PAKASAYSAYANG HARAW PO! It's SHOW TIME! Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas noong 1898 at 1899 dahil sa digmaan nila ng pananakop sa mga Pilipino mga sundalo ang una nilang pinadala upang ipatupad ang kanilang Benevolent Assimilation Mabuting Pananakop Dahil tungkulin o burden daw nilang mga puti ang gawin at mga kristyano ang kanilang mga Little Brown Brothers, tayong mga Pilipino. Ngunit, ang malolos konstitusyon ng una republika natin ay nagbibigay daan na sa libre at sapilitang edukasyong pang-elementarya.
Pero ang unang Amerikanong skwelahan ay naitatag na sa isla ng Corredor ilang araw lamang matapos ang tagumpay ni Dewey. sa Manila Bay. Itinatag ng Catholicon Chaplain ng unang California Volunteer Regiment na si Padre William McKinnon ang pitupang paaralan sa Maynila. Kahit nakikipagbakbakan sa kanilang ating mga bayani, ninayos na nilang isulong ang kanilang konsepto ng edukasyon sa mga Pilipino. Ang mga sundalo ay ibinaba ang kanilang armas at hinawakan para turuan ang apat na libong mga estudyante sa tatlumput siyam na paaralan sa diwa ng atas ni Pangulong William McKinley to fit the people for duties of citizenship.
Matapos nito, dumating ang tunay na unang bapor na dumating na may 48 mga gurong Amerikano, ang SS Sheridan, noong July 1901. 113 years ago, August 21, 1901, dumating ang pinakamalaking grupo ng mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas. 540 na mga guro sakay ng SS Thomas sa Pier 12 ng Maynila. Kaya naman, ang mga pioneer na mga gurong Amerikano sa Pilipinas ay tinawag.
mga Somacites. Bagamat madaling sabihin na mga instrumento ng hegemoniko o mapanaklaw na imperialismo ng Estados Unidos ng Amerika ang mga gurong ito. Sa pananaw ng bawat gurong ito, sakripisyo ang kanilang ginagawa para sa kapwa. Iiwan ang kanilang mga anak at pamilya upang tumungo sa isang mainit at malayong bayan upang turuan ang mga anak ng iba. Ang iba rin marahil ay nahalina ng lure of travel at spirit of adventure.
Ang mga gurong ito ay kumalat sa iba't ibang lalawigan ng bansa. Isa na rito si Mr. Frank White na siyang nagtatag na pinakaunang pambansang mataas na paaralan sa Pilipinas. Kulang sa pera at nadidelay din ang sahod ng mga guro. Pero upang magpatuloy lamang ang mga paaralan, nagpautang ang mga may tindahan sa mga guro at ang mga tanggapan ng pamahalaan ay minsang ginawang mga classroom. Gayun din, itinuring na pantay ng mga guro ang mga mayayaman at mahirap sa klase at hinayaang umusbong ang kalayaan sa pananalita.
Hindi naglaon sa pangailangan ng mas maraming gurong Pilipino, binuksan ang paaralang normal noong September 1, 1901. Nagdala ng mga pensyonado sa Amerika at ipinakilala ang ang Edukasyong Pangkatawan o PE. Bagamat kailangan magpasalamat sa Amerika sa panlahatang edukasyon, kailangan magpasalamat sa Amerika na sa pagtuturo sa Ingles at sa A is for Apple kahit wala naman tumutubong Apple sa Pilipinas nabuo sa atin ang mito na ang Amerika ang daluyan ng ginhawa kaya naging kolonyal ang isipan natin at nagdepende tayo ng lubos sa kanila Ako po si Shau Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Shau Time