TUNGGALIAN NANG ISPAIN AT PORTUGAL Ang panahon ng paggagalugad, na kilala ring panahon ng pagtuklas, ay tumutukoy sa panahon mula ikalabing lima hanggang ikalabimpitong siglo. Ito ang panahon kung kailan nagsimula ang mga Europeo na maglakbay upang makahanap ng bagong rutang pangkalakalan, makakuha ng yaman at ipalaganap ang kanilang relihiyon at kultura sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Balikan natin ito sa Aral ng Nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Tuklasin ang pagtuklas. Lagyan ng nawawalang letra upang mabuo ang konsepto.
Pagsisiyasat sa mga puok na hindi pakilala o alam. Eksplorasyon. Pagtuklas o paglilibot sa isang partikular na lugar.
Panggagalugad. Pangkat ng tao o bansa na nanlupig ng ibang pangkat ng tao o bansa Mananakop Isang kasapi ng pangkat religyoso na sinugo sa isang lugar upang palaganapin ang pananampalataya o maglingkod sa tao tulad ng edukasyon Misyonero Tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang pagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Kolonyalismo Ang matinding pagnanais ng Europa na makahanap ng bagong ruta, makamtan ang masaganang yaman at mapalawak ang kanilang kapangyarihan ang nagsilbing mitya ng sunod-sunod na paglalakbay na kalaunan ay nagbunsod ng tunggalian sa pagitan ng Spain at Portugal.
Noong nagsimula ang panahon ng pagtuklas, ang Portugal ang nanguna sa mga bansang Europeo sa larangan ng paggalugad sa karagatan. Isang mahalagang tauhan sa kanilang tagumpay ay si Prince Henry of Portugal, na kalaunan ay tinaguriang Henry the Navigator. Bagamat hindi siya direktang naglayag, siya ang naglatag ng matibay na pundasyon ng eksplorasyon.
Nagtatag siya ng isang obserbatorio at paaralan ng navigasyon, kung saan nag- Tipon ang mga kartografo, inventor ng mga instrumento, tagagawa ng barko, siyentipiko at kapitan ng barko upang magsanay at magbahaginan ng kaalaman. Lumaki si Henry bilang isang matipunong kabalyero at lumahok siya sa mga kampanyang militar. Noong 1415, Pinangunahan niya ang pananakop sa lungsod ng Teuta sa Morocco.
Doon niya nasilayan ang mga tindahan na puno ng mga rekado, gaya ng paminta at nutmeg. Gayun din ang mga gintong alahas, tanso at iba pang hiyas na noon ay bihira pa sa Europa. Ang karanasang ito ang nagbukas ng kuryosidad ni Henry at nag-udyok sa kanya na maglaan ng yaman para sa mga manlalayag. Sa kanyang suporta na kilala ang Portugal bilang nangungunang bansa sa eksplorasyon. Kung ako ang prinsipe, saan tutungo ang yaman ng bayan?
Si Prince Henry ng Portugal ay kilala bilang The Navigator. Bagamat hindi siya personal na naglayag, ginamit niya ang kanyang yaman at kapangyarihan upang suportahan ang mga manlalayag. Nagpatayo siya ng School of Navigation sa Sagres at naglatag ng pundasyon para sa panahon ng pagtuklas. Kung bibigyan ka ng pagkakataong lumikha ng isang School of Navigation, na katulad ng ginawa ni Prince Henry, anong klase ng school ang bubuin mo ngayon at ano ang layunin nito?
Si Prince Henry ay hindi naglayag, pero siya ang naging daan Para sa tagumpay ng iba. Sa iyong karanasan, paano mo maipakikita na ang tunay na suporta ay hindi laging nasa unahan, kundi nasa likod ng tagumpay ng iba. Ang bunga ng pananaw ni Henry. Ang paglalakbay ni Bartolomeo Dias.
Noong 1488, pinatunayan ni Bartolomeo Dias, manlalayag na Portugues, na may daan patungong Asia sa pumagitan ng paglalayag sa dulo ng Afrika. Bagamat hindi niya naabot ang India, ang pagkatuklas sa Cape of Good Hope ay naging simbolo ng pag-asa na pangarap ni Henry ay nagsisimula ng matupad. Pagpasok ng Espanya, ang paglalayag ni Columbus tungo sa bagong daigdig.
Noong 1492, nakumbinsi ng Italianong manlalayag na si Christopher Columbus, ang kaharian ng Spain, na pondohan ang kanyang paglalakbay pa kanluran. Bagamat hindi niya natagpuan ang Asia, narating niya ang tinaguriang bagong daigdig, ang Amerikas, na nagbukas ng bagong landas para sa eksplorasyon, kolonisasyon at pagbabago sa kasaysayan ng mundo. Dahil sa tagumpay ng mga paglalayag, nagkaroon ng tensyon.
Sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa. Dalawang bansa, isang mundo. Ang kasunduan ng Portugal at Spain.
Upang maiwasan ang sigalot, itinatag ni Pope Alexander VI ang Line of Demarcation noong 1493. Ngunit sa Treaty of... Tordesillas noong 1494, binago at formal na hinati ang mundo. Kanluran para sa Spain at silangan para sa Portugal.
From Henry to Treaty, match the milestones. I-match ang bawat milestone sa tamang tao o kasunduan. Naglayag hanggang dulo ng Afrika at nakatawid sa Cape of Good Hope.
Bartolomeu Dias Nagtatag ng paaralan ng navigasyon at tumulong sa pag-angat ng Portugal. Prince Henry the Navigator Kasundo ang formal na naghati sa mundo sa pagitan ng Spain at Portugal. Papa Alexander VI Ang imahinasyong linyang ginawa upang maiwasan ang sigalot sa pagitan ng Spain at Portugal. Line of Demarcation Naglakbay noong 1492 at narating ang tinaguriang Bagong Daigdig. Christopher Columbus Eksplorasyon ng mga Portugues na Mandaragat.
Vasco da Gama Matapos maikot ang dulo ng Afrika, ipinagpatuloy ni Vasco da Gama ang paglalakbay pasilangan. Narating niya ang kalikot sa India at natuklasan ang masaganang pamilihan ng rekado, seda at hiyas. Sa kanyang tagumpay, nagkaroon ang Portugal ng direktang rutang pangkalakalan patungong India.
Pedro Alvarez Cabral Sa layuning palawakin ng kalakalan, pinangunahan ni Cabral ang ekspedisyon patungong India sa hindi inaasahang pagkakasama. At taon, nadiskubre niya ang lupain na ngayon ay kilala bilang Brazil. Noong 1492, si Christopher Columbus ang unang Europeo na nakarating sa tinatawag ngayong Bagong Daigdig, sa ngalan ng Spain. Subalit, inakala niya noon na narating niya ang Asia, kaya tinawag niyang Indyos ang mga katutubo. Ilang taon matapos nito, isang kapwa Italian explorer na si Amerigo Vespucci ang naglakbay para sa Spain at Portugal.
Sa kanyang Portuguese voyage noong 1501, napagtanto ni Vespucci na ang mga lupang narating ay hindi bahagi ng Asia kundi isang bagong kontinente. Tinawag niya itong Mundus Novus o New World. Bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag sa pag-unawa sa heyografiya, ipinangalan ng kartografong si Martin Bald Simuler ang Amerika sa kanya noong 1507. Eksplorasyon ng mga Espanyol na Mandaragat.
Vasco Nunez de Balboa Si Balboa ang unang Europeo na nakakita sa silangang baybayin ng Pacific Ocean. Namalas niya ito ng kanyang marating ang Panama noong 1513. Inangkin niya ang mga dalampasigan ng karagatang ito para sa Spain. Ferdinand Magellan Pinangunahan ni Magellan ang unang paglalayag paikot ng mundo.
Bagamat napatay sa Pilipinas, ipinagpatuloy ni Juan Sebastian Elcano ang ekspedisyon at batagumpay na nakabalik sa Spain. Kinilala si Elcano ni Haring Charles V bilang unang nakapaglayag paikot ng mundo. Sa Treaty of Dr. de Silias noong 1494 hinati ang mundo sa Spain at Portugal.
Gayunman, nagreklamo ang Portugal kaya sa pahintulot ni Pope Julius II noong 1506 iniurong ang linya Pakanduran na nagbigay sa kanila sa mga Portugal ng Brazil. Sa Treaty of Saragossa noong 1529, formal na itinakda ang hangganan sa Asia. Napunta sa Portugal ang Moluccas o ang Spice Islands, habang sa Spain naman ang Pilipinas. Kalakalang imperyo ng Portugal sa Indian Ocean.
Sa Asia, pinangunahan ni Vasco da Gama, ang pagbubukas ng direktang rutang pangkalakalan. Pinatatag ito ni Alfonso de Albuquerque sa pumagitan ng pagsakop sa Goa noong 1510 na naging kabisera at sa Malaca noong 1511 na nagbigay kontrol sa Strait of Malaca at Molucas. Noong 1514, nakapag- Magtatag din ng himpilan sa Hormuz upang hadlangan ang mga Muslim sa India. Dahil dito natalo ang dating dominasyon ng mga Muslim at Italyano at nagsimula ang bagong kapangyarihan ng mga Europeo sa Asia. Linya ng kasaysayan.
Piliin ang eksaktong sagot. Sino ang unang Portugues na nakarating ng direkta sa India, particular sa kalikot noong 1498? Vasco da Gama Aling lupain ang nadiskubre ni Pedro Alvarez Cabral noong 1500 habang patungong India? Brazil Sino ang nagpahayag? na ang mga bagong lupain ay hindi bahagi ng Asia, kundi isang hiwalay na kontinente na tinawag niyang Mundus Novus.
Amerigo Vespucci Sino ang unang na nakakita sa silangang baybayin ng Pacific Ocean noong 1513. Vasco Nunez de Balboa Aling ekspedisyon ang nakilala bilang unang nakapaglayag paikot ng mundo noong 1519 hanggang 1522? Magellan-Elcano Expedition Ano ang kasunduan noong 1529 na nagtadhana ng hangganan sa Asia, kung saan napunta sa Portugal ang Molucas at sa Spain ang Pilipinas? Treaty of Saragossa Sino ang Portugues na nagpatatag ng kapangyarihan sa Asia sa pamamagitan ng pagsakop sa Goa, Malacca at Pagtatayo ng himpilan sa Hormuz. Alfonso de Albuquerque.
Sino ang nag-aproba sa pag-urong ng demarcation line Pakaluran noong 1506? Pope Julius II. Sino ang alemang kartograpo na unang gumamit ng pangalang Amerika sa kanyang mapang Universalis Cosmographia noong 1507. Martin Waldseemuller Anong estrategikong kipot ang sinakop ni Alfonso de Albuquerque upang maputol ang kalakalan ng mga Muslim patungong India?
Straight of Hormuz Music Music Navigator's Missing Words Punan ang patlang ng tamang sagot. Noong panahon ng pagtuklas, pinangunahan ni Prince Henry, The Navigator mula sa Portugal, ang pagtatatag ng paaralan ng Nabigasyon na naglatag ng Pundasyon ng Eksplorasyon. Isa sa mga naging matagumpay na mandaragat ay si Bartolomeu Dias, na unang nakaikot sa dulo ng Cape of Good Hope. Sinundan ito ni Vasco da Gama.
na nakarating ng direkta sa India noong 1498. Sa kabilang banda, sinuportahan ng Spain si Christopher Columbus, na nakarating sa tinaguriang Bagong Daigdig. Upang iwasan ang alitan, ipinatupad ni Pope Alexander VI, Thank you for watching! Ang Line of Demarcation na formal na pinagtibay sa Treaty of Tordesillas noong 1494. The Great Sea Showdown.
Pick the path, win the race. Kung hindi na itaguyod ni Prince Henry the Navigator, ang kanyang paaralan ng navigasyon, alin sa sumusunod ang posibleng naging epekto. Mas natagalan bago nakagawa ng mas mahusay na mapa at barko. Ano ang mas malawak na implikasyon ng pagkakatuklas ni Vasco da Gama sa direktang ruta patungong India?
Mas mura ang rekado sa Europa at lumakas ang kalakalan. Kung hindi tinapos ni Juan Sebastian Ercano ang paglalakbay na sinimulan ni Magellan, paano mababago ang kasaysayan ng unang circumnavigation? Walang patunay na posible ang pag-ikot sa mundo sa iisang paglalayag. Ano ang pinakadiwa ng tunggalian sa pagitan ng Spain at Portugal sa Age of Exploration, Kompetisyon sa Kalakalan at Pagkontrol sa Mga Teritoryo.
Si Alfonso de Albuquerque ay tinawag na Lion of the Seas dahil sa kanyang pananakop sa Goa, Malacca at Hormuz. Ito ang nagbigay sa Portugal ng kontrol sa kalakalan sa Indian Ocean. Kung ikaw ay isang pinuno na gagawa ng sariling plano ng pananakop, paano mo gagayahin ang kanyang halimbawa? Magplano ng malinaw at mamuno ng mahusay.
Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng nasakok, kundi sa lawak ng mabuting naiwan sa mundo.