Ang Gamit ng Wika sa Pagpapahayag ng Damdamin at Emosyon
Ginagamit ito sa pangungusap upang maipahayag ang mabilis at matinding damdamin.
Karaniwang may kasamang bantas na padamdam (!) o minsan ay patanong (?).
Mga Halimbawa ng Emosyon gamit ang Padamdam: Emosyon Halimbawa ng Pangungusap Paghanga Ang galing mo naman! Pagkagulat Totoo ba ang sinasabi mo? Pagkatuwa Sa wakas, matatapos na rin ako! Pag-asa Matatapos ko rin ito! Pagkainis/Galit Hindi mo naman kasi sinabing mauuna ka na!
Iba pang Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin Hindi lamang bantas at padamdam ang paraan ng pagpapahayag ng damdamin kundi pati ang: Konstruksyong Gramatikal a. Pariralang nominal
Karaniwang gumagamit ng pariralang nominal (halimbawa: Ang saya!, Grabe ang ganda!) upang ipahayag ang damdamin. Sa konteksto ng pagpapahayag ng damdamin, ginagamit ang pariralang nominal upang ipahayag ang emosyon o saloobin ng nagsasalita tungkol sa isang bagay, tao, o pangyayari.
Halimbawa: Ang saya ng araw na ito! b. Pagpapahayag ng Kasukdulan o Kasobrahan
Ginagamit ang mga salitang nagpapahiwatig ng sobrang damdamin tulad ng: sobra, napaka-, lubha, masyado
Halimbawa: Napakaganda ng tanawin!
c. Negatibong Ekspresyon na may Anoman, Sinoman, Saanman * Binibigyang-diin ang damdamin gamit ang mga negatibong salita kasama ang anoman, sinoman, saanman para palakasin ang pahayag.
* Halimbawa:
Walang sinoman ang makakapigil sa akin! d. Tanong na Retorikal * Isang tanong na hindi nangangailangan ng sagot dahil alam na ang sagot o hindi ito literal na nagtatanong, kundi ginagamit upang ipahayag ang damdamin, magpahiwatig ng saloobin, o manghikayat ng pag-iisip sa kausap.
* Halimbawa:
Hindi ba’t napakaganda ng buhay? Sino ba naman ang hindi magagalit?