Transcript for:
Salik ng Produksyon

Maunlad na lipunan, maunlad na ekonomiya. Kamusta mga mag-aaral? Ako muli si Binibining Okendo, ang inyong guru para sa Araling Panlipunan Economics. Handa na ba kayo para sa panibago nating talakayan? Kung handa na, simulan na natin! Narito na tayo sa unang markahan, ikalimang linggo, ikalawang araw ng ating module. Ang ating aralin ay nakapaloob sa pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto na natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pangarawang module. Ang ating layunin para sa ikalawang araw na pahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pumumuhay. Sa nakalipas na aralin ay ating tinalakay ang kahulugan ng produksyon, gayon din ang kahulugan ng input at kahalagahan ng pagpaproseso ng mga hilaw na materyales upang maging output. Ngayon naman ay tutungo na tayo sa mga salik ng proyekto. Produksyon Alam mo ba na nagiging posible ang produksyon dahil sa pagsasama-sama ng salik tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship? Sa pagkakataong ito ay susuriin na. natin ang kahalagahan ng mga sumusunod na salik at ang implikasyon nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa economics, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasalik. saka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama na rin dito ang lahat ng yamang likas na nasa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang tubig, yamang mineral at yamang gubad. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Sa makatawid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit. Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Ngunit hindi naman mabubuo ang mga produkto na ito kung wala ang ating mga manggagawa. Ngayon ay kilalanin natin sila. Lakas paggawa bilang salik ng produksyon Ang lakas paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal at serbisyo. Alam niyo ba na may dalawang uri ng lakas paggawa? Una ay tinatawag na white collar jobs. Ito ang mga manggagawang may kakayahang mental. Ang mga halimbawa nito ay guro, doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Samantala, ang isa pang uri ng lakas pagawa ay tinaguri ang blue-collar job. Sila naman ang mga manggagawang ginagamit ang kanilang kakayahang pisikal o lakas ng katawan sa paggawa. Ang mga halimbawa nito ay driver, karpintero, Magsasaka, mananahi at iba pa. Alam mo ba ang mga blue-collar jobs ang sinasabing puso ng industriya? Kung wala sila, walang lilinang ng ating mga hilaw na materyalis. Ika nga, walang maliit na trabaho sa taong tapat at buoang kalooban para tulungan at itaguyod ang kanilang pamilya. Karagdagang kaalaman, Ang sweldo o sahod ay ang tawag sa pakinabang ng mga manggagawa sa pinagkaloob nilang serbisyo o paglilingkod. Matapos nating talakayin ang lupa at paggawa, ang tanong, ano pa ba ang iba nating kailangan sa pagbuo ng mga produkto? Lalong-lalo na kapag gusto nating magsimula ng isang negosyo. Kapital, bilang salik ng produksyon. Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakakalimutan. sa paglikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang ating mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari rin iugnay sa salapi at infrastruktura tulad ng gusali, kalsada, tulay at mga sasakyan. Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at servisyo. Ang isang entrepreneur ay siya rin nag-oorganisa, nag-co-control at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa produksyon. Siya rin ay may tuturing na malikhain at inovative dahil nakapag-iisip siya ng iba't inovasyon. ibang paraan o estilo sa paggawa ng produkto at malakas ang loob sa mga pagbabago at maaaring kahihinat na ng kanyang negosyo. Samantala, kung ang isang entrepreneur ay magiging matagumpay sa kanyang negosyo, siya ay magkakaroon ng kita na tinatawag na tubo o profit. Iyong tandaan ang mga sumusunod na impormasyon. Una, ang apat na salik ng produksyon ay ang lupa, pagawa, kapital at entrepreneurship. Pangalawa, ang produksyon ay napakahalaga dahil ito ang tumutugon sa ating mga pangangailangan. Kung wala ito, ay wala rin tayong produkto at servisyong ikokonsumo. At ang panghuli, ating ingatan, pagyamanin at linangin ang mga salik ng produksyon upang ito ay makatulong ng mahusay sa pagunlad at pagsulong ng ating ekonomiya. Marami ka bang naunawaan sa ating tinalakay na... Naralim? Mahungsay! Ngayon ay handa ka na para sagutin ang mga gawain na kapaloob sa inyong mga module. Narito ang ilan sa mga babasahin upang makatulong sa iyo bilang karagdagang impormasyon. Alam kong kayang-kaya mo yan! Muli, ako si Binibining Okendo ang inyong guro para sa Araling Panlipunan Economics.