Intro Kahulugan at kubuluhan ng wika Magandang araw! Kumusta na kayo? Ang ating pag-uusapan ay tungkol sa mga kahulugan at kabuluhan ng wika.
Handa na ba kayo? Ayon sa Biblia, may isang wika ang tao. Sa kagustuhan ng tao na pumunta sa langit ay nagtayo ng isang tore.
Dahil dito, ay ginulo ng Diyos ang wika ng tao upang magkawatak-watak at hindi na maituloy ang pagbuo ng tore. Ayon sa Wikipedia, may tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pakahulugan sa wika o kung paano ipinagiiba ang mga wika at mga dialekto. Sa ating bansa sa Pilipinas ay may nagsasalita ng pumigit-kumulang 180 na wika. Kaya naman, mahalagang maunawaan ang kaalaman hindi sa ating wika. Narito ang mga kilalang dalog wika na nagpakahulugan sa wika.
Henry Gleason Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang wika ay arbitraryo. Ang wika ay pinili at isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkakasunduan sa isang puok o lugar. Ayon kay Buenvenido Lombera 2007, isang pambansang alagat ng siming sa literatura, ang wika ay parang hininga.
Gumagamit tayo ng wika upang kantin ang bawat pangangailangan natin. Ayon kay Alfonso O. Santiago 2003, isang lingwista, wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saluobin, filosofiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng mga tao sa lipunan. Batay sa aklat ni na Bernales et al. 2002, ang pahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring verbal o di-verbal.
Batay sa aklat ni Namangahis et al. 2005, binanggit na may mahalagang papel na ginagampanan ang pika sa pakikipagtalastasan. Ito ang medium na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Ayon kay Napamela C. Constantino at Galileo E. Zafra 2000, mga edukador, ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at mga pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Kapag naman sa talatinigan o diksyonaryo titingin tungkol sa kahulugan ng wika, ito ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga kasulat o pasalitang simbolo. Kung ayon naman sa UP Dictionary ng Pilipino 2001, ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito, nalagalap sa isang sambayana na may isang tradisyong pangkultura at puok na tinatahanan. Hindi maikakaila na ang wika ang nagpapatakbo sa mundo.
Kung walang wika, walang paikipag-ugnayan. Napakahalaga ng wika sa tao upang umiral. Wika ang instrumento ng komunikasyon sapagkat ang komunikasyon ang daad sa pagpapalitan ng mga ideya, kaalaman at karunungang maaaring magdala sa kaundaran ng isang bansa at ng buong mundo. Bilang mga Pilipino, nararapat natin gamitin at pagyamanin ang sariling wika natin dahil ito ang ating pagkakakilanlan.
Ang wika nating minana sa ating mga ninuno, ang siyang sa atin ay nagpalaya. Sanggunian Paalam! Hanggang sa muli! Oops!
Huwag kalimutang mag-subscribe! Salamat!