Muzik Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan Unang Araw Muzik Malinaw na ang kapaligiran ay may malakas na impluensya sa pamumuhay ng tao. Mahalagang maunawaan ang ugnayan ng tao at heyografiya sapagkat dito nakabata. Ang uri ng tahanan, kabuhayan, kultura at maging ang paraan ng pakikisalamuha ng mga tao sa isa't isa.
Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, sandigan ng kinabukasan. Jeyo Jambol Kaya mo bang ayusin at tuklasin ang pisikal na mundo? Ano ang pinakamahabang hanay ng bundok sa daigdig?
Andes Mountains. Ano ang pinakamalaking lawa o inland sea sa daigdig? Caspian Sea.
Ano ang pinakamahabang ilog sa daigdig? Nile River. Ano ang pinakamalaking pulo sa daigdig?
Greenland. Ano ang pinakamalawak na dagat sa daigdig? Philippine Sea.
Ano ang pinakamalawak na golpo sa daigdig? Gulf of Mexico Ano ang pinakamalawak na karagatan sa daigdig? Pacific Ocean Saan matatagpuan ang pinakamataas na talon sa daigdig?
Venezuela Saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa daigdig? Nepal. Ano ang kinikilalang mother continent sa daigdig?
Africa. Label me map. Greenland.
Gulf of Mexico. Pacific Ocean. Venezuela. Andes Mountains. Caspian Sea, Nepal, Philippine Sea, Nile River, Africa.
Malaki ang papel ng geografiya sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na siyang humubog sa takbo ng kasaysayan ng daigdig. Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang ugat na na ang kahulugan ay eksperto. Ito ay pamumuhay na nakagawian ng maraming pangkat ng tao. Kasama dito ang pagunlad ng wika, kaugalian, panigil, niniwala at sining. Karaniwang nasa lambak ilog nagsimula ang mga kabihasnan sapagkat halos lahat ng pangangailangan ng mga tao upang may pagpatuloy ang kanilang buhay ay matatagpuan sa ilog.
Ang mga unang kabihasnan sa daigdig ay sumibol sa mga lambak ilog sa iba't ibang panig ng daigdig. Kabilang dito ang kabiyas ng Mesopotamia na natagpuan sa pagitan ng mga ilog Tigris at Euphrates. Ang kabiyas ng Egypto sa baybay ng Nile River sa Egypt. Ang kabiyas ng Indus sa lambak ng Indus River ng India.
At ang kabiyas ng Shang sa lambak ng Wanghe sa China. Bago pa natuklasan ang sistema ng pagsulat, ang mga asyano sa mga ilog lambak ng Tigris at Euphrates, Wanghe at Indus ay nagsimula ng mamuhay ng permihan at linangin ang kanilang Mga katangian ng kabihasnan Maunlad na Kasanayang teknikal Mula sa pangangaso at pag-iimbak, napaunlad ng tao ang kanyang pamumuhay sa pamagitan ng pagsasaka at paghahayupan. Dahil sa likas na pagkamalikhain, natutuhan nilang gumawin ng mga katangian ng kabihasnan.
ng palayok mula sa luwad at lumaon ay natuklasan ang paggamit ng tanso, bronze at kalaunan bakal. Ginamit ang mga metal na ito sa paggawa ng kagamitan at sandata sa mga sinaunang kabihasnan, tulad ng satigris at euphrates, wanghe at indus. Maunlad na Batas at Alituntunin Bagamat may kasaganahan ang mga ilog tulad ng Tigris, Euphrates, Indus at Wanghe, nagdulot din ang mga ito ng pagbaha at tagtuyot. Dahil dito gumawa ang mga ilog. mga tao ng dike at kanal upang kontrolin ang tubig at mapanatili ang ani.
Ang mga proyektong ito ay humantong sa pagbuo ng pamahalaang nangangasiwa sa gawain ng mga pamayanan. na siyang nagbigay daan sa paglitaw ng mga lungsod-estado. Dalubhasang Manggagawa May mga pangkat ng tao na naging bihasa sa paggawa ng armas at kagamitang pambahay. Kalaunan, lumitaw ang mga artisano sa mga lungsod-estado na naging daan upang umunlad ang kalakalan. Maunlad na Kaisipan Sa paglipas ng panahon, patuloy nanilinang ng tao ang kanilang kaisipan at kakayahang mag-obserba.
Natukoy nila ang petsya ng pagbaha sa pamamagitan ng pag-aaral sa kalikasan at nakabuo ng kalendaryong lunar. Epektibong sistema ng pagsulat o pagtatala Sa pagunlad ng mga lungsod na pagtanto ng tao ang kahalagahan ng pagtatala ng mahalagang impormasyon tulad ng buwis, batas, ritual at kalakal. Dahil dito unti-unti nilang nilinang ang sistema ng pagsulat at iba't ibang paraan ng pagtatala.
Muli ang mga katangian ng kabihasnan ay maunlad na kasanayang teknikal, maunlad na batas at alituntunin, dalubhasang manggagawa, maunlad na kaisipan, at efektibong sistema ng pagsulat o pagtatala. Sinaunang kabihasnan, anong katangian ang nakikita mo? Batay sa larawan, tukuyin kung anong katangian ng sinaunang kabihasnan ang ipinapakita. Pyramids of Giza sa Egypt Maunlad na kasanayang teknikal, ang Pyramid of Giza ay patunay ng husay sa disenyo at inhenyeriya sa pagbuo ng isang matibay at napakalaking estruktura. Sumerian Cuniform Tablet Epektibong sistema ng pagsulat o pagtatala.
Ang uniform ng mga Sumerian ang unang sistematikong paraan ng pagtatala ng impormasyon mula sa kalakalan hanggang batas na nagpanatili ng kaalaman sa paglipas ng panahon. Mohenjo-Daro Maunlad na kaisipan. Ang Mohenjo-Daro ay may maayos na plano ng lungsod, mga sistematikong kalsada at mahusay na daluyan ng tubig na nagpapakita ng mataas na antas ng pag-iisip at organisasyon ng sinaunang tao.
Carving of Hammurabi Maunlad na batas at alituntunin. Ang Code of Hammurabi ay isang kalipunan ng mga batas na nagtakda ng mga tiyak na parusa at alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katarungan sa lipunan. Sericulture in China Dalubhasang Manggagawa Ang sericulture o paghahabi ng seda sa China ay nagpapakita ng husay at kasanayan ng mga manggagawa sa China.
sa paglikha ng dekalidad na tela mula sa mga hibla ng silkworm. Kabihasnan ko, kumpletuhin mo. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang maunlad na antas ng kultura na may taglay na sumusunod ng katangian, maunlad na kasanayang, teknikal, maunlad na batas at alituntunin, dalubhasang, manggagawa, maunlad na kaisipan at efektibong sistema ng pagsulat o pagtatala.
Magpakabihasa sa kabihasnan. Piliin ang tamang sagot. Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang matatagpuan sa lambak ng ilog Indus? Kabihasnang Mohenjo-Daro Ano ang tawag sa isang maunlad na kalagayang nilinang ng mga taong naninirahan ng pirmihan sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon? Kabihasnan Ang Pyramid of Giza ay patunay ng anong katangian ng kabihasnan, maunlad na kasanayang teknikal.
Bakit karamihan sa mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak-ilog tulad ng Nile, Tigris Euphrates, Indus at Wanghe? Mayaman ang lupa para sa agrikultura at sagana sa tubig. Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng kabihasnan ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat upang mapanatili at maipasa ang kaalaman sa susunod na henerasyon?
Kabihasnan Challenge Anong katangian ang mahalaga sa makabagong panahon? Sa mga katangian ng kabiyasnan, alin ang dapat na unang bigyang prioridad na linangin o paunlarin? Ipaliwanag kung paano ito makikita o maiaangkop sa kasalukuyang panahon.
Ang kabihasnan ay hindi lamang kwento ng nakaraan. Ito'y hamon sa atin na lumikha ng mas maunlad, makatarungan at makataong mundo ngayon at sa hinaharap.