Sa video na ito ay pag-aaralan ang akademikong sulatin, kahulugan, kalikasan at katangian. Layunin, nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba't ibang anyo ng sulating akademiko. Ano ang kahulugan ng akademikong sulatin? Ito ay tumutukoy sa pagsulat na isinasagawa na may standard. Ito ay ginagamit ng mga profesional at nasa larangan ng akademiko.
Gumagamit ito ng masinop, masistematiko at may mataas na kasanayan sa pagsulat. Maraming iba't ibang anyo ang akademikong sulati na naglalayo na magbigay ng makabuluhang impormasyon. Ito ay may mga mahigpit na tuntunin sa pagsulat na kailangan sundin para makamit ang nakatakdang standard para dito. Ano ang mga kalikasan ng akademikong sulatin? Una ay katotohanan.
Kinakailangan na ang isang akademikong sulatin ay nagpapakita ng mga katotohanan o facts para magamit at makita ang kaalaman at metodo ng napiling disiplina. Pangalawa ay balanse. Ito ay naglalahad lang ng mga impormasyon na kailangan ng mambabasa.
Pangatlo ay ebidensya. Ang paggamit ng mga sumusuportang ideya o impormasyon sa sulatin ay makatutulong na patunayan na ito ay isang sulatin na makatutuhanan at maaasahan. Ano ang mga katangian ng akademikong sulatin?
Una ay ang obyetibo. Ang paggamit nito ay ang mga pagpapataas sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin. Ito ay paghahanap ng mga kaugnayang impormasyon na sumusuporta sa sulatin. Pangalawa ay formal.
Ito ay ang paggamit ng standards sa sulatin. Gumagamit ng mga formal na salita at sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Pangatlo ay wasto.
Ang paggamit ng may mga kaugnayan at wasong bokabularyo o terminolahiya sa iba't ibang anyo ng akademikong sulatin ay makatutulong para lalong maunawaan ang nakasulat. Pangapat ay organisado. Ang pagkakaroon ng balangkas sa isang sulatin ay makatutulong para mapaganda ito at hindi lang iyon para magkaroon ng kumpleto at efektibong pagunawa sa mga mambabasa.
Music