Transcript for:
Mga Diyos at Diyosa sa Romano

Music Good Vibes Only para akit swerte! Hello at welcome sa ating channel! Ang video na ito ay tungkol sa mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Romano. Meron na po tayong na-upload na na mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griego at ito naman ay mga Diyos at Diyosa sa Romano. Kung bago po kayo sa ating channel, maaari lang pong i-click ang subscribe at ang bell para ma-notify kayo sa tuwing meron tayong mga bagong video. At kung kayo naman ay nanunood sa ating Facebook page, pakilike lang po ng ating page at pakishare na rin po ng ating mga videos. At narito po ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Romano. Una ay si Jupiter. Siya ang pinuno ng mga Diyos, ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan o supremong Diyos sa Roma. Ang kidlat at kulog ang kanyang kapangyarihan at sandata. Pangalawa ay si Juno. Si Juno ang asawa ni Jupiter. Siya ang Diyos ng Langit, mga babae, kasal at panganganak. Sunod naman ay si Neptune. Si Neptune ang Diyos ng Karagatan. Ang kanyang kapangyarihan ay magmanipula o magpagalaw ng alon, bagyo o lindol. Sunod naman ay si Pluto. Siya ang Diyos sa ilalim ng lupa. Ang Diyos ng kamatayan. At kapatid siya ni Jupiter. Nandiyan din si Mars. Siya ang Diyos ng Digmaan. Ang kanyang kapangyarihan ay makapunta sa lugar kung saan mayroong nagaganap na digmaan. Sunod naman ay si Apollo. Siya ang Diyos ng Araw, Liwanag at Medisina. Ang kapangyarihan ni Apollo ay makita ang propesya. Nandiyan rin si Diana. Siya ang Diyos ng Buwan, ang kakambal at kapatid ni Apollo. Sa mitolohiyang Griego, siya si Artemis. Sunod naman ay si Minerva. Siya ang Diyos ng Karunungan. Siya ang pinakamarunong sa lahat ng mga diyosa sa Romano. Nandiyan rin si Vulcan. Siya ang Diyos ng Apoy. Sunod naman ay si Venus, ang Diyosa ng Kagandahan at Pag-ibig. At si Vesta, siya ang Diyosa ng Tahanan. Nariyan rin si Mercury. Siya ang mensahero ng mga Diyos. Ang gabay ng mga manlalakbay. At yan po ang mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Romano. Kung ang hanap ninyo ay ang mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griego, na-post na po natin yan, hanapin nyo lang po sa ating YouTube playlist. Nakakategorize po ang ating mga videos. At kung hindi pa po kayo nakasubscribe, maaari lang pong magsubscribe dahil sa mga susunod nating videos, magkakaroon pa tayo ng mga karagdagang aralin. Maraming salamat po!