Transcript for:
Mitolohiyang Cupid at Psyche

Magandang hapon po! Magandang hapon sa lahat! Nais kong ipakilala ang aking sarili, ako si Tutor Donna, ang inyong katalastasan at kabalitaktakan sa mga aralin sa Filipino Tech na nais ninyong matutunan. Magandang hapon sa lahat!

Pa-shoutout muna tayo, sige, ngayong hapon. Binabati ko ngayong hapon ang taga-SBO Las Piñas ng lahat ng aking mga co-teachers, kayo din, syempre ang mga mag-aaral sa Las Piñas East National. high school. Batiin muna natin ang mga narinito ngayong hapon sa ating programa na kasabaybay. Tinabati natin si Rainiel Madabat.

Magandang hapon sa iyo. Ayan. Okay.

Magandang hapon sa lahat kay Bernaline. Magandang hapon sa iyong pagtuto. Ayan.

Okay. Sige, hintayin lamang po natin si Ma'am Pam para sa ating talakayan ngayong hapon. Okay, sige, shout-out na po muna tayo, kaugnay sa mga nanonood sa atin.

Okay, shout-out kay, yan, Reyniel Malabat-Vivera ng Gray 10, yan. Shout-out kay Warlyn Moyo, yan, ang aking kaibigan na taga-subaybay at talaga namang nakatutok ngayong hapon na ito. Yan, pa-shout-out din, syempre, sa lahat ng mga manonood natin ngayong hapon.

Okay, kay JC Tuazon. Shout out kay JC Tuazon ng 10 Innovation. Yan. Sigol taga Las Piñas East National High School.

Yan. Magandang hapon sa iyo. At salamat sa iyong pagtutok sa ating itulay. Kay Leia Pascual Abulencia. Mula sa Muson High School, Sangay ng Lunsod.

Sa Nose Del Monte. Hi, Ben. Kay Kim Tuico.

Kay LV Buhat de la Cruz. Magandang hapon sa inyong lahat. Okay, ngayong hapon tayo ay sa Filipino 10 naman tututok. Okay, handa na kaya ang lahat? Handa na ba kayo sa ating mga aralig ngayong hapon?

Ayan. Okay, sige shout out muna ulit tayo kay Rogelio Javier Austria. Magandang hapon po sa inyo. Kay Aliana Galvez. Ayan, okay.

Watching from Linope Bernardo National High School. Ang bilis. Kay Chris Henderson Flores, magandang hapon sa inyo. Justin Jules Roque Oliveria, magandang hapon. Mula sa SDO Balanga City, magandang hapon sa inyo.

Good afternoon din po kay Danica Yumang-Viasis, mula sa Macabebe High School. Magandang hapon po sa inyong pagtutok sa ating... unang araw sa Filipino 10. Ngayong hapon po, syempre, ay magtatalakay tayo ng panitikan. Yung unang aralin natin sa panitikan. Na may kilalaman, syempre, sa pag-ibig.

Alamin natin ano kaya yung mga damdamin at pananaw natin kaugnay sa pag-ibig. Natitiyak ko na marami ang makikibahagi ngayong habo na ito. Lalo na po sa pin sa pag-ibig.

Yan. Wilmer? Hi kay Wilmer Nuevo Oduca, okay sa aking kapwa-tutor na si Melissa Tikman, Kintay, ayan.

Maraming salamat po sa inyo. Okay, ngayong hapon po ay ating tatalakayin ang kaugnay sa ating unang aralin, ang kay Cupidat Sai. Sige, batiin ko na rin po si Mashud Abu, ayan.

Okay, sige ayan, nandito na po si Teacher Pang. Magandang hapon po Tutor Pang. Ayan, nawala si Tutor Pang. Sige, magandang hapon po. Sige, ngayong araw po ay ating, tayo ay magbabalitaktakan at magtatahalastakan.

Hindi lamang sa mga pananaw natin at paniniwala, kaugnay sa pag-ibig. Gayun din po, syempre... sa pagpapalawak sa ating wika, kaugnay sa ating wika.

Ayan. Hintay-hintay lang po natin sandali si Tutor Pam. Nagkakaroon lamang po ng technical na suliraning.

Ayan, mag-shoutout muna po tayo kay Madeline Teodoro. Magandang hapon sa iyo. Kay Iriniel Manabat. Ayan. About po sa kwento ng pag-ibig ni Pupido, ang topic po sa Pilipino ngayon.

Tama ka! Ayan, radya ko na si Tutor Pam. Magandang hapon, Tutor Pam! Hello! Isang magandang hapon sa ating lahat.

Ayan, narinig na po ba ako ng mga mag-aaral ng grade 10? kung nagkakaroon tayo ng konting difficulty pagdating sa technical na aspekto. Ayan, kung handa na po tayo na, maaaring ba ako makahini ng puso, puso, puso sa ating comment section.

Ayan, nahantayin ko po ang inyong mga puso. Ayan. So, bagiin natin yan.

Maraming maraming salamat, Tutor Donna. At sasamahan ako ni Tutor Donna habang ating pinag-aaralan ang tampok na aralin natin ngayon para sa Module 1. Ayan. So, simulan na po natin at ating magiging talakayan. Kung handa na tayo. Ayan.

Okay. Okay. Nakikita na po ba ang ating slideshow?

Okay. So kung handa na po tayo, simulan na natin ang ating talakayan ngayong araw na ito. So nais ko po sana na?

Okay. Ipakilala mo li ang aking sarili. Ako nga po pala si Tutor.

Tutor Pam, kasama natin si Tutor Donna. Bigyan nga po natin ang isang virtual clap si Tutor Donna. Ayan.

Si Tutor Donna ang ating makakasama ngayong araw na ito sa pagkalakay sa una nating module. Para sa unang quarter sa Filipino 10. Okay. So, huwag na yan. Baka kayo'y matulala sa aking gagandahan. Pero ang nais ko lamang sabihin, yan, ako po ay isang gurong turong-turo.

Inaayawan ko yung mga nakanguso. Kaya dapat nakangiti tayong lahat. Kaya pahininga ko ng smiley face.

At nakasabang sa inyong mga pauso. at naisalang mapalapit sa inyong mga puso. So, dapat maging closer tayo and closer ha?

Okay. Katanungan, reaksyon, suwestyon. Narinig yan po ang aking email address. Maaari niyo po po padalhan ng mga tanong niyan.

Sige, simulan na natin ang una nating katanungan. Okay. Nais ko sanang malaman, ano ba ang gagawin mo kapag tumibok na ang iyong puso? Ayan.

bilang isang Grade 10 student. Isang, sabihin na natin, high school student, di ba? Ano nga bang gagawin mo kapag tumibok na ang iyong puso? Ayan.

Sige nga, isulat ang inyong kasagutan sa iba ba. Ikaw ba, Teacher Donna, naalala mo ba nung unang tumibok ang iyong puso? Habang inaantay natin ang kanilang mga katatungo. Oo, Tutor Bang.

Ang katotohanan, nag-iisa lang ang nagpatibok ng puso ko. Oo, kaya. Saan naging una at kuling pag-ibig ni Tutor Donna? Ayun, Tutor Donna, sa anong ginawa mo?

Nung tumibok ang iyong puso, mga ilang taon ka kaya neto? Ipinaglaban mo ba? Pinaglaban o nilabanan mo yung nararamdaman mo?

Dahil ako naman ay tutor pa, may nasa gustong edad na. nung ako ay umibig sa tamang tao. Ito naman ay naging maayos sa aming relasyon. Kaya walang naging suliranig, tutolpang. Ito'y aming inalagaan.

Hindi ito nilabanan ni Tutor Donna. O paano kaya yung iba po, nais kong malaman, ano ang iyon ginawa nung tumibok na ang iyong puso? Inilihi mo ba ito sa iyong mga magulang? Ikinuwento mo ba ito sa ibang tao? Ba't sinabing hindi ito pwede?

O ipinaglaban mo ito sa maraming tao? Ayan. Sige, nais kong malaman ang inyong mga sagot.

Ayan. Sabi ni Raneal Manabat de Vera, magtatapat po sa kinay... iibigan.

Wow! Okay. So, matapang na tao yung pagtatapat daw niya ito doon sa taong kanyang naiibigan. Okay.

Sabi? Sabi ni Warlene Moyo, shout out! Kalawa ka na high school.

Wala ka nang magagawa kondisyon din ito. Kapag tumibok ang puso, yun ba yan? O, sige. Napakaganda ng sagot ni Ma'am Warlene, ano? Ipaglalaban daw.

Kasi wala ka nang magagawa kondisyon din ito. Sabi ni Mary Marie Juliet de la Torre, ba? Sana napagalitan po ako ng aking tatay.

Hoy, bakit naman kaya ikaw napagalitan? Naki yung tatay, ano? So, tingnan natin.

Iba-iba ang nangyari. Iba-iba ang reaction. Alam nyo ba?

Nagkaroon tayo ng isang survey. Tutor Donna. Nagkaroon tayo ng isang survey. Ayan. At lumabas sa survey natin na ito daw yung mga gagawin ng kabataan kapag sila'y umiibig na.

Sa Bye! Isang daang katao, sa isang daang estudyante, tinanong natin, dalawampung sa kanilang sabi, aalagaan lang nila ang kanilang nararamdaman. O baga, kanila nalang ito. 30 sa kanila, sinabi, itatago, hindi daw ipaalam.

Samantalang 15 sa kanila, ang nagsabi na, lalabanan nila yung kanilang nararamdaman. At ang 35 sa kanila ay nagsabi, ipaglalaban nila ito against all odds. Kung ikaw ang tatanungin ngayon, Tutor Donna, alin ka dyan? Ipaglalaban.

Ipaglalaban. Ipaglalaban talaga si Tutor Donna. Ipaglalaban daw ang kanyang pag-ibig. So iba-iba tayo nang naging sagot.

Bakit kaya? Tingnan natin. Itong kasunod kong katanungan.

Paglalaban mo, Tutor Donna. kung one-sided love ikaw lang ang may gusto, paano na? Aray!

Natanong natin, ha? Aray! Ang sakit naman.

Masakit ba yun, Tutor Donna? Oo. Tada, no?

O, sige. Yun ang tanong ko ngayon. Paano kung ikaw lang, one-sided love, ikaw lang ang may gusto, paano na? Ano na ang iyong gagawin? Sige nga po, pakisulat ang inyong sagot.

Diyan, sa baba. Ayan. Ayan.

San Pablo National High School. Ayan, ako mananatili ako doon sa ano, lalabanan. Tama na.

Stop na. Ayan, one-sided love, into na. Ito lang may gusto.

Ayan, tingnan natin ang kanilang mga sagot, ha? Sige, bakit ganito ang takbo ng ating talakayan? Marami kasi sa atin ang dumaranas ng pag-ibig sa mga panahon ito. Pag-ibig na linalabanan, itinatago, itinaglalaban at inaalagaan. Alinom.

Yun man doon ang nararamdaman natin. Pare-parehong pag-ibig. Ito na nagbibigay sa atin ng iba't ibang karanasan, iba't ibang nararamdaman, at iba't ibang experiences. Ngayon, sabi ni Mary Juliet de la Torre Basan, one-sided love, okay lang po. Palalayain ko siya.

Ang mahalaga, naranasan po magmahal. So ngayon, okay. Ito ngayon ang pagninilayan natin. Nais ko sana...

pag-isipan ninyo ang tanong na ito. Hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagkitiwala? Tunay nga bang hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagkitiwala?

Sige nga, patingin kami ng inyong mga sagot. Isulat nyo nga sa comment section. Yes or no?

Oo o hindi? Nabubuhay nga ba ang pag-ibig kung walang pagkitiwala? Hindi. hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagkikiwala?

Ikaw ba, Tutor Donna? Lagay mo sa isip ko muna yung sagot at mamaya babalikan natin yan. Pero nais kong makita ang sagot ng ating mga mga aaral. Ayan.

Kung hindi nga ba kayang mabuhay ng pag-ibig kung walang pagkikiwala? Ayan. So, dahil yan, habang binibigay ninyong... Yung mga sagot, nais ko sana na sabay-sabay natin tunghayan ang kwento ni na Cupid and Psyche o Pag-ibig at Kaluluwa. Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton at isinalin sa Pilipino ni Vilma C. Ampan.

Ayan. So kung kayo ay handa na, naisipan na ipakita sa inyo ang video na ito. Sabay-sabay natin.

Saiki. Muling isinalaysay, Alvin D. Mangawa. Nung unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae.

Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa kanya. Inasabi rin kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche.

Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kanya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay. Maging ang kanyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuling para sa kanya ay napunta sa isang portal.

Dahil dito, naggalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Ngunit ang nangyari ay ang kabaliktaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili ni Yangpana.

Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina at dahil sa kampante naman si Vino sa kanyang anak, hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Ngunit, wala rin nagtangkang umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga gino'o kay Psyche, ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga.

Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging mapanglaw si Psyche sa mga nangyari, kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo, upang makahanap ng mabuting lalaki iibig sa kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo. Kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangang tumalima sa kanya ang itinayo. Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng itinayo ni Apollo, ipinagutos niyang pisisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak pangkasal.

Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kanyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng Pag-ibig na si Cupid. Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal na mahal nila ang bawat isa.

Ngunit, may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche. Ang mukha. ng kanyang kabiyak.

Nangako si Saiki sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi niya pa nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa. Nangulila si Saiki sa kanyang mga kapatid. Kung kaya't humiling siya sa kanyang asawa na sana'y makita niya ang mga ito.

Hinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala. Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kanya. Labis kasi ang yaman ng asawa ni Psyche na hindi mapapantayan ng kanilang mga napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbolo o selos sa kanilang mga puso. Sa pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kanyang mga kapatid ang nabuo nilang masamang balak.

Tinulsulan nila itong suwayin ang kondisyon ng kanyang asawa. Tinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay Saiki. Kaya upang hindi siya mapatay, kailangang unahan ni Psyche ang asawa.

Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng kanyang mga kapatid. Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng kunyal at lampara. Inuhan niya ang mga ito. Pinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang asawa.

Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kanyang puso nang masilaya niya sa unang pagkakataon ng itsura ng kanyang asawa. Hindi halimaw ang kanyang nakita, kundi pinakagwapong nila lang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay... Tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara? Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksaki ng sarili.

Nang akmanan niyang itatarak ang kunyal sa kanyang dibdib, nanginig ang kanyang kamay at nahulog ang kunyal. Ang panginginig ng kanyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa kanya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kagwapuhan ng kanyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng asawa.

Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita. Tinunda ni Saiki ang asawa, subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa.

Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. Hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala. Wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. Nagsisisi si Psyche sa kanyang kasuklam-suklam na nagawa.

Kung kaya't para maipakita niya ang marubdob na pagsisisi at pagmamahal, nagpa siya siyang hanapin ito. Nakarating siya sa tahanan ni Venus. Nagpa siya siyang harapin ang mga pagsubok na ibibigay ng Diyosa para lamang muling maibalik ang tiwala at pagmamahal ni Cupid sa kanya. Nang malaman ni Venus ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at siya ay pinahirapan ng husto.

Matapos mong sakta ng aking anak, hindi ganun kadali na patawarin ka. Binigyan niya si Psyche ng mga pagsubok. Unang pagsubok ay pagsamasamani ng mga butong magkakatauri.

Bagaman nahirapan, Nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam. Pangalawang pagsubok ay ang pagkuhan ng gintong balahibo mula sa mapanganib na tupa. Natutokson na siyang tumalon sa ilog. Ngunit pinayuhan siya ng mga halaman ng tamang tsyempo. Tinintay niyang magtakip silim.

Pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo. na nasabit sa mga sanga. Ikatlong pagsubok ay ang pagsalok ng itim na tubig mula sa itim na talon. Hindi madaling pagsubok, ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko. At para sa huling pagsubok, inakuha siya ng kahon upang humingi kay...

proserpany ng kagandahan. Ito ang pinakamapangalig na pinagawa sa kanya. Handa akong gawin ang lahat para sa iyo. Ngunit, kagaya ng mga naunang pagsubok, ay tinulungan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa ilalim ng lupa. Sa kaharian ni Hades.

Nakakuha siya ng kagandahan, Ngunit Natukso siyang buksan ng kahon upang kumuha ng kaunting ganda para magustuhan muli siya ni Cupid. Ngunit siya ay nawalan ng malay. Nalaman ni Cupid ang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.

Kung kaya't dali-dali siyang nagtungo sa kanya upang ito'y iligtas. Nang makita ni Cupid si Psyche, Kanya itong pinana ng kanyang palaso at pana. Nagising si Psyche. Inulungan siya ni Cupid upang matatagal. Dala niya ang kahon kay Venus.

Nagawa niya ang lahat ng pagsubok. At upang hindi na muling magambala pa ni Venus ang kanilang pag-iibigan, humingi na sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal na rin si Psyche na pumamagitan ng pagkain ng Ambrosia. Ang pagkain ng mga diyos at diyosa.

Sa launan, Ang pag-ibig, ikupid at kaluluwa ni Psyche ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag kailan pa man. Ayun, Tutor Donna, nagustuhan mo ba ang tampok nating mitolohiya ngayong araw na ito? Ayan, parang ibang ngiti mo ah. Napakaganda. Sige nga, at tanungin lang natin ulit ang ating mga taga-subaybay, grade 10 students, ano nga po ang pamagat ng ating tampok na mitolohiya ngayong araw na ito?

Pakisulat nyo nga po sa ating comment section. ang pamagat ng tampok nating aralin ngayong araw na ito. Ito ay pinamagatang... Sige nga po, nakikita naman na ninyo sa inyong screen na is ko lamang masiguro na natandaan nyo rin ito ha. Ano ang pamagat?

Tama si Don Maxine Iwanag. Ito ay pinamagatang Cupid and Psyche ng ibig sabihin sa Filipino ay pag-ibig at kaluluwa. Ito ay sinalin sa Ingles ni Edith Hamilton at sinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat. Pag-usapin pa natin ito, Tutor Donna, para yung mga bata natin ay medyo makasunod.

Okay. Ito ay isang tanyag na klase. Klasikong mitolohiya. Ibig sabihin, kung meron mang isang mitolohiya na kilalang kilala sa buong mundo, isa na siguro ang Cupid and Psyche ito. Nagmula ito sa panitikan ng Roma sa Italia.

Mamaya, Tutor Donna, ihimayin natin ang bahagya, ano bang pagkakaiba ng panitikan ng mitolohiyang Romano at mitolohiyang Griego. Okay. Isinalaysay ni Lucio Sapuleus, isang manunulat na Latino noong ikadalawa. at bahagi ito ng nobelang Metamorphoses.

Ang layunin ng akda ay upang inulat ang mga mambabasa kung ano nga ba ang tunay at tapat na pag-ibig. Sige, grade 10 sa comment section. Mula sa ating napanood na kwento ni na Cupid at Psyche, ano nga ba sa iyo ang tunay na pag-ibig?

Sige nga po, pasiklaban nyo nga kami ni Tutor Donna ng mga sagot. Ano nga ba? sa inyo ang tunay at tapat na pag-ibig?

Paano ba natin masasabi na tunay at tapaw ng isang pag-ibig? Hindi ko natatanong ni si Tutor Donna. Mukhang nahanap niya na ang kanyang tunay at tapat na pag-ibig eh. Ganda ng ngiti ni Tutor Donna, no? Ayan.

Sana ganyan din ang mag-ingiti nating lahat, diba? Sabi ni Don Maxine Diwanag. Sige, Tutor Donna. Sabi niya ha, may pagtitiwala. Tutor Donna, basahin mo yung sagot ni Rayneal.

Reyniel Sabi naman ni Reyniel Manabat de Vera Ang pagtitiwala po ng dalawang Nagmamahalan sa isa't isa Ganun din ano Pagtitiwala ni na kanina Sabi ni Erickson De la Peña Ang pag-ibig ay walang Kinihintay na kapalit Tutor Pam Sabi naman ni Pauline Ang ganda na kanyang sinabi kapaligaw ay naghahal. handang magsakripisyo para sa kanya. Ah, so pagsasakripisyo ang tunay at tapat na pag-ibig pala, no?

Ayan. Sabi ni Bea ang tunay na pagkitiwala pa rin. Sabi ni Mary Juliet, ang pag-ibig ay matyaga at magandang loob.

Hanggang kailan ka magtsatsaga, ano? Pero yun yung parang nakita nila Tutor Donna sa kwento natin, Cupid at Psyche, no? So tingnan pa natin.

Balikan natin yung mga tauhang nakita natin doon. sa kwento. Naroon si Psyche, siya daw yung pinakamagandang mortal at naging asawa ni Cupid.

Samantalang si Cupid ay ang anak ni Venus at inakalang halimaw ni Psyche. Si Venus, gaya ng nalalaman natin ay ang pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Psyche. Naroon din ang hari na ama ni Psyche.

Si Apollo, ang Diyos na nagbigay ng orakulo tungkol sa mapapangasawa ni Psyche at ang dalawang kapatid na babae ni Psyche. Yung mga nakatatandang kapatid ni Psyche. Si Zephir, ang hangin nagsilbing tagahating kay Psyche.

Siyempre, narinig yan si Mercury, si Jupiter, si Persephone, Cerberus, at si Charon. Ayan. Ilan sa mga tauha na nakita natin na umikot doon sa mitolohiyang Cupid at Psyche. Ngayon, ito ang ating tanong.

Sino ba ang mas nagmahal? Si Cupid o si Psyche? Ayan. Tignan natin ha. Pagmamahal din lang ang naging usapan natin.

Oo, sabi ni Josephine Lumbau, mag-tutor Donna, no? Kaluluwa po pala ang Psyche. akala ko ay easy dahil sa salitang ang pag-aaral ng isip ng tao. Ayun. Maganda yun, ha?

Maganda rin natin mapag-usapan nito. Juliana Bragay, si Psyche daw, ang tunay na nagmahal. Paliwanag nyo kung bakit. Ayan. Bakit si Psyche?

Bakit si Cupido? Kung ikaw ang tatanungin ko, Tutor Donna, sa'yo, para sa'yo, sinong mas nagmahal? Siguro para kung saan mong titignan. Sige, Tutor Donna.

Yung nagbigay ng second chance o yung nagsakripisyo, ano ba? Siguro nga, teacher pa, may iba't iba tayong pananaw pagdating sa pagmamahal. Yung antas ng ating pagmamahal ay depende sa pananaw ng tao. Maaaring si Cupid ay nagmahal din.

At ganun din si Psyche. Kaya alam mo, siguro, bawat isa sa kanila ay merong naging pagkukulang o pagkakamali. Ang mahalaga siguro doon ay handa nilang tanggapin at mula doon ay magkaroon sila ng pagbabago at ituloy ang kanilang pagmamahalan. Ganoon naman sa pag-ibig at pag-sutok pa, laging may pagsubok, bahagi ng pag-ibig ay ang pagsubok.

Kaya dapat itong malagpasan. Totoo yan. Oo. So gaya nga na sinabi ni Tutor Donna, iba-iba tayo ng pananaw pagdating sa pag-ibig, di ba? Pero dapat ang nauunawaan natin dito, mga bata, ano, ang pagmamahal ay isang bagay na hindi dapat nilalaro.

At hindi din natin dapat sinusukat kung gaano at kung sino ang mas nagbigay ng higit na pagmamahal. Dahil pag nagsimula tayong magsukatan... nagkakaroon na ng bilangan, doon na tayo nagkakaroon ng turuan, nagkakaroon ng sumbadan, at doon na nagkakasiraan. So siguro, mas maganda na tinitignan natin kung ano yung magandang na idudulat nito para sa atin at winowork out yung mga kakulangan. Sa kwento ng Cupid at Psyche, tinahuan tayo kung paano ba magkaroon ng tapat at dapat na pag-ibig.

Ibig sabihin, sina Cupid at Psyche, gaya nga ng sinabi ni Tutor Donna dito, Bawat isa sa kanila ay mayroong simbolismo ng kahalagahan ng pagmamahal sa buhay ng tao. At ang bawat isang kwentong ibinahagi nila sa atin at ang bawat ugali na ipinakita nila as regards pag-ibig, dapat ito ay nakita natin bilang isang paraan kung paano natin mas mapangangalagaan ng ating relasyon. Ayan.

Basahin natin yung iba ha, na kanilang sagot. Josephine Lumbau, sabi niya, si Psyche daw dahil handa siyang mahirapan upang patunayan ang pagmamahal kay Kibit. Ah, ganun niya yung sukatan ng ibang tao.

No, Tutor Donna, kung sino yung mas naghihirap, sino yung mas nagbabahal? Si Raven po kaya Tutor Donna, ano po yung kanyang sagot? Sige.

Tutor Pam, ayon kay Raven. Sa bawat pagsubok na ating kakaharapin, Huwag kakalimutan ng pagmamahalan sa isa't isa. Bago husgahan, dapat ilugar mo kung ano ang tama.

Siguro matuto tayo sumanggap. Wala naman tinatawag na perfecto. Lahat tayo may pagkukulang at pagkakamali. Ang mahalaga, marunong magpatawad. Siguro yun yung nais ni Raven na sabihin.

Dapat, oo. Dapat marunong kang magpatawad. Parang isang bagay yan na dapat na pinahalagahan din natin sa isang relasyon, ano?

Na dapat matutunan din natin. Ito ngayon ang kasunod nating tanong. Hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala? Ito yung iniwan nating tanong sa kanila kanina sa simula eh. Hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala?

Ayan. Ilagay nga ninyong sagot. Nakakahalaga nga ba ng pagtitiwala sa isang relasyon?

Ayan, chip na, ano tawag dito, na mapangha ko sa iyo mga ngiti-tutor doon. Meron ka talagang gustong sabihin eh. Natutuwa ako kasi sa mga sagot ng ating mga manonood, tutor pang. Ang gaganda rin, pagdating sa pag-ibig talagang tila napakalawak ng kanilang konsepto o pananaw na dito.

Sa ganyang edad. Parang narinig o nababasa natin ang kanilang mga sagot. Ibig sabihin, bukas sila sa konsepto na ang pag-ibig ay hindi lang isang bagay na romantiko.

At ito yung isa sa tinuturo ng Cupid and Psyche. Hindi physical na ano, at hindi lang yung basta tumibok ang puso mo, naaalagaan mo, ipaglalaban mo, or itatago mo, kundi may higit pa. Ito yung kagandahan ng mga kwentong inaaral natin.

Tinuturoan talaga ang bawat isa sa atin na kilalani ng buhay. Ayan, sabi ni Reniel Manabat de Vera, mahalaga daw dahil ang pagpitiwala ang siyang nagsisilbing diwa ng pagmamahala ng dalawang nagmamahalan. Ayan. Sige, tutor Donna, si Jeannie Rose.

Okay, mula naman kay Jeannie Rose sa Tsukib. Hindi po, dahil parang hindi na, hindi na rin kayo nagmamahala nito. Dahil sa pag-ibig, ang pinaka-importante talaga ay ang tiwala para maipakita na mahal nyo ang isa't isa.

Parang sinasabi dito, tutor Pam, na napakahalagang pundasyon ng pag-ibig, ang pag-itiwala, no? Opo, nabasa ko na naman itong salitang ito sa mga ano, no? Opo, dahil magiging marupok at madaling matukso ang bawat isa, kaya napakahalaga ng pag-ibig talaga, ay ng pagtitiwala. So sinasabi lamang dito sa atin na ang konsepto ng pag-ibig ay hindi lamang para sa pagmamahalan.

Ang isang relasyon ay hindi lamang nabubuhay by just love alone. Diba? Dapat natututo tayong magtiwala, magpatawad, diba?

Maniwala sa isa't isa. Kasi kung nasisira ang ito, nawawala ng sa isa yung tunay na pagmamahal natin. So sa kwento ng Cupid and Psyche, ipinakita sa atin dito na mayroong pag-ibig na tapat at mayroong pag-ibig na dapat. Dapat matuto tayong kilalaning alin ba yung tapat at alin yung dapat. Ayan, diba?

Iba yung pwede. Diba? Iba yung pwede sa dapat. Sabi nga, may mga bagay na dapat pero hindi pwede.

At may mga bagay na pwede pero hindi dapat. Ito, ang Cupid and Scythe ay isang halimbawa ng tinatawag nating mitolohiya. So, sabi, ang mitolohiya daw ay galing sa salitang mitos na latin o mutos naman galing sa Greek. Okay?

Na, isa lang naman ang ibig sabihin. Ito ay nangangahulugang kwento. So, ibig sabihin, mga bagay na ating isinasalaysay na mayroong ataohan, na mayroong pangyayari, may banghay na sinusunod, ito yung isang halimbawa ng mitolohiya. Pero, para masabing natin yung mutos, Latin o Greek, mutos na kwento, halaw daw ito sa salitang mu, nang ibig sabihin ay pagrika ng tunog sa bibig. Kaya nga naging kwento, pag-aaral ng mga mito o alaman.

So yung mga kwento na patungkol sa mga Diyos at Diyosa, ay tinatawag nating mitolohiya. Marami tayong mga mitolohiya. Means, maski sa Pilipinas, mayroon tayong mitolohiya. Tutor Donna, mayroon ka bang alam na mitolohiya? Nakatotohanan, Tutor Pa, maraming mga ugat ang mitolohiya.

Yung mga alamat natin, pwede rin matawag na mitolohiya. Hindi ba? At napakayaman yan sa panitikang Pilipino.

Mayaman ang ating panitikan pagdating sa mga ganyang mga uri ng kwento. Yes, marami talagang mitolohiya sa atin at tatalakayan natin yan sa mga susunod na araw. Pero gaya nga ng nalalaman natin sa buong mundo, dalawa yung pinakatanyag pagdating sa mitolohiya. Ito ay ang mitolohiyang Griego at ang mitolohiyang Romano. At gaya ng nalalaman natin...

Sa mitolohiyang Griego nga kilala yung tinatawag nating mga Olympians. Sige nga, kung may kilala kayo sa mga Olympians, bago tayo magwakas, magsulat nga kayo ng mga pangalan. Labing dalawa, labing apat sila, pero labing dalawa lang nga nasa bundok Olympus dahil. Ayan.

Sino-sino ang kilala ninyo? Makakapagbigay ba kayo sa amin ni Tutor Donna ng limang pangalan ng mga Greek gods and goddesses, ng mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Griego. Magbibilang ako ng sampu, dapat nakapagsulat na kayo ng limang pangalan ng Diyos at Diyosa.

Isa, dalawa, tatlo. Naku, wala pang nagsusulat. Nag-iisip pa, Tutor Pahang. Si Tutor Donna, alam ko, kayang-kaya niyang magbigay yan.

Pero hindi ko siya tatanungin dahil kabisado niya yan. Ops, may sumagot na. Limang kailangan ko ha. Limang kailangan namin. Isulat natin ang kanilang mga pangalan.

Ayan. Uy, may magandang sagot doon ha. Ang tunay na pag-ibig ay matyagat, magandang loob. Ah, alam ko to.

Oo. May verso sa Biblia at laging madalas na binabasa sa kasal. Sabi ni Pauline Ramirez, ito lima siya.

Ah, parang yung dalawa dyan ay hindi kasama sa mga Olympians. No, Tutor Donna, tama po ba? Tama po. Si Zeus, Poseidon at Aphrodite ay kasali dyan.

May nakita kong Hera. Sige, Poseidon. Sige. Ayan, mukhang kilala nga nila Tutor Donna ang lima.

Ilan sa mga karakter o ilan sa mga diyosa-diyosa. ng mitolohiyang Griego. At ito ay ating palalawidin pa sa susunod nating talakayan. Ayan.

Paghandaan natin, dahil gagamit tayo ng mga salitang, okay, lubos na magpapaigting sa ating mga kwento, dahil ito ay nagbabanggit sa mga ikinikilos o ginagalaw ng ating mga... At mas maungunawaan natin kung para saan, para kanino, ang mga kilos na ito. Kaya paghandaan natin dahil sa susunod natin pagkikita, babalikan natin ang kwento ng Cupid at Psyche. Tatalakayan natin bahagya ang tungkol sa mitolohiya, pero tututukan natin ang hinggil sa pagdiwa.

Kaya samahan mo kami ni Tutor Donna hanggang sa susunod na pagkikita. Tutor Donna, maraming maraming salamat sa iyong pagsama at asahan ninyo na sa mga susunod na araw, mas magiging makulay ito dahil ang ngiti ni Tutor Donna ay mas madalas na ninyong makikita. Ayan. So Tutor Donna, maraming salamat. Salamat Tutor Pa.

Mas salamat. Maraming maraming salamat at hanggang sa muling pagkikita. Abangan ulit ang Filipino Grade 10 kada Merkoles dito sa Ito Live.