Transcript for:
Alias Luningning: Life and Hopes

Pangalan ko alyas luningning, mag te 31 na po ako sa susunod na taon. Lola ko nalang po, Mama ko patay na. Yung Papa ko talaga di ko kilala. Future ko, parang wala parin, wala paring direksyon. Pero siguro pag subok lang ito baka siguro, sa susunod meron na ring pagbabago Kwento mo samin kung sino ang mga customer mo at magkano ang kinikita mo? Nung malakas pa prostition, bago pa mag pandemic medyo malakas lakas pa kaya kapag kumita medyo pahinga. Hindi naman po araw araw kami pumapasok. Minsan seaman, minsan may mga pilipinong ordinaryong tao lang, tapos pinaka mataas na yung pag nag steady ka nang 3 oras meron ka nang P3,000 , pag nag steady ka kasama na yung tip non. Pero ang pinaka minimum nang pag bugaw P1,500 isa. Meron na kong na encounter na pulis, binayaran naman ako kaya lang sadista naman, naka baba yung baril. Talaga lahat gagawin mo, kulang nalang mag tikling ka May times ba na kunyari dalawa kayo nang kaibigan mo tapos isang customer lang? Opo meron din po, dalawa kaming kinuha, isa lang ang ginalaw yung kaibigan ko tapos po ako nanood, pinanood ko lang silang dalawa. Binayaran nya kami parehas P2,500 - P2,500. Gusto nya ko, pero yung kaibigan ko lang yung gusto nyang galawin. Ang kulit nga eh. Meron bang pagkakataon na ginamit ka pero di ka binayaran? 1-2-3, Nakatulog po ako noon, binayaran nya ko pero kinuha nya rin yung pera sa wallet ko. So aalis nalang ako, pero di ako nag nanakaw sa customer kasi di pwede yun, dahil may timbre yung babae dito bawal yun. Sa motto ko, sa sarili ko po kinukoskos ko, shina-shower ko nalang para madala na lang din yung bakas nang ano. Yun lang! syempre ganun lang din naman yun eh wala naman din akong choice, walang magagawa pinasok mo yung ganon eh. Nag-stop muna ako ng mga isang buwan. Nangangalakal muna kami, ang kinikita namin sa kalakal P300 isang araw. Minsan walang makalakal kasi gawa nang bawal kang maglilibot gawa nang curfew . May pagkakataon ba na nahuli kayo dahil sa curfew? Opo, nahuli po kami pero pinakawalan din po kami. Ako lang sumama kasi pag sumama kami nang asawa ko pati side car ko madadala. Baka mamaya manakaw lang ang side car namin. Pinalabas din kami nang umaga. Ano lang po, curfew lang po. Kasi hindi raw marunong sumunod sa batas nang oras ng walang mag-gagala. Kasi ang Covid ang tagal tagal na nyan! Sa mga mayayaman lang siguro nag-uumpisa yan, minsan pakana lang ng iba. Di ba? Yung ayuda? Wala rin kami non. Kase po nakalista po kami dati dyan, tinanggal yung pangalan namin. Kaya yung dapat na matatanggap na mga bigas mga galing sa ano, wala na!. Kasi tinanggal nila
yung pangalan namin. Basta ako dagdadasal ako na ilayo kami sa Covid, kung totoo man ang Covid-19. Yung asawa ko 42 years old na, Roberto pangalan nya nangangalakal lang sya. Ngayon yung baby ko namatay. Tapos yung pangalawang baby ko, 2 years old na, mag - 3 years old na. Ngayon nasa lola ko sa Gagalangin (Tondo, Manila). Masaya ako, kasi may pera ako, hindi ako na zero. Meron na kong mabibigay sa lola ko atsaka sa anak ko. Hindi sya nang aaway? Hindi, hindi. Tahimik lang talaga sya kasi mahal lang nya ako, kaya ganun. kaya lahat nang ginagawa ko tinitiis nya . Mahal mo ang asawa mo? Syempre, 17 years na po kaming nagsasama. Kaya naman akong baguhin ng asawa ko depende lang naman po sakin yon Napag-kukwentuhan nyo ba kung anong nangyari sa buong araw mo? Hindi ayaw nya nang ganon. Ayaw niya!. Nakikita mo ba na isang araw, ang anak mo baka gayahin ka? Hindi! Nasa magulang naman yun eh, para kung paano mo palalakihin yung anak mo. Hindi mo naman kailangan i-gaya sa kung anong inilakad mo na ganitong trabaho. Habang maliit pa lang naman sila hanggat hindi nila alam, hindi ko pina-paalam! kase hindi naman habambuhay laging ganito ang hanapbuhay namin. Bilang babae,
syempre hindi malinis yung trabaho mo. Katawan ang binebenta mo sa kapwa mo. Sarili mo parin ang tutulong sa sarili mo, kaya kailangan mo rin talagang minsan “kumapit sa patalim”. Kumbaga praktikal ka na lang. Hindi naman habambuhay ganito lagi ang trabaho mo. Gustong yung... Gustong gusto namin yung magtinda na lang ng mga noodles , yang mga tinitinda. Kase nakakapagod din yung ganito , kaya lang talagang “kapit-patalim” lang paminsan minsan talaga. Kase wala kang ibang pwedeng mapagkuhanan.