Good evening po sa inyong lahat. Ako po si Christian Esquera and welcome po sa ating episode ngayong gabi, September 11, dito po sa ating Facts First Podcast. As always, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta po. dito sa ating programa.
Ang pag-uusapan po natin ngayong gabi ay isang bagay na mismo si Vice President Sara Duterte na yung unang nagbanggit. Actually, she has repeatedly mentioned this. Yung idea na meron daw balak na ipa-impeach siya dyan po sa mababang kapulungan, dyan po sa House of Representatives.
Ngayon, konting konteksto lang po para malinaw po yung ating definition of terms. Pag sinabi pong impeachment or in-impeach ang isang... impeachable officer, okay?
Kunwari ang vice president. Ibig sabihin po nun, formally inakusahan ang official na yun na nag-commit ng impeachable offense na base po sa ating konstitusyon. For example, betrayal of public trust, culpable violation of the constitution. other high crimes, etc. Kaya ako pinapaliwanag to para lang medyo malinaw sa lahat.
Hindi po kina-impeach ang isang opisyal, tanggal na siya sa pwesto. Ibig sabihin, formal accused pa lang siya of committing any of those impeachable offense mentioned in the Constitution. Aakyat pa po yan sa Senado kung sakasakali kung saan yung mga senador po ay uupo bilang mga huwes. Sila po yung huhusga whether that impeach official should be removed.
from office. Ina-explain ko lang po para meron po tayong baseline facts dito po sa ating discussion. Okay, ang panauhin po natin ngayong gabi ay si former Senator Sonny Trillanes dahil siya po ay nag-tweet recently. Sabi niya, impeach Sarah Duterte. Gusto natin malaman, meron ba talagang ugong?
Mukhang tama ba yung, may basihin ba para magpanik yung mga tagusuporta ni VP Sara Duterte o perhaps mismo nga yung vicepresidente. So I'd like to welcome to our program si former Senator Sonny Trillanes. Magandang gabi sir and thank you for joining us dito po sa Facts First. Magandang gabi sa'yo Christian.
Okay, pag-usapan natin yun o, nag-tweet kayo, impeach Sara Duterte. I think this was yesterday no? Ano bang pinaguhugutan nung inyong pinost na yun?
Siguro simulan natin doon sa national interest. Ikabubuti ba ng ating bansa na matanggal sa pwesto si Sarah Duterte given yung mga pinakita niya na actions, yung kanyang disregard sa democratic processes, sa constitutional processes, and ano siya, unfit. told the office of the vice president. And ito yan, I believe existential yung threat dito.
Na-imagine natin si Sarah yung pinakita niyang asal doon sa mga nakaraang hearing na na-imagine nyo na yung ganong klaseng tao na yung ganyang temperament niya, yung kanyang psychological instability, e bibigyan mo ng power ng isang president. Ngayon nakita natin yung epekto niyan dun sa panahon ng tatay niya how her father abused and misused power para lang sa kanilang mga sarili interest. At nakikita natin yan dito kay Sarah Duterte ngayon.
So yan yung national interest. I believe the answer is yes. Na nasa national interest natin na i-impeach natin. itong si Sarah Duterte and eventually dun sa trial, makukonvict.
Tama yung sinasabi niyo Christian kanina, impeachment is just the first step but the impeachment trial, yun na yung susunod, yun na yung maguhusga kung nga reconvicted siya or acquitted. But for discussion purposes, para lang pag sinabing i-impeach ito, eventually it... It is taken to me na matanggal sa puwestro via impeachment. Ngayon, yan yung ano natin na panimula.
Okay. So, linawin ko lang, no? So, kayo, naniniwala kayo that it will be in the national interest to have her removed from office via impeachment since binanggit niya yung idea ng possibility na baka maging presidente siya and she would be unfit.
So, you're looking ahead. 2028, tama po ba? No, not only that.
Because remember, as vice president, successor siya sa anything that happens to the president, no? Whether for health reasons, accident or talagang deliberate or impeachment, people power, whatever way na matanggal ang sitting president, siya ang magsasaksid. So dapat kilabutan yung mga kababayan natin dun sa mangyayaring ganon kasi itong taong ito, ay hindi ito marunong humawak ng power. Diba?
Nakita nyo lang yung glimpse noon nung ginawa niya doon sa sheriff. Tapos yung mga statements niya na talagang full of hatred, vindictiveness, at iba-iba eh. It's parang punong-puno ng kuot yung mga ano niya. And finally, na-expose ito nung sa nandodoon siya sa house, talagang wala siya pakialam, just like her father. At yun yung makikita natin.
Now that is, ano lang yan, ano? Yan yung moral basis. Now yung legal basis, legal basis niya, marami.
Aside doon sa sinasabi na ano, yung 125 million. confidential funds. Marami pa tayo na unearth sa kanya ng mga impeachable offenses. Now, sasabihin nila ano ito?
Kailangan during her term nangyari ito. Yan naman yung sinasabing legal. Yung legal, okay, during her term, yung 1 to 5 million na confidential funds na ministries in 11 days.
Meron din siyang 650 million con pesos confidential funds nung 2023, no? Tapos, DepEd and OVP, no? Tapos, itong rig bidding niya nung siya ay DepEd, sekretary, no?
Yan yung legal basis. But then, meron kang kailangan mo ma-establish yung pattern of behavior. In this case, political na ito kasi by extension. Pwede mong isama ito kung maga legal political basis yung nung siya ay vice mayor at nung mga panahon na yun meron siyang na-commit na graft and corruption and bribery. So, hindi dito na nga yung remember yung the problem with that is ano sila eh, joint account sila ni Sarah Duterte.
Kaya yung nangyayari na yun, ay dawit si Sarah Duterte doon. Tapos meron kaming nakita na bribery, two counts of bribery when she was still mayor. Maraming basis na, legal and political basis.
And yung... moral basis na sinabi ko kanina. Sa pagkakaalam nyo, meron bang imminent impeachment case na ipafile kay VP Sara Duterte? Kasi pag kinausap yung mga kongresista, lahat sila nagde-deny.
Pero alam naman natin, in real political terms, a denial does not necessarily mean that it's not true. Ano po ba yung mga natin dinignin nyo? Ganito, no? Kahit sino naman, eh.
Pwede mag-file. So ako, if I won't see them moving within the next few days, I myself might file one. Kasi naka-document na namin yung mga impeachable offenses ni Sarah Duterte. Marami yun. Overd lahat, betrayal of public trust, culpable violations of the Constitution, other high crimes, yung bribery.
um, graft and corruption. So, covered siya, ang daming niyang ginawa, no? Kaya yun yung ano ko, yun yung aking pananaw dito na pag hindi ako nakakita ng impeachment case within the next few days, I myself might file one.
And tignan natin, we will leave it up to Congress kung makakita sila ng merit doon. Ano yung pumipigil sa inyo? Bakit hindi nyo pa i-file yung impeachment complaint against the Vice President?
Right now, I am an outsider. Mas maganda na makita nila kasi sila yung niyurakan. Yung House of Representatives, yung niyurakan ni Sarah Duterte.
Sila yung nakakuha ng mga dokumento about corruption acts ni Sarah Duterte. They have the documents with them and yun na nga. Yung constitutional processes na binaulate ni Sarah Duterte happened in their house. Kaya mas maganda na sa kanila mag-emanate yun.
But kung meron pag-aalin langan, kung kailangan gawin yun, gagawin natin yun. Kasi ginawa nga namin yun sa tatay niya. Yung magdalo ang nag-file ng kaisa-isang impeachment labang kay Duterte.
Kasi nobody dared. E yun, sukdulan yung ginawa noon. Patayan yun. So hindi kami mag-aalilangan na gawin yung act na yan. Yung case na yan, sabi niyo willing kayong i-file kung walang magka-file in the coming days.
Ready na ba yan sa inyo? Kasi nakahanda na, ipa-file na lang? E, ano po, paperwork lang naman yan. That can be done overnight.
So, ang impeachment case naman, pagdating naman doon, it doesn't mean, kasi yung complaint na yun, yun lang yung first step. Pag in-endorse yun at sin-object yan sa committee hearings, pwede pang ano yun, ma-supplement ng iba't ibang... articles, or mabawasan, ma-refine, maraming pwedeng gawin until maging satisfied yung lower house at yun yung kanilang itatransmit sa Senado.
Pero so far, dun sa binubuo nyo impeachment complaint na anytime pwede nyo i-file kung walang magka-file, from among the members of Congress, Ilang articles of impeachment or accusations ang naiisip ninyo? Meron kami na document, mga 22. 22. And ano yung nature? Culpable violation, bribery, betrayal of public trust, graft? Covered siya ng apat na grounds according to the constitution. culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, bribery, tapos yung graft and corruption, at other high crimes.
So lahat yun, covered, dun sa binubuon ninyo. Pero may pakikipag-usap ba kayo sa ilang member ng House of Representatives? Kasi ang proseso yan, kailangan ng isa lang na endorsement po, diba? Wala kami, wala kami pakikipag-usap. Ngayon, Kung wala naman mag-i-endorse, basta finial yun, then we'll see.
Kung may isang patriotic congressman na mag-i-endorse just to get the process started. Hindi kasi ito pwedeng titigal lang o pag-isipan lang because time is of the essence also. Remember, matatapos na yung first half ng termino ni President Marcos. And historically, power shifts. Doon sa mga llamado for the upcoming presidential elections of 2028, so mawawala na yung opportunity mo to impeach anybody.
So from that point on, pag nag-shift na yan, in fact, baka si President Marcos na yung vulnerable niyan. Kasi nakikita nyo naman yan sila Duterte, they're just biding their time. Pagka alam nila yung kartada ng mga ano eh. ng mga politiko sa Pilipinas.
Pagka nagbago ihip ng hangin, talunan yan. At pagka tumalon yan sa kanila, gagamitin nila yan. They will use that power to the hill. They will not hesitate.
So, yun yung kailangan na ma-appreciate dito. Speaking of timing, Senator, meron bang sapat na panahon para mapuoo itong proseso na ito? Kasi by next month, October 1 to 8, Filing na ng Certificates of Candidacy, marami na sa ating mga opisyal nakatutok na sa kanya-kanyang kampanya kahit hindi pa officially start yung election season at yung election period at yung kampanya. I believe meron pa.
Meron pang panahon yan. Kasi kung ang comparison lang natin, doon sa panahon ng impeachment ni former President Erap Estrada, ano yun? Gumulong yun around this time also. Tapos diba nga na hinto yun ng January 2001. It's also an election year at the time.
So hindi pa tapos yung presentation of evidence ng prosecution nung it was abruptly cut short tapos diretso ng Edsa Dos. Pero kung nagtuloy-tuloy yun, naabot ng panahon ng kampanya yun. I believe there are ways around that kasi ito ano to eh.
This is an existential issue na kailangan harapin ng Marcos administration. Speaking of timing, binanggit niya rin kanina na time is of the essence, na hindi dapat maging presidente, sabi niyo, itong si Vice President Sara Duterte. Wala long, I was thinking na you were thinking of 2028, yung pala mas immediate yung concern niyo. Kung ganun yung framework na pinagagalingan ninyo, Meron ba kayo nakikitang seryosong banta dito sa pamumuno ni BBM na baka matanggal siya at mag-assume si Vice President Sara Duterte?
Hindi pa ba ginawa na nila yun? Diba ilang beses sila nag-attempt yung mga polporon video? Hindi pero how serious at this time?
How serious? Ang sa ganyan kasi, alam naman natin yung mga nangyari ng nakaraan. These things can just snowball.
Hindi pwedeng como may lull ngayon, may apparent calm. Hindi ibig sabihin nun, ganyan ang magiging situation until the end of the term of President Marcos. Hindi naman ganun.
Nakita natin, isang political crisis lang, it can trigger something. So yun yung mga pwedeng tignan. Pero ang general ano nga natin dito is yung kanyang unfit to hold public office of any sort. When she was mayor, she abused their power. Now that she's vice president, she is abusing power.
Nakikita nyo yan. Kumaga bumabalandra sa mga mata natin yan. Hindi pwede nga hayaan na naman natin. Mumula tayong presidente na yan. Kung ano mangyari, no?
Assuming, just an accident, ano? May mangyari kay presidente. God forbid na mangyari yan.
She assumes power before 2028. Therefore, she is eligible to run for election in 2028. Anong palagay mo? Matatalo ba yun? GMA formula yun. So yun ang gusto ba natin yun? Kumbaga parang aantayin pa ba nating mangyari yun para maramdaman natin yung nilalataya na tayo sa likod at sabihin natin, o nga pala, sana pala na-impeach natin itong taong ito.
Wala na yun. Tapos na yun. Water under the bridge. So what I'm saying is, nandito na, merong legal basis na to impeach her. The window is closing.
Might as well do it. Ganun lang yung kasinti. But are the conditions ripe for a successful removal of the Vice President by impeachment? Hindi mo malalaman yan until you actually try.
But ako nakikita ko dito sa display niya, ginawa niya lately, I think maraming sa mga kababay natin na okay lang sa kanila. Of course may mga holdouts yan sila sa... sa Region 11 probably, syempre ayaw nila mangyari yun. But, Ganon din naman. Kay President Estrada noon, kahit binoto siya overwhelmingly ng mga tao, kababayan natin, tinuloyan pa rin naman nung grupo nila Gloria yung impeachment niya.
So, I think yung timing na yun is secondary doon sa national interest at doon sa moral. justification for an impeachment. So I believe na satisfied na yun. Okay. Hindi kaya ako tinatanong yung senator kasi alam natin lahat yan, di ba?
Kung baga, aware naman ng mga Pilipino dun sa impeachment ni Erap dun 2000. December 2000 siya na-impeach and then natanggal siya 2001. Tapos si Renato Corona, 2012. Alam natin na malaking bahagi na impeachment case ay political, hindi lang legal. So, dun sa mga nagpaplano, dapat iniisip din yung political conditions surrounding such a case. Kaya yun po yung konteksto ng tanong ko. Kasi ngayon mukhang weak yung mga Duterte dahil sunod-sunod yung mga issues and rightly so, dapat naman talaga na panagutin sila rin sa mga legitimate issues na nire-raise. Pero pag pinagsama-sama nyo ba iba't ibang factors na yan, sa tingin nyo, that should provide enough confidence kung sino man yung nag-iisip na mag-file ng complaint against her.
Ang gaya nga na sabi ko, Christian, you won't be able to achieve the optimum state. Ika nga, na ito na, ideal na ideal. Hindi yan.
May mga room for chance. Ika nga, may mga ganon. You will just have to take that leap.
Pero kung alam mo na tama itong ginagawa mo, morally, legally, no? tapos nasasagot yung national interest dito, then dapat yun ang magbibigay sa iyo ng motivation to do the right thing. To do that thing because you know that it's right.
So yan yung tinitingnan natin. Ngayon politically, yung sinasabi mo, yung political timing, political context, gaya nga na sabi ko, the first half ng termino ng sitting president, that is where he is. Most influential politically.
So that's where the power is concentrated dun sa first half. Pag second half, pag natapos na eleksyon, mabilis bumitaw yan. Kaya nga ang nangyari dun sa mga impeachment na nakaraan, nangyari siya ng first half.
Yung kaya... Chief Justice Corona nun nangyari ng 2012. 2012 ng January yun eh, na-transfer yun sa Senate. Ano siya? Talagang parang wala nga build-up eh towards that.
Basta talagang nakita lang ni President Aquino that... si late Chief Justice Corona was not fit to hold the office of Chief Justice at merong national interest na matanggal siya sa pwesto na yon, di tinuloy. Wala yung political conditions. So, nangyari yun. And the people saw na may basis naman pala later on.
Pero hindi naman kaya ma-flip ng mga Duterte yung script or mga For lack of a better word, or use this to their advantage para sabihin sa mga tao, kita niyo na what we have been saying all along was correct. Talagang ginigipit lang kami. Lahat ng mga nangyayari na ito, all this was meant to actually pressure us para tanggalin kami sa pwesto. Baka naman magamit nila yung ganyang effort to their advantage.
Yan yung kanila magiging communications plan. Ganun yung kanilang pang-counter. Pero, Yung narrative dapat dito ang nagko-control yung Marcos administration. Kasi ito yung narrative. Kailangan nilang kumbinsihin yung taong bayan na nararapat tanggalin sa pwesto si Sara Duterte because you saw for yourself kung paano siya as a person.
Di ba? Sabi ko nga eh, using the street term eh, metopaki. Di ba? May topak. Tapos bibigyan mo ng power ng presidency to later on.
Right now, ang power ng vice presidency, awak niya. And successor siya. anything that happens to the president, she can be president at any moment. And along with that, eligible siya to run for re-election sa 2020. Ngayon, yung narrative, counter-narrative, ano yan eh, given eh yan.
Hindi ka pwede magpapadikta dun sa potential na sasabihin nila. Kasi pagka ganun, parang ikaw yung nire-remote control nung kalaban mo. Hindi, dapat may nararapat. And yun na yun, makikita naman yung taong bayan kung tama yung nangyayari o hindi.
Ultimately, it will all boil down to numbers. Ito pinag-uusapan natin, of course, lahat naman ito hypothetical and speculative. Wala pa naman talagang finafile.
Pero ultimately, ang magiging clincher dyan, kung meron bang enough numbers sa Senado to remove her by impeachment. and by removing her, hindi na siya pwede tumakbo for public office. Diba yan ang pinaka outcome?
Meron ba siya numero so far sa tingin nyo? Kung ngayon mangyayari yan? Yung si BBM for instance, in favor of removing the vice president? I believe so. Sabi ko nga, having gone through an impeachment process myself, meron kang basis as a senator, as a representative of the people at large, meron kang...
basis kung masasabi mong justified yung magiging hatol mo, whether conviction or acquittal. Ngayon, yan ang ngayon yung isusupply ng ebidensya na ilalabas. Kung how so yung ilalabas na ebidensya sa impeachment trial, eh, may hirapan.
Kahit kaalado ka ni President Marcos, may hirapan kang mag-convict, no? Kaya kailangan medyo solid yung ebidensya mo. So yan yung legal component.
Then yung political component, kailangan, ano yun, ito yung pag-aarticulate through an effective communications plan. Pag na-articulate dyan sa taong bayan na ito yung ginawa ni Sarah Duterte, ito yung mga krimen niya, kaya karapat-dapat lang siya matanggal. Pag na-achieve yun through an effective communications plan, so yung political component na yun, yun naman ngayon yung magpapadali. sa desisyon ng mga senador to convict.
Kasi pagka yung taong bayan ay nakumbinsin na ay karapat-dapat lang palang tanggalin, madali silang mag-convict. So yan yung mga aspeto na kailangan titignan, hindi lang nga yung purely legal kasi may political component dyan. Okay, speaking again of the political component, e kamusta naman kaya yung magiging credibility ng mga kongresista kung sakaling i-impeach si VP Sara Duterte? Kasi yung House of Representatives, base sa proseso, sila yung magiging prosecutor, di ba? Ng vice president, at ang magiging juez ay yung mga senador.
E ngayon, sa bakbakan sa pagitan ni VP Sara Duterte at mga kongresista, binabati yung mga issues kay VP Sara Duterte. Digit naman yung paggasta ng budget pero bumabaan natin yung Vice President pagdating doon sa mga Kongresista. Ang dating sa akin at least, parang pinapalabas yung Vice President, wag kayong magpaka-ipokrito.
Yesterday, binanggit siya na dalawa lang daw may hawak ng pondo ng Pilipinas, si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at si Congressman Zaldico. Nag-deny naman si Zaldico pero alam naman natin na very powerful naman talaga yung dalawa when it comes to the budget. So again, we go back to the question. Kumusta naman yung credibility ng mga congressmen natin? So yan naman yung counter-narrative.
May narrative nga, counter-narrative. Nakita mo, ano to, pakbakan ito dun sa communication space. Ngayon, if you're talking about the prosecutors, nakita ko dun sa committee hearings, dun sa House. Maraming mga magagaling na lumalabas. In fact, objectively speaking, yung mga hearings sa Senado at sa House, sa Senado ang nagdadala na lang si Sen. Riza sa quality.
Kasi yung iba hindi naman sumisipot. Yung mga sumisipot naman, medyo... Huwag na kayo mahiya. Alam ko yung sinasabi niyo.
O, itong sa house, nakita mo, may mga magagaling na lumalabas. Aba, pag naging prosecutor yan, palagay ko mamimilipit si Sarah Duterte dyan. She won't be able to explain.
yung mga krimen na i-accuso sa kanya. I actually agree, Senator. Pag pinapanood ko yung quadcom hearings, reluctantly, naaamin ko sa sarili ko, mas maganda yung mga tanong ng mga kongresista kumpara din sa quality ng questions sa marami sa mga senador natin. Yan, totoo naman yung sinasabi nyo. Okay.
Ngayon, dito sa mga issues na binabato sa mga Duterte, ano sa tingin nyo yung may pinakamalaking impact? Somehow, the biggest hit when it comes to the vulnerability or political vulnerability of the Dutertes, in particular, si VP Sara Duterte. Marami yan, di ba, yung pagkakaaresto kay Kibulo, yung anak ng Panginoon, yung ICC.
Ano sa tingin niya yung yung epekto ng bawat isa na yan? At ano yung pinakamalaki? Sa tingin ko kasi, for some reason, hiwalay eh. Hiwalay yung tama. sa Duterte sa father and si Sarah.
Naihiwalay sila. Hindi pwedeng sasabihin mo pag tinamaan itong kay Kibuloy, tinamaan kung ICC o kung naman, ma-automate kay Sarah. For some reason, while it is true, meron din siyang tama, pero hindi ganun kalaki.
Naihiwalay siya. Pero itong issues directly against her, Itong 125 confidential funds, 650 confidential funds sa OBP DepEd noong 2023. Tapos yung kanyang peace and order funds at confidential funds noong siya ay mayor. Grabe yun, billion-billion yun. Makikita nila yung pattern of behavior.
Pero ang pinakang malaki, based doon sa mga na-document namin kay Sarah, ay yung cheque na in-encash niya. Dalawang cheque na in-encash niya sa isang drug lord associate ni Michael Yang. And ito, nandudoon ito nung nangyari ito nung mayor siya.
So back in 2011-2012. And ano yan, may paper trail yan, may money trail yan. So mabigat yan. Pagka tumuloy ito sa impeachment court, ano yan? white flag na kagad yan, hindi nila madedeny yan kasi sa impeachment court yung mga bank executives na yung ipapatawag, hindi na nila pwedeng stonewall ito o denial lang kasi ang magiging witnesses ng prosecutor would be the bank executives themselves yun, yung mga sa BPI, sila mismo nga harap dyan, sila mismo maglalabas ng cheque na in-cash nila nila sa ARA At dito, hindi lang sila yung nag-encash ng cheque.
Under their name. Si Pulong meron din, si Baste meron din, si Digong meron din, si Hanilat meron din. Ito yung final ko noong 2016 pa. Alam mo, sinasabi nila, ano lang naman yan, gawa-gawalan daw.
Sige, tignan natin ngayon. Manginginig yung mga yan. Okay, pakirefresh naman yung memory ko. Hindi ko maalala yung exactong check and encashment.
2016, ano po nangyari sa kaso na yan? Ganito po. Noong 2016, nag-file ako ng plunder case kay Duterte.
Ang ginamit kong ebidensya ay yung mga bank accounts that eventually ay kinonfirm ng Office of the Ombudsman na galing sa... Anti-Money Laundering Council kasi nag-request sila ng copy nila at parehas yung kopya sa akin at yung kopya nila. So doon, 2.4 billion pesos worth of transactions ang nakita na pumasok dun sa account ni Duterte na incidentally, ano ito? Joint account ni niya with Sarah Duterte. Isang issue yan.
Bukod pa dyan... Wait, sorry sir. Sorry, time out lang. 2.4 billion worth of transactions.
Pero ano yan? Pinaghalo-halo lahat ng pumasok na pera? Pati yung na-withdraw?
Or you're talking about the deposits only? Kasi bihira mag-withdraw. Puro credits yun. So 2.4 billion ang bilang namin nun.
Personal account ni Lazara, Pulong, Bastet. Hanilet at saka si Digo, meron pang pumasok sa kanila na in-incash na cheque mula dito sa drug lord associate ni Michael Yang. At yun ang pinakamabigat dyan.
Yun ang magiging clincher dyan for the senators. Believe me, mga ngatong tong mga to. Pero ano nangyari sa kaso na yun noong 2016? Eh, inupuan yun.
Plunder yun eh. Pending pa niyo po siya or nabasura na formally? Hindi.
Hindi pa. Kasi ang nangyari noon, inimbestigahan nito ni Deputy Ombudsman Carandang, Arthur Carandang. Na tinanggal? Noong na-confirm niya na, oh, ito nga, parehas yung ginamit ko na ebidensya, doon sa kanilang ni-request sa Anti-Money Laundering Council, tinanggal siya ni Duterte. Biruin mo, yung nag-iimbestiga sa kanya, tinanggal niya sa pwesto.
So that was the end of it. Ngayon, hindi naman mag, ano pa eh, hindi pa relevant yung mga Sarah Duterte accounts at that time. Pero ngayon, relevant na siya because of this impending impeachment case. Mabigat ito.
Mabigat. Doon pala sa 1-2-5, hindi niya na ma-explain yun. Paano mag-inasus yun in 11 days? Nako, makikita nila yung taong bayan na walang ano ito, wala itong pakialam sa accountability mechanisms natin. Pero ang pinangang mabigat doon, yun na nga, may cheque, may paper trail, may money trail.
Bribery yun, graft and corruption yun. Pumasok sa, ano, in-incast niya. in-incash eh kasi managers checks ito eh.
So doon sila huli. Pero assuming nga na merong ganyang ebidensya at mabigat, di ba pwedeng i-argue na hindi pa naman ako vice-presidente nung nangyari, di umano yan eh. And why would that be used against her? Yes.
Pero na-imagine mo how weak that argument is. Na tipong oo, gumawa ako ng crime noon. Dali ka pa rin. Ngayon, ang decision kasi ng eh- ng mga senador, eh yung totality.
Hindi naman nila pwedeng tanggalin sa utak nila na nangyari yung portion na yun, na gumawa ka ng krimen. Plus, kung i-argue ng prosecution na ito yung pattern of behavior, corrupt ito, mayor pa lang ito, corrupt na ito. Diba? Tapos ito ngayon.
Kasi billions, billions din siya eh. Yung confidential funds niya nung siya ay mayor. And ito, nakuha namin. Nakakuha kami ng walong copies ng sal-ends niya.
Isa pa yun. Hindi niya na-declare lahat yun. So ano ulit siya?
Culpable violation of the Constitution. 22 nga ang nadodocument namin so far. 32?
22. So mukha ready na pala kayo. Hindi naman. This is the thing. Mukhang ready-ready na. Anytime.
Pwede na i-file, di ba? Tinitignan lang natin. We're giving them the chance na sila ang gumawa nito kasi sila dapat ang gumawa niyan pero kung kailangan gawin, gagawin natin yan.
When you say sila, sino specifically yung tinutukoy niyo po? Dapat yung House of Representatives. Kasi sabi ko nga, yung violations, yung impeachable offenses na major as vice president, ginawa doon sa kanilang house. So sa bahay nila ginawa yun. So dapat sila yung, if at all, dapat supplemental na lang yung mga informasyon na ibigay namin.
Tahanan pala natin, Senator, yung pagkaka-aresto dito kaya Pastor Apollo Quibuloy. A lot of people thought that was unimaginable given the political influence of Apollo Kibuloy during the time of President Duterte. Pero ngayon, nakaditin niya, merong mugshot, kumbaga he looks very vulnerable.
Gano'ng kalaki epekto niyan for instance? Kasi ang basa ng iba dyan, kaya palang gawin. Kung sakali maglabas ng warrant of arrest ng ICC at nag-cooperate niya ang Philippine government through the inter... Interpol na una ko nadinig sa inyo mukha bang mas hindi na mahirap At least nabasagin yung mystic na yun na hindi maaresto yan.
Given what happened dito kay Pastor Apolo Quibula. I agree. Parang dry run ito nangyari.
Parang dry run. So, symbolic ito ng end of the era of the Duterte Empire in Davao. Yan yung symbol.
Kasi isa yan sa mga acolytes ni Duterte. Si Kibuloy, yan yung mga untouchables. Tsaka front yan ni Duterte. Yung mga pera ni Duterte, yung mga ninakaw niya all the decades na mayor siya, tsaka ng presidente siya, ang taga-sube ay si Kibuloy.
Kaya nga, dali-dali siyang naging administrator. Hindi coincidence yun. Nag-worry itong...
si Digong na baka makumpis kayong mga ari-arian ni Kibuloy, kaya ano siya. Pero dapat napaka-obvious yun sa mga babae natin. Talagang yung kayamanan ni Kibuloy, kay Duterte yan.
So anyway, going back, very symbolic yun politically. Ito na yung start ng unraveling of the Duterte Empire sa Davao. Tapos, dun sa ICC naman na sinasabi, kung pupunta man tayo dun eventually, e dry run na yun. Hindi na mag-gugulat o mabibigla yung mga tao sa mga mangyayari, kung eventually man. Okay.
Former Senator Sonny Trillanes, maraming maraming salamat po for joining us tonight dito sa Fox First. Mag-uusap pa po tayo, antabayhanan ko kasi sabi nyo, kung wala magka-file in the coming days. eh kayo na yung mag-file. So, by next week yung kasakasakali. Okay.
I'll keep in touch, sir. Maraming maraming salamat po. Maraming salamat, Christian. Yan po si former Senator Sonny Trillanes nakausap po natin.
Ano bang tingin nyo? Mukha bang mapapanahon? Tama ba yung pagkakataon at yung kondisyon para mag-file na impeachment complaint against Vice President Sara Duterte? at matanggal siya after impeachment trial.
Tingnan natin, it's a very complicated process. At tutal, napapagusapan naman yan lately. I would encourage you, kayong mga viewers po natin, tsaka listeners dito sa Facts First, na mas pag-aralan po yung proseso ng impeachment. It's a very interesting process. hold accountable impeachable officers of the Philippines.
Example, the President of the Philippines, the Vice President, diba, noong 2012, na impeach at natanggal via impeachment yung Chief Justice, the late Renato Corona. So, hindi kasi ganun kadali. Kaya kung napansin niyo, diba, yung mga tanong ko very specific.
Dahil, Madali mag-file impeachment, pwede meron kang basis. Pero you have to make sure that all other factors would come into play and would work to your advantage. Even then, walang kasiguruhan yan. So lagi may risk yan because a big part of an impeachment process is the political aspect. Tama yung ano, yung mga binabanggit ni former Senator Sonny Trillanes, yung iniisip niya na hindi mo naman maalala.
laman until subukan mo. Pero, let's see. Kasi ako personally tingin ko dyan, parang masyado yata kahit may basis man, no?
Assuming meron talagang malakas na basis, baka kapusin eh. Kasi next month, ano na? Magka-file na po yung mga kakandidato ng kanilang Certificates of Candidacy, October 1 to 8 po yan. Kahit hindi pa po simula officially ng campaign or election period, alam naman natin sa Pilipinas napaka-aga ng campaign season eh.
Parang ano yan, parang... Parang Pasko. Pagpalo ng Burmands, Pasko na sa Pilipinas.
Extended until Feb. Sometimes even March. Ganun din.
Ang election season sa atin, masyado maaga magsimula. And tama. Kung meron man nagbabalak mag-file yan, the window is very, very small.
Medyo nagsasara. Kasi imagine ninyo, Kung sa tingin nyo natutuwa kayo dun sa ibang mga kongresista, ilang mga legislators, kung sa tingin nyo, uy, gagaling ah, parang pinaglalaban yung tama o nararapat para sa interest ng mas nakararaming Pilipino. Pero pupusta ako sa inyo, pagkatapos ng May 12, 2025 midterm elections, at kung sakaling bumalik yung dating lakas ng mga Duterte politically at manghina yung political power influence ni President Ferdinand Bombo Marcos Jr., marami po sa mga nakikita niyong matatapang na mga kongresista ngayon, pabaligtad.
Abangan niyo po yan. Kasi alam nyo po, sa politika, bibihira siguro yung mga politiko na talagang ang kanilang desisyon, ang kanilang aksyon ay guided ng matibay na prinsipyo o ideolohiya. Karaniwan, at dinignaman natin ito, kasabihan na nga yan, No permanent enemies, no permanent friends, only permanent political interests.
Actually, pag pinapanood ko yung mga hearing dyan sa House of Representatives, Yung mga bago, yung mga neophyte congressmen, yung mga anak ng mga political dynasty, yung mga produkto ng political dynasty siyang iba, okay lang naman. Sige. You have to give them the benefit of the doubt. And ako honestly, ang tingin ko dyan sa mga pagdinig ng Quadcom dyan sa House of Representatives, talaga mas magaling. Sa ngayon, ha?
Kumpara dun sa mga napapanood natin ng pagdinig dyan sa Senado. Ah, diba dun sa hearing sa Senado yung mga dami nakikisawsaw ngayon sa Pogo hearing pero pag tinignan nyo sino lang ba talaga yung mga senador na consistently ay tumutok dyan. Risa Ontiveros at saka itong si Senator Sherwin Gatchal yan. Iba, biglang nagdatingan, biglang nakikisawsaw, biglang antatapa ngayon. Okay lang yun dahil trabaho nila yun.
Gusto ko lang sabihin. Bakit ngayon lang? Di ba?
Sana noon pa. Kasi napaka-importante ng issue na ito eh. Bakit?
Baka dahil nararamdaman nila, ah, mas fashionable lang ngayon maging ano, anti-POGO. Eh, ang dami sa inyo, bumoto eh. To legitimize POGO operators eh. O, ang tatahimik nyo ng panahon ni President Rodrigo Duterte eh. Iba nga sa inyo, puro sip-sip eh.
Tapos ngayon, ang tatapang nyo. Pero again, okay lang yun. Kinocall out ko lang kayo para on record yung kasipsipan ninyo. Pero okay yung ginagawa niyo ngayon. Pagdating naman sa house, minsan napapaisip din ako, no?
Ibang mga nakikita kong kongresista rito. Grabe manindigan, ah. Not so long ago, kayo yung mga tuta ni ano eh, ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Especially, diba, nung kinatay yung franchise ng ABS-CBN. Naalala niyo ba yun? Ibarang sa mga nakikita kong kongresista ngayon, sila yung mga...
Ah, talagang nagsulong eh kung anong gusto ng Pangulo eh. Diba? Kung ano ng mga arguments yung ginamit eh. Well, ganun talaga.
Eh, ano yan, weather-weather lang yan eh. Sa akin lang, eh, you have to accept the fact. That is the reality in Philippine politics. Hindi porki ngayon mukhang bida yung mga kongresista.
Ilang mga political for that matter, after ng 2025 midterm elections, pwedeng ibang anyo na naman yung mga yan. And they always find a way to justify their political alliances or how they identify as politicians. Para may spectrum, di ba? Pag ito yung presidente, I identify as Pro Marcos. Pag ito na yung presidente, I identify as.
Ayos ah. Parang sa gender lang, may spectrum. Agree ba kayo sinasabi ko o hindi kayo naniniwala?
Honest opinion ko yan. Pero again, you have to give it to members of the House of Representatives ngayon in particular. Kasi maraming magagalingin, maraming lumulutang.
Nagugulat ako, lalo yung mga bata. Although hindi lahat ng mga nandun sa young guns, meron silang parang branding, mga batang kongresista ngayon. Magagaling. Marami sa kanila magaling pero I can cite at least one na medyo na-disappoint ako.
Sabi ko, pala ako dati magaling eh. Parang hindi masyado. Hindi ko na babanggating kung sino.
Okay. Pero yung iba magagaling ah. Seryoso.
So, ano yan. Maganda na merong mga ganyang boses dyan sa House of Representatives. In terms of holding people accountable. Kasi nga, yung issues na yan.
Pero syempre, Dapat nakatutok din tayo dun sa paggasta for instance sa mga kongresista. Paano ba nila inaalocate yung budget? Paano ba nila binubusisi?
Dahil habang tama yung pagtutok nila doon sa budget ng Office of the Vice President, ng Department of Education at iba pang mga ayan siya ng gobyerno, dahil talagang kailangan mag-exercise sila ng kalang oversight function during the budget deliberation process. Eh dapat sila rin mismo siguruhin na walang putik na may iba ba ito o ma-discover mula sa kanilang mga hanay. Ayan. Yung tinatawag na power of the purse ng Congress. Honestly, that is such a big term.
At pag nakita niyo yung raridad sa politika natin, malakas talaga. Powerful talaga ang Kongreso. pagdating sa pondo.
Example lang, di ba yung PhilHealth ngayon? Na huwag nyo sanang kalimutan kasi medyo natatabunan yung issue eh. 89.9 billion pesos yung tinransfer dahil additional, ano raw yun, excess fund ng PhilHealth. Kaya meron ngayon petisyon dyan sa Korte Suprema para ibalik yung na-i-na-i-transfer na from PhilHealth doon sa National Government, doon sa National Treasury.
Tapos para hindi matuloy yung iba Pero mukhang hindi naglabas Hindi siya pinahinto ng Korte Suprema Diba, dun sa panayam natin Dun sa mga proponents Dun sa mga nag-file Sa mga petitioners Nung petition dyan sa Supreme Court For example, yung ekonomista na si Prof. Shelo Magno Congratulations, talagang Ang lakas ng kanyang podcast Sana supportahan nyo Chikehan with Prof. Shelo I-search nyo lang sa YouTube Prof. Shelo Magno Ayan. Kaya yung sinasabi niya, kung meron excess fund, dalawa lang dapat yung pupuntahan yan. Palawakin yung coverage ng benefits ng PhilHealth members or number two, ibaba yung premium. Eh, hindi naman din nalaro yung 89.9 billion eh. Tapos, ang argument at Department of Finance, eh, mas gagamitin natin sa mas kapakipakinabang.
Diba siya mismo nagsabi, si, ah, si Prof. Shelo, eh, nakalusot yung provision na yan eh sa bay kami. Diba ang powerful ng Congress? Sipin nyo, nakailusot yun sa BICAM.
89.9 billion excess fund ng PhilHealth. Kukulin sa kanila when in fact dapat dinadala yun sa pagpapababa ng premium ng mga members at saka para sa pagpapalakas. ng coverage ng PhilHealth. Diba? Ang daming ang problema ng PhilHealth ngayon, tapos babawiin mo yung ganong kalaking salapi.
Kaya, mabuti nga, meron mga tumututok sa issue na yan. Example, si Dr. Tony Lachon, si Dr. Mengita Padilla, na makakapanayan po natin this week, kakausapin ko po siya tungkol dyan sa kanilang petisyon patating po rin sa pag-transfer ng almost 90 billion pesos in PhilHealth excess funds. Ayan.
Marami nang ngyayari. Okay? Inillustrate ko lang yan para ipakita sa inyo na, yun nga, pinalusot ng kongreso eh.
Tapos iba kayo nagtatapang tapangan, diba? So, ano naman ang ano ang dapat gawin natin bilang ordinaryong Pilipino? Anong dapat gawin nyo bilang ordinaryong Pilipino?
Eh, dapat maging mapanuri kayo. Dapat. Hindi porke parang namesmerize tayo dun sa galing ng ilang mga politiko, kunwari mga kongresista, even vice president, e hindi natin makikita yung hypocrisies na meron sa kanila o inconsistencies dun sa kanilang mga aksyon.
Dapat dun tayo nakatutok. Hindi porke namarkahan na natin na si congressman idol ka yan, ang galing niyan. Hindi porke ganun yung pag-iisip natin, wala na magagawang mali yan. O i-justify na lang natin yung maling ginagawa nila dahil ayaw natin. Mabago yung ating idea tungkol sa iniidro natin.
Huwag ganun. Okay? Sabi ni Jessar Barr, pa-impeach din si Recto.
Hindi po ma-impeach si Secretary Recto dahil isa po siyang cabinet official. Hindi po siya impeachable officer. Kung gusto siyang tanggalin ng presidente o mag-resign siya, ilan po yung paraan para matanggal siya?
Ayan. Okay? Sino pa ba?
Tega lang, ito may mga babatiin tayo. Unahin na natin yung nag-email pa sakin kasi nag-effort siya para mag-email sakin para lang murahin ako. So ang pangalan niya si Jesse Kadizal. Ayan. Nag-email siya sakin kagabi, 11.18pm.
Jesse Kadizal, shoutout sa'yo. Salamat sa pag-email sakin at sa pagmumura sakin. Sabi niya, si-shorten ko na lang ah. PI mo, bobo.
At least nag-effort, diba? Kaya talaga, iba nga nag-chat-chat lang eh. Mas madali eh, no?
So si Jesse Cadizal, kung totoong tao man ito, eh nag-email pa siya sa akin para lang murahin ako at tawagin akong bobo. Nasabi ko lang, shout-out sa'yo at God bless you. Okay?
Hindi ko alam kung ano yung mga sinabi ko na ikinagalit mo. So sana, tutukan mo yung mga sinabi ko. Suriin mo meron ba akong maling sinabi O baka naman tinamaan lang yung ilang politiko O isang politiko na iniidolo mo Pag ganon Siguro magkaroon ka ng konting ano Pagsusuri ng iyong konsensya Pagsusuri ng iyong pagtingin sa mga bagay-bagay Kaya Baka may mali Diba?
O baka naman ako yung mali Pero convinced ako wala akong maling sinabi Diba? At saka malinaw po yung prinsipyo na tinitindigan po Yan lang Okay, eto naman, shoutout din kay Enri Vidamo Esguera. Binabati natin ang kanyang mommy na birthday po today, September 11. 96 years old na po si Mamfe Aure Vidamo.
Yes, gera. Ayun. Happy, happy birthday po.
Mamfe, ngayon September 11. Maraming, maraming salamat po. Tapos, ang ating kaibigan na sa Aileen Perez from GMA7. Bigating opisyal dyan sa GMA Network, no?
Matalik na kaibigan po natin yan. Hindi ko lang alam kung tinuturing din niya ako na matalik na kaibigan. May pabati siya. Ayan. Binabati natin yung parents ng manager nila.
Yung manager nila ay si Miss Audrey Dumasian. At binabati po natin ang kanyang mga parents na si Rose and Buddy. Ayan.
Ako, marami salamat po. Ma'am Rose and Sir Buddy. At binabati na rin po natin si Miss Audrey Dumasian. Of course, ang ating kaibigan na si Aileen. Perez.
Dati po yung ano, yoko na. Baka ako alam pa masabi ko. Pan-fan po kasi ako ng KMJS eh. Pan-fan po ako ng KMJS. Lalo na pag may feature sila doon sa ano ba yun?
O, yung nawawalang underwear. Gustong gusto ko talaga yung mga episodes nila dun eh. O yan. Okay.
Shoutout sa'yo. Sa mga kaibigan natin dyan sa GMA7. Okay.
Ah, sino pa ba? Si Jose Bacani, binabati natin, shoutout from Eastwood City. Maraming salamat sa iyo. Si Francis Laguno, watching from Taiwan, maraming salamat sa iyo. Jennifer Latosa, binabati rin natin ang kanyang mami na si Miss Heidi Latosa.
Sino pa ba? Sabi ni Mr. Augusto Cabanilla sa Senado, medyo malabo na limusot, maraming kasangga yung mga Duterte. Ah, he was talking about the impeachment, no?
Let's see. Si Gilbert Silvestre, binabati natin. Pinapabati niya si Anna Ante Lauri ng Happy Birthday. Happy Birthday po. Sabi ni Just Vincent, Sir Christian, pakigest naman si Sir Atom.
Atom Araulio. Pwede naman, pero ano bang topic natin kay Atom? Tinan natin, pag may magandang topic, ibitehan natin siya.
Sino pa ba? Spod TV, watching from Eastwood. Si Dio Hinampas, watching from Abu Dhabi. Totoy mo kula, hindi ko pwedeng gawin yung sinasabi mo.
Huwag na ka kayo malupiton. Pwede niyang gawin yun, para sa'yo. Pero hindi pwede dito sa channel na to.
Okay. Si Joshelle. Happy birthday sa anak niya.
Ang pangalan ay si May. Happy birthday sa'yo. Okay, si Ojet Wenceslao.
Mag-email din daw siya sa'kin. Pero dito na lang. Pero makumurahin.
Wag ganun. Si Roselito Aberion. Shoutout his watching from Maykawayan sa Bulacan.
Si Meya Sabirano. Maraming salamat din sa'yo. Resti Merillo. Si JP Sumambot. Maraming salamat.
Sinusubukan ko ngayon, hindi muna ako nagsalamin Kasi parang mas madaling basahin eh Nag-e-experiment muna ako Kasi pag nakasalamin ako, parang Gaganoon pa ako eh Para basahin yung mga comments na dito sa screen Sinusubukan ko lang naman, bukas magsasalamin na tayo ulit Si June Miranda, watching from Olongapo City Uh... May troll dito ah. Okay.
Efren de la Cruz, sana mag-guest siya sa General Torre. Ininvite ko siya pero hindi niya sinagot eh. Baka hindi niya nabasa, no? Susubukan pa po natin, no? Sisikapin natin na makakausap siya.
Si Rosario Paredes, binabati natin siya at ang kanyang pamangkin na si Nika Canete. Happy, happy birthday! Oo, si Eli Poblacion, kakatapos lang daw ng Zoom meeting nila and nanonood na daw siya ngayon. Binabati rin po natin ang happy birthday si Carl, si Scar ng Mindoro, pati na rin si Chiku. Yan, binabati rin natin si Chiku.
Tapos si Maita Jasmine Corral, maraming salamat sa'yo. Si Rolando Ramilgo from California, maraming salamat. Si Jeremy Hernandez, binabati natin siya. At ang kanyang girlfriend na si Nika Hernandez.
Nandanas daw silang manood. Si Jojo Calvelo, watching from Houston. Si Amelita, watching from Japan. Si Athan Semera, tanggalin niya.
Dami mo dakdak. Sino ba to? Si VP Sara pa ba pinag-uusapan natin dito?
Sorry, iba na yung pinag-uusapan. Nagsya-shoutout na ako eh. Mukhang ganit pa rin yung ano eh. Mainit pa rin yung ulo niya.
Relax lang. Chill lang, chill. Ayan. Ikaw talaga.
Teka lang. Kumasa. Ayan. Teka lang. Ang bilis.
Gumalaw nitong ano. Hindi ko na mabasa. JP Sumambot, nabati na natin kanina to.
Si Nimfa Rastrollo, maraming salamat din. Sino pa ba? Teka lang, nalilito na ako.
Ang bilis gumalaw nitong chat box natin. Si Tasil Lamay, let's see. Ayan, Dimple T, maraming salamat. Okay.
Masige po, maraming salamat po for joining us tonight. And kita-kita po tayo bukas for another live episode of our Facts First podcast. Ako po si Christian Esguerra. Magandang gabi po. Para shoutout dun sa mga nakilala ko kagabi.
Nandyan po tayo sa Baguio kagabi. Dahil meron po tayong ginagawang episode. And binating natin kagabi.
Nakasulubong natin. Tapos, yan. Nakabisalamat po.
Nice to meet you. Ako po si Christian Esguerra. Magandang gabi po.