Ang Reformasyon Ang Renaissance ay isang makasaysayang yugto ng muling pagsilang ng kaalaman at sining sa Europa, kung saan umusbong ang mga ideya sa agham, Teknolohiya at Pilosopiya na Nagpabago sa Pamumuhay ng Tao. Balikan natin ito sa Aral ng Nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Renaissance Real Talk Fact or Bluff? Piliin ang fact kung totoo at bluff kung mali. Ang kahulugan ng Renaissance ay Reincarnate.
BLA Sa Venice, Italy, nagsimula ang Renaissance dahil sa pakikipagkalakalan nito sa Ottoman Empire. BLA Ang mga naging akda nila Desiderius Erasmus, Francesco Petrarch at Dante Alighieri ang naging daan para mapalaganap ang kaisipang humanismo. FACT Muling binuhay ang kultura ng Griego at Romano sa panahon ng Renaissance.
FAK Ang pamilyang Medici ang naging dahilan kung bakit unti-unti nawalan ng trabaho ang mga pintor tulad ni Da Vinci at Michelangelo. BLAH Craft it right Tukuyin ang obra at at obra maestro ng Renaissance. Isang obra maestra na tanyag sa buong mundo dahil sa kanyang mahiwagang ngiti, ipininta ni Leonardo da Vinci bilang simbolo ng kagandahan at hiwaga ng tao sa panahon ng Renaissance. Mona Lisa Isang eskulturang marmol na tinaguriang lapieta na makabagbagdamdaming nagpapakita sa Birheng Maria habang karga ang katawan ni Jesus matapos siyang ipako sa krus.
Michelangelo, isang babaeng pintor ng Renaissance na tanyag sa kanyang obrang The Game of Chess. na nagpapakita ng talento sa pagpipinta ng mga portrait. Sofonisba Anguizola Isang akdang isinulat ni Giovanni Boccaccio na naglalaman ng isang daang nakakatawang kwento sa gitna ng bubonic plague na nagpapakita ng pag-asa at katatagan ng tao.
Decameron Flemish painter na lumikha ng obrang Arnolfini Portrait, isang makasaysayang painting na nagpapakita ng kahusayan sa paggamit ng oil painting at detalyadong realismo. John Van Eyck Sa pag-usbong ng Renaissance, natutunan ng tao ang halaga ng kaalaman at kalayaan sa pag-iisip. Mula rito ay sumibol ang tapang nahamunin ang mga lumang paniniwala at alamin ang katotohanan.
Dahil dito, naging malinaw sa marami ang mga pagkukulang at pagmamalabis ng simbahan na nagbunga ng kilusang naglalayong baguhin ito. Ang reformasyon ay tumutukoy sa kilusan na naglalayong reformahin ang simbahang Romano-Katoliko dahil sa mga kaso ng pagmamalabis nito. Noong Oktobre 31, 1517, isang mongheng Aleman na nagnangalang Martin Luther ang naglakas loob na ipaskil ang kanyang 95 Theses.
sa pintuan ng simbahan sa Wittenberg, Germany. Ang dokumentong ito ay naglalaman ng kanyang mga reklamo laban sa maling gawain ng simbahan, lalo na ang pagbebenta ng indulhensya. Ang simpleng hakbang na ito ang naging mitsa ng isang malaking pagbabago sa kasaysayan. Hindi natuwa ang simbahan sa ginawa ni Luther.
Idineklara siya ni Papa Leo X bilang isang erehe at siya ay itinakwil sa pamamagitan ng ekskomunikasyon. Ang erehe o eretik ay isang individual na tutol sa kautusan ng simbahan. Gayunpaman, hindi siya natinag.
Nanindigan siya na ang kaligtasan ay hindi nabibili at ang pananampalataya ay dapat nakabatay sa Biblia, hindi sa yaman o kapangyarihan ng tao. Ipinatawag siya ni Emperador Charles V sa Diet of Worms upang bawiin ang kanyang paninindigan. Ngunit buong tapang niyang sinabi, Narito ako, hindi ako maaaring umatras.
Ang kanyang matatag na paninindigan ay nagbigay inspirasyon sa milyon-milyon na ipaglaban ang katotohanan. Ayon kay Martin Luther, ang sino man ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos ng direkta, kaya't hindi kailangan ang pari bilang tagapamagitan. Naniniwala siya na ang pananampalataya ay dapat nakabatay sa Biblia, kaya't isinalin niya ito sa wikang Aleman upang maunawaan ng lahat.
Ang kanyang mga ideya ay nagbunga ng Protestantismo at pagkakahati ng simbahan, kung saan ang mga tagasunod niya ay tinawag na Lutheran. Nagustuhan ng mga prinsipe ng Alemanya ang mga ideya ni Martin Luther, kaya isinara nila ang mga monasteryo ng Katoliko at nangibabaw na ang Simbahang Lutheran sa Hilagang Germany. Sinikap ni Charles V. emperador ng banal na imperyong Romano na ibalik ang katolisismo sa pamagitan ng digmaan.
At bagamat nagtagumpay siya sa labanan noong 1547, bigo siyang mapabalik ang pananampalataya ng mga mamamayan sa simbahang katoliko. Dahil dito, nilagdaan ang Peace of Augsburg noong 1555. na nagbigay kapangyarihan sa bawat pinuno na pumili ng reliyon ng kanyang estado, katoliko o protestante. Ayon sa pinsipyong cuius regio, ius religio, ang reliyon ng pinuno ang susundin ng nasasakupan. Mga Sanhi ng Reformasyon Sekularismo at Individualismo Sinimulang kwestyonin at batikusin ng mga mamamayan ang simbahang katoliko, na sa kanilang pakiwari ay naging materyoso na at tiwali.
Tinuligsa ng mga mamamayan ang simbahan dahil sa tinatawag na indulhensya. Ang paraang ito ay katumbas ng pagbabayad ng tao upang mapatawad sa kanyang mga pagkakasala at makapunta sa langit. Panghihimasok sa buhay sekular.
Hindi nagustuhan ang pagiging makapangyarihan ng mga opisyal ng simbahan sa kaisipang ginagawa lamang nila ito para sa kanilang sariling kapakinabangan. Reform and inform. Unlock the truth.
Tukuyin ang mga sumusunod. Tawag sa kilusang naglayong baguhin ang mga maling gawain At katiwalian ng simbahang katoliko. Reformasyon Tawag sa pagbebenta ng kapatawaran ng kasalanan na tinuligsa ni Luther.
Indulhensya Siya ang mongheng aleman na nagpasimula ng reformasyon sa pamagitan ng kanyang 95 Theses. Martin Luther Tawag sa mga itinuring na lumilihis o lumalaban sa mga aral ng simbahan. Erehe Papa na naglabas ng kautusan laban kay Martin Luther at kalaunan ay nagpataw ng excommunikasyon.
Popleo detent Parusang panreligiyon kung saan tuluyang inaalis ang isang tao mula sa simbahan. Excomunikasyon Pagpupulong noong 15 1821 kung saan humarap si Luther at ipinagtanggol ang kanyang paniniwala. Diet of Worms Dokumentong ipinaskill ni Martin Luther sa pinto ng simbahan sa Wittenberg laban sa simbahan. 95 Theses Emperador ng banal na imperyong Romano na nakipaglaban upang ibalik ang Katolisismo.
Charles V. Kasundo ang nilagdaan noong 1555 na nagbigay karapatan sa mga prinsipe na pumili ng reliyon ng kanilang estado. Peace of Augsburg. Kung ako si Luther, kakayanin ko bang lumaban? Ang matinding pagtutol ni Martin Luther ay laban sa pagbebenta ng indulhensya, ang kapatawaran ng kasalanan kapalit ng pera. Para kay Luther, ang tunay na kapatawaran ay nagmumula sa pananampalataya at pagsisisi, hindi sa pagbili ng sulat ng kapatawaran.
Ano ang pananaw mo sa posisyon ni Luther? Sangayon ka ba? Bakit?
Ano ang idadagdag o babaguhin mo sa kanyang ideya? Paano naka-apekto ito sa pananampalataya at lipunan ngayon? Kung ikaw ay German noon, susuportahan mo ba siya? Bukod kay Martin Luther, may iba pang reformador na nagpalakas ng protestantismo sa Europa.
John Calvin, teologo na nagtatag ng Calvinism, na nagtuturo ng predestination, alam na ng Diyos kung sino ang maliligtas bago pa man ipanganak. Huldrich Wing Lee, pari mula Zurich na naging pangunahing tinig ng reformasyon sa Switzerland. John Knox, Scottish na nagpalaganap ng ideya ni Calvin sa Scotland at nagtatag ng Presbyterianism.
Reformasyong Ingles Noong una, masugid na katoliko si Henry VIII at ginawaran pa ng Papa ng titulong Defender of the Faiths. Ngunit nang tumanggi ang Papa na ipawalang visa ang kanyang kasal kay Catherine of Aragon, dahil hindi siya nagkaroon ng anak na lalaki rito, pinili niyang humiwalay sa simbahang katoliko. Sa visa ng Act of Supremacy noong 1534, itinuring siya bilang kataas-taasang pinuno ng Church of England.
At dito nagsimula. ang opisyal na paghihiwalay ng Inglaterra sa Roma. Matapos ang pamumuno ni Henry VIII, ang kanyang mga anak ang nagpatuloy sa trono.
Si Edward VI, anak ni Jane Seymour, ang unang nagmana na nagpatibay ng protestantismo sa England. Ngunit maagang namatay sa edad na 15 sa Edward VI, kaya't humalili sa kanya ang kapatid na si Mary I, anak ni Catherine of Aragon. Bilang isang debotong katoliko, agad niyang ibinalik ang kapangyarihan ng Papa at Katolisismo sa bansa.
Naging mahigpit siya laban sa mga protestante, dahilan upang makilala siya bilang Bloody Mary. Pagkaraan ng kamatayan ni Mary I, kumalili sa trono si Elizabeth I, anak ni Anne Boleyn. Dahil determinado si Elizabeth na maibalik sa protestantismo ang England, muling ibinalik ng parlamento ang Simbahang Anglikan sa Estado.
Pinagsikapan ni Elizabeth na gawing katanggap-tanggap ang simbahan para sa katoliko at protestante. Bagamat protestante ang Anglican Church, pinanatili ni Elizabeth I ang ilang katolikong tradisyon upang mapanatili ang pagkakaisa. Sa pamagitan nito, nagawa ng paraan ni Elizabeth I na maparanas sa mga Ingles ang katahimikan sa England.
Sa kanyang pamumuno, tinamasa ng bansa ang gintong panahon ng politika. ekonomiya at kultura na tinawag na na Elizabethan Age. Dahil hindi siya nag-asawa o nagkaroon ng anak, nakilala siya bilang the Virgin Queen. Reform and Match Pair the Movers of Change Iugnay ang nasa Hanay A sa tamang sagot sa Hanay B. Hari ng England na humiwalay sa simbahang katoliko para ipawalang visa ang kasal. Henry VIII, Emperador ng Banal na Imperyong Romano at pamangkin ni Catherine na humadlang sa diborsyo ni Henry.
Charles VIII, Nagtatag ng Calvinism at nagturo ng predestination. John Calvin, Reformador mula Zurich, Switzerland. Huldrich Swigney Scottish na nagtatag ng Presbyterianism, John Knox Anak ni Anne Boleyn na nagbalik ng Protestantismo at pinatatag ang Anglican Church sa England, Elizabeth I Unang asawa ni Henry VIII na hindi nagkaroon ng anak na lalaki, Catherine of Aragon Batas na nagtalaga kay Henry VIII Bilang pinuno ng Simbahang England Act of Supremacy Paniniwalang alam na ng Diyos kung sino ang maliligtas Predestination Protestanteng denominasyon sa Scotland Presbyterianism Pakireform mo nga ito? Puna ng patlang ng tamang sagot Ang Reformasyon ay kilusang baguhin ang simbahang katoliko dahil sa tiwalian tulad ng pagbebenta ng indulhensya.
Ito ni Martin Luther sa kanyang 95 Theses na nagturo na ang pananampalataya ay dapat nakabatay sa Biblia at hindi sa pari o papa. Nabuo ang iba pang kilusan tulad ng Kina, John Calvin, Holdrich Swingley at John Knox. Sa England, humiwalay si Henry VIII sa simbahan sa pamagitan ng Act of Supremacy habang pinatatag ni Elizabeth I ang Anglican Church. na muling nagbalik ng protestantismo at naglatag ng kompromiso sa pagitan ng katoliko at protestante.
Choose and Reform Piliin ang letra ng tamang sagot. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hinamon ni Martin Luther ang simbahang katoliko? Dahil hindi siya sangayon sa pagbebenta ng indulhensya. Bakit mahalaga ang pagsasalin ng Biblia sa wikang aleman ni Luther?
Dahil nais niyang maunawaan ng tao Ang Salita ng Diyos Ano ang ibig sabihin ng salitang reformasyon? Isang kilusan na naglayong baguhin ang simbahang katoliko. Kung ikaw ay isang pinuno sa England noong panahon ni Elizabeth I, paano mo susuportahan ang kanyang patakaran na naglalayong panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng katoliko at protestante. Magpapatupad ako ng patakaran na tatanggapin ng katoliko at protestante.
Ano ang epekto ng Act of Supremacy sa England? Ginawa nitong opisyal ang paghihiwalay ng England sa Roma. Ang reformasyon ay hindi para sirain ang pananampalataya, kundi Para ituwid ang patutuhanan sa paraang marangal at may respeto. Music