Ang ginamit na pangukol sa pangungusap ay ang salitang AYON SA. Music Sana may natutunan ka sa aralin natin sa araw na ito. Tandaan, pandemya ay dihadlang sa pagkatuto at paglinang. Sikap at syaga ang kailangan upang pangarap mo ay iyong makamtan. Music