Transcript for:
Kahalagahan ng Likas na Yaman

Sa araling ito ay tatalakay natin ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na naranasan ng Pilipinas at ang epekto nito sa pahumuhay ng mga Pilipino. Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutunan natin sa pag-aaral ng Economics na isa ang likas na yaman sa kinatawag na salik ng produksyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng mga hillaw na materyales upang gawing produkto na pinagmumulan din ng iba't ibang hanap buhay. ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing hanapuhay nila ay ang pagsasaka at pangisda na bumubuo sa halos 20% ng gross domestic product ng Pilipinas noong 2014. Kasama rin dito ang 1.4% mula sa yamang gubat at 2.1% naman mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Makikita sa mga nabanggit na sitwasyon ang kahalagahan ng likas na yaman sa ating pamumuhay. Ngunit sa kabila nito ay tila hindi nang bibigyang halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong kinakaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyong, paguhu ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para mabuhay, ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay. Ilan sa mga suliranin at hamang pangkapaligiran ng Pilipinas ay ang suliranin sa solid waste, pagkasira ng likas na yaman, at climate change. Ngayon ay tatalakayin natin ang suliranin sa solid waste. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na estabisimiento, mga basurang nakikita sa paligid, mga basurang nagmula sa sektor ng agrikultura, At iba pang basura ang hindi nakalalason. Ang Pilipinas ay nakalikha ng tinatayang 39,422 tonelada ng basura kada araw noong 2015. Halos 25% na mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila, kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilo ng basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average. Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa tahanan na mayroong 56.7%. 27.1% ang galing sa mga komersyal na establishmento na binubuo ng 18.3% mula sa pamilihan at 8.8% sa iba pa. 12.1% ang galing sa mga institusyon tulad ng paaralan at ang natitirang 4.1% ay industrial waste. Samantala, pinakamalaking uri naman ang tinatapong basura ay ang biodegradable waste na binubuo ng 52.31%. Halimbawa nito ay mga balat ng prutas at tirang pagkain. 27.78% naman ang recyclables na binubuo ng 8.70% paper and cardboard, 10.55% plastics, 4.22% metal, 2.34% glass, 1.61% textile, At 0.37% leather and rubber. 17.98% naman ang bumubuo sa residual waste. Ang residual waste ay mga basura na hindi nabubulok at hindi naririsiklo. Halimbawa nito ay mga disposable diaper, ceramics at balat ng candy. Ang natitirang 1.93% naman ay mga special waste. Ito ay ang mga basura ang kapag hindi naitapo ng maayos ay magiging mapanganib. Kaya kailangan ng espesyal na paraan ng pagtatapon. Halimbawa nito ay pintura, battery, at iba pang electronic devices gaya ng TV. May iba't ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. tinatayang na sa 1,500 tonelada ng basura ang iligal na itinatapon araw-araw sa mga bakanting lote, ilog, sapa at sa Manila Bay. Bagamat ipinagbabawal, marami pa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dump site. Problema ang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinapatupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar ang waste segregation. Samantala, ang mga dump site sa Pilipinas Partikular na sa Metro Manila, ay nagdudulot din ang panganib sa mga naninirahan dito dahil sa katas ng basura na dumadaloy sa mga anyong tubig. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang hindi tamang pagkatapon ng electronic waste o e-waste tulad ng computer, cellphone at TV. Humigit kumulang sa 6 na tuneladang e-waste ang itinatapon sa landfill. na siya namang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anumang bahagi nito na mapakikinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsusunog upang makuha ang tanso at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury at polyvinyl chloride na nakalalaso ng lupa at maging ng tubig. Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang solusyonan ng iba't ibang sektor. Kaya ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na patayan sa iba't ibang resisyon at proseso ng pamahala ng solid waste sa bansa. Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility o MRF kung saan isinasagawa ang waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dump site. Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Isa na rito Ang Mother Earth Foundation, tumutulong sila sa pagtatayo ng mga MRF sa mga barangay. Nandyan din ang Clean and Green Foundation. Kapahagi sila ng mga programang tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig at Trees for Life Philippines. Mayroon ding Bantay Kalikasan. Kinagamit nila ang media upang mamulat ang mga mamamayan sa suluraning pangkapaligiran. Nanguno rin sila sa reforestation ng Lamesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project. May suporta rin mula sa Greenpeace. Sila ay may layunin baguhin ang kaugalian at pananon ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan. Ngunit, sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa, ay nananatili pa rin ang mga suluranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamanaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapo ng basura. Nangangailangan pa ng mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang soluraning ito.