Bahagi na ng buhay ng tao ang pagladesisyon mula sa mga simpleng bagay hanggang sa komplikadong sitwasyon. Gumagawa ng mga pagpapasya ang mga tao dahil marami ang kanilang mga pangangailangan at walang katapusan ang kanilang kagustuhan, ngunit limitado lamang ang pinagkukunang nyaman. Mahalaga ang pag-aaral ng Economics sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at ng lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang mga kaalaman sa economics upang maunawaan ang mga napapanahong issue na may kaugnayan sa mahalagang usapeng ekonomiko ng bansa. Halimbawa na mga napapanahong issue ay ang kahirapan, unemployment, corruption at ang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pandemia. Maaari mo rin maunawaan ang mga batas at programang ipinapatupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Halimbawa nito ay ang mga tax program ng pamahalaan at ang kanilang build-build-build projects. Bilang miyembro ng pamilya, maaari mo rin magamit ang kaalaman sa economics sa pagunawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyo tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta at pagtugon sa mga pangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang mga kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatwirang opinion tungkol sa mahalagang pagdidesisyon ng iyong pamilya. Halimbawa ay ang matalinong pagbabadget ng pamilya. Kailangang mas isaalang-alang ang mga pangangailangan bago ang mga kagustuhan. Bilang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.
Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pag-resesyon para sa kinabukasan at paghahanapuhay sa hinaharap.