Transcript for:
Mga Batayang Kaalaman sa Panukalang Proyekto

Music Ang isang layunin na walang kaakibat na plano ay mananatiling isang hangarin. Sabi nga sa Ingles, a goal without a plan is just a wish. Para sa mga Tagalog, magandang araw, Grade 12. Naimbag na aldawmet, kadagiti amin na Ilocano na Grade 12. Mapiyang agaw kanikamungamin, Grade 12 na ibanag. Kanyugitak na itawit, nakastanga algaw kanik kayong amin. At sa buong reyondos, isang matapat na ngiti ang aking bati. Masaya ako na makasama kayo sa... sa ating paaralang panghimpapawid upang pag-aralan ang isang aralin sa asignaturang piling larang. Ako nga pala si Teacher Joyce Chi Basanes mula sa Schools Division Office ng Lungsod ng Kawayan. Tawagin na lamang ninyo akong mambi, ang inyong mambi na bibida sa larangan ng Filipino. Ngunit bago ako bibida, Narito muna ang ilang mga paalala para sa inyong ganap na pagkaunawa. Una, makinig ng mabuti. Pangalawa, iwasan muna ang ibang ginagawa hanggat hindi pa natatapos ang ating aralin. At ang panghuli, kapag may hindi maintindihan, magtanong sa nakatatandang kasama. sa bahay o kaya naman ay tumawag sa guro pagkatapos ng ating pag-aaral. Handa na ba kayo sa ating pag-aaral? Kung gayon, manood, makinig, at matuto. Halina't sasamahan ko kayong palawakin at palalimin ang inyong kaalaman sa pagsulat ng Sulating Akademiko sa Filipino. Kaya naman, manatiling manood at makinig upang matuto. Ngayong araw na ito, pag-uusapan natin ang mga estilo at teknikal na pangangailangan sa pagsasagawin. Ito ay gawa ng isang panukalang proyekto. Kaugnay nito, inaasahan kong pagkatapos ninyong manood at makinig sa ating aralin, Una, matutukoy ninyo ang kahulugan at kabuluhan ng panukalang proyekto bilang isa sa mga sulating akademiko. Pangalawa, makapaglalahad kayo ng realistikong kahi para sa panlipunang panukalang. pangangailangan batay sa panukalang proyekto. At ang pangatlo, makasusulat kayo ng organisado, orihinal at kapanipaniwalang sulatid. Sa kasalukuyan, anong-anong mga suliranin sa ating lipunan o sa inyong pamayanan ang nakikita ninyo na nangangailangan ng agarang solusyon o aksyon? May mga mungkahi ba kayo na hakbang kung paano ito re-resolbahin? Lahat ng mungkahi ninyo na solusyon ay mainam na mailatag ito sa pamamagitan ng formal na dokument. Ito ay ang panukalang proyekto o project proposal sa Ingles. Ano nga ba ang tinatawag nating panukalang proyekto? Ang panukalang proyekto ay isa sa mga akademikong sulatin na naglalahad at nangangatwiran. Ayon kay Dr. Phil Bartel na bahagi ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga non-governmental groups. organization or NGO, ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mukahing naglalaman ng plano ng gawaing ihaharap sa tao o isang samahang pag-uukulan na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon naman kay Besim Nebu, may akda ng artikulong Developing Skills of NGO Project Proposal Writing Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahain gawain na naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Ibig sabihin, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan na nangangailangan ng... Tandaan, ang panukalang proyekto ay naglalayong, makatulong at makalikha ng positibo at magandang pagbabago sa isang komunidad. Thank you. Institusyon o Samahan Sa pagsasagawa ng panukalang proyekto, ito ay kailangang magtataglay ng tatlong mahalagang bahagi. Ano-ano ang mga ito? Una ay ang panimula, sunod ay ang katawan, at ang panghuling bahagi nito ay ang konklusyon. Upang higit na maunawaan, isa-isahin natin ang espesipikong laman ng panukalang proyekto. Para sa unang bahagi, kailangang ilahad natin ang pamagat ng panukalang proyekto. Tiyaking maging malinaw ang pamagat. Kadalasan, ito ay hinahango mismo sa inilahad na pangangailangan o suliranin. Ngunit, paano ba bumuo ng pamagat? Maaaring gumamit ng ganitong formula. Panukala plus suliran. Solusyon plus lugar o komunidad. Halimbawa, panukala sa paglalagay ng streetlights sa Santo Niño Heights Subdivision, Kabaruan, Cahuayan City, Isabela. Nasa unang bahagi rin ang proponent ng proyekto. Ano nga ba ang proponent? Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagbumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa proponent, katulad ng address, email, cellphone o telepono ng tao o organisasyon. Halimbawa, proponent Joyce G. Basanes, Barangay Kabaruan, Kawayan City, Isabela. Joyce.Basanes at DepEd.gov.ph Telepono 0917-9733-234 Kailangang ilagay rin ang PEDSA kung kailan ipadadala ang proposal. At gaano ba kahaba ang inaasahang panahon na gugugulin upang maisakatuparan ang proyekto. Halimbawa, Ikalabindiman ng Oktubre, 2021. Ang haba ng panahon gugugulin? Isang buwan at kalahati. Sa panimulang bahagi rin makikita ang Rasyonal. Sa Rasyonal, nakapaloob ang natukoy na suliranin o mga pangangailangan ng inyong komunidad o samahang kinabibilangan o kaya naman ay ng isang sistemang umiiral. Malinaw dapat. Kapat kung ano ang tiyak na pangangailangan o suliranin na nais ninyong bigyan ng solusyon batay sa inyong nakita o naobserbahan sa inyong pamayanan, paaralan o kaya naman ay sa isang samahan na inyong kinabibilangan. Nang sa gayon, makapagmungkahi kayo ng tiyak na solusyon. Kung marami kayong naisip na pangangailangan, posibleng solusyon, maaaring isulat muna ito sa isang burador o draft. Mula sa naitalang mga solusyon, maaari na kayong pumili ng isa sa pinaka naaangkop para sa natukoy na suliranin. Sa madaling salita, binabanggit sa rasional ang Partikular na suliranin. Ang epekto ng problema. Ang sanhi ng suliranin at ang mungkahin solusyon. Upang higit na maunawaan, narito ang halimbawa. Rational Ang nilalaman ng rational ay, Ang Santo Niño Heights Subdivision ay isa sa pinakamalaki at pinakamaunlad na sakop ng Barangay Cabrera. sa lungsod ng Kawayan Isabela. Ang subdivision ay isa sa may pinakamaraming eskinita sa barangay. Isa sa mga sulirani ng mga residente sa lugar na ito ay ang patuloy na pagdami ng naitatalang kaso ng panghoholdap at pagnanakaw. Kaya naman, ang mga residente ay hindi nakatutulog ng payapa dahil sa takot at pangamba. Ang pangunahing sanhi nito ay ang madidilim na eskinita. Dahil dito, nangangailangan ang subdivision ng streetlights sa mga eskinita upang maging maliwanag ang lugar. At higit sa lahat, maiiwasan ang mga nabanggit na insidente. Kailangang magkaroon ng streetlights ang subdivision sa lalong madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan. Makikita sa ipinakitang halimbawa na ang mga pangungusap na nakulayan ng dilaw ay ang suliranin, ang verde, ay ang epekto ng suliranin. Samantala, ang kulay grey naman ay ang sanhin ng problema at ang pinakahuling pangusap na nakulayan ng asul ay ang mungkahing solusyon. Naintindihan na ba kung ano ang nilalaman ng rasional? At, Kapag nailahad na ninyo ang suliranin at ang malinaw na solusyon sa rasional, maaari ka ng makalikha ng layunin. Sa bahaging layunin, makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy Minor at Lynn Minor, ang layunin ay kailangan. Kailangan maging simple. Ang salitang simple ay nangangahulugang S, specific. I, immediate. M, measurable. P, parasit. sa practical. At ang L, logical. At ang pinakahuli, ang letrang E ay evaluable. At dahil nga ito ay project proposal, isang plano. Ang pagsulat ng layunin ay kailangang magsimula sa pandiwa o verb na nasa aspektong kontemplatibo o future tense. Maaaring gumamit ng unlaping ma. Halimbawa, Makapagpapatayo, makapaglulunsad, makapagsasagawa, makalilikha at iba pa. Narito ang isang halimbawa ng layunin para sa panukalang proyekto. Makapaglalagay ng streetlights na makatutulong sa pagsupo ng krimen at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan maging ang kanilang ari-arian sa susunod. Sa halimbawa natin dito, isang layunin lang ang kailangan. Ngunit, maari din namang higit pa sa isa ang ilalagay na layunin. Depende ito sa inyong panukala. Huwag kalilimutan, dapat ang layunin at solusyon ay magkaugnay. Naintindihan na ba? Tandaan, sa bahaging... panimula nakapaloob dito ang pamagat, mahalagang impormasyon tungkol sa proponent. Gayun din ang suliranin, solusyon at layunin ng panukalang proyekto. Dumako naman tayo sa plano ng dapat gawin. Sa bahaging ito, iniisa-isa natin ang plano o proseso upang maisakatuparan ang Proposal. Gumagamit tayo rito ng numerical na paglilista ng proseso o pamamaraan sa pagsasakatuparan. Halimbawa, pagpasa, pag-aaproba at paglalabas ng budget. Ito ay gagawin sa loob ng 7 araw. Pangalawa, pagsasagawa ng bidding mula sa kontraktor o mangongontrata sa paglalagay ng streetlights. At dahil nga ito ay konstruksyon, kailangan ang bidding mula sa mga mangongontrata. Pangatlo, pagpupulong ng konseho ng barangay sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng proyekto. Pangapat, paglalagay ng streetlights sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng barangay Kabarwan-Cawayan City, Isabela. Ang huli, pagpapasinaya. Kung mapapansin, sa unang bahagi, nakatoon muna ito sa mga dokumento na papipirmahin. Pagkatapos ng proseso, nakalagay sa panaklong kung gaano katagal ang estimang... upang maisakatuparan ito. Pagkatapos ng plano, sunod ay ang budget. Ang budget ang nagsisilbing pinansyal na pangangailangan upang mapagtagumpal o ganap na maisakatuparan ang proyekto. Maaaring gumamit dito ng grapikong biswal na talahanayan o table para malinaw na mailatag ang gastusin at ang kaukulang halaga nito. Dapat maging maingat sa kalkulasyon. Mahalaga ang consistency dahil kapag pabago-bago, maaaring magdulot ito ng kawalan. ng tiwala sa proponent o sa bumubuo ng proposal. Narito ang halimbawa. Sa unang hanay ng talahan na yan ay ang mga gastusin. Sa ikalawang hanay naman ay ang halagang magagastos. Una ay ang halaga ng paglalagay ng streetlights na nagkakahalaga ng 25,000 piso. Ang pangalawa ay ay ang gastusin para sa pagpapasinaya. Ito naman ay 5,000 piso. Sa kabuang halaga, ang inaasahang magagastos ay 30,000 piso. Laging tandaan, binabalangkas ang plano at budget sa pangalawang bahagi ng panukalang proyekto, ang katawan. At ang panghuling bahagi o ang Ang konklusyon ng panukalang proyekto ay ang paglalahad ng benepisyo at makikinabang. Dito naman, binabanggit natin ang espesipikong grupo ng tao o samahan o kayo naman ay komunidad na makikinabang sa mungkahing proyekto. Maging maingat at matapat sa paglalahad ng benepisyo dahil ito ang magsisilbing batayan. kung aaprubahan o hindi ang panukala. Halimbawa, ang paglalagay ng streetlights sa Santo Niño Heights Subdivision ay malaking tulong at makapagbibigay ng kapanatagan sa mga residente lalo na sa pagsapit ng gabi. Mababawasan din ang alalahanin ng mga opisyalis at barangay sa pagsumpo ng krimen tulad ng pagnanakaw at panghoholdap. Gayun din, masisigurong ligtas at payapa ang pamayanan. Ang pangungusap na nakulayan ng verde ay nagpapakita sa pakinabang ng mga residente. Ang kulay dilaw naman na pangungusap ay ang kapakinabangan ng mga opisyalis. Samantalang, ang nakulayan naman ng asul ay ang pakinabang sa buong pamayanan. Para sa mas mali inaw na presentasyon, narito ang buong panukalang proyekto. Maliwanag na ba kung ano ang kahulugan ng panukalang proyekto? Naunawaan na ba ang wastong pagsasagawa ng proposal? Kung gayon, subukin natin ang inyong natutuhan sa katatapos na talakayan. Kaya, halina at mag-FB na F para sa fact at B sa bluff Tukuyin kung ang pahayag ay Tama o fact o O kaya naman ay, mali o bluff. Handa na ako. Ikaw, kayo, handa na rin ba? Kung gayon, narito ang unang pahayag. Ang panukalang proyekto ay isa sa akademikong sulatin na naglalahad at nangangatwiran. Ito ba ay, fact o bluff? Ito ay, fact. Dahil ang panukalang proyekto ay naglalahad ng mga pangangailangan o suliranin at nagbibigay katwiran sa inilalatag na dahilan ng problema, gayon din sa mukha. Pangalawa, Sa pagbuo ng panukalang proyekto, isa lamang ang ilalagay na layunin. Ano ang iyong sagot? Ito ba ay Fact o Bluff? Ang sagot ay bluff. Maaaring higit sa isa ang bumuwing layunin para sa panukala. Depende ito sa kategorya ng inyong proyekto. Kung ito ba ay kontrolo. Konstruksyon, seminar, pananaliksik, patimpalak o outreach program. Ang pangatlong pahayag naman ay, Makikita sa panimulang bahagi ng panukalang proyekto ang Rasyonal, layunin at plano ng mga dapat gawin. Ang pahayag ba ay, Fact or bluff? Ang wastong sagot ay DLAF Ang Rasyonal at Layunin ay nakapaloob sa panimulang bahagi ng panukala Samantalang, ang plano ng mga dapat gawin ay makikita naman sa ikalawang bahagi, ang katawan ng panukalang proyekto. Ang pang-apat na pahayag. Ang layunin ng panukalang proyekto ay kailangang maging simple, na nangangahulugang simple, immediate, measurable, practical, logical, at evaluable. Tama kaya ang inyong sagot? Tingnan natin. Ang pahayag na ito ay GLAFF Ang salitang simple sa letrang S ang nagpamali sapagkat Ang S ay nangangahulugang specific. At ang panghuling pahayag ay, Lahat ng proyektong ipinatutupad sa mga paaralan o pamayanan ay dapat gawan muna ng pagsulat ng panukala bago ito ipatupad. Sa iyong palagay, ito ba ay fact o bluff? Ang tamang sagot ay FACT! Mahalagang magsagawa muna ng pagsulat ng panukala para sa proyektong nais ipatupad sapagkat ito ang magsisilbing direksyon upang maging malinaw ang gawain at makahihihayat ng positibong pagtugon mula sa kinauukulan. Mula sa limang mga pahayag at tanong, ilan ang nasagot nyo ng tama. Lahat ba? Kung nasagot nyo ng tama ang lahat ng katanungan, narito ang emoji na puso para sa'yo. Malugod kitang binabati. Ibig sabihin, nakinig at naunawaan nyong mabuti ang araling tinalakay. At kung kayo naman ay nakakuha ng tatlo hanggang apat na tamang sagot, ismiley naman ang panahon. Para sa inyo, pinabati ko kayo. Pag-usayan nyo pa. Ngunit, kung ang score nyo ay 1 hanggang 2, isang like para sa inyo. Dagdagan ang panahon at motibasyon sa pag-aaral. Samantala, kapag wala o niisa kayong nakuhang tama mula sa limang katanungan, ito naman ang panahon. Para sa inyo, laban lang. Maaaring humingi ng gabay at tulong mula sa inyong guro sa asignaturang ito. Mataas man o mababa ang inyong score, ang mahalaga, kayo ay may determinasyon sa pagpapatuloy ng edukasyon. At dahil dyan, narito ang masigawang palakpak ng buong barangay. Bago ako magpapaalam, balik na ako sa isang mga video. balikan muna natin ang mga ibinahagi kong kaalaman na dapat ninyong tandaan. Ang panukalang proyekto ay isa sa mga akademikong sulat. na naglalaman ng detalyadong mungkahi o plano ng kahawain na naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Ito ay may tatlong bahagi. Ang panimula na naglalaman ng pamagat ng proyekto, proponent at rasional. Sa bahaging katawan naman, ilalatag ang plano at budget para sa proposal. At... Ang panghuling bahagi ay ang konklusyon. Dito babanggitin ang peripisyo o pakinabang ng panukala. Naunawaan na ba kung ano ang panukalang proyekto? Maliwanag ba kung ano-ano ang mga hakbang sa pagsulat ng panukala at ang mga bahagi nito? Kung gayon, kunin ang inyong kwaderno at isulat ang inyong takdang gawain para sa araling ito. Narito ang mga panuto. Una, mag-isip ng proyekto o programang nais ninyong isakatuparan sa inyong barangay. Pangalawa, sumulat ng panukala o proposal hinggil dito. At pangatlo, ipadala ang soft copy ng output sa account ng inyong guro sa asignaturang ito o kaya naman ay ipasa ang hard copy. Copy nito sa itinakdang araw na pasahan ng answer sheets at activity sheets. Huwag kalilimutang ilagay ang inyong buong pangalan bilang proponent. Kung may mga katanungan kaugnay sa paksang na pag-aralan ngayon, maaaring itanong ito sa inyong guro sa asignaturang piling larang. Muli, ako ang inyong guro, Kinang Joyce G. Basanes ng Kawayan City National Library. National High School Main na naniniwalang hindi sapat na tayo ay may alam dahil kailangan din nating makialam at magkaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa ating lipunan. Salamat sa panonood at pakikinig. Kayo na wa ay natuto sa mga natalakay na aralin. Magandang araw at manatiling ligtas sa lahat. at pagkakataon. Paalam!