Values Education 7 Quarter 2 Learning Competency 5A Nakakikilala ng mga paraan ng paghubog ng konsensya gabay ang pananampalataya ng pamilya. Ano ang konsensya? Ito ay ang ating panloob na kamalayan sa tama at mali. Ito ay tila maliit na boses sa ating loob na tumutulong sa atin upang malaman kung ano ang dapat gawin sa isang sitwasyon. Ito ay tulad ng isang kompas na tumutulong sa atin sa paglalakbay.
at ginagabayan tayo upang piliin ang mabuti. Isipin mo, ikaw ay naglalakbay sa isang masukal na kagubatan. Madali ang maligaw, tama?
Ang iyong konsensya ay nagsisilbing kompas at itinuturo sa iyo ang tamang direksyon. Ito ay makatutulong sa iyo upang malaman kung anong daan ang maghahatid sa iyo sa kaligtasan at kung anong daan ang magdadala sa iyo sa kapahamakan. Kung tayo ay gumagawa ng mga pagpapasya, ang kompas na ito o ang ating konsensya ang nagsasabi sa atin kung ano ang mukhang tama o mukhang mali. Paano nauhubog ang konsensya ng isang tao? Una, sa pamamagitan ng mga personal na karanasan, mga bagay na pinagdadaanan natin tulad ng mga pagsubok at pagkakamali.
Tinutulungan tayo ng mga ito na matutuhan ang tama at mali o mabuti at masama. Ikalawa, ang ating kinagis ng lipunan o kultura. Ang pamaya ng ating kinabibilangan, mga kaibigan, social media, mga palabas o pelikulang ating napapanood ay nakaiimpluensya rin sa atin na malaman kung ano ang katanggap-tanggap o hindi, mabuti o masama o tama o mali. Ikatlo, ang edukasyon. Malaki rin ang papel nito sa paghubog ng ating konsensya.
Ang paaralan o mga guro ay ginagabayan tayo na matutuhan ang mga pagpapahalaga at etika. Ikaapat Ang reliyon. Ang mga reliyon at mga turo dito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama at ito ay nakatutulong upang malinang ang ating mga pagpapahalaga at mahubog ang ating konsensya.
At ikalima, ang ating pamilya. Sa pamamagitan ng kultura at pananampalataya ng ating pamilya, nauhubog din ang ating konsensya. Itinuro nila sa atin ang palaging pagpili sa mabuti. May mga pagkakataon pa na nadidiscipline na tayo kung tayo ay nakagagawa ng masama.
Sa ganitong paraan, nahuhubog ang ating konsensya. Ano ba ang katangian ng isang hubog na konsensya? Ang isang taong may hubog na konsensya ay hindi pa dalos-dalos sa kanyang pagkilos o pagpapasya. Siya ay nag-iisip muna kung ang gagawin ba niyang disisyon ay mabuti o masama.
Ang isang taong may hubog na konsensya ay inaako ang kanyang maling nagawa. at nakararamdam ng pagkabagabag kung may nagawa siyang masama. Ang isang taong hubog ang konsensya ay sinasaalang-alang ang kapakanan ng iba bago magpa siya.
Iniisip niya ang magiging epekto sa iba ng kanyang gagawin at nagsisikap na maging mabuti at patas sa kanyang mga gagawing desisyon. Kung hubog ang konsensya ng isang tao, tinatanggap niya ang kanyang nagawang pagkakamali at pinagninilayan ito. at nagsisikap na maging mas matalino sa mga susunod na pagpapasya.
At ang isang taong may hubog na konsensya ay may mabuting karakter. Hindi lang siya sumusunod sa mga alituntunin upang makaiwas sa parusa. Siya ay talagang nagsisikap na gawin ang mabuti at tama dahil ito ang nararamdaman niya. Ano ang papel ng ating pamilya sa paghubog ng konsensya? Ang pamilya ang unang tagapagturo ng kung ano ang mabuti.
at kung ano ang masama. Ang pananampalataya ng pamilya ang nagiging unang gabay ng bata sa paglikha ng moral na pagpapasya. Mga paraan ng pamilya sa paghubog ng konsensya ng mga kasapin nito gabay ang pananampalataya.
Pagpapahalagang batay sa pananampalataya, huwaran ng pananampalataya, pananalangin at pagninilay. disiplinang nakabatay sa pananampalataya at pagpapatawad bilang pagpapahalaga. Iisahisahin natin ang mga ito sa mga susunod na slide. Pagtuturo ng pagpapahalagang batay sa pananampalataya. Hinuhubog ng pamilya ang konsensya ng mga kasapi nito sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pagpapahalagang nakaugat sa pananampalataya tulad ng katapatan, kabaitan at paggalang.
Ang mga magulang ay nagtuturo sa mga anak na magsabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon sapagkat itinuturo ng kanilang pananampalataya na mali ang pagsisinungaling at ito ay kinamumuhian ng Diyos. Pagiging huwaran ng pananampalataya Likas na nauhubog ang konsensya ng isang tao kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na isinasabuhay ang pananampalataya tulad ng regular na pananalangin, pagdalo sa mga pagsamba o pagtulong sa kapwa. Natututuhan niya ang pagsasakilos ng mga paniniwala o pananampalatayang ito. Halimbawa, palaging nasasaksihan ng anak na ang kanyang pamilya ay nananalangin bago kumain o walang palya sa pagdalo sa mga pagsamba, natututuan niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos at ang pagsasabuway ng pananampalataya sa bawat araw ng kanyang buhay.
Pangihikayat ng pananalangin at pagninilay Kung ang mga magulang ay nanghihikayat sa mga anak na manalangin at pagnilaya ng kanilang mga kilos, nakatutulong din ito sa paghubog ng konsensya sapagkat ang pananalangin at pagninilay ay nakatutulong sa atin na pag-isipan ang ating mga kilos at humingi ng gabay sa Diyos. Sa ganitong pagkakataon, maiiwasan natin ang magkasala. Halimbawa, ang isang bata ay nahihirapang magpa siya kung aamin ba sa nagawang mali o itatago na lamang ito.
Maaaring hikayatin siya ng kanyang magulang na manalangin at humingi ng gabay sa Diyos kung ano ang tamang gawin. Pagwawasto ng asal sa pamamagitan ng pananampalataya Kapag ang isang bata ay may nagawang mali at nalirigaw ng landas, ang kanyang mga magulang ay nagtuturo ng mga aral batay sa pananampalataya upang siya ay maituwid at huwag tuluyang maging masama. Ito ay makatutulong sa kanya na matuto mula sa mga pagkakamali. Halimbawa, kung ang isang bata ay makasarili o hindi mabait, Ang mga magulang ay nagpapaalala ng kahalagahan ng pagmamahal sa iba tulad ng sasarili o pagbabahagi sa iba.
Ito ay nakatutulong sa bata na maiwasto ang kanyang masamang asal at maging ayon ito sa kanilang pananampalataya. Pagtuturo ng pagpapatawad bilang pagpapahalaga Ang pagpapatawad ay karaniwan sa mga pananampalataya at ang pamilya ay tinuturo ito sa mga anak bilang pagpapahalaga sa aral ng reliyon. Ito ay makatutulong sa bata na lumaking maunawain at makatao.
Halimbawa, hindi sinasadyang nasira ng isang bata ang laruan ng kanyang kapatid. Pinaaalala ng magulang ang turo ng relihiyon tungkol sa kahalagahan ng pagpapatawad at hinihikayat na magpatawad sa mga pagkakamali. Ang pananampalataya ng pamilya ang pundasyon ng moralidad ng mga batang kasapi nito.
Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pagpapahalaga, pagiging huwaran ng pananampalataya, pagtuturo ng pananalangin at pagninilay, pagdidisiplina at pagtuturo ng pagpapatawad, ang pananampalataya ng pamilya ay nagbibigay sa mga bata ng moral compass na makatutulong sa kanyang paglalakbay patungo sa mabuti at maiwasan ang masama. At dyan po nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito. na waay may natutuhan kayo.
Salamat po sa panonood at pakikinig. Paalam!