Pagbagsak ng Konstantinopol Ang reliyon at iba't ibang paniniwala ay mahalagang bahagi ng kultura ng tao. Naka-apekto ito sa paraan ng pamumuhay, pakikitungo sa kapwa at pag-unawa sa mundo. Sa pag-aaral ng mga paniniwalang ito, mas nauunawaan natin kung paanong nahuhubog ang pagkakakilanlan ng bawat lipunan.
Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Faith book, iba't ibang paniniwala iisang mundo. Tukuyin ang relihiyon o paniniwala batay sa ibinigay na paglalarawan.
Ang pagsasakatuparan ng five pillars ay katibayan ng pagsisilbi sa pamayanan at itinuturing na ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo. Islam Ito ay may paniniwalang nakapokus sa tamang paraan ng pamumuhay at ethical teaching. Confucianism Pagsasanib ng espiritual at temporal na katangian ng buhay ng tao o miripiri. Sikhismo Ang kaluluwa o espiritu ay muling mabubuhay sa ibang katauhan, hugis at forma, ang pangunahing relihiyon sa India ng mga Aryan at ito rin ang pinakamatandang relihiyon sa mundo. Hinduismo Ang buhay ay ginagabayan ng Tao o Tao.
Taoismo Pananalig sa iisang Diyos at pagsunod sa mga kautosang inihahayag sa Torah. Hudaismo Ang kami ang tanging nag-uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran at ito ay nangangahulugang daan o kaparaanan ng Diyos. Shintoismo Ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa pagsunod sa mga aral ni Heso Kristo. Christianismo. Nakasentro sa buhay ng kawalan ng karahasan sa tao, hayop at halaman.
Jainismo. Ang pagpapakasakit at kalungkutan ay sanhi ng kasakiman ng tao sa material na bagay. At ito ang relihiyon na itinatag ni Gautama Buddha. Budismo. ang mga relihiyon at iba't ibang paniniwala sa daigdig.
KRISTYANISMO Ang Kristyanismo na nagsimula bilang simpleng pananampalataya sa Judea ay lumawak at sa pamumuno ni Emperador Constantine the Great ay naging opisyal na relihiyon ng Imperyong Romanos. Upang mapalakas ang kontrol sa silangang bahagi ng imperyo, itinatag ni Emperador Constantine ang Constantinople noong 330 CE bilang bagong kabisera. Dito nagsimula ang Byzantine Empire, ang tagapagmana ng silangang imperyong Romano. Ang pangalang Bizantin ay mula sa Byzantium, ang dating pangalan ng Konstantinopol na ngayon ay Istanbul, Turkey.
Dahil sa pananalakay ng mga barbaro, kahinaan ng pamahalaan at krisis pang ekonomiya, bumagsak ang kanlurang Imperyong Romano noong 476 CE. Sa kabila nito, nanatiling matatag ang Konstantinopol. Sa paumuno ni Justinian I, narating ng Byzantine Empire ang rurok ng tagumpay, nang muling masakop ang ilang dating teritoryo ng Kanlurang Imperyo.
Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyo noong 476 CE ay nagbukas ng gitnang panahon o medieval period. kung saan nangingibabaw ang simbahang katolika at naimpluensyahan ang pamahalaan edukasyon at kultura. Dahil kakaunti ang marunong bumasa, ang mga monasteryo ang naging sentro ng pagkatuto, habang ang Europa ay pinamunuan ng mga monarko at maharlika sa ilalim ng sistemang feudal.
Sa pag-usbong ng gitnang panahon, nanatiling makapangyarihan ang simbahang katolika sa kanlurang Europa. habang patuloy namang lumalakas ang Silangang Imperyo na nakasentro sa Konstantinopol. Dahil sa pagkakaiba sa wika, kultura at pananampalataya, lumalim ang tensyon sa pagitan ng Papa sa Kanduran at ng Patriarka sa Silangan.
Sa simbahan sa Kanduran, ang Santo Papa ang pinuno ng lahat ng simbahan. Samantalang sa simbahan sa Imperyong Bizantin, ang Patriark ang pinuno ng simbahan na hinirang ng Emperador. Sa Kanluran, pinahihintulutan ang paggamit ng icon, ngunit ito ay ipinagbabawal sa simbahan sa Imperyong Bizantin.
Ang Latin ang gamit sa misa sa Kanluran, samantalang wikang Griego ang gamit sa Imperyong Bizantin. Ipinagbabawal ang deborsyo sa Kanluran samantalang pinahintulutan ang deborsyo o pinayagan ang pagpapakasal ng mga pari sa simbahan sa Imperyong Bizantin. Noong 1054, tuluyang naputol ang ugnayan ng Simbahang Katoliko Romano sa Kanluran at ng Eastern Orthodox Church sa Silangan. Ang paghihiwalay na ito na tinatawag na Great Skisem ay nagbunga ng dalawang magkaibang sangay ng Kristyanismo.
Sa loob ng maraming siglo, lumakas naman ang Byzantine Empire sa pamumuno ng mga emperador na nagpatibay sa relihiyon, sining at pamahalaan. Isinaayos ni Emperador Justinian I ang pamamahala sa imperyo sa pamagitan ng pagbubuo ng kodigo mula sa mga sinaunang batas ng Rome sa tulong ng mga pangkat ng Dalubhasa. Tinawag itong Corpus Juris Civilis o Code of Justinian na naging pundasyon ng batas sa maraming bansa at isa sa pinakamahalagang pamana ng Bizantin sa kabihasnan. Itinayo din ang Haya Sophia bilang simbolo ng kapangyarihan at pananampalataya. Tinawag ang Konstantinopol na Golden Apple dahil sa yaman, lokasyon at kahalagahan nito sa kalakalan at politika.
Upang maprotektahan ang lungsod, nagtayo sila ng makakapal na pader at naglagay ng malaking kadena sa bukana ng dagat upang hadlangan ang paglusob ng mga kaaway. Cons, Tanong at Sagot The Byzantine Challenge Tukuyin ang mga sumusunod Siya ang emperador na nagdeklara ng Kristyanismo bilang opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano. Emperador Konstantin Dating pangalan ng Konstantinopol bago ito pinalitan ni Konstantin.
Byzantium Tawag sa imperyo na nagpatuloy sa silangang bahagi ng Imperyong Romano. Byzantine Empire Emperador na nagdala sa Byzantine Empire sa rurok ng kapangyarihan Justinian I Dakilang simbahan na itinayo bilang simbolo ng kapangyarihan at pananampalataya ng Byzantine Empire Haya Sophia Tawag sa paghihiwalay ng Simbahang Katoliko Romano at Eastern Orthodox Church noong 1054. Great Schism Panahon na sumunod matapos bumagsak ang Kanlurang Imperyong Romano noong 476 CE. Gitnang Panahon o Medieval Period Tawag sa pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europa.
Papa Tawag sa pinuno ng Eastern Orthodox Church sa Silangan Patriarch Kodigo ng batas na ipinagawa ni Justinian I. Corpus Juris Civilis Noong ikalabing limang siglo, unti-unting humina ang Konstantinopol dahil sa panloob na kaguluhan at panlabas na banta. Sa loob ng imperyo, lumala ang krisis pang ekonomiya, korupsyon at madalas na pagpapalit ng pinuno na nagdulot ng kahinaan sa pamahalaan. Samantala sa labas, patuloy na lumalakas ang Imperyong Otoman na naghangad sa kupin ang lungsod bilang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Noong 1453, pinamunuan ni Sultan Mehmed II Nakilala bilang Mehmed the Conqueror ang isang malawakang pagkubkob sa Konstantinopol na tumagal ng halos dalawang buwan. Gumamit siya ng makabagong estrategiya, malalaking kanyon upang gibain ang makakapal na pader, mahigpit na blockade sa dagat at lupa, at isang mapanlikhang taktika kung saan inihatak ang mga barko sa lupa upang makalusot sa golden horn na mahigpit na binabantayan.
Sa kabila ng matapang na paglaban ng huling emperador na si Constantine XI Palaiologos, bumagsak ang lungsod noong May 29, 1453. Implikasyon ng pagbagsak ng Constantinople Byzantine Empire natapos. Nagtapos ang pamamayani ng Imperyong Romano sa Silangan at nagbago ang balanse ng kapangyarihan sa Europa at Asia. Nawalan ng sentro ang Eastern Orthodox Church at lumaganap ang takot sa Europa sa patuloy na paglawak ng kapangyarihan ng mga Muslim. Pag-angat ng Imperyong Otoman Naging makapangyarihan ang Imperyong Otoman. Nakuha nila ang yaman, rutang pangkalakalan at prestihiyo ng lungsod.
Ginawang moske ang Haya Sofia na naging simbolo ng tagumpay ng Islam sa dating Kristyanong teritoryo. Ginambala ang kalakalan. Nahinto ang dating ruta ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asia, lalo na sa Pampalasa, kaya napilitan ang mga Europeo na maghanap ng bagong ruta.
Simula ng panahon ng pagtuklas at kolonisasyon. Ang paghahanap ng bagong ruta ng kalakalan ay nagbunsod sa panahon ng pagtuklas. Nadiskubre ang mga bagong lupain, nagsimula ang kolonisasyon at lumawak ang pandaigdigang kalakalan. Ito rin ang simula ng paglawak ng impluensyang Europeo sa buong mundo.
Ambag ng mga griyegong eskolar sa Renaissance Pans! Maraming eskolar mula sa Konstantinopol ang lumipat sa kanlurang Europa, dala ang kanilang mga manuskrito at kaalaman. Ito ay naging mahalagang salik sa pagsibol ng Renaissance sa Italy, na nagbigay daan sa muling pagsilang ng sining, agham at filosofiya.
Kultural na palitan ng Kristyano at Muslim. Sa kabila ng tensyon, nagkaroon ng palitan ng sining, ideya at teknolohiya sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang interaksyong ito ay nagpayaman sa kabihasnan ng parehong panig at nagbukas ng daan sa mas malawak na pag-unawa sa kultura ng bawat isa.
Kapag sarado ang ruta, bukas ang pagkakataon. Noong 1453, nang sakupin ng Ottoman ang Konstantinopol at mahigpit na kinontrol ang Silk Road, napilitan ang mga Europeo na maghanap ng bagong ruta, na naging simula ng panahon ng pagtuklas at pagtuklas ng mga bagong lupain. Alam nyo ba kung hindi bumagsak ang Constantinople, maaring naantala ang pagtuklas ni Nakulumbus sa Amerika, Vasco da Gama sa India at Magellan sa Pilipinas?
Ano ang ginawa ng mga Europeo nang masara ang dating ruta? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa kahalagahan ng pagiging mapamaraan? Isang araw biglang nasira ang internet sa bahay at may kailangang ipasa na gawain sa paaralan. Paano mo malulutas ang sitwasyong ito upang may pagpatuloy ang iyong pag-aaral? Ano ang mga alternatibong paraan na maaari mong gawin?
Konstantin, no more. Blanks that change the world. Puna ng patlang ng tamang sagot.
Itinatag ni Constantine the Great ang Constantinople bilang kabisera ng Byzantine Empire na nagpatuloy matapos bumagsak ang kanlurang Roma. Sa kabila ng lakas nito, humina ang imperyo dahil sa Great Schism at Pananakop ng mga kaaway. Naging target ng Ottoman sa pamumuno ni Sultan Mehmed II. Ang Konstantinopol dahil sa yaman at lokasyon nito. Noong May 29, 1453, bumagsak ang lungsod at namatay ang huling emperador na si Konstantin XI Palai Logos.
na nagmarka ng wakas ng Byzantium at simula ng panahon ng pagtuklas at pagangat ng Ottoman Empire. Choose your routes. Kasi sarado ang Konstantinopol.
Piliin ang letra ng tamang sagot. Bakit tinawag na Golden Apple ang Konstantinopol? Dahil ito ay mayaman, sentro ng kalakalan at mahalaga sa silangan.
Ano ang naging epekto ng pagbagsak ng Konstantinopol sa kalakalan? Nahinto ang dating ruta kaya naghanap ng bagong ruta ang mga Europeo. Ano ang naging kontribusyon ng mga griyegong eskolar matapos ang pagbagsak ng Konstantinopol?
Nagdala sila ng kaalaman at manuskrito na nagpasigla sa Renaissance. Ano ang pinakamahalagang aral na makukuha mula sa pagbagsak ng Konstantinopol? Ang kahalagahan ng pagiging handa sa pagbabago at pagiging mapamaraan.
Kung gagawa ka ng eslogan para sa pagbagsak ng Konstantinopol, alin ang pinakaangkop? Bumagsak ang lungsod, bumangon ang bagong daigdig. Ang pader ng Konstantinopol ay bumagsak. Ngunit ang lakas ng talino at tapang ay hindi kailanman mawawasa.