Transcript for:
Kultura at Panitikan ng Indonesia

Salamat siyang semwanya! Magandang araw Pilipinas! Sama-sama na naman tayong matututo, lalago at magbabago sa tulong ng mga akdampampanitigang tiyak na kawiwilihan ninyo. Ang inyong lingkod yun o ang Hamilcar Vahal, kaibigang guro sa asignaturang Filipino, dito sa Nag-iisang Deped TV.

Handa na ba kayo? Tara na! Sasahin papawid na ang makulay na kultura, kasaysayan at panitikan ng Timog Silangang Asya. Nabanggit ko rin sa nakaraan nating pagkikita na isang bagong bansa na naman ang ating pupuntahan ngayon. Kabilang ang bansang ito sa tinatawag nating Malay Archipelago, isa sa mga kilalang landmark ng Indonesia ay ang Templo ng Borobudur.

Isa sa pinakamalalaking templo ng mga Buddhist sa buong daigdig. Jakarta, ang kabisera ng Bansang Indonesia. Pahasa Indonesia ang opisyal lawika nito.

Dutch East Indies ang dating pangalan ng Bansang Indonesia. Mamanghat magilalas sa isang obrang kinatha ng isang mamamahayag at nobelista ng Bansang Indonesia. Walang iba, Moktar Lubis.

sa kanyang nobelang pinamagatang Senja de Jakarta o Takip Silim sa Jakarta na isinalin sa Filipino ni Prof. Aurora E. Batnag. Pero bago natin basahin, tunghayan at pakinggan ang akdang Takip Silim sa Jakarta, ibigay muna natin ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa nobela upang lubos natin itong maunawaan. Una, ang salitang silyon.

Sa pangungusap na, naupo si Husin Limbara sa isang silyon na kulay tsokolate na gawa sa balat. Sumandal, saka nagsabing, Aray, masakit pa rin ang balikat ko. Wala pa rin doktor na makapagpapagaling nito. Ano ang kahulugan ng salitang silyon? Ang kahulugan ng salitang ito ay...

Armchair sa Ingles. Silyang may patungan ng mga braso. Mula sa salitang Espanyol na Sion.

Ikalawang salita, Rupia. Sa pangungusap na, hinihingi pa rin niya ang suporta ng mga kaibigan niyang miembro ng konseho para makisiguro at nakagasta na siya ng ilang libong rupia para dito. Ano ang kahulugan ng salitang Rupia? Ito ang tawag sa pananalapi ng bansang Indonesia. Peso sa Pilipinas, rupya sa Indonesia.

Ikatlong salita, import. Sa pangungusap na, ang kakailanganin lamang ay pangalan ng isang korporasyon. Yun lang, ibebenta lang namin ang mga makukuha naming lisensya sa pag-import. Maganda tayo ng dalawang plano.

Ang isa'y para sa mabilisang resulta. sa pamamagitan ng mga nag-i-import. Ano ang kahulugan ng import? Tama, tinatawag din itong pag-aangkat o importasyon.

Pagbili ng mga paninda o kalakal mula sa ibang bayan o bansa. Ikaapat na mga hataga, IBU at PAK. Sa pangungusap na Halos magkasakit na rin si Ibu Ijo, ang asawa ni Pak Ijo, sa pag-aalaga sa kanyang asawa. Anong kahulugan ng mga salitang Ibo at Pak Mahusay? Ito ay mga katagang Indones na may kinalaman sa mapitagang pagtawag sa nakatatanda o may katungkulan.

Maaaring nating itumbas ang binibini o ginang para sa Ibu at Pak para sa Ginoo. Maaari din namang aling o nay para sa ibo at mang para sa pa. Depende sa konteksto.

Ikalima at huling salita, gumigiri. Sa pangungusap na kay gandang pangalan, sing ganda ng bulak-bulak na dahlia ang may-ari, gumigiring sabi ni Suriono. Ano ang kahulugan ng katagang gumigiri?

Mahusay, isang paraan ng pagtawag ng pansin sa malambing na pamamaraan. Narito muna ang mensahe Mula sa nagsalin nito sa wikang Filipino, Dr. Aurora E. Batnag. Maalab na pagbati sa lahat.

Ako si Dr. Aurora Batnag. Ako ang nagsalin sa Filipino ng mabelang Senja de Jakarta ni Dr. Lubis na isinalin man sa Ingles sa pamagat na Twilight in Jakarta ni Claire Holt. Ang aking salin kong ngayon ay yung tinatawag na relay translation dahil may namagitan ng lenguahe at hindi direkta mula sa bahasa Indonesia ang aking salin. Alam ba ninyo na sa London unang lumabas sa saling Ingles ang nobelang ito?

Matindi kasi ang panunupil ng Rehimeng Soekarno noong panahon iyon. Isinalin ko ang nobela noong 1988. Siguro wala pa kayo sa mundo ng panahon iyon, pati si Teacher Jamil. Ang nobela ay may siyam na kabanata na ang pamagat ay mga buwan ng taon mula Mayo hanggang Enero.

Hayaan ninyong basahin ko ang introduksyon sa salin. Inilalarawan sa nobelang ito ang katiwalian. at pagsasamantala sa tungkulin ng matataas na pinuno ng gobyerno sa Indonesia.

Kabaliktaran ng maluhong pamumuhay namang ito, ang paghihirap naman ng mga taga-nayon na napilitang lumikas dahil sa kalupitan ng mga tulad. tulisan upang lalo lamang magdanas ng hirap at gutom sa lungsod. Parang sa Pilipinas din, di ba?

Sa kabila ng ditimbang nakalagayang panlipunan, may masisilip na pag-asa sa mga kabataang intelektwal na nagsusuri sa kalagayang sosyoekonomiko-politikal ng bansa. Hindi magtatagumpay ang banta ng komunismo at sa bandang huli, maparurusahan sa iba't ibang paraan ang mga mapagsamantala at makapagbabagong buhay naman. ang iba pang mga tauhan, ngunit patuloy pa rin kumikilos ang mga panggabing magnanakaw na kumakalat sa dilim. Simple at madaling intindihin ang saling sa Ingles na pinagbataya ng saling ito sa Pilipino. Kayon man, tulad ng ibang pampanitikang saling, kinakailangan ang masusing pagbabasa at pagunawa sa teksto upang matiyak Ang lingwa yung ginapit sa salin ay ang kontemporaryo at dinamikong Filipino na ginagamit sa pangaraw-araw na napakikipagtalastasan, madaling intindihin maging ng mga di-Tagalo, ngunit idiomatiko ang gamit at di-balbal.

Sa mga diyalogo, sinikap na mailipat sa Filipino ang natural na pagsasalita ng mga tauhan. Gumagamit ng mga hiram na salita ang mga elitista, samantalang may pagpuputol naman ng mga salita ang mga tauhang kabilang sa masa. Sapagkat iba sa Filipino ang kulturang tinabubuhulan ng orihinal, sinikap ng nagsalin na mailipat ang lasa ng orihinal sa pamamagitan ng paggamit ng ilang katawagang bahasa Indonesia tulad ng mga tawag ng paggalang. Bung, tuan, bapak at iba pa. At mga pangalang walang katumbas sa Filipino tulad ng kampung, gusti at iba pa.

Pinakaingatan ng nagsali na mailipat sa Filipino ang mensahe at tono ng orihinal na akda. Nag-enjoy ako sa pagsasalin ng nobelang ito. Sana kayo rin ay masyahan sa pagbabasa. Maraming salamat.

Isinara ni Raden Kaslan, Direktor ng Bumi Aju Corporation at membro ng Indonesian Party, ang pinto ng kanyang opisina sa bahay at bumaling sa kanyang bisita. Si Huslin Limbara, Tagapangulo ng Indonesian Party. Ayan, wala na makakarinig ng usapan natin. Upo ka. Naupo si Uslin Limpara sa isang silyon na kulay tsokolate na gawa sa balat.

Sumandal, saka nagsabi. Aray! Masakit pa rin ang balikat ko. Wala pa rin doktor na kapagpapagaling nito. Kinuha ni Raden Caslan ang kahon ng tabako sa kanyang mesa.

At may sinabing... Pakikiramay sa sakit sa balikat ni Husin Limbara. Kumuha ang bisita ng isang 555 na sinindihan ni Raden Caslan sa kanyang pilak na lighter na gawa ng Georgia Silverworks.

Humithit ng malalim si Husin Limbara. Marahang nagbuga ng usok habang matamang nakatingin sa mukha ni Raden Caslan. Saglit na hindi mapalagay si Raden Caslan sa pagkakatingin sa kanya.

Ngunit iwinaksi niya ang pag-aalala matapos makapag-isip. Kailangan na naman ng partido ng pera at sa pagkakataong ito, hindi na siya nag-abot ng hihigit pa sa isa o dalawang libong rupya. Gumaan ang kanyang pakiramdam nang mabuo ang ganitong pasya.

Sinabi niya kay Huslin Limbara. Ano bang atin? Parang napaka-importante at napaka-bigat ng problema noong magkausap tayo sa telepono.

May bahagyang ungol na umayos ng opo ni Huslin Limbara bago marahang nagsabi. Isang mahalagang desisyon ang binuon ng lupong tagapagpaganap. Gaya ng alam mo na, malapit na naman ang eleksyon. Kailangan ng ating partido ng maraming pera.

Kailangan magtayo tayo ng organisasyong pangkalakalan para makalikom ng malalaking pera. Sa lahat, ikaw ang napili para maghanda ng plano. Dahil mahaba na ang karanasan mo sa negosyo.

Gusto naming maghanda ka ng malawakang plano na sasaklaw sa lahat ng gawain pang ekonomiya. Huwag kang magalala tungkol sa pera mo. Hindi natin intensyong magnegoso.

Pero kung magiging pangmatagalan ang ilang kasunduan, mas mabuti may tagubili na sa mga miyembong may mataas na pwesto para suporta ng mga gawain ng partido. Anong palagay mo? Pinagmasda ni Raden Caslan si Husin Limbara.

Nakabalita na siya tungkol sa plano ng partido na lumikom ng pondo. Matagal niyang hinintay na maimbitahan siyang sumali sa paglikom na ito. Nakapasok na ang pangalan niya sa mga piling miyembro, ngunit hinihingi pa rin niya ang suporta na mga kaibigan niyang miyembro ng konseho para makasiguro.

At nagkagasta na siya ng ilang libong rupya para rito. Kung susuporta ang mga miyembro ng partido na nasa pwesto, walang problema. Sabi ni Reden Caslan.

Sa lahat ng sektor ng ekonomiya, pinakamadaling hingan ng pera ang mga nag-iimport. Ang ibang sektor ay hihingi pa ng palugita panahon, hihingi ng organisasyon, ng tauhan, tulad ng transportasyon, export o industriya. Pero, walang hinihingi ng anuman ang mga nag-iimport. Ang kakailanganin lang naman, e pangalan ng isang korporasyon.

Yun lang. Ebebenta lang namin yung mga makukuha naming lesensa sa pag-iimport. Maganda tayo sa dalawang plano. Ang isa ay para sa mabilisang resulta sa pamamagitan ng pag-iimport.

Ang isa pa sa pangmatagalan para sa pagbubukas ng mga bangko, industriya at iba. Ah, hindi, nagkamali ang marami sa pagsasabing eksperto si Raden Caslan sa ekonomiya. Natatawang sabi ni Husin Limbara Dali lang yun! Sabi ni Reden Caslan Handang bumili ng lisensa mga importer Lalo na, kumpara sa mga ordinaryong bagay na kailangan bilhin ng tao Kahit patnugutan natin ng 200% Kaya, halimbawang 100,000 rupya ang halaga ng bawat lisensa Mabibenta mga ito ng 300,000 rupya Kikita tayo ng buong-buong 300,000 rupya ng walang puhunan kahit sampera.

Okay? Sabi ni Husin Limbara at natutuwang tinapik ang mesa. Sa kalkulason ng ating partido, kailangan natin ng hindi kukulangin sa 3 milyon para manalo sa darating na eleksyon.

Palagay mo ba? Kaya natin likumin ito sa loob ng 6 na buwan? Sandaling di kumibose na dengaslan habang nagkukwenta.

Walang problema. Sabi niya. Okay. Ulit ni Husin Limpara. Ikaw nang bahalang maghanda ng plano.

Pero may isang pang bagay na kailangan ayusin. Sabi ni Raden Caslan. Ilang porsento ang mapupunta sa partido at ilan sa mga gagamitin taong... Magpapatupad ng plano. May peligro to kahit paano.

Kaya, ah, tungkol sa peligro, bahala ang mga ministro natin. Hindi yun ang sinasabi ko. Mahinang sabi ni Raden Caslan.

Tahid huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa rin pagkakagastusan. Tulad ng buwis, mga sertipiko, at marami pang iba. Ano ang marapat sa opinion mo, Bung Raden Caslan?

Okay nating sa 50%. 50 sa partido at 50 sa mga taong gagamitin natin ang pangalan. Di ba sobra naman yata yan? Nagsususpech ang tanong ni Usin Limbara.

Bakit naman sobra? Sigurado namang makukuha ng partido ang kwarta sa loob ng 6 na buwan. Tugon ni Raden Caslan. Bung Raden Caslan.

Alam mo naman, siyempre, na kailangang lihim na lihim ito. Sabi ni Usin Limbara. Siyempre pa, magiging maingat na maingat ako. Pa, di ba nakatayarin ang reputasyon ko? Tumayo si Usin Limbara, bahagyang yumuko upang di sumakit ang balikat, humakbang patungong pinto bago nagtanong kay Raden Caslan.

Eh, kailan mo kaya madadala sa akin ng plano? Sa loob ng isang linggo. Sagot ni Raden Caslan.

Sige, isang linggo. Awagan mo na lang ako. Sa biranda sa harapan, nakita nila si Fatma na nakaupo at nagbabasa. At sa harap ng piano sa sulok ay naroon si Soriono. Parang tinatamad na humihimig ng ilang tono.

Aalis na ba kayo? Tanong ni Fatma Hindi ba muna kayo iinom ng kahit ano? Salamat! Saka na lang, magandami ng trabaho Suriono, halika rito! Sandali!

Ito si Pak Husin Limbara Tagapangulo ng Indonesian Party Ito ang anak kong si Suriono Kararating lang niya mula sa ibang bansa Sa Ministry ng Ugnayang Pallabas siya pumapasok Kumusta iho? Nyembro ka rin ba ng partido? Tanong ni Husin Limbara habang kinakamayan si Soriono.

Tama na ho ang isa sa partido. Si Bapak na lang. Sagot ni Soriono, malakas silang nagtawanan.

Pagkaraan, inihatid ni Raden Caslan si Husin Limpara sa kotse ng huli na nakaparada sa bakuran. Nang bumalik sa bahay si Raden Caslan, isinaran niya ang pinto, pinagkiski sa mga kamay at pinaglipat ang tingin kina Suriono at Fatma. Pagkaraan, tumawa siya ng malakas.

Pasok na tayo! Bulalas niya sa wikang Dutch. Ayos na tayo. Dugtong pa. Naupo si Raden Caslan sa tabi ni Fatma.

Saka pinalapit si Soriono at nagsalitang parang may ibubunyag na lihim. Sikreto ito. Atin-atin lang. Malaking pagkakwartahan ito.

At mabilis niyang ipinaliwanag sa asawa't anak ang mga plano sa paglikom ng pera para sa partido. Matapos magpaliwanag, sinabi ni Raden Gaslan. Wala kong magtayo ng iba't ibang korporasyon at ilalagay ko si Fatma at ikaw, sa Riono, sa direktor ng mga ito. At sa bawat korporasyon, kahati tayo sa tubo.

Kaya sa hatian, mapapasakamay natin ng... pinakamalaking kita. Ah, hindi ako pwede. Sagot ni Soriono. Empleyado ako ng gobyerno.

Walang problema. Magbitiw ka o magbakaso na matagal. Sasabihin ko sa partido, maayos natin yan. Matagal na nag-usap ang tatlo at marami silang nabuong plano. May kung anong naramdaman si Soriono na minsan may di niya inaakalang mararamdaman.

Ang galak sa pagkakaroon ng pagkakataong makahawak ng ganoong kalaking pera. Ah, bakit nga hindi? Nagpasya na akong gusto ko yun.

Pag nagsawa ako, hindi magbabago ako ng... Nang matapos silang mag-usap, nakumbinsi na ni Soriano ang sarili na walang masama sa kanilang gagawin. Ganyan din naman ang ginagawa ng ibang partido. Naisip niya, bakit hindi rin ako gumawa ng gayon?

Nakahiga si Pak Ejo sa madilim na kwarto sa kanyang dampa. Mula nang bumanga ang kanyang kalesa sa kotse, nilagnat na siya at hindi na nakabangon. Laging sumasakit ang kanyang mga pigsa at bawat sandali bumubulong siya.

Laila ilala, laila ilala. Kasabay ng mga daing, wala siyang kinakain at humihingi lamang ng tubig na maiinom. Kapag mataas na mataas ang kanyang lagnat, nagdidiliryo siya at sumisigaw. Ako!

Sasagasaan ako ng kotse! Hawa po kayo sa matandang kabayo! Saklolo! Halos magkasakit na rin si Ibo Idjo, ang asawa ni Pak Idjo, sa pag-aalaga sa kanyang asawa. Ang kabayo?

Bahala si Amat. Nagahanap nga siya ng damo. Sampung taon na si Amat. Pahanapin mo na siya ng trabaho. Sabi ni Pak Ito.

Sayang nga at napakabata pa niya. Kung hindi, pwede lang siya ang maglabas ng kalesa. Sabi ng babae. Oo nga.

Pwede lang siya sa mga magagaang na trabaho. Sabihin mong kahit anong trabaho, ipira ba tayo? Nagbayad na sa kwato si Simon at Itam.

May inatira pang kaunti. Ipirin mo. Hindi natin alam kung kailan ako gagaling.

Lumabas si Ibo Ito at tinawag si Aman. Mat. Sabi ng tatay mo, maghanap ka na raw ng trabaho para makatulong.

May sakit pa si tatay. Malalim ang iniisip ni Sugeng habang nakasalampak sa silya. Nininerbiyos siya at namumutla.

Nagkukulong si Hasna, ang kanyang asawa, sa kwarto. Nag-away na naman sila. Iyon pa rin dati, ang tungkol sa paglipat ng bahay. Umaaling-aungaw pa sa kanyang tenga ang mga tili ni Hasna. Puro pangakong na pa ako.

Buwan-buwan pangako. Malaki ng tiyan ko. Malapit na akong manganak.

Gusto mong gumawa ng bata, hindi mo naman mabigyan ng disenteng tirahan? Patayin mo na lang ang batang to! Hindi nagtagal ang kanilang galak sa pagkakataas ng pwesto ni Sugeng. Ang bagong pwesto ni Sugeng ay naghatid ng bagong pag-asang magkakabahe na sila.

Ngunit wala pa rin nangyari. Gusto mo bang maging masama ako gaya ng iba? Sigaw ni Sugeng. Pabalik-balik sa kanyang pandinig ang sigaw niyang yun. Allah!

Sa loob-loob niya. Ilalabanan ko ng gusto ang lahat ng tukso. Pero, ang kailangan mabigyan ng buhay si Hasna. At pagpapakasama lamang ang tanging paraan para makuha ang buhay na yun.

Sige! Magiging masama na rin ako para kay Hasna, para sa kanyang isisilang, para sa baby ko. Nangalumbaba siya. Walang katarungan sa mundong ito.

Hindi binibigyan ng pagkakataong manatiling tapat ang mga taong gustong maging tapat. Isang munting bahay, yun lang. At di na kailangang isugal pa ang karangalan. Di.

Ayoko! Ayoko! E ano kung magalit si Hasna?

Iyamo siya! Pero alam niya, susuko rin siya sa gusto ni Hasna. Hindi niya kayang makipag-away kay Hasna bawat minuto tungkol sa bahay. Tumayo siya at nagtuloy sa kwarto.

Sa kamang kinahihigaan nang umiiyak pang si Hasna. Niyakap ni Sugeng ang asawa at bubulo. Sorry, Has. Akong mali, pero pangako.

Ayun ay totoo na. Kakabahay na tayo. Nadamanihas na ang katapatan sa kanyang pagsasalita, kaya yumakap din ito sa asawa. Matagal silang nagyakap. Takip siling sa Jakarta.

Katangih-tangih ito sa mga panitigan ng Indonesia. Ito ang kauna-unahang nobela sa buong Indonesia na nagkaroon ng salin sa wikang Ingles sa kasaysayan ng kontemporanyong panitigan sa bansa. Ang author ng akdang ito na si Mukhtar Lubis ay isang Indones na mamamahayag at isa ring nobelista.

Kabilang siya sa 50 itinanghal ng International Press Institute No World Press Freedom Heroes sa nakalipas na limang dekada. Isa, ang Takipsilim sa Jakarta sa anim na mahuhusay niyang nobela. Talakayin natin ang akdang ating binasa, ang Takipsilim sa Jakarta.

Anong motibo ng pagsulat ni Moktar Lubis sa pagsulat ng Takipsilim sa Jakarta? Tinatalakay! ng takip silim sa Jakarta ang kalagayang panlipunan at politikal ng kabisera ng Indonesia Mayo hanggang Enero sa ditiyak na panahon.

Pangunahing motibo ang pagpuna sa mga gawaing politikal noong dekada 50 sa bansa. Nasa loob ng mga kabanatang ito ang iba't ibang uri ng tao sa lipunan, ang makapangyarihan at mayayamang politiko. Ang mga mamamayang urban na may impluensya ng makakaluraning pamumuhay, ang mga lingkodbayang nasa middle rank, iba't ibang partido politikal at mga aktivista, at ang mga mamamayang nasa labas ng piramideng sosyal at ekonomikal.

Walang iba ang mga maralitang mamamayan. Nais din ipakita ni Lubis sa kanyang akda. ang moral decay ng lipunang Indones at ang paglalarawan sa anyo ng lideratong politikal.

Ikalawang pagtalakay, gumamit ba ng pagtutulad sa mga totoong pangyayari at sitwasyon sa lipunang Indones, ang akdang Pakisilin sa Jakarta. Sino mang mambabasang Indones ay magiging pamilyar sa mga sitwasyong politikal ng dekada seksyo. kwenta sa Indonesia. Alusun ito ng mga prominenteng tao sa lipunang Indones.

Realidad ng lipunang Indones ang nangingibabaw sa akdang ito, lalo na ang kabiguan ng mamamayang magtagumpay sa pagkakamit at pagnanasa sa isang malayang lipunan. Una, ang mga intelektwal na salat sa pagunawak sa kalagayang sosyal ng kanilang sariling lipunang ginagalawan. Ikalawa, ang mga politikong may kakulangan sa magagandang gawi at katangian.

Ikatlo, ang mga mamamahayag na walang sariling prinsipyo at mapagsamantala. Ikaapat, ang mga artista at opisyal na mga unyong ninamanipula na mga partidong politika. Ang mga pangyayari sa akdang takip silim sa Jakarta, ay pakikipaglaban ng bawat bansa sa daigdig. Hanggang sa susunod nating pagkikita at paglalakbay sa Panitigang Asyano, muli ang inyong kaibigang guro, ginoong Hamil Q. Carvajal, magbasa, magsulat, makinig at maghayat. Dahil sa Filipino at Panitigang Asyano, ang karunungan ay patuloy na maglalayag.

Terima kasih, Simuanya. Dirgahayu, Sastra, Pilipina. Music