Thank you for watching! Mula sa ABS-CBN News Center Manila, ito ang TV Patrol! nasasakyan sa Maynila. Pero, nakuhaan din umano ang suspect ng iligal na droga at baril.
Kaya naharap siya ngayon sa patong-patong na kaso ng Papa Troll, Michael Delizo. Police, police. Hey, what's your name?
Maya. Dabud, Dabud. Hello, sir. Nabulaga ang 32-anyos na Chinese na ito nang dumating ang mga tauha ng PNP Highway Patrol Group habang nakikipag-transaksyon sa parking lot sa UN Avenue, Ermita, Maynila. Inaresto siya sa pagbibenta ng SUV sa halagang 180,000 pesos.
Nang i-validate kasi, nasa hold order list pala ang sasakyan na nangangahulugang bahagi ito ng isang investigasyon at lumabas na nangangahulugang bahagi ito ng isang investigasyon. nakaw pala ang naturang SUV. Nakatanggap po tayo ng isang complaint from Regional Highway Patrol Unit 3 na merong allegedly isang Chinese national na nagbebenta, binalidate po niya kung bakit ganung kababa yung sasakyan na binibenta sa kanya and it so happened na ito pala ay alarmado.
Hinalughug din ng mga otoridad ang dalang luxury car ng suspect. Dito natagpuan ang mga pakete ng party drugs, shabu, cocaine at mga cartridge ng hinihinalang marihuana vape oil. Tinatayang haabot sa P783,000. ang kabuwang halaga ng mga nasabat na droga.
Bukod dito, may mga bala at baril din na nakuha. Inaalam pa ng mga otoridad ang posibilidad na naggamit din sa ibang krimen ang mga sasakyang dala ng sospek. Pero sa laki ng droga ang dala niya, hinalan ng mga polis, maaring miyembro siya ng isang organized crime network.
Sinisiyasat ng mga polis ang nakumpiskang cellphone sa suspect para sa posibilidad na makakuha ng kalagdagang lead sa investigasyon. Doon sa evidentiyong na kuha po natin, maraming mga links, ang daming mga tao na pinagbibigyan itong tao na ito. Mga pinaglalaglayan, even may mga parokyano tayo doon na allegedly ay Chinese din.
Nasa kustudiya ng Regional Highway Patrol Unit 3 ang dayuhan at inihahanda na ang mga patong-patong na kaso laban sa kanya. Michael Delizo, ABS-CBN News. Pinawalang sala ng Korte sa Maynila sa kasong multiple murder si Police Colonel Hansel Marantan ang labing isa pang at labing isa pang pulis.
Kaugnay ito sa kontrobersyal na Atimonan shootout noong 2013 kung saan labing tatlo ang nasawi. Nagpapatrol Jeff Caparaz. Matapos ang higit labing dalawang taon, inabswelto ng Manila Regional Trial Court Branch 27 ang labing dalawang pulis kaugnay ng kontrobersyal na Atimonan Shootout noong Enero a 6, 2013. Nagsasagawa o mano ng checkpoint ang PNP sa Maharlika Highway, Barangay Lumotan, Atimonan, Quezon nang dumaan ang dalawang SUV. Sakay ng isa si Vic Seaman na isa o manong gambling lord. Ayon sa mga polis, hindi huminto sa checkpoint ang mga sasakyan at tinangka pa o manong banggain ng checkpoint na naging mitsa ng enkwentro na tumagal ng halos 20 minuto.
Giit noon ng Philippine National Police, lehitimo ang operasyon laban sa umunoy Gun for Hire Group. Taliwas ito sa lumabas sa imbesigaso ng National Bureau of Investigation na rub out ang nangyari. Nitong lunes, hunyo 23, sa siyam naputpitong pahing ng desisyon ni Judge Teresa Patrimonio Soriaso, pinawalang sala si na Police Colonel Hansel Marantan at labing isa pang police sa kasong multiple murder.
We know it's going to happen. Kasi give her the pieces of evidence presented. Pero iba pala if it is explicitly and personally experienced, yung papaloan ka ng Gable.
I have attended promulgations many times already. I think it's the sixth time already but this one is different. Dahil dito sa kaso na ito na affected.
Tuhan ang kanilang career, siyempre pamilya, kaya talagang tuwan-tuwa sila. Kung finally vindicated sila nung sila ay na-acquit ng husgado. Ayon sa korte, makatwira ng aksyon ng mga pulis at ginampanan lang nila ang tungkulin dahil naharap sila sa malinaw na banta sa kanilang buhay. Patunay dito ang mga tama ng bala ni Marantan, nananatiling at large ang isa pang pulis sa Sibasyar, Jailani.
Naka-archive muna ang kanyang kaso habang hindi pa sa na-aresto. Noong 2014 Sinibak ng PNP ang ilang akusado pero naibalik din sa serbiso si Marantan at sampung iba pa matapos silang mapanalo ang apela sa National Police Commission. Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na kunan ang pahayag ang mga nagreklamo laban kina Colonel Marantan.
Hindi pa naman umano natatanggap ng National Bureau of Investigation ang desisyon. Jeff Caparaz, ABS-CBN News. Itinanggi ni NBI Director Jaime Santiago na may VIP treatment sa kanyang detention facility sa Muntinlupa City. Kasunod ito ng kanyang sorpresang paginspeksyon sa pasilidad ngayong Webes, matapos silang maparatanga na nagbibigay ng special treatment.
sa high-profile criminals. Nagpapatrol, Zian Ambrosio. Biglang nag-inspeksyon si NBI Director Jaime Santiago sa NBI detention facility sa loob ng Lubelebin Prison sa Montinlupa City ngayong Webes para malaman kung totoong may VIP treatment sa mga inmates sa kanilang pasilidad.
Kasunod ito, nagpagpapasaring ng kampo ni Negros Oriental Representative-elect Janice Tegamo na binibigyan ng NBI ng special treatment ng sospek sa pagpatay sa kanyang asawa na si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. Ayaw daw nila sa NBI dahil nabibigyan ng special treatment, there is no special treatment here. Anong makakaroon ng VIP treatment dito?
E masikip na nga ang lugar namin eh. Kung ano pagkain ng isa, lahat yun ang pagkain. Rektang tinanong ni... Santiago mga inmates sa pasilidad kung totoo mga nasabing reklamo.
Ayon kay Santiago, siniguro lang ng NBI na hindi mapapahamak si Tevez sa kanilang detention facility hanggang mailipat ang kanyang kustudiya sa Manila City Jail. Hindi masasaktan, hindi mapapatay lalo na. Kailangan ingatan natin mabuti. Dudumugin tayo ng mga taong bayad pagka may nangyari dyan.
Sa ngayon ay nasa ospital pa si Tevez at nagpapagaling matapos maoperanda sa appendicitis. Binisita rin ni Santiago si Sheila Goh, ang kasamahan noon ni Alice Goh na nasangkot sa mga iligal na pogos sa bansa. Teleksyon, okay naman rin. Okay.
Dumoblin naman ang bilang ng inmates na nakapaid sa NBI detention facility. 80% sa kanila ay foreign nationals na sangkot sa mga iligal na pogo at scamming. Zia Nambrosio, ABS-CBN News. Nakikipag-ugnayan ang Department of Justice sa Korte Suprema paugnayan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ito ay matapos isiwalat ng isa sa mga akusado na makapangyarihan at maimpluensya ang mastermind sa likod ng krimen. Nagpapatrol, Adrian Ayalin. Nakaladkad ang Korte Suprema sa issue ng mga nawawalang sabongero.
Balakasing kausapin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Chief Justice Alexander Gismundo matapos mabanggit ng isa sa mga akusado na malakas at makapangyarihan ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabongero. Basta yung sinasabi ng mastermind, narinig ko yung kanyang in his own words, kaya natin niya kahit suprim court daw, kaya niya. Sinasabi niya, kaya kakausapin natin ng Chief Justice tungkol dito.
ng akusado sa Taal Lake umanong iniutos ng mastermind na ilibing ang mga nawawalang sabongero. Tumatakbo na ang mga kaso sa mga regional trial courts sa Maynila at Laguna kung saan nawala ang mga sabongero noong 2021 hanggang 2022. Pero wala pa rin malalaking taong nakakasuhan. Tumanggi si Remulia na tukuyin ang malalaking taong nasa likod ng pagkawala ng mga sabongero.
Pero meron umanong sangkot ng mga taga-gobyerno. Ang bigat ng kalaban dito kasi ang pera niyan, nakakapasok yan hanggang even sa judiciary. And that's one thing that we might have to talk to the Chief Justice about.
Kasi mabigat, mabigat ang pera ng isabong. Hindi ito basta-bastang kalaban. Makapangyarihan umano ang mastermind batay sa testimonya ng akusado. May grupo yan kasama pero meron talagang corporate setup yung prinsipan natin na kumikilos. Wala pang komento ang Korte Suprema ukol sa pagkakadawit ng hudikatura sa issue.
Samantala, hiniling ng Commission on Human Rights sa isang pahayag ang mabilisang aksyon sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero kasabay ng peace rally ng kanilang mga pamilya nitong Martes. May inineploy na rin ang CHR sa area ng Taal Lake para sa pag-monitor at paglahok sa quick response operations. Nananawagan si CHR Commissioner Beda Epres. na magtulungan sila ng DOJ, Philippine Navy at Coast Guard para mabigyang ustisya ang sinapit ng mga sabongero. Nauna nang sinabi ng DOJ ang planong magdeploy ng mga technical diver mula sa Philippine Coast Guard at paghingin ng tulong sa Japanese government para sa gagamiting equipment.
Sa isang pahayag, sinabi naman ang tagapagsalita ng Philippine Navy na si Captain John Percy Alcos na pagamat wala pang request para makipagtulungan sila, handa. ang Navy na tumulong sa ibang ahensya ng pamahalaan, kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabongero. Adrian Ayalin, ABS-CBN News.
Gretchen, ano ang mga ganap at challenges sa latest episode ng variety show ng Beanie na Beanie vs.? Ati B, Girly at Kikai, very stacy ang challenges sa bagong episode ng digital variety show ng Beanie na Beanie vs. Inilabas naman ang concept film para sa kakatapos lang na Beanie vs. or Beanie vs. World Tour na nagsisilbiring teaser para sa kanilang papalapit na fan meet. Nagpapatro, Daniel Krishnan.
Another kulita ng hati ng Nations Eurogroup Binnie sa kanilang digital variety show na Binnie vs. Sa latest episode, Game Master si Stacey sa kanyang spectacular showdown. Sa tatlong challenges, Kikay at Very Stacey ang mga ganap. Unang pagsubok ang blind hairstyling challenge kung saan kailangang ayusin ng members ang kanikanilang buhok nang hindi gumagamit ng salamin.
Honestly weakness ko yan. Lahat ng, iwan ko lahat ng anything about art, mga styling, weakness ko. ko yan pero super na-enjoy ko naman.
Ang twist naman sa photo shoot challenge, may malakas na hangin na nakatapat sa mukha ng girls. Pero hindi sila nagpatinag. Kahit ang bangs ni Maloy, game sa challenge. Block sa bangs.
Si Joanna malamodel pa ang pose. Sa third and last naman na glam bot challenge, kanya-kanyang pose si na Joanna, Maloy at Sheena napasok sa huling round. Well, winning is a normal for me. So, I feel normal. I feel deserve.
I feel empowered. I feel confident. Lumalabas ang bagong episode ng Biniverse tuwing Merkoles at mapapanood ito sa YouTube channel ng Binnie.
Inilabas na rin ang grupo ngayong araw ang maikling concept film para sa katatapos lang na Biniverse World Tour na nagsisilbiring teaser para sa kanilang papalapit na fan meeting. Malabulaklak na nag-bloom ang tema ng video at anila, matapos ihatid ng walo, ang Ang Biniver sa mundo, oras nang ibalik ang pagmamahal dito sa Pilipinas. Nakatakda ang Libre Here With You Homecoming Fan Meet sa linggo na mapapanood din via livestream sa global website at YouTube channel ng Bini. Gaino Krishnan, ABS-CBN News.
Dinigyang proteksyon ng Paamhalaan ng Pilipinas ang ilang testigong inaasahang haharap sa International Criminal Court kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Tinutulan din ang prosekusyon ng hirit na interim release ng kampo ni Duterte. Nagpapatrol, Adrian Ayalin. Tatlo hanggang apat. na testigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang binibigyang proteksyon ngayon ng Witness Protection Program ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Inaasahang haharap ang mga testigo sa International Criminal Court sa The Netherlands sa pagdinig sa mga kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo, kaugnay ng kanyang war on drugs. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, sagot ng Pamahalaan ng Pilipinas ang proteksyon ng mga testigo dito sa bansa. Pero hindi nakasama ang pagpadala sa kanila sa dahig.
Ang pagkakaalam ko, tatlo-apat pa lang yung tinutulungan natin. But I think there will be more. There will be more. We're working as government, protecting people.
The government has to protect people, whether they're witnesses for the ICC or the general populace. Ayon kay Remulia, Walang opisyal na dokumento o komunikasyon ang pamahalaan ng Pilipinas at ang ICC. Pero anya, ang Korte ang lumapit sa WPP para sa seguridad at kaligtasan ng mga testigo.
handle it. Kasi nga, confined yan sa trabaho niya. I told our program director to cooperate and to help them. And so far, for the past, for the past two months. Pagamat nasa ilalim ng DOJ ang WPP, ayon kay Remulya, hindi siya ang mismong nakikipag-usap sa ICC.
Ayon sa DOJ, walang pagbabago sa polisiya ng pamahalaan na nakaangkla sa pagkalastan. ng Pilipinas sa ICC noong 2019 sa ilalim pa ng Administrasyong Duterte. Pero hindi lang talaga mahihindihan ng kasalukuyang pamahalaan ang hiling ng ICC na protektahan nito ang sarili nitong mamamayan. Samantala, nagsumite ng sagot ang abogado na mga biktima kaugnay ng hiling ng kampo ni Duterte na interim release o pansamantalang paglaya ng nakakulong na dating Pangulo.
ayon sa Office of the Public Council kung palalayang... Pagkakakulong ni Duterte ay malalagay sa panganib ang mga biktima. Hindi umano matiyak ang pabago-bagong sitwasyon sa seguridad sa Pilipinas at delikado ito para sa mga biktima na nagpakita ng katapangan sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay. Tulad ng Office of the Prosecutor, iginit din ang Office of the Public Council na kailangan ang patuloy na pagkakakulong ni Duterte Para masigurong hindi niya maaharang o malalagay sa alanganin ang mga proseso sa Korte. Ang patuloy na pagkakakulong din ni Duterte ang magsisigurong dadalo siya sa paglilitis at hindi na niya magagawa ang mga krimeng ipinararatang sa kanya.
Kaya para sa Council ng mga biktima, dapat tanggihan ng Korte ang hiling na pansamantalang paglaya ni Duterte. Una nang iginit ng kampo ni Duterte na hindi siya tatakas, hindi hahadlang sa mga proseso ng Korte at hindi magpapatuloy na gawin ang mga krimeng ibinibintang sa kanya. Wala namang itinakdang petsa ang Korte kung kailan pagdadesisyonan ang naturang hiling. Adrian Ayalin, ABS-CBN News. Alamin muna natin ang lagay ng panahon mula kay ABS-CBN Resident Meteorologist Ariel Rojas.
Ariel, ano ba itong patuloy na nangpapaulan sa ating bansa? Yes, kabayan, mga thunderstorms kaya na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Pilipinas, sa Kanurang bahagi. dahil mahina ang habagat kaya talagang dito lang sa western part ng bansa nararamdaman ang epekto nito. Pero meron nga pa rin mga lalakas na mga thunderstorms pagsapit ng hapon at gabi sa maraming parte ng Pilipinas sa lupo, sa Luzon at sa Mindanao.
may bagong minomonitor na low-pressure area sa labas po yan ng Philippine Area of Responsibility na buo yan itong Webes ng Umaga. Huling namataan ng LPA, mahigit 1,900 km silangan ng Bicol Region. Sabi ng pag-asa sa ngayon po ay mababa ang tsansa na ang LPA na ito ay maging isang bagyo.
Mabagal nakikilos palapit sa silangang boundary ng PAR ang LPA hanggang pagsapit ng weekend pero masyado po itong malayo para maka-apekto sa panahon sa ating bansa. Patuloy namang iihip itong habagad dyan sa kanila. kanurang parte ng Luzon at ng Visayas.
Sa rainfall forecast ng The Weather Company para bukas, June 27, Biyernes, maaraw po at mainit sa halos buong Luzon sa umaga. Pero uulan na sa tanghali at hapon dyan sa bahagi ng Cordillera, Mabaviskaya, Quirino, Central Luzon at maging sa Kabikulan. May mga asan pang pagulan pagsapit ng gabi dito po sa may Cagayan Valley.
Sa Palawan naman, mainat din maghapon sa maraming lugar, liban lang dito sa may gitnang bahagi ng probinsya na may kaunting ulan sa hapon at pagsapit ng gabi, maulan naman sa may Calamian Islands sa Hilaga. Sa Visayas, may ulan din umaga sa bahagi ng Antique at uulan naman sa tanghali at hapon sa buong Panayna, maging sa may Negros, sa may Bohol at sa Summer Provinces. At sa gabi dito naman po sa bahagi ng southern Leyte at katimbukang bahagi ng Leyte may mga pagulan pa.
Mainit din po sa umaga at tanghali sa malaking bahagi ng Mindanao at hapon pa magsisimula ang mga pagulans dito po sa may Bukidnon at sa may South Cotabato. Samantalang pagkalubog ng araw hanggang pagsapit ng gabi, uulan din sa may Agustin. San del Sur, Davao del Norte at maging sa may Davao de Oro. Tayo sa Metro Manila, sisikat po ang araw pero meron pa yung okasyon na magkukunimlim ang kalangitan, lalo bandang umaga. Kapamilya, nalubog sa bahagi lang bahagi ng Cebu City matapos ang malakas na buhos ng ulan itong miyerkoles ng hapon dahil sa thunderstorm.
Marami ang stranded na pasahero dahil binaha ang mga paunahing kalsada sa syudad. Ang ilang motorista kinailangan namang mag- maghanap ng alternatibong ruta para lang matuloy sa kanilang biyahe. May naitala rin paguhunang lupa sa tabi ng isang bahay sa barangay Busay. Wala namang nasaktan sa insidente pero patuloy po nakaalerto ang Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office kapag tuloy-tuloy pa ang masamang panahon. Yan ang update sa Lagay ng Panahon.
Ako po si Ariel Rojas. Ingat kapamilya! Maraming fans ang umaasang magkakaroon ng sequel ang pelikulang Only We Know, Tampok ang Tambalang Charo Santos at Ding Dong Dantes.
Ayon kay Charo na balikbansa ngayong Webes matapos ang screenings ng pelikula sa North America, maraming Pinoy... ang nakarelate sa kwento ng mga karakter ni na Betty at Ryan na retired teacher at budong engineer. Una rin pinag-usapan online ang surprising chemistry ni Natsyaro at Dingdong na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtatagal.
Itambal sa big screen. Talagang nakakatuwa kasi they all love the movie. And some are hoping for a sequel kasi yung iba sabi may hinahanap. So nakakatuwa.
I can look you straight in the eye and say that this will be a wonderful experience for all of you. Nagpatot sa dahan ang Balacanang at si Vice President Sara Duterte sa ilang issue gaya ng mga personal na lakad ng pangalawang Pangulo at ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa pagsira ng iligal na droga. Nagpapatrol Harleen Delgado.
Matapos ipunto ng Malacanang ang dumadalas niyang overseas trip ngayong taon, nilinaw ni Vice President Sara Duterte na sarili niyang pera at hindi mula sa gobyerno ang pinanggasto sa kanyang personal trips. Hindi rin anya ito bakasyon. Hindi ako gumagamit ng pera ng bayan. Hindi ibig sabihin na personal na lakad yan ay holiday o pamamasyal yan. Walang ginamit na pera ng gobyerno sa lakad na ito.
Pero nagtatrabaho pa rin ako. Bumuelta rin si Duterte sa administrasyon, bagay na pinalagan ni Palace Press Officer Claire Castro. Sorry ah.
Hindi ko alam kung sinasadya nila na ayaw intindihin o talagang b***. lang talaga yung nasa administrasyon. I'd like to lean doon sa latter, kasi sa lahat ng mga desisyon nila lately. Nakita po natin kung paano po sumagot ang Vice Presidente, napaka-emosyonal. Sabi nga po natin, may kasabihan po na when emotions are high, intelligence is low.
Never speak out of anger. Giit ni Castro, hindi naman anya tututulan ng administrasyon ang mga lakad ni Duterte, basta't maging tapat lamang ang pangalawang Pangulo. Ginamit niya ang OVP Facebook. Ito ay parte ng gobyerno, pero pang personal trip.
So magkakaroon po talaga ng confusion, conflict of interest. At ngayon, na inamin niya, sinabi niya na siya'y nagtatrabaho. Bilang vicepresidente, lumaba siya ng bansa. Kailangan na po siyang magulat sa bayan.
Sa panayam naman sa Russian State Controlled Media na RT International, sinabi ng pangalawang Pangulo na ang pagnanais umano ni Pangulong Marcos o pamilya nito na manatili sa pwesto ang dahilan ng pagtulak na ma-impeach siya para umano matanggal siya sa 2028 presidential elections. Una nang sinabi ng Pangulo na tutol siya sa impeachment at iginiit na hindi siya makikialam dito. Well, it's all about the refusal. or the intent of President Marcos not to step down. He wants to perpetuate himself or his family in power.
It is clear from the moves of his administration against political opponents. Because I am the frontrunner in the presidential race in 2028, the survey shows that. And I think they want to eliminate the frontrunner. ...de Castro paglihis o mano ito sa mga isyong pinupukol kay Duterte. Nawawala po yung isyo patungkol sa kanyang accountability tungkol sa confidential funds at iba't iba pang mga complaints na napapaloob sa articles of impeachment.
Siguro po nais din po natin malaman ang katotohanan. Pinunan naman ni Duterte... ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa pagsira sa mahigit 9.4 billion pesos na halaga ng iligal na droga sa kapas tarlak nitong miyerkulis. Ang trabaho ba ng presidente ang sirain ang ebidensya? Hindi yan trabaho.
Hindi trabaho ng presidente ang mag-photo op sa nahuli na drugs at mag-photo op sa pagsira ng nahuli na drugs. Binalikan ni Castro ang naging pagbisita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang... drug destruction activity sa Cavite noong kanyang termino.
So ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago, dapat nakikita ng taong bayan. Dapat nagre-report ang Pangulo sa taong bayan. Una ng sinabi ni Duterte na hindi patiyak kung magiging matagumpay ang bloodless drug war na ipinatutupad ng Administrasyong Marcos.
Harleen Delgado, ABS-CBN News. Kinoontra ng ilang kongresista naging pahayag ni Senate President Chase Escudero na kung may boto ng mayorya ng impeachment court ay pwedeng ibasura ang kaso labang kay Vice President Sara Duterte. Naniniwala naman ang isang Senator Judge na binibigyan ng kalayaan ng konstitusyon ng impeachment court pagamat may konsiderasyon.
Nagpa-patrol Vivian Guglia. Inalmahan ng ilang House prosecutors ang pahayag ni Senate President Francis Escudero na kung may boto ng mayorya ng miyembro ng Senate Impeachment Court ay pwedeng ibasura ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte. Impeachment court. Why? Because under the Constitution, they should try and decide.
So wala naman po nakalagay doon na to dismiss it outright. Dagdag pa ng Kapwa House Impeachment Prosecutor na si Rep. Jervil Luistro, malinaw na iminamandato ng Constitution ang pagsasagawa ng paglilitis kaugnay ng mga isyong inilatag sa reklamong impeachment. Ibig sabihin Ania, dapat mabigyan muna ng sapat na oportunidad.
ang prosekusyon at ang depensa na magpakita ng ebidensya. May mensahe rin ng Kapwa House Prosecutor na si Rep. Arnan Panaligan at ang ilang House leaders sa Senator Judges. Kung itidismiss nila ang complaint, saan na naman after hearing, after receiving all the evidence, I don't want to accuse anybody of partiality or bias. Pero what we are hoping and expecting is that... The judges will hear the case with impartiality.
Bakit? Anong reason nyo para i-dismiss or i-junk? Are you more powerful than the Constitution? Or, the bigger question is, ayaw nyo bang marinig yung gustong marinig ng taong bayan? Allow the process according to the Constitution to proceed.
The verified impeachment complaints are not mere scrap of paper. May banat naman si ML Party List Representative-elect Laila Delima laban kay Escudero na presiding officer ng Senate Impeachment Court. It has been showing that a kind of posturing, as if the 1987 Constitution is not there, as if the 1987 Constitution is not clear enough.
Huwag nyo namang subukan na sinusubukan nila kung anong mga strategy, mga moves and steps para masabotahe yan. Para hindi matuloy yung trial. That is not what the Constitution has in...
vision for the Senate as an impeachment court. Sinigundahan naman ni Sen. Judge Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Escudero na binibigyan ng kalayaan ng konstitusyon ng impeachment court. Now just because you can, it doesn't mean you should.
Diba? So we really have to take a deep breath and think what's best for the country. Para sa isang abogado, hindi pwedeng madaliin ang paglilitis sa pamamagitan ng paghahain ng motion to dismiss. The statement of the Senate President does not appear consistent with the 1987 Constitution.
What the Constitution would be pertaining to is to convict or acquit. So they will be deciding after trial. May hanggang lunes ang House Prosecution Panel para magsumiti ng tugon sa answer ad cautelam ni Duterte.
Sabi ni House Impeachment Prosecutor Rog Gutierrez, essentially complete o kumpleto na ang kanilang tugon. Vivian Gulia, ABS-CBN News. Iniimbestigahan na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang kumakalat na pineking video ni Pangulong Marcos na tila nag-e-endorso ng isang online trading platform. Ito ay matapos magbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center tungkol sa deepfake video na nagmula-umano sa isang Facebook page na pinamamalahalaan sa ibang bansa. Ayon kay PNPACG Director, Police Brigadier General Bernard Yang, nakipag-ugnayan na sila sa kumpanyang...
meta para tanggalin ang video. Humingi na rin sila ng detalya tungkol sa nagpost nito na magsisilbing ebidensya sa inihahanda nilang reklamo. Babala pa ni Yang una na nilang natukoy ang ilang individual na nasa likod umano ng ilang deepfake video at tinatarget ang ilang negosyante at high-profile personalities. Pasok na si Pinay Tennis Star Alex Ayala sa quarterfinals ng Eastbourne Open sa United Kingdom. Tinalo niya sa round of 16 si dating Grand Slam Champion Yelena Ozapeco na nagretiro sa third set dahil sa ankle injury.
Pagkabuhahan ni Osta Penco ang unang set, 6-love, pero bumawi si Ayala, 6-2 sa second set. Lamang ang Pinay, 3-2 sa final set nang magpasa si Osta Penco na huwag nang magpatuloy sa laro. Pagkatapos ng laban, sinabi ni Ayala na umaan. asa siyang mabilis na makakarecover si Ostapenko. Makakaharap ng Pinay si Diana Yastremska ng Ukraine ngayong Huwebes ng gabi.
Sa pool sa video ang pagnanakaw sa kablen ng CCTV cameras ng MMDA na ginagamit naman sa Co-No-Contact Apprehension Policy o NCAP. isang nagbibisikleta, nagpa-patrol Johnson Manabat. Isang grupo ng mga lalaki ang nakuhanan ng video na may kinakalikot sa CCTV camera ng MMDA sa isang footbridge sa bahagi ng EDSA Guadalupe, mag-a-alas 9 ng gabi noong June 20. Ang CCTV ay gamit ng MMDA para sa No Contact Apprehension Policy o NCAP. Hindi na gumana ang mga kamera matapos magkaputol-putol ang mga kabli nito.
Minakaw yung kabli. Hindi naman siya galit. Dahil mahal po yung mga kable niyan. Tumambay-tambay muna.
Mga lima para mga bata. Kabataan yung kumuha. Mukhang ibebenta yung kable.
Nakikipagugnayan na ang MMDA sa PNP para makilala, matuntun at masampahan ng kaso ang mga sospek. Target naman ng MMDA na matapos ngayong taon ang paglalagay ng karagdagang 1,200 pang CCTV cameras sa iba't ibang lansangan sa Metro Manila. Sa Pasig City naman, sapul din sa CCTV ang insidenteng ito sa kahabaan ng Shaw Boulevard noong Martes ng hapon. Unang pumarada sa bike lane ang delivery van na ito at nagbaba ng mga galon ng tubig.
Kita rin sa video ang bicycle rider na ito na nag-overtake sa isa pang nakasabayang nagbibisikleta. Pagtapat ng biktima sa delivery van, biglang bumukas ang pinto nito at tumama sa siklista dahilan para sumemplang ang rider. Nabangga naman siya na isang paparating na SUV at napuruhan sa ulo na naging dahilan ng pagkamatay ng biktima. Nais naman ng MMDA na matugunan ang sunod-sunod na naitatalang aksidente sa lansangan sa isinagawa nilang Metro Manila Road Safety Summit. Kasi may commitment tayo, tama, the second, na kailangan 50% reduction ng road debt.
Pero wala pa tayo doon. Tumataas pa. Base sa datos ng MMDA noong 2024, ang mga insidente sa daan na kinasangkutan ng truck at motorsiklo ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay. Sabi ng MMDA at ng mga eksperto, ang kaligtasan sa lansangan ay responsibilidad ng lahat. Kaya ugaliing maging maingat sa pagmamaneho at palaging sumunod sa mga batas trapiko.
Bukod sa sirang preno at madilim na kalye, hindi rin nawawala sa listahan ng mga itinuturong dahilan ng road crash ang mga tsyuper na nagmamaneho ng lasing. When you are drunk, it's your reaction time that becomes very slow. So yun ang magiging problema.
Meron pa kami nakita isa pang findings, 70% of our road crashes are two-wheelers and 80% of them are drunk drivers. Aminado ang mga otoridad na hindi madaling mapanagot ang mga lasing na driver na sangkot sa aksidente dahil sa mahigpit na requirements ng batas. While it is a criminal offense, pero yung pag-prosecute ng criminal prosecution ay medyo nahihirapan. Dahil akusado, criminal case, alam naman po natin ang may right of the accused, maraming nasa Bill of Rights yan. So nahihirapan tayong patunayan, i-convict yung mga akusado dyan.
sama rin sa mga isinasaalang-alang ng MMDA para maging ligtas ng lansangan, ay ang panukalang ibaba sa 30 kph ang speed limit sa urban areas gaya dito sa Metro Manila. John Sonmanabat, ABS-CBN News. Humirit ng taas pasahe ang ilang transport groups matapos mapurnada ang inaasahang fuel subsidy o ayuda mula sa pamahalaan. At bagamat natuloy ang ikalawang bugso ng inutay-utay na fuel price hike ngayon linggo, sinabi ng Department of Energy na pababa na ang presyo ng langis sa world market. Nagpapatrol, Andrea Taguines.
Ilang oras bago maipatupad ang ikalawang bugso ng fuel price hike ngayong linggo, muling pinilahan ang ilang gasolinahan ng mga motoristang gustong makamenos gastos kahit papano. Medyo mabigat sir, malaki o nababawa sa kinikita namin ngayon. Pero ang jeepney driver na si Ray, hindi nakapagpakarga ng maaga dahil kapos pa sa budget.
2 pesos at 60 centavos ulit ang itinaas ng diesel para sa kabuoang 5 pesos at 20 centavos, habang mahigit 3 pesos naman ang kabuoang itinaas ng gasolina. Pero kung titignan ang galaw ng presyo ng crudo sa world market, bumaba na ito dahil sa anunsyong ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran. Kaya naman binawi na rin ng pamahalaan ang Anilay na kahandang fuel subsidy sa mga pinaka-apektadong sektor tulad ng mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan.
Ang sinasabi namin, hindi ayuda para subsidy. Pag tumasang presyo. E kung di tumasang presyo ng langis, then there's no need for that.
Klaro-klaro po siyang ano, no? Ang provision ng batas. Pwede lang natin magamit ng fuel subsidy.
budget pag pumalo ng 80 dolares ang per barrel ng oil. Pero makakasiguro po ang ating transport groups na nakahanda na po ang DOTR, ang DILG at DICP para i-distribute agad ang pondo pag kinaihanan na ito. Kinwestiyon naman ang grupong Manibela kung bakit walang binigay na tulong ang gobyerno noong unang bahay. Ayon kasi mismo sa Energy Department, pumalo na ng $80 per barrel ang Dubai Crude Oil noong Enero. Batay sa tala ng Department of Transportation, wala pang nababawas sa P2.5 billion na fuel subsidy fund na nakalaan sa 2025 budget.
At may P600 million pang tira sa ilalim ng 2024 budget. Parang inuuto na lang tayo eh. Kung ang basihan natin, $80 per barrel, may utang pa kayo sa amin kasi February hindi nyo ito. ito na ibigay, so dapat doble na ngayon. Sabi ni Dizon na noong Pebrero lang na italaga bilang DOTR Secretary ay susuriin nila ito.
Pero kung hindi na talaga matutuloy ang pamimigay ng fuel subsidy o ayuda ang panawagan ng iba't ibang transport groups, pagbigyan na ang matagal na nilang hinihingi na taas pasahe. Meron pang mga petisyon na noong 2023 pa hinain. Maski konti-konti lang po. Gusto ko po yung piso dahil yung piso.
kung makapagtakay ka ng 300 na katao, may dagdag na 300 ka na parang panakip yan, doon siya nawala sa'yo. Pagtaas ng diesel. Mabigat siya pero parang worth the sacrifice naman.
Mas hassle po sa mga commuters po yun if titigil po sila ng pasada. Tugon naman ni Dizon. I will have to discuss this with the economic team because obviously there's, you need to balance that. daming epekto eh kasi inflation If you do a fair hike, it's the commuters naman that will suffer. Banta ng Manibela, kung hindi sila mapagbibigyan sa fair hike man o sa fuel subsidy at hindi pa rin malaki ang ibababa ng presyo ng langis sa susunod na linggo, maaari silang mapilitang magtigil pasada at magsagawa ng iba pang kilos protesta.
Andrea Taguines, ABS-CBN News. Inalis na ng Commission on Elections ang suspension sa proklamasyon ni Marie. na Mayor Marcy Chidoro bilang bagong halal na kinatawa ng unang distrito ng Luzon matapos pagbutuhan ang isyo ng kanyang residency.
Binatikos naman ni Sen. Coco Pimentel ang desisyon ng komisyon. Nagpa-patrol, Job Manahan. Kinatigan ng Commission on Elections o COMELEC ang Consolidated Motion for Reconsideration ni Marikina City Mayor Marcin Quidoro kaugnay ng issue sa kanyang residency na inihain ng ilang petitioner, kabilang na ang nakatunggaling si Sen. A. Aklilino Koko Pimentel III. Ang batas, ang iniiwasan talaga yung estranghero at yung baguhan na hindi alam kung ano yung lugar, pati yung pangangailangan ng mga tao. Sa akin naman, napatunayan naman lahat.
There's no material misrepresentation. Sa botong 4-0, binawi na ng Comelec ang pagkakasuspindi ng proklamasyon ni Teodoro bilang nanalong Marikina 1st District Representative. Tatlong commissioner naman ang hindi sumali sa botohan, kabilang si Chairman George Garcia. Pinababalik din ng Comelec ang kanyang Certificate of Candidacy o COC. Ayon sa Comelec, hindi na patunayan ng mga petitioner na inabandonan ni Teodoro ang kanyang domicile of origin o ang lugar kung saan siya pinanganak o permanenting tirahan.
na ayon kay Teodoro ay nasa 1st District ng Marikina. Naging basihan kasi ng mga petitioner sa reklamo ang paggamit ni Teodoro sa kanyang driver's license ng kanyang adres sa ikalawang distrito ng lungsod. Bigo umano ang mga petitioner na patunayan na may material misrepresentation si Teodoro sa kanyang COC. Sabi ni Garcia, nagdesisyon ang Comelec Unbound. batay sa ebidensya na inihain ng mga partido.
Hindi naman daw siya stranger dyan sa mismong lugar. And therefore alam niya ang kultura, alam niya at kilala niya ang mga tao, kilala niya ang mga pag-uugali at mga problema. Kaya hindi makukonsider na wala siyang residency or complete stranger doon sa mismong distrito. Para naman kay Sen. Pimentel, pambabasto sa konstitusyon ang pagbaliktad ng Comelec sa desisyon ng kanilang First Division na inilabas Disyembre noong isang taon.
Mapanganib umano ang naging desisyon ng Comelec, lalo't pwede itong gamitin ng iba pang mga tatakbo sa mga susunod na halalan. Sabi ni Chairman Garcia, kontrobersyal o hindi, sisikapin nila na maglabas ng mga desisyon sa mga nakabimbin pang kaso dito sa... Bago matapos ang buwan na ito o yung period na may jurisdiction sila sa mga kaso.
May sagot din ang opisyal kaugnay sa batikos ni Sen. Pimentel na matagal umano maglabas ang desisyon ng Comelec sa kaso ni Teodoro. Ayon kay Garcia, naantala ang desisyon ng Comelec-Anbang, bunsod ng iba-ibang katahilanan. Kasama na riyan ang pagretiro ng dalawa nilang commissioners.
Nag-appoint ang ating Pangulo ng Marso, tapos pumasok na po yung eleksyon natin. Hindi naman po natin pwedeng ipwersa sila kaagad na bumoto sa mga ka-isang kaso na hindi man lang nila napag-aaralas. Nagpasalamat naman si Teodoro sa Comelec.
Democracy prevails, not simply because na naloko. It's the lean of the... The people, bumawa po sila. Dumaan ako doon sa proseso ng pagboto. I think for the Supreme Law really is the will of the people.
We should respect that. Nasa Marikina City Board of Canvassers naman ang desisyon kung kailan nila ipoproklama si Teodoro. Nangako si Pimentel na gagawin ang lahat ng legal na hakbang para kontrahin ang naging desisyon ng Comelec.
Job Manahan, ABS-CBN News. Ikinakasana ni Sen. Rizal. Ontiveros ang legal na hakbang laban sa umano'y testigo na nagsabing binayaran siya ng senadora para magbigay ng maling salaysay laban kina Pastor Apolo Quibuloy, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ontiveros, hindi nila palalampasin ang responsable sa pananakot at harassment na ito. Sa isang video sa social media, sinabi ng isang Michael Murillo na gumagamit ng alias Rene, na lahat ng mga sinabi niya, At ng mga kasama niyang tumestigo sa Senado ay ginawa lamang ni Ontiveros at binayaran umano siya nito ng isang milyong piso. Tinawag naman ni Ontiveros na kasinungalingan ang mga aligasyon ni Murillo.
Humarap sa Senado ang isang alias rin ninoong February 19, 2024 at sinabing nagdadala si Cubuloy ng mga armas na nakasilid sa mga bag sa ari-arian niyang Glory Mountain sa Davao City. Anya bumibisita roon si nadating Pangulong Rodrigo Duterte. at Vice President Duterte para kunin umano ang mga bag.
Isa umanong landscaper si Alias Rene sa Glory Mountain. Pinoy Pride sa National Basketball Association. Isa na namang Filipino-American ang nakapasok sa NBA matapos piliin ang San Antonio Spurs, si Dylan Harper sa NBA Draft. Nagpapatrol, Champ de Lunas.
Pinili ng San Antonio Spurs si Dylan Harper sa 2025 NBA Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York, Merkales ng gabi. Gaya ng ngayon yung Phoenix Sun na si Jalen Green, second pick siya ngayong taon pagkatapos kunin ang Dallas Mavericks si Cooper Flagg. Ang 6'4.5 guard ang kukusunod.
kumpleto sa young core ng San Antonio na kinabibilangan ng dalawang nagdaang rookie of the year ng liga na sina Victor Rembanyama at Stephon Castle. Ipiniliwanag ng kanyang ina na si Maria Harper ang mga sakritisyon ng kanyang anak para matupad ang pangarap. Like, was relentless. Early mornings in the gym. High school started every day at 7.20.
He would get up sometimes at 4 in the morning to go work out at the high school, come back home, shower, go back to school. He missed all of the things that teenagers did. The prom, hanging out with his friends, going to the movies, the mall. He just dedicated himself to the game 1,000%. May dugong Pinoy si Dylan dahil sa kanyang ina na si Maria na ipinanganak sa Pilipinas at nag-migrate sa Amerika nung 7 taong gulang pa lang siya.
Super proud ang kanyang lola na si Lilia Pizarro, ngayong ganap na NBA player na si Dylan. Ibinahagi niya rin ang mga salitang Filipino na itinuro sa apo. Magandang umaga, salamat po, masayang-masaya.
Naachieve niya ang kanyang dream since childhood. He's very aggressive, determined, and always trying to be a perfectionist. Dagdag pa ni Maria na ituro nila ang Pinoy values hindi lang kay Dylan kundi pati sa kapatid nitong si Detroit Piston Ron Harper Jr.
The Filipino culture and our values and our work ethic is deeply ingrained in my children. They watch my mom. My mom and my dad worked tirelessly as immigrants here in the United States, watched me work, pretty much a full-time job all through coaching them. year para sa Spurs.
Determinado siya sa tulong ng kanyang mga bagong kakampi na maipakita ang kingaling at talento. Rewan na kaya makipagsabayan ng mga Filipino-American sa pinakamagigaling na malalaro sa mundo na kunin si Dylan Harper's NBA draft. Champ de Lunas, ABS-CBN News, Brooklyn, New York.
Apat ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Dagpono Street sa San Andres, Bukid sa Manila ngayong Huwebes ng hapon. Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light material sa maapektadong bahay. Ayon sa ilang residente, nagsimula ang apoy sa linya ng kuryente. Itinaas sa ikatlong alarmang sunog kung saan hindi bababa sa labindalawang truck ng bumbero ang rumiskunde.
Napula naman ito makalipas sa may gitisang oras. Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatan. Apektado ang 38 pamilya matapos natupok ang nasa labing pitong bahay. Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang insidente.
Halos dalawang libong posisyon sa mga ospital ng Maynila o ng Department of Health at sa iba't ibang bahagi ng ating bansa ang pwedeng applyan po sa job fair ng ahensya. At ang maganda balita pa, plantilia o permanent position po ang mga ito. Nagpa-patrol Rafael Bosano.
Fresh graduate sa kursong nursing si Cindy. Kaya nung mabalitaan na may job fair ng DOH sa isang mall sa Monumento, Caloocan, dali-dali siyang nagpunta kasama ang dalawang kaibigan sa pag-aasang makakakuha ng trabaho bilang nurse sa pampublikong oslo. Ang experience sa clinical duty po namin, pansin po talaga namin na mababa po talaga yung nurse to patient ratio sa mga hospital.
So ayun po, nire-ready na lang din po talaga namin yung isip and mindset din po. Higit 1,800 na bakanting trabaho sa iba-ibang ospital at attached agencies ng Department of Health ang pwedeng aplayan sa job fair ng DOH sa iba-ibang bahagi ng bansa. Nagsimula ito ngayong lunes.
At magtatagal hanggang June 27. Bukod sa mga nurse, may mga bakanting posisyon din para sa mga doktor, occupational therapist, speech therapist, dentista, medical technologist, respiratory therapist, physical therapist at mga administrative assistant. Paliwanag ng DOH. malaki ang maitutulong ng mga posisyong ito para maibsan ang mababang ratio ng health worker at pasyente.
Ang isa po ng mga doctor, ang isang nurse, ang isang therapist, marami pong inaalagaan ng mga Pilipino yan. Makadagdag lang po tayo ng kahit... in the tens, better kung hundreds, malaki po yung maitutulong sa ating local health situation.
Ang 48-year-old na si Edeliza, puwag sigidong makahanap ng trabaho bilang nursing attendant sa Pilipinas. Aminado kasi siyang sa kanyang edad, mahirap ng makahanap ng trabaho sa ibang bansa at malayo sa pamilya. I hope na makamalipay na ako dito, magkaroon akong work para mapagpatapos ko yung mga anak ko.
Tatlo silang college. Hinihikayat din ang DOH na kumuha ng civil service exam ang mga aplikante. Pero bukas pa rin sila na kunin ang detalye ng mga hindi pa nakakapag-exam para sa ibang posisyon.
Ang mga board pastor naman, maituturing ng civil service eligible. Ball. Tuloy na hinihikaya ng Department of Health at Publiko na pumasok sa government service at magsasabihin. Silbi sa bayan.
Bukod kasi sa malabit ka na sa sarili mo pamilya, ay tinitiyak din nila na competitive ang sweldo at maganda ang benefits pagsapit ng retirement. Rafael Bosano, ABS-CBN News. Kinalerto po ng Philippine Embassy sa Washington ang Filipino community sa US kaugnay ng mga maling impormasyong kumakalat sa social media na naghihigpit na umano ang US sa mga dual citizen at green card holder.
Sa isang advisory, nilinaw po ng embahada na walang binago ang pamahalaan ng Amerika sa mga polisiya tungkol sa dual citizenship o lawful permanent resident travel rights. Ayon sa embahada, Nagdulot ng pag-aalala sa Filipino community sa US ang mga nasabing misleading information sa iba-ibang online platforms. Nanawagan po ang embahada sa mga Pinoy na huwag nilang isuko ang kanilang Philippine citizenship.
Base lang sa social media content, lalot isa itong legal action na hindi na mababawi. Hinikayat din ang embahada ang mga Pinoy na mag-verify ng mga impormasyon sa mga official government sources, huwag mag-share ng mga di na-verify na content, at i-report ang mga maling impormasyon sa platform kung saan ito lumabas. Music Mahalagang maalagaan ng isang eda simula sa kanyang pagbubuntis hanggang makapanganak para masiguro ang kanyang...
at kanyang magiging sanggol. Kaya isang regional bunti summit ang idinaos ng DOH Calabarzon at TV Patrol Lingkod Kapamilya sa bayan ng Mahayhay, Laguna para matiyak na healthy ang magiging delivery ng mga benepisyaryo. Dinadala ngayon ni Reneline sa Sinapupunan ang ikaapat niyang anak.
Kwento niya, isa sa lagi niyang iniisip ay ang mga gastusin sa pagbubuntis dahil may kamahalan ang ilang aspeto nito, tulad ng konsultasyon sa doktor. Kaya nang malamang may idaraos na bunti summit sa kanilang lugar ay hindi niya ito pinalampas. Wala pong trabaho, asawa ko lang po.
Farmers po. Minsan po, site and site line. Malaga pong magpa-check up.
Para po sa pagbubuntis, hindi mo alam kung ano na po na yan sa loob ng baby mo, sa loob ng chan. Kabado naman ang first time mom na si Maricel kung kaya ganoon na lamang ang kanyang paghahanda para sa kanyang panganak. Unang-unang po, check up.
Kung pa-check up po, buwan-buwan. Buwan-buwan daw po kasi sabi ko ng center. Para po maingatan po yung kalusugan ng bata sa loob ng chan.
Para po maingatan, maingatan yung mga bawal. Kasama si Narene Lillian at Maricel sa mahigit isang daang buntis na inalalaya ng DOH Calabarzon TV Patrol Lingkod Kapamilya at iba pang mga organisasyon na mabigyan ng libreng tulong medikal na may kaugnayan sa pagbubuntis tulad ng ultrasound, dental consultation, prenatal at postpartum check-up. Nainggan nyo po yung lahat ng mga buntis ngayon na magpa-check-up dahil po isa nga po sa rason ay yung kanilang pinansyal na problema. Nang una po, hindi naman po lahat ng buntis na kasi. Nakaka-avail ng ultrasound, laboratory, CBC, pap smear dahil po sa kahirapan ng buhay.
Maibigay po natin yung tinatawag natin na kalidad na pangangalaga sa ina para nga po masiguro natin yung songgol po nila ay talagang malusog at may garantiya na healthy po talaga sila paglabas. Samantala, binigyang parangal naman ang DOH Center for Health Calabarzon ang inyong TV Patrol lingkod kapamilya sa pagiging katuwang ng kagawaran sa kanilang mga program. Maraming salamat po sa ipinagkaloob ninyong pagkilala sa TV Patrol Lingkod Kapamilya.
Inilabas na ang trailer ng season finale ng Incognito na kinunan sa Marawi City. Wala nang atrasan ang contract sa kanilang final mission. Nagpapatrol Ana Cerezo. Ito na ang simula ng katapusan, ang incognito, the final mission. Mas titindi pa ang bakbakan dahil dito na ibinukos ng contracts ang lahat ng natutunan nila mula sa mga mission.
Mas nagiging close yung buong grupo. Not only the actors but also the production. Sa finale, I think dito talaga nagbunga lahat ng mga, kumbaga lahat ng buwelo ng grupo. Mula sa bawat eksena on screen hanggang sa mga personal na kwento ng cast sa likod ng kamera, sinasalamin ng inkognito ang tunay na kahulugan ng samahan at pangalawang pagkakataon.
So alam naman natin yung pinagdaanan ng superstar cast natin. So hindi kami lumayo sa tunay na buhay. Instead, lumapit kami.
Sobrang minahal ko itong mga tao. Sobrang, sobrang. Gagawin ko lahat para sa mga ito. Lahat. Para naman kay Baron, nakahanap siya ng redemption sa inkugnito.
First show na natapos ko na hindi ako nagkalad. So first show ko na may pagmamalaki ko na hindi ako pumasok sa set na... Nakaka-addict yung ganong feeling na I'll be reaching for that goal. Binahagi naman ni Maris Racal na nagsigling liwanag para sa kanya ang action series. Now that we're saying goodbye, I just want to say that making this series, making Incognito has saved me.
You have no idea how much it saved me and paano ako. Nag-grow. Gayun din kay Daniel na sinabing, pinakamagandang desisyon niya ito.
Lalo na tumating ito habang may pinagdadaanan siya. Alam natin ang pag-aalinlangan ko bago natin ito sinimulan, bago ko tanggapin ito. Dahil wala eh, nandun ako sa, nung panahon na yun, nandun ako sa punto ng buhay ko na ako ay gulong-gulo at litong-lito. Marami rin anya na tutuwa.
tunan ang kaso sa kanilang mga karakter. So, yung love niya, pag gusto niya yung tao, talagang love niya. Bibigay na.
Bibigay niya lahat. Sasalo siya ng suntok. Letting go. You see how much holding on to something was actually holding her back.
Bukas ang produksyon, naituloy ang misyon sa posibleng spin-offs at bagong season. at ang katapat. Hindi yan, gusto niya. Hindi, wag naman, wag naman. Wag po.
Alam mo bang, hindi iniwasan na yan sa video? Wag mo kinakanta na yan. Hindi kasi, binabarili.
Dahil, dahil sintunado? Hindi. O, pero pag magaling, Panangyakay, nagsisimula pa lang kami. D-N-S-E-R ka na. Pahinga, pahinga.
At yan po mga balitang binantayan namin para sa inyo tuloy-tuloy pong pagpapatrol sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z. Ako po si Alvin El Chico. Para sa iba pang balita, mag-log on sa abs-cbn.com.
Napakikinggan din ang TV Patrol sa DZM. Sa-sa-sa-sa. Gusto mo?
DZMM. DZMM, Radio Patrol sa Istrenta. Ano mang hamon, ano mang panahon, tapat kaming maglilingkod. Ako po si Bernadette Sembrano.
At sama-sama pa rin tayo gabi-gabi sa All TV. Ako naman po ang inyong kabayan, si Nolly De Castro. Sa pangalan po ng ABS-CBN News, in the service of the Filipino, marami pong salamat at magandang gabi.
Bayan!