Ayan, magandang araw po sa ating lahat. At ang ating unang tatalakayin para sa kursong Filipinologia at Bambansang Kaudaran ay ang artikulo ni Prospero Cobar na Kaalamang Bayang Dalumad ng Pagkataong Pilipino. Sana nilalaman ng artikulo na ito ay sumasa ilalim sa talakayan sa tinatawag natin na Filipino Psychology o Psikologiang Filipino.
Meron tayong kasabihan na madaling maging tao, ngunit mahirap magpa-tao. Ngayon, ating dalumating kung ano yung ibig sabihin ng madaling maging tao, ibig sabihin, ito papasok ito sa usapin ng prosesong biological. Ito yung kumahain, natutulog, umiinom, tumudumi.
Kaya siya nagiging madali sapagkat ito rin yung araw-araw natin ginagawa sa pang-araw-araw natin na buhay. Samantala, pag sinabi naman natin mahirap magpahatao, mas pumapasok ito sa prosesong kultural. Ibig sabihin, meron tayong mga kinakailangang sundin na pamantayan o standards na itinatakda ng ating lipunan. na umuugat din sa ating kultura kung paano natin papakisamahan o kung paano natin uunawain o paano tayo magkaharoon ng interaksyon sa ating kapwa. Mabawa, meron tayong mga batas at kailangan natin itong sundin upang maging dalisay o kung baga maging mas maayos ang paikisama sa kapwa natin Pilipino o kahit naman sa ibang lahi.
Kaya nga naman, pag sinabi nating katauhan, ito ay basalo, abstract. Pag sinabi nating abstract, ibig sabihin hindi ito tuwirang nakikita. Katulad ng humanity.
At pag sinabi natin pagkatao, ito yung kalikasan nga ng isang tao, bagay o hayop, o yung pagiging taong Pilipino. Tulad nga nung nauna ko na nabanggit kanina, na kailangan natin kumain, kailangan natin dumumi, kailangan natin matulog, kailangan natin maglahat, kailangan natin mag-ehersisyo. Ito yung isang kalikasan ng pagiging isang tao.
Para sa una nating gawain, meron akong ibinigay sa inyong mga larawan at ito nga, naka-flash sa ating screen. At dapat nating malaman kung ano ang ugnayan ng katawan sa banga. Kung babalikan nga natin, halimbawa, ang Biblia, meron sinabi dito na ang katawan daw ng tao ay hinulma gamit ang putik, ang larawan na putik, bawa ito. Sa kahilinghan ng Diyos, kaya ito nagkaroon ng buhay. At sa oras naman na ito ay mamatay, kinakailangan natin itong ilibing sa ilalim ng lupa kusan nagpapakita daw ito o sumisimbolo ito sa pagbabalik natin kusan ito nagmula sa pagiging putik.
Anong ugnayan o anong relasyon na ito sa banga? Ang banga ay katulad ng isang tao na pinaniniwalaan natin hinulma gamit ang putik. Ang banga ay sumisimbolo rin sa kasaysayan na isang pinaglalagakan ng katawan ng isang patay na tao.
Halimbawa nga dito ang manunggul jar na natagpuan noon sa Palawan. Sinasabi na pag namatay ang isang tao, pag ito ay nadecompose na, ang mga natira na buto ay nilalagay sa isang banga. At may kita natin dito sa bandang takip ng Manungguljar, may kita natin ang dalawang anyong tao na pinaniniwala natin nakasakay sa bangka.
Ang isa ay ang kaluluwa ng namatay at ang isa ay ang kamatayan na siyang sumusundo sa kaluluwa. Kung babalikan nga natin ang Greek mythology, meron doon kwento na sinusundo ng tauhan Hades ang kaluluwa ng isang patay at inihahatid sa... Maaaring sa hell o sa impyerno o sa purgatorio, gamit ang isang bangkas sapagkat tumatawid sila doon sa tinatawag na river sticks. Ayan.
Yun ang relasyon nila. Ngunit ano nga ba ang kinalaman nito sa artikulo? Ayan. Sinasabi ni Cobar na ang pagkataong Pilipino daw katulad ng isang banga ay may labas, loob at lalim. At tumutumbas ito sa katawan, kaluluwa at budhi ng isang tao.
Sa labas, dito natin makikita yung mga physical attributes ng isang tao, katulad ng mukha, dibdib, chan, sigmura. At ang loob naman, isipan, puso, bituka, atay, at ang lalim ay ang kaluluwa at ang budhi. At ano ang ugnayan nito sa pagkatahong Pilipino o kung paano natin ito binibigyang interpretasyon upang matukoy kung ano nga ba ang meron sa isang Pilipino. Ayan.
Unahin natin ang ugnayan ng muka at isipan. Pag nahita natin sa isang tao, halimbawa sa isa nating kaibigan o kaklase na malapad ang kanyang noo, marami tayong iba't ibang interpretasyon kung bakit malapad ang kanyang noo. At isa dito ay ang pagiging... Matalino. Ibig sabihin, pag naita natin, ay, ang lapad ng noon niya, ibig sabihin matalino itong tao na ito.
O, halimbawa naman, malagkit ang tingin. Pag naita mo yung isa mong kaibigan na malagkit ang tingin sa isang bagay o sa isang tao, nakikita natin ito na meron siyang gusto o pagnanasa sa kanyang tinitingnan. Baka, malagkit naman ang tingin mo, may gusto ka siguro dyan. Pag naman sa lubong ang kilay, ibig sabihin, ito ay nagpapahita ng galit.
Pag sinabi natin madumi ang bibig, maaari itong magbigay interpretasyon sa tao na maaaring siya ay isang chismosa, katabilang tila, o yung palamura. Kahit hindi naman dapat natin makita na ang pagmumura ay masamang gawain. Pero ina-associate natin ito sa pagiging madumi ang bibig. Yun ay nakaugat sa ating kultura.
Sa isip naman, dito natin makikita ang level o kung gaano katatas o kalalim ang diwa, ulirat, talino, bait at kamalayan o consciousness ng isang tao. Limbawa, mataas mag-isip, ibig sabihin, ina-associate natin ito sa mga scholar, sa mga genius, kung mga matatalino. Pag sinabi naman natin walang bait o walang ulirat, ibig sabihin wala itong...
Wala itong kaalam-alam sa kung ano yung kanyang ginagawa. O ina-associate natin ito minsan kung gagawin natin itong scientific sa may mga mental health concern o problem. Walang malay, walang kaalam-alam. Ibig sabihin daw, hindi lang natin mayugnay ang intention ng tao, kundi pati sa kanyang kilos o gabi, sa kanyang mga aksyon.
Hindi lang sa intention. Dibdib at puso. Kapag sinabi natin dibdib at puso, halimbawa na ito nag-isang dibdib, ibig sabihin may nagpahasal, may nag-isang dibdib, may nagsama, may nagpahasal.
At alam naman natin na nagpapakasal ang isang tao dahil mayroong nabubuong pagmamahalan at inuugnay natin yun sa ating puso. Pero hindi natin ina-associate lamang sa kasal ang pag-iisang dibdib. Pwede rin itong sa halimbawa sa kapatid, sa ating kapwa, o halimbawa brother to brother. Chan at bituka.
Nagsinabi natin malaki ang chan. Ibig sabihin busog, pataba, malaki ang chan. May nakakain.
Bukod dito, ina-associate din natin ito sa mga halimbawa sa mga political na ugnayan na Sa mga politiko na halimbawa corrupt, mga buwaya, kaya nga mapapansin natin sa mga palabas o kahit sa mga nobela, pag binibigyan description ng isang corrupt na politiko, malaki ang kanyang channel. Halimbawa, Fryle Botod, if naaalala ninyo yung kwento na iyon, isa siyang Fryle na pari na... Wala siyang ginawa, hindi puros kasamaan sa kanyang nasasakupan sa mga Pilipino. Pinigil siyang description ng may akda na malaki ang kanyang chan, kaya nga botod.
Maliit ang chan, ibig sabihin walang makain, malnourish, naghihirap. Yan ang ating ganitong usapin. Pero syempre, mayroon din naman na hindi lagi't lagi yun ang interpretasyon. Pwede rin natin ito maging in... Maging interpretation na kaya malitang chan kasi maaaring siya isang artista.
Kailangan niya maging sexy. Kung baga. Bitukang salasalabit. Same lang din.
Walang nakakain. Sikmura at atay. Sabi natin sikmurang masama o kaya mahapding sikmura, ibig sabi merong nakain na hindi maganda o kumbaga hindi okay sa katawan na nagresulta sa pagkakaroon ng masama na sikmura o mahapding sikmura. Kapag sinisikmura ha, masaitan chan. Malakas masikmura, ito naman yung mas na-attribute natin sa Filipino psychology na May kakayahan kang gawin yung isang bagay na wala kang kinatatakutan.
Ibig sabihin, kaya mong sikmurain. Alimbawa, sa mga palabas meron mga linyahan na paano mo nasikmura ang pagsasagawa ng karumaldubal na pagpatay. Ayan.
Paano niya, kumbaga, nakakaya na gawin yung isang bagay na wala kang kinatatakutan, na wala kang iniisip. Yun yung, dun sa usapin ng... Malakas, masikmura ako.
Magkakayang sikmurain. Ibig sabihin, natatansyan nito ang damdamin, pag-iisip, kilos at gawa ng isang tao. Alamin natin ang tambala ng kaluluwa at butihing.
Ang kaluluwa, may iba't iba siyang bariyasyon ng salita mula sa iba't ibang wika sa Pilipinas. Alam naman natin na ang Pilipinas ay isang multikultural, multilingual na bansa. Maraming wika ang umiiral na maaaring ring magresulta siyempre sa maraming salita na inaanak ng mga wika na ito.
Halimbawa nga, salitang kaluluwa na ginagamit natin sa wikang Filipino o wikang Tagalog, may bariyasyon nito galing sa wikang iba na, halimbawa, ang salitang karuruwa. Sa Ilocano, kararruwa. Sa Kapampangan, kaladwa.
At sa Bicolano naman ay kalag. At ang mga salitang ito ay pare-parehong nagmula sa salitang ugat na dua o ang ibig sabihin ay dalawa. Kaya naman, pumapatungkol ito sa tambala ng kaluluwa at katawan.
Ibig sabihin, pag sabihin natin tambalan, di mo ito mapaghiwalay. Once na naghiwalay ito, merong isa dyan na hindi niya kayang tumayo sa sarili niya. Halimbawa, ang katawan.
Pag iyan, tinanggalan mo ng kaluluwa. Anong ibig sabihin ito? Ibig sabihin, wala na itong buhay. Ito ay patay na. Kaya sila lagi't-laging magkatambal sa paniniwala natin sa pagataong Pilipino.
Ibig sabihin, ang kaluluwa ay pumapatungkol bilang batis ng buhay. Ibig sabihin, ito ang nagbibigay buhay sa katawan at ginhawa, syempre. At pag sinabi natin ginhawa, kung titignan mo, sa wikang Cebuano, ito ay nangangahulugan na hininga. At alam naman natin na pag nalagutan tayo ng hininga, ibig sabihin na ito ay tayo ay pumalaw na o namatay o kumakalag na ang kaluluwa sa kanyang katawan.
Sa pagkataong Pilipino, pinibigyan natin ng interpretation ang kaluluwa bilang maganda o pangit. Magandang kaluluwa kung gumawa ka ng mabubuti sa iyong kapwa. nakaluluwa kung puros kasamaan ang iyong ginawa, matuwid o halang nakaluluwa, ibig sabihin ito na yung mas malalim na pagbibigay interpretation, kung matuwid ka, ibig sabihin, ikaw yung mga sumusunod sa lahat ng utos ng Diyos, ng reliyon ninyo. Same sa dalisay, ibig sabihin, pure ka na.
Pag sinabi mo namang halang, ito na yung hindi na talaga makatuwiran. Kung sa pangit nakaluluwa, ano halang, Masama lang ang iyong ugali dito sa halang nakaluluwa, kaya mo nang gumawa ng mga, kung maga binabali mo na yung mga kautusan. May bawa kautusan sa Biblia, maging yung mga kautusan na ginawa ng tao, yung mga patas o polisiya, kaya mo na itong baliin.
Maitim nakaluluwa. Nasa ganoong degree ang pagtingin mo sa kung ano, kung paano natin huhusgahan o bibigyang interpretasyon ang kaluluwa ng isang Pilipino batay sa kanyang mga... isinagawang aksyon o gawin.
Yan siya ay nabubuhay pa. Pero kung ditingnan din ninyo, madalas din naman natin na, halimbawa, namatay, maraming nga nagsasabi na pag namatay ang isang tao, lagi't-lagi siyang nagiging mabait sa tingin ng mga nunkapwa niya. Ayan. Kaya, nagkaharoon ng budhi.
O yung katambal naman ng kaduluwa. Ito na yung humuhusga sa buhay na naganap na. Kumbaga, ito yung umuusig.
Maaring hindi natin bigyan ng kapintasan ang kaluluwa, pero ang budhi, siya ang mismong gumagawa kumbaga ng aksyon para husgahan yung buhay na naganap ng tao na lamatay. Ito daw ay iba sa konsensya. Kasi pag sinabi nga natin konsensya, diba ang konsensya lagi't-laging nasa uli.
Kaya naman ito daw ay nasa isipan lang ng isang tao. Hindi ito katulad ng konsensya. Kaya ito ay mas malalim in nature, mas laganap at nasa ikaibuturan ng isang Pilipino, ng pagkataong Pilipino. Ayan. At yun yung pagsusuri ni Kovar sa kung paano niya tinitingnan ang pagkataong Pilipino.
Baga nakabata ito sa labas, loob at lalim. Katulad nga daw ng isang banga. Baga binigyan niya lang ng metaphor ang banga bilang isang pagkataong Pilipino. Ngunit ayon sa eskolar na si Guillermo, Ramon Guillermo. Napansin niya daw na may hilaw ang pananaliksik na isinigawa ni Kovar ukol sa pagataong Pilipino.
Bakit? Kasi meron itong mga kakulangan at ito yung apat na iyon. Una, hindi scientific.
Ibig sabihin, may kakulangan sa batayan, sa usapin ng siyensya at ahaham sa kung paano bibigyang interpretasyon ng mga bagay-bagay. Mas, kung baga, mas lumabas. na nakaayon namang ito sa sariling interpretasyon ni Kubar at hindi ito humuhubog sa kung ano man ang dapat na pagbatayan o nakaayon sa facts. At nakapokus lang daw to sa wikang Tagalog. Ibig sabihin, hindi lang sa usapin ng wika.
Bagamat merong mga binigay ng mga salita, bariyasyon ng salitang kaluluwa, binibigyang fokus ang wikang Tagalog sa usapin na sa paniniwala. Kumbaga, ganito rin kaya ang nagiging pagtingin, alimbawa, kung pupunta tayo sa tribo ng mga mangyan o tribo ng mga tausug, di natin alam. O baha naman dito lang sa sentro, ang ganitong pagtingin. Yun yung gustong sabihin dito ni Guillermo.
Na dapat bigyan din ng interpretasyon o kumbaga, isaalang-alang din sa pagbibigay interpretasyon at huwag kumbaga malawakang... Tingnan bilang ito ang pagkataong Pilipino, kung hindi naman daw nabigay ang side ng iba't ibang tribot o iba't ibang grupo sa Pilipinas. Kasi katulad nga na sinabi ko, multilingual at multicultural ang Pilipinas.
Meron tayong 180 plus na wika. At sa malamang kung magkaugnay ang wika at kultura, may iba't ibang kultura din na. Pumapasok dito.
Sunod, walang talakay sa kasarian o walang gender politics. Paano nga ba tinitingnan ng isang pagkataong Pilipino ang politika ng kasarian sa Pilipinas? At ang pinakauli at isa sa mga higit na kinakailangan natin lalo na ngayon ay ang diskursong pampolitika.
Umapapansin natin ito ay nakapokus lamang sa individual na pagtingin ng isang tao. Kung paano niya bibigyan ng pagpapakaulungan ng mga gawi o aksyon o intention ng isang tao. Kung bakit niya ginagawa ang isang bagay. Wala itong pagtalakay sa usapin na paano niya naman binibigyan ng interpretasyon sa pagkataong Pilipino.
Kung pag-uusapan na natin ay ang ibang tao. Ayan. At ganito ang magiging paraan ng pagsusuri natin sa mga susunod pang artikulo.
Hindi natin ito babasahin at datanggapin basta-basta sa batay sa kung ano yung nilalaman ito, kung ano yung gustong sabihin. Na kailangan natin itong bigyan ng malalim na pagsusuri, pag-aanalisa. At kailangan natin itong maiugnay sa kung ano yung nagaganap sa ating lipunan. Kung may tanong, paglilinaw para sa tinalakay natin, unang tinalakay natin para sa ating subject na Filipino Law, yan na FPK.
Meron akong ilalagay na thread sa ating MS Teams at maaaring maglagay ng tanong doon at doon ko na lang din sasagutin. At isusunod ko na rin ang... Kung meron man na gawain o pagtataya sa ating MS Teams, i-upload ko na lang.
Ayun lamang at maraming salamat.