Ballast Education 7, Quarter 1, Learning Competencies 6A Nakakikilala ng mga wastong pagdugon sa panahon ng kalamidad. Sa ating bansa, umaharap tayo sa iba't ibang uri ng kalamidad. Ang iba ay likas tulad ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan.
Ang iba naman ay bunga ng kapabayaan o kagagawan ng tao tulad ng baha at sunog. Ang pag-alam sa tamang gagawin sa panahon ng kalamidad ay makatutulong sa atin upang tayo ay maging ligtas at protektado.
Bagyo
Ito ang pinakapangkaraniwan na likas na kalamidad na nararanasan sa Pilipinas. Taon-taon, nasa dalawampung bagyo ang nananalasa sa ating bansa. Ang malalakas na bagyong ito ay nagdadala ng malalakas na mga hangin at pagulan at nagdudulot ng pagbaha at pagkasira ng buhay at ari-arian.
Kung kaya, mahalagang malaman kung paano magiging ligtas sa panahon na bagyo. Paano nga ba ang wastong pagtugon sa panahon ng bagyo?
Una,
makinig sa mga balita tungkol sa panahon. Palaging makinig sa mga weather update. mula sa mga mapagkakatiwalaang news media outlet, channel o page.
Ang impormasyong makakalap mula rito ay makatutulong sa iyo at sa iyong pamilya na malaman kung saan ang direksyon ng bagyo, ang lakas nito, at kung may utos ba ang lokal na pamahalaan ng paglikas.
Pangalawa,
siguraduhin handa sa bagyo ang tahanan. Isarang mabuti ang mga bintana at pinto at ipasok ang mga gamit sa labas na mahaaring matangay ng bagyo.
Pangatlo,
maghanda ng bagahe na may lamang inuming tubig, pagkain, flashlight at gamot.
Makatutulong ito kung mawala ng kuryente o kung kinakailangan ng iyong pamilya na lumisan agad sa inyong tahanan.
At pang-apat,
kung ipinag-utos ng lokal na pamahalaan na lumikas, gawin ito ng mabilis at ligtas. Pumunta sa itinalagang evacuation center ng inyong lokal na pamahalaan o sa alinmang lugar na protektado mula sa ulan, baha o pagguho ng lupa.
Lindol.
Ang mga lindol ay maaaring mangyari ng mabilisan at walang babala. Sa ating bansa, madalas ang paglindol.
Noong taong 2023, nasa 2,000 lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology of FIBOX. Mabuti na alamin natin kung paano magiging ligtas sa panahon ng ganitong kalamidad.
Una, drop, cover, and hold.
Kung maramdaman mo na may paglindol, agad ng yumuko, kumanap ng matibay na masisulungan tulad ng mesa, at manatili hanggang sa huminto ang paglindol.
Pangalawa, kung ikaw ay nasa loob ng bahay, paaralan o mall, manatili rito habang lumilindol. Huwag tumakbo sapagkat baka ikaw ay mabagsakan ng mabibigat o matutulis na bagay na maaaring makapinsala sa iyo.
Pangatlo, habang lumilindol, lumayo sa mga bintana at mabibigat na bagay na maaaring bumagsak at makasakit sa iyo.
At pangapat, kapag huminto na ang pagyanig ng lupa, kalmadong lumisan at sumunod sa mga instruction kung mayroon. Baha.
Ang pagbaha
ay karaniwang kasunod ng malalakas na pagulan at bagyo. May mga pagkakataon na ang pagbaha ay bunga ng pang-aabuso ng tao sa kalikasan. Ating alamin kung ano-ano ang maaaring gawin kapag may pagbaha.
Una, kapag nagsisimula ng tumaas ang tubig o baha, agad ng lumipat sa mas mataas na lugar upang hindi matrap sa baha. Ikalawa, huwag maglakad o magmaneho sa baha sapagkat ito ay mapanganib. Mas mabuting maghanap ng ligtas na lugar o ibang daan.
Pangatlo, kung ikaw ay ligtas at may kakayahan, patayin ng main switch ng inyong kuryente at it-turn off ang LPG upang maiwasan ang aksidente. At pang-apat, makinig at sumunod sa otoridad tungkol sa mga utos ng paglikas. Sila ay naguutos hindi para saktan tayo, kundi para protektahan tayo sa aksidente at kamatayan.
Pagpotok ng Vulkan Ang Pilipinas ay pinanahanan ng 20 aktibong vulkan. Ang pagpotok ng vulkan pinatubo noong 1991 ang isa sa mga pinakamalakas na volcanic eruption ng 20th century. Kahit nabihirang mangyari ang pagpotok ng vulkan, mahalagang alamin kung ano ang gagawin upang manatiling ligtas sa kalamidad na ito. Number 1, kung ikaw ay nananahan malapit sa vulkan, agad na lumisan kung ito ay pinag-utos na ng inyong lokal na pamahalaan upang maging ligtas sa lava at abo.
Number 2, magsuot ng mask o takpan ng tela ang ilong at bibig upang hindi makahinga ng volcanic ash. Number 3, kung nasa labas naman ng danger zone, Manatiling nasa loob ng bahay upang makaiwas sa ash fall. Siguraduin ding nakasarado ang mga bintana at pinto upang hindi pasukin ng volcanic ash.
At number four, iwasan ang mga kalsada na malapit at patungo sa vulkan upang makaiwas sa pangalib ng lava, abo at pyroclastic flows na maaaring magdulot ng seryosong pinsala. Sunog. Sa mga kalamidad na napag-usapan, ang sunog ang pinaka may iwasan sapagkat kadalasan ang sunog ay bunga ng kapabayaan ng tao.
Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa Southeast Asian na may pinakamataas na insidente ng sunog. Noong 2023, ang Bureau of Fire Protection o BFP ay nakapagtala ng halos 16,000 kaso ng sunog sa buong bansa. na ang karaniwang dahilan ay faulty electrical wiring, paninigarilyo, naiwan na nakasaksak na kagamitan tulad ng plancha, at open flame mula sa pagluluto sa kalan, LPG, at kahoy na panggatong. Kung magkakaroon tayo ng kaalaman sa kung ano ang wastong pagtugon kapag may sunog, mapipigilan natin ang paglaki nito at magiging ligtas ang bawat isa.
Narito ang mga wastong pagtugon kapag may sunog. Number 1. Kung ikaw ay nasa loob ng nasusunog na bahay o gusali, Yumukuha at gumapang upang maiwasang makahinga ng usok. Number 2, kung maliit o nagsisimula pa lamang ang sunog at mayroong fire extinguisher, gamitin ito upang patayin ang sunog. Alalahaning sundin ang PASS o P-A-S-S steps. Pull the pin, aim the base of the fire, squeeze the handle, at sweep side to side.
Number 3, kung malaki na ang sunog at hindi mo na ito kayang puksain gamit ng fire extinguisher, lumikas na kaagad. Iwasang gumamit ng elevator. pagkus ay sa far exit dumaan. At number four, kapag ikaw ay nakalabas na sa nasusunog na bahay o gusali, agad na humingi ng tulong at tumawag sa bumbero upang i-report ang sunog. Hayaan ninyong sabihin ko sa pamamagitan ng tula ang ating konklusyon.
Kung sa panahon ng kalamidad ay makatugon ng wasto, hindi lang sariling buhay ang maililigtas mo. Pinsalang dalan nito'y iyong tiyak na maiiwasan kung tamang pagkilos ang laman ng iyong isipan. Mga bata, Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga kalamidad, kaya napakahalagang malaman kung paano magiging ligtas. Ang pagkakaroon ng kahandaan at kaalaman sa wastong pagtugon ay makatutulong upang maprotektahan ng buhay mo at ng iyong pamilya.
Laging tandaan, sa panahon ng kalamidad, ang kaligtasan mo ang pinakamahalaga. Pagsasanay, isulat ang T kung ang pangungusap ay naglalarawan sa wastong pagtugon sa panahon ng kalamidad o M kung hindi wasto. 1. Kapag naramdaman ng lindol, agad na tumakbo sa pinakamalapit na exit upang maiwasan ng injury. 2. Huwag lumikas sa panahon ng baha upang matiyak na hindi papasukin ng mga magnanakaw ang iyong bahay. 3. Ang pagyuko at paggapang kung ikaw ay nasa isang nasusunog na bahay ay dapat gawin upang maiwasang makahinga ng usok.
4. Ang malalapit lamang sa bulkan ang dapat magsara ng bintana at pinto kapag ito ay pumutok. 5. Sa panahon ng bagyo, mahalagang kuwaan ng video ang mga pangyayari sa iyong paligid upang may mai-upload sa social media. At dyan po nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito.
Nawa ay may natutunan kayo. Salamat sa panunod at pakikinig. Paalam po.