Transcript for:
Kahalagahan ng Kultura

Isang pagtaluntun, isang pagtahag sa matuwid na landas upang marating ang paruroonan. Gano'n man ito kalapit, gano'n man ito kalayo, gano'n man ito kakitid, gano'n man ito kalawang. Kaunti man o marami ang mga paang humahakbang, mabagal man o mabilis, pahintu-hintuman o tuloy-tuloy, ang bawat paghakbang ay may patutunguhan. Ang bawat paghakbang ay may mararati. Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatupanan. Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan. Paghakbang na pinunanan ng pawis, dugo at luha. Paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib Mula pa sa panahon ng kawalang malay Hanggang sa panahon ng walang humpay na pananako Digmaan at kasarilan At hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon Sumibol ang kairaming kulturang sinangkutsa sa ating diwa't kamalayan Kulturang may ritmo ng pag-awit May kislot ng pagsayaw Maya haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. Ito ang ating tinaluntun, ito ang bunga ng ating paghakbang, ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan. Ngayon, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturang nang uumapaw sa ating diwa, nagbabanyos sa ating damdamin, nag-aakyat sa ating kaluluwa. Sinubok ng maraming taon, inalay sa mga bagong sibol ng panahon. Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian. Ang kultura'y pinayayabong ng may halong sigilan. Pag-ibigla at tua ng may kasalong pagsubok at paghamon. Kultura ang sinusuyod ng kapuripuring ugaling at marangal na kilos. Kultura ang inihain ng pagsambat-prosesyon. Kultura ang sinasalamin ng Paskot-Pistangbayan. Kultura ang pinaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng puon. Kultura ang patuloy na sumisibol at ipinupunla ng tradisyon. Pampamilya Eskwela, pampolitika, panrehiyon at pamansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, pagabay at patnubay at binayaman ng makukulay na karanasan. Kultura hinihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan. Ito ang regalo ng kultura, regalo ng kasalukuyan. Bukas, ang kulturang itinutla ng nakaraan at iniririgalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan at bananatiling refleksyon ng kabutihan. Kultura ang gagalang sa mga bata't matanda. Kultura ang re-respeto sa mga babaid may kapansanan. Kultura ang lulukluk sa pagbabayanihan at pagkakapatiran. Kasalyo ng mga awiting bayan at katutubong sayaw. Katali ng pagsasadulat pagbabalagtasan. Diwang marangalang ipupula. Kariringgan ng maraming wika. Magkakataon. sa kalayaan at karapatan. Magsasama-sama, magkakapit-pisig, magtutulong-tulungan. Habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa ang kultura ang pagyayamanin ng ating lahi, ng lahing magiting, ng lahing kapuripuri, ng lahing arangan.