Nais nyo bang mag-report ng mga pagmamaltrato sa mga hayop? Narito ang inyong alas sa batas. Magandang araw mga kakampi.
Atty. Chell Diokno po. May tanong si Daday sa ating Free Legal Health Desk. Magandang araw po Atty.
Chell. Meron po kaming alagang aso. Matagal na po siya sa pamilya namin.
Minsan po, di namin na... na malayan na nakalabas siya sa gate namin at dumumi sa garden ng kapitbahay namin. Nung makita ito ng kapitbahay namin, pinagbabato niya ang aso namin.
Nagtamo ang aso namin ng sugat sa kanang mata na kinabulag niya. nito. Napilay din po ang kanyang kaliwang paa.
Gusto namin managot ang kapitbahay namin gumawa nito sa kanya. Ano po ang maipapayod ninyo? Thanks po. Salamat sa tanong Daday. At syempre, salamat rin sa lahat ng mga subscribers natin sa social media.
Please like and subscribe for more legal advice. Grabe ang shinare ni Daday. Alam nyo ba? May pag-aaral na nagsasabi na ang aso ay may intelligence. ng isang 2-year-old na child.
Talagang parte ng pamilya ang mga asong alaga natin. At ramdam nila yung pag-aalaga natin. Pero kaya din nilang makaramdam ng takot at pagdurusa.
Kaya meron tayong Animal Welfare Act. Sa batas na ito, pinaparusahan ang mga nagtutorture o mga nagmamaltrato sa mga hayop. Basahin natin ito. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate with care, sustenance or shelter, or maltreat any animal. Sa pet owners, bawal iabandon na ang mga pets ha, dahil itinuturing itong maltreatment.
Pagdating naman sa pagpatay ng hayop, ang mga sumusunod ay pinapayagang patayin ayon sa batas. Cattle, pigs, goats, sheep, poultry, rabbits, carabaos, and horses. Ang anumang hayop na wala sa listahan na ito ay bawal pong patayin. With the following explanation. Basahin natin ito.
Kasama sa religious ritual, may sakit ang hayop na walang lunas, pag kailangan patayin ito para tapusin ang kanyang pagdurusa as certified by a veterinarian, pag kailangan patayin ito para isalba ang buhay ng isang tao, pag ang pagpatay ay para sa animal population control, o pag pinatay ito pagkatapos gamitin para sa authorized research or experiments. ang hayop, ang pagkakulong ay isang taon, anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at multa na hindi lalampas sa 100,000 pesos. Kung nakaligtas ang hayop ngunit nagtamo ng grabing pinsala, pagkakulong ng isang taon at isang araw hanggang isang taon at anim na buwan at multa na hindi lalampas ng 50,000 pesos.
Kung pinaranas ang hayop ng kalupitan, pagmamaltrato o pagpapabaya Ngunit hindi naman nauwi sa kamatayan o pagiging inutil nito pagkakulong ng 6 na buwan hanggang isang taon at multa na hindi lalampas ng 30,000 pesos. Kung makakita kayo ng pagmaltrato sa mga hayo, pwede niyo itong i-report sa inyong LGU o sa local PNP. Alam niyo yung mga nagtutorture ng alagang hayo?
Nawala naman kalaban-laban. Minsan napaisip ako, sino kaya talaga ang hayo? Muli, salamat sa iyo. sa inyong tanong daday.
Kung kayo ay may problema o may gustong malaman tungkol sa batas, maaaring kumonsulta sa ating free legal help desk. Kumunta lamang sa www.cheldiokno.com Laging tandaan, ang kaalaman ay ating halas sa batas. Tuloy-tuloy po ang ating pag-vlog para sa kaalaman at kapakanan ng lahat. Please like and subscribe na mga kakampi. Ang channel na ito ay para sa...
sa inyo.