Transcript for:
Pangkalahatang Kaalaman sa Organic Agriculture

Kamusta mga kabukid at welcome ulit sa isa pang episode ng The Agrilenya, lako si Reden Costales and sa video na ito, re-reviewin ko kayo sa Organic Agriculture Production NC2 Ayan, konting pala lang guys, bago tayo mag-start Yung mga technology and mga techniques na maririnig nyo dito, mga babanggitin ko mamaya ay base sa Philippine National Standards at sa standards ng TESDA. Siguro, base sa inyong mga experiences, posibleng hindi ito yung mga the best na technology na narinig ninyo or mapapakinggan. Ganun ho kasi talaga yung standards ng TESDA. Kung anong standards ng TESDA, sila yung masusunod. Yun yung susundin natin kung gusto natin makapasa or maging competent sa assessment. Kung ano yung mga standards nila, kailangan natin sundin yun. Itong mga babanggitin ko mga technologies ay manggagaling sa standards ng Tesla. Pero kung meron naman kayong mga iba pang mga technology na sa tingin yung magandang or mas maganda dito sa mga ipapakita ko, i-comment yun lang sa baba tapos pag-usapan natin. Open naman ako sa mga lahat ng technology. Okay? So, tandaan natin yan. Alright, produce organic fertilizer. ang ating re-reviewin ngayon. Start na natin agad. First question natin ay ano ang mga examples o halimbawa ng mga organicong pataba? Enumerate lang. Basically, enumerate lang yung mga organic fertilizer na nasa isip ninyo. Pero basically, it's fortified organic fertilizer, fortified compost fertilizer, aerobic bokashi, anaerobic bokashi, Carbonized rice hull, regular compost, vermicast, vermicompost, magkaiba po yun ha, magkaiba ang vermicast sa vermicompost. Decomposed animal manure, so yun yung mga yun. Kung meron pang iba pa na hindi ko nabanggit, samin yun na rin yun. Basta organic fertilizer, taken yung sagot na yun. Counted yung sagot na yun. Next, how do you prepare the composting area? Basically, ang tanong na ito ay... Paano ka daw maghanda bago ka magtanim, magmag-gumawa ng pataba? Ano yung mga kailangan mong preparation na gawin, kailangan gawin kung gusto mo magtanim ng organic fertilizer? So, number one, consider nyo muna yung volume, kung gaano kalaki yung inyong titimplahin. Kung isang tonelada ba, 500 kilos lang. So, consider the volume. Maghanap ng area. na malilim na pwedeng pagtimplahan ng fertilizer. And number three, maghanap ng isang lugar na hindi na bababara ng tubig, na may magandang drainage, na kapag umulan man, hindi siya babahain, hindi makakontaminate yung tinimplan yung fertilizer. Okay, next. What are the characteristics? Ano yung mga katangian? ng isang magandang composting site. Kung pipili ka ng isang site o isang area sa buong farm mo na pag titimplahan mo ng fertilizer, ano yung mga kailangan mong i-consider? Ito yung mga yun. Number one, may magandang drainage system. Good drainage system. Ibig sabihin nga, hindi siya binabaha. Kung mababasaman, hindi natitigilan ng tubig. Dadaan lang yung tubig. Mag-exit agad. Number two, availability of water supply. Kailangan may supply ng tubig kasi yung ating mga fertilizers na gagawin ay merong minemaintain ng moisture content yan. So basically didiligan natin siya so medyo matakaw siya sa tubig. Kailangan may malapit ng water supply. Number three proximity to the source of raw materials. Dapat malapit siya sa mga pinagkukunan ng raw materials kasi kung hindi malayo yung pagkukuhanan mo ng raw materials magkahakot ka pa. E baka pagdating doon kuba ka na sa bigat. Malapit, as much as possible ilapit nyo dun sa source ng mga raw materials. Minsan, ang ginagawa ng iba, nilalapit nila yung fertilizer area nila sa animal husbandry division ng kanilang farm. Bakit? Kasi yung mga animal manures, yun yung isa sa mga primary ingredients sa paggawa ng fertilizer. So might as well, itabi mo yung fertilizers dun sa mga alagaan mo ng hayop. Accessibility of the composting site, yung ating mga raw materials ay medyo magbibigat, hindi magaan yung ating mga raw materials. So as much as possible, nakadaan yung mga push. na nakadaan yung mga tricycle para maghakot, or mga trucks para maghakot ng mga raw materials natin. Accessible ba? Number five, consider natin yung area na may minimal contamination, yung walang katabing farm na nag-e-spray ng mga chemicals niya, walang mga stray animals na posibleng umiihi o dumumi doon sa ginagawa mong fertilizer para hindi ma-contaminate yung mga fertilizer natin. Number six, Isang lugar or area na malilim, mas maganda kung nasa ilalim ng mga puno or kung wala talaga, kailangan mo siyang bubungan as long as mayroong shade kasi itong mga fina-ferment natin ay hindi dapat masinaga ng direct sunlight, lalo na yung tanghaling tapat. Okay, ano yung mga basic raw materials sa paggagawa ng fertilizer? Basic raw materials. Meron tayong dalawang general classification ng mga raw materials. One is carbon materials and the second one is the nitrogen materials. Carbon and nitrogen materials, dalawa lang po yun. Ngayon, ano yung mga halimbawa ng mga carbon materials? In general, ang mga carbon materials po, sila yung mga tuyo at matagal mabulok ng mga materials tulad ng diami. Rice straw, nasama rin dyan yung katawan ng mais. Pagka na-harvest mo na yung mais, yung mga katawan ng mais usually pinapakain sa kabayo sa mga baka. Ina-harvest yun. Pero may kakilala akong isang farmer na kapag na-harvest na yung mais niya, yung katawan ng mais, ina-harvest niya tapos pinapatuyo, ginagawang compost. So, yung corn stalks. Isa pa, kung malapit kayo sa Kabisayaan, lalo na sa Negros, Region 6, yung bagas, yung pinagpigaan ng sugarcane. Yung sugarcane, may juice sa loob, yun yung dumadaan sa presser. Pag nakuha na yung katas ng sugarcane, lalabas dun yung pinagpigaan ng sugarcane, ang tawag dun ay bagas, or bagaso sa Tagalog, sa Bisaya. Yun yung isa pang magandang source ng carbon. Isa pa ay yung mga natuyong damo. Ayan, mga natuyong damo. Dagdag nyo na rin dyan yung palapa ng dahon, yung dried na dahon ng nyog. Mga bunot, ayan, mga coir dust kasama rin, mga carbon material din po yan. Okay, punta naman tayo sa nitrogen. Nitrogen materials, ito yung mga animal manure kasama yan. Pero make sure na dried, dried na animal manure. Mga leguminous plants tulad ng mga munggo, mga kakawate, any kind of leguminous plants. Mataas sa nitrogen. Dagdag nyo na rin dyan yung mga seaweeds. Yung mga seaweeds na inaanod lang kapag sa das may dalampasigan. Yung, nataas po sa nitrogen. Plant residues, yung mga pinaghaharvestan ng mga gulay, yung mga reject ng mga gulay. Ayan, nitrogen rich fertilizers din po yun. And yung kitchen waste. Kapag gumawa kayo ng kitchen waste, compost, Yung fertilizer na compost na magagawa nyo out of kitchen waste ay mataas din sa nitrogen. Kasama na rin dito yung coffee grounds. Sa coffee shop, kapag na-brew na yung kape, na nagawa ng kape yung coffee grounds, may latak, yung latak ng pinag-brewhan ng kape ay mayaman din sa fertilizer at yun ay tinatapon na ng mga coffee shop, pwede nyo collectahin yun. Next question, ano yung mga procedures or ano yung procedure sa pag-prepare or paggawa, pagpaproduce ng vermicast and vermicompost? Ulit, ano yung procedure sa pagpaproduce ng vermicast at vermicompost? Number one, i-prepare yung worm bin, yung bahay ng bulate. Number two, lagyan ng first layer. Yung first layer ng pagkain ng bulate or substrates kung tawagin natin ay mga manures. or browns kung tawagin. In general, lahat ng browns ay animal manure. Number three, third step, second layer, sundan siya ng mga farm wastes. Farm wastes tulad ng mga reject vegetables, fruit peelings, chopped banana stalks, yung saha ng saging, tatagta rin. So yun yung third layer. Fourth layer natin ay, I mean, yeah, yun yung second layer. Ang third layer natin ay manures. Fourth layer, farm wastes ulit, mga greens. Fifth layer, yung last layer sa ibabaw, ay manures ulit. So basically, it's brown, green, brown, green, brown. So limang layer yun. Pagka na-prepare nyo na yung five layers, diligan yung bawat layer ng IMO or EMAS kung anong ginagamit ninyo. And then, i-ferment nyo siya for two weeks. After na-fermentation ng two weeks, saka nyo na ilagay yung bulate and then hintay kayo ng one month, coverant siya, tapos hintay kayo ng one month bago nyo ma-harvest yung vermicompost. Next question natin ay how to apply liquid fertilizer? Paano ina-apply ang mga likidong pataba? Tulad ng mga concoctions natin, yung IMO, yung labs, yung... Fermented plant juice, FAA, fish amino acid. Dalawa lang po yun, either foliar spray at drenching. Foliar spray meaning gagamit kayo ng backpack sprayer at ispray mo sa mga dahon. Pag sinabi naman drenching, basically ididilig mo sa halaman yung fertilizer na tinimpla mo. Ito, isa pang tanong, medyo tricky. Paano naging organic ang pataba? How does a fertilizer become organic? Number one. Wala dapat siyang chemical residues. Hindi siya ginamitan ng mga chemicals. Number one, very basic. Number two, ginamitan mo siya ng mga natural materials na organic matter. Tulad nung mga sinabi ko kanina, yung mga coconut, shredded coconut stalks, yung corn stalks, rice straw, yun, mga ganon. Pag ginamitan mo ng raw materials na organic or natural, isa yun sa mga classifications. Number three, dumaan siya sa fermentation. or decomposition process. Kasi yung organic fertilizer, hindi mo pwedeng gamitin ng fresh, lalo na yung mga animal manure. Kailangan mo nang dumaan sa fermentation or decomposition process bago mo siya i-apply sa lupa. Number four, kailangan ay maraming beneficial bacteria activity. Gumamit ka ng mga beneficial bacteria, mga microbial inoculants tulad ng IMO, lactic acid bacteria, or sa Japanese technology, yung EMAS, which is yun yung ginagamit namin. Next question, how do you preserve the potency? Paano mo mapapatagal yung visa? O mape-preserba yung visa ng mga organikong pataba? Number one ay yung storage. Kailangan ay malinis yung inyong storage. Hindi nababasa, hindi direct ang tinatama ng sinag ng araw. So, good storage. Number two packaging, kailangan selyado yung lagayan ninyo. Kung nakasako siya, kailangan selyado yung... Sako, nakatahi ng maigi. At may plastic. Dapat may plastic lining sa loob tapos nakatahi ng maigi yung fertilizer. Ilagay sa isang bodega na hindi napapasukan ng mga stray animals. Kasi baka, lalo na yung mga daga, hindi dinadaga, hindi napapasukan ng mga aso at pusa. Kasi pag napasukan ng mga stray animals yan, posibleng ihian o dumihan ng mga stray animals, makontaminate yung inyong organic fertilizer. So that's how you preserve the potency of organic fertilizers. Alright, enumeration question. Ano yung mga macro and micro elements sa fertilizer? Yung mga macro elements natin is yung nitrogen, potassium, and phosphorus. Sa mga micro naman natin, it's manganese, boron, calcium, magnesium, zinc. Marami po yan. So yun yung basic ng mga micro elements. Okay, ito namang susunod na tanong ay procedural din. Tatanong dito kung paano ka gumawa ng organic fertilizer. So, ipapakita ko po sa inyo mga procedures sa paggagawa ng fortified compost fertilizer, fortified organic fertilizer, and sa standard kasi itong dalawa lang na to yung na fertilizer. ang nakalista dito. Pero kahit anong organic fertilizer, accepted sa tanong na ito. Basta kapag pinagtimpla kayo ng organic fertilizer, dapat meron kayong at least isa na maikwento na ito yung mga materials niya, ito yung procedure. Magagamit tayo ng ito, ito, ito. Ang gagawin natin, ang unang gagawin natin, ito, tapos pangalawa. Ganon. As much as possible, kahit isa lang, kahit isa lang. Pero ipapakita ko dito kung ano yung mga materials and procedures sa paggagawa ng fortified organic fertilizer at fortified compost fertilizer. Okay, next question. Ano yung mga advantage ng organic fertilizer over chemical fertilizers? Ano yung ikinaganda, ikinalamang ng organic fertilizer sa mga chemical na pataba? Okay, number one. mas nagiging buwaghag yung lupa, nagiging mas porous. Number two, nai-improve yung water holding capacity ng lupa, yung kakayan yung humawak ng tubig at ng sustansya. Pangatlo, ay nagdadagdag siya ng mga micro and macro. elements sa lupa. Kasi basically, kapag gumamit ka ng organic fertilizer, ang pinapataba mo, lupa. Hindi yung halaman. Kasi yung ginagawa ng chemical fertilizer, dinidiretso niya sa halaman yung sustansya, binabypass niya yung soil. Kaya nagkaroon ng term na patay na lupa. Kasi walang mga microfauna and fauna. Wala na mga microorganisms, hindi na buhay yung lupa. Kasi nga, ang pinapakain na lang ay yung halaman lagi. Anyway, balik tayo sa tanong. So, ini-improve din yung soil pH, pH yung acidity, positive hydrogen. Ini-improve din yung acidity ng lupa para mas maging conducive for plant growth. Pinapababa din yung toxicity ng mga micronutrients. So, kung gumagamit ka ng mga chemicals before, kapag organic na yung ginamit mo at may mga good bacteria, eventually mawawala na yung mga chemical residues dun sa lupa. Ini-increase din yung population density ng mga beneficial microorganisms kapag gumamit ka ng... organic fertilizer. Kasi yung organic fertilizer ay magiging pagkain ng mga microorganisms. So eventually dadami sila. Pagka dumami yung mga beneficial bacteria, yun yung tumutulong mag-improve ng immune system ng mga halaman. So hindi magiging sakitin yung mga halaman ninyo. Okay, last question natin ay ipaliwanag yung importansya ng tamang balanse ng carbon to nitrogen ratio. Okay, yung tamang carbon to nitrogen ratio, it's either... Pwede nyo isagot na 75-25, 75 yung carbon, 25 yung nitrogen. Pero tatanggapin din yung 30 is to 1. 30 yung carbon, 1 yung nitrogen. Kung pang maramihan talaga. Pero basically, mas marami dapat yung carbon kesa sa nitrogen. Yung carbon materials, yun yung pinaka-body ng fertilizer. Yung nitrogen naman, sya yung parang... mitya para mag-ferment yung buong pile ng inyong compost. So the nitrogen will heat up the carbon materials and it will activate the microorganisms to decompose the material. So basically, yung nitrogen nga yung nagpa-facilitate ng fermentation, decomposition at siya yung nag-activate ng mga beneficial bacteria para mabulok, makompose yung buong pile ninyo. Okay, so yun yung reviewer natin sa... Produce Organic Fertilizers Abangan nyo yung iba ko pang mga reviewers and of course don't forget to like, comment, and subscribe sa ating mga videos for more videos Abangan nyo rin yung iba ko pang mga topics or iba pang mga competency So, good luck sa assessment and ingat!