Ang nilalamang aralin sa video na ito ay una, kaligirang kasaysayan ng Ibong Adarna. Ikalawa, ang Ibong Adarna bilang isang korido. Narito ang unang bahagi ng video na ito, ang kaligirang kasaysaya ng Ibong Adarna.
Ang Ibong Adarna ay bahagi ng metolohiya at panitikang Pilipino. Ito ay isang uri ng korido na binibig ka sa pakantang pamamaraan. May pagkakahawig ng balangka sa iba pang kwentong bayan sa Europa dahil pinaniniwala ang ito ay nagmula sa kwentong bayang Europeo.
Mula noon hanggang sa kasalukuyan wala rin katiyakan kung sino ang sumulat nito. Ang Ibong Adarna ay isinulat bilang isang kurido. Ang mga kurido noon ay sinusulat bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria. Ang pamagat na Ibong Adarna ay kurido at buhay na pinagdaana ng tatlong prinsipeng magkakapatid na anak ng Haring Fernando at ng Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya. Bagamat hindi sinulat ng isang Pilipino, tinanggap pa rin ito sapagat naaangkup ito sa kulturo.
Ang mga kultura ng bansa tulad na lamang ng mga sumusunod. Unang bilang, pagmamahal sa pamilya sapagkat ang mga Pilipino ay kilalang mapagmahal sa pamilya kaya nga sa kultura natin magkakasama sa iisang tahanan ang lahat ng miyembro ng pamilya mula sa magulang hanggang sa kaapu-apuhan. Ika-alawa, pagpapahalaga sa magandang ugnayan. Mahalaga ang magandang ugnayan ng pamilya sa ating mga Pilipino. Ikatlo, pananampalatay.
Ang ating bansa ay isa sa may malaking bilang ng mamamayan na kasapi sa kanika nilang reliyon bilang paraan ng panalampalataya. At ang panghuli, pagiging mabuting anak. Ugali ng mga Pilipino na arugain ang mga magulang, kapatid na walang kakayang makapamuhay ng sarili dahil pinalaki at tinuruan tayong parte ito ng pagiging mabuting anak.
Pinaghihinala ang si Jose Ciceo o Jose de la Cruz. Cruz daw ang maaaring nagsulat o nagsali nito ngunit walang makapagpatunay. Sinasabing ang nakarating sa Pilipinas na orihinal na bersyon ay 1056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina noong 1610 mula sa Meksiko.
Pinaniniwala ang ito ay hango lamang sa mga kwentong bayan mula sa bansang Europa. Dumako tayo sa ikalawang bahagi ng video na ito, ang Ibong Adarna bilang isang kurido. Una, sinasabi ng mga folklorists na ang kwentong bayan saan mang dako ng daigdig ay sadyang may pagkakahawig, may isang motif o sinusunod na balangkas. Gayunman, nagkakaiba ang mga detalye dahil sa kultura at mga pagpapahalaga ng partikular na bansang bumuo nito.
Sa makatwid, kahit ang mga prinsipe at prinsesa mula sa malalayong bayan, ang mga bida sa kurido kitang kita pa rin sa mga kilos panalang. at paniniwala ang kanilang pagka-Pilipino. Mapapatunayan ito sa pag-aaral ng Ibong Adarna.
May paraan ng pagsisimula ang isang korido sa isang panawagan o sa isang paghahandog ng karaniwan at sa isang patrong pintakasi. Mayroon bang patrong pintakasi sa inyong lugar? Sa koridong ito, sino kaya ang patrong pintakasi?
Halimbawa ng saknong o berhing kaibig-ibig, ina naming nasa langit, liwanagin niya ring isip. Nang sa... Sa iyo'y di malihis. Sunod na sa knong, ako'y isang hamak lamang, taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw.
At sumunod na sa knong, malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa. pa kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa.
Baka kung mapalaot na ang mamangkay di makaya. Kaya inang matangkakan. Ako'y iyong patnubayan ng mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay.
Ang iyong napakinggang halimbawa ng saknong ay ganito ang karaniwang simula ng korido. Ang paghingi ng makata ng patnubay sa birhen upang hindi magkamali sa gagawing pagsasalaysay. Ideyang religyoso ito.
Karaniwan din na ang bidang nagtatagumpay sa pakikipagsapalaran ay iyong madasalin, hindi nakalilimot. At maawit sa Diyos. sa kapwa. Ang mga ganitong katangian ay sa kadahilan ng sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, naging tanyag ang kurido sa Pilipinas. Ano nga kaya ang isa sa mga dahilan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
Kung ang sagot mo ay upang magpalaganap ng kaisipang Kristyanismo, tama ka. Kaya nga ang mga kurido at iba pang anyong pampanitikan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay may temang religyoso. Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagdarasal sa tuwi-twi na, maging ang tinatawagan ay ang Panginoong Diyos na si Yahweh o si Allah. Ikalawa, naging isang mabisang vehikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikan ay ang korido kung saan ang mga ito ay kalimitang pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan, karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga maharilikang tao na ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang mataimtim na panalangin at pangunahing tauhan.
at matyagang pagtawag sa Diyos. Ikatlo, bagamat itinuturing na nagmula o halaw sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na umaangkup naman sa kalinangan at kultura ng Pilipino ang nilalaman ito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa puong may kapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya paggalang sa...
sa nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, mataas na pagtanaw ng utang na loob, pagkakaroon ng tibay ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at marami pang iba. Isang mahalagang aralin muli ang iyong napanood. Maraming salamat sa panunood sa channel na Aralin sa Filipino. Huwag mag-atubiling mag-comment ng inyong tanong, suggestions o paglilinaw ukol sa aralin.
Munting kahilingan sa iyong kaibigan, pakilike, share and subscribe para updated ka sa mga video. mga susunod pang bagong video ng aralin mo sa Filipino.