Ambisyon ng Makapangyarihang Bansa: Pagpapalawak ng teritoryo at kapangyarihan.
Paglusob ng Japan sa Manchuria (1931): Tinuligsa ng League of Nations, ngunit hindi nagpatinag ang Japan.
Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa (1933): Pagsisimula ng muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler.
Pagsakop ng Italy sa Ethiopia (1935): Sa ilalim ni Benito Mussolini, nilabag ang kasunduan ng Liga ng mga Bansa.
Digmaang Sibil sa Espanya (1936): Pakikialam ng ibang bansa na nagpalala sa hidwaan.
Pagsasanib ng Austria at Germany: Pagsisikap na maging bahagi ng Germany na sinuway ng Allied Forces.
Paglusob sa Czechoslovakia (1939): Sinakop ni Hitler ang Sudetenland at iba pang teritoryo.
Paglusob ng Germany sa Poland (1939): Hudyat ng pagsiklab ng digmaan.
Mahahalagang Naganap
Digmaan sa Europe (1939): Paglusob ng Nazi sa Poland, pagsiklab ng digmaan.
Operation Dynamo & Miracle of Dunkirk (1940): Paglikas at pagliligtas ng mga Allied Forces mula sa pagsalakay ng Germans.
Pagsakop ng Nazi sa France (1940): Pagbagsak ng Paris, paglilipat ng pamahalaan sa Bordeaux.
Lend-Lease Act ng United States: Pagtulong sa mga bansang lumalaban sa Axis Powers.
Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor (1941): Pagsisimula ng digmaan sa Pasipiko.
Pagwawakas ng Digmaan
Tagumpay ng Allied Forces sa Europe (1944-1945): Pagsakop sa Normandy, pagbagsak ng Germany, pagkamatay ni Hitler.
Tagumpay sa Pasipiko (1945): Pagbabalik ni General Douglas MacArthur sa Pilipinas, pag-atake ng bomba atomika sa Japan, pagsuko ng Japan noong September 2, 1945.
Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Malawakang Pagkawasak: Maraming namatay, nasirang ari-arian, at huminto ang pagsulong ng ekonomiya.
Pagbagsak ng mga Totalitarian na Pamahalaan: Nazi ni Hitler, Fasismo ni Mussolini, Emperyong Japon ni Hirohito.
Pagsilang ng Malalayang Bansa: East at West Germany, China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at iba pa.