Ang mga kontinente ng daigdig Mahalagang pag-aralan ang mga bansa sa Timog Silangang Asia upang maunawaan ang kanilang kultura, kasaysayan at ugnayan nila sa Pilipinas. Natatandaan pa ba ang mga bansang bumubuo sa rehiyong ito? Balikan natin ito sa Aral ng Nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Sea Spot, Southeast Asia. Tukuyin ang mga bansa at kanilang kapital sa Timog Silangang Asia.
Thailand, Bangkok, Myanmar, Naipidaw, Indonesia, Jakarta, Singapore, Singapore, Malaysia, Kuala Lumpur. Vietnam, Hanoi Timor-Leste o East Timor, Dili Kamboja, Phnom Penh Brunei Darussalam, Bandar Seri Begawan Lao o Lao PDR, Vientiane Philippines, Manila Muli ang mga bansang bumubuo sa Timog Silangang Asya at ang kanilang mga kapital ay ang Thailand, Bangkok, Myanmar, Naipidaw, Indonesia, Jakarta, Singapore, Singapore, Malaysia, Kuala Lumpur Vietnam, Hanoi Timor-Leste o East Timor, Dili Kamboja, Phnom Penh Brunei Darussalam, Bandar Seri, Begawan Lao o Lao PDR, Vientiane Philippines, Manila Ito ang naging konsentrasyon noong grade 7 ninyo. Pilipinas sa Timog Silangang Asya.
Ngayong nasa grade 8 na kayo, dadako na tayo sa... Asya at Daigdig. Ang Timog Silangang Asya ay isa sa limang rehyon ng Asya. Nahahati ang Asya sa limang rehyon. Ang Silangang Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Gitnang Asya.
Ang Asia ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. Ang Asia ang kontinenteng may pinakamalaking sukat at populasyon sa mundo. Ang hangganan nito sa Hilaga ay Arctic Ocean.
Ang hangganan nito sa Kanluran ay Red Sea at Ural Mountains. Sa Timog naman ang Indian Ocean at sa Silangan ang Pacific Ocean. Afrika, ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo sa sukat at populasyon.
Nagtataglay ng pinakamaraming bansa at pinagmumulan ng malaking supply ng ginto at dyamante. Ang hangganan nito sa Hilaga ay Mediterranean Sea. Sa Kanluran ay Atlantic Ocean. Sa Timog ay Southern Ocean at sa Silangan ay Red Sea at Indian Ocean. North America, ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.
May hugis na malaking tatsulok, subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Ang hangganan nito sa Hilaga ay Arctic Ocean, sa Canluran ay Pacific Ocean, sa Timog ay South America, at sa Silangan ay Atlantic Ocean. South America, ang ikaapat sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.
May hugis ding tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging Ecuador hanggang sa Cape Horn sa Katimugan. Ang mga hangganan nito sa Hilaga ay North America, sa Kanluran ay Pacific Ocean, sa Timog ay Southern Ocean at sa Silangan ay Atlantic Ocean. Antarctica, ang ikalimang pinakamalaking kontinente sa mundo, ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo. Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito.
Gayunpaman, sagana sa mga isda at mamal ang karagatang nakapalibot dito. Europe, ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente at ikatlo sa pinakamataong kontinente sa daigdig. Ang hangganan nito sa Hilaga ay Arctic Ocean, sa Canluran ay Atlantic Ocean, sa Timog ay Mediterranean Sea at sa Silangan ay Ural Mountains.
Australia o Oceania, ang pinakamaliit na kontinente sa mundo. Ang hangganan nito sa Hilaga ay ang Bansang Indonesia, sa Kanluran ay Indian Ocean, sa Timog ay Southern Ocean at sa Silangan ay Pacific Ocean. Markahan mo ang mundo.
Tukuhin ang mga kontinente at karagatan sa mundo. North America, South America, Europe, Africa, Asia, Australia, Antarctica. Ang mga karagatan naman ay Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean, Southern Ocean, Arctic Ocean. Ang kaalaman sa mga kontinente at karagatan ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng malinaw na gabay sa lokasyon ng mga bansa at rehyon.
Sa pamamagitan nito, mas madaling matutukoy ang... mga mahahalagang lugar o landmark sa daigdig at masusuri ang kanilang papel sa kasaysayan. Landmark sa kontinente, slogan sa puso. Tukuyin kung saan ang kontinente matatagpuan ang bawat landmark at gumawa ng isang maikling eslogan na nagpapakita ng kahalagahan ng lugar na iyon. Halimbawa, ang Great Wall of China ay matatagpuan sa Asia.
Asia, kung saan ang pader ay hindi hadlang, kundi alaala ng katatagan. Ang Christ the Redeemer ay nasa kontinente ng South America. Ang Angkor Wat ay sa Asia.
Ang Pyramid of Giza ay sa Africa. Eiffel Tower sa Europe. Amundsen's Cut Station ay sa Antarctica. Sydney Opera House sa Australia. At Statue of Liberty sa North America.
Daigdig na may kulang, ikaw ang sagot. Una ng patlang ng tamang sagot. Ang kontinente ay malalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig na magkakahiwalay ayon sa lokasyon at katangiang pisikal. May pitong kontinente sa mundo.
Ang Asia ang pinakamalaki, Afrika, North America, South America, Antarctica, Europe at Australia na pinakamaliit. Mahalaga ang pag-unawa sa hangganan ng mga kontinente at karagatan upang matukoy ang lokasyon, paggalaw at ugnayan ng mga bansa sa daigdig. Kontinente Picks, piliin ang letra ng tamang sagot.
Kung pupunta ka sa bansa kung saan naroon ang Taj Mahal, saang kontinente ka pupunta? Sa Asia. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kontinente mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit? Asia, Afrika, North America, South America, Antarctica, Europe, Australia. Ano ang hangganan ng Afrika sa Hilaga?
Mediterranean Sea. Mahalagang malaman ang tungkol sa mga karagatan ng daigdig sapagkat ito ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao. Paano nakatutulong ang kaalaman sa mga hangganan ng mga kontinente? Nagagamit ito sa pag-unawa sa heyografiya, kasaysayan at pagkakaugnay ng mga bansa.
Ang pag-unawa sa mga kontinente ay pagtuklas sa koneksyon ng mundo. Bawat lupain ay may kwento, bawat hangganan ay may aral.