CONTRA-REFORMASYON Ang Reformasyon ay isang makasaysayang kilusan noong ikalabing-anim na siglo na naglayong baguhin ang ilang aral at gawain ng simbahang katolika na nagbukas ng daan sa pag-usbong ng protestantismo. Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan Reform Question Piliin ang tamang paninindigan Ang sumusunod ay may kinalaman sa reformasyon Maliban sa isa, ano ito? Nagkaroon ng mga Enlightened Despots Ang sumusunod ay mga pangyayaring naging sanhi ng reformasyon.
Maliban sa isa, alin ito? Hindi nagustuhan ng mga mamamayan ang pagkakahati ng simbahan sa dalawang sangay. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa paniniwalang predestination? Ang lahat ng bagay na nangyayari? ay itinakda na ng Diyos.
Ito ang tawag sa kapatawarang ipinagkakaloob ng simbahang katoliko noon, kapalit ng mga tiyak na gawain panrelhiyon o pagbibigay ng donasyon. Naging isa ito sa mga pangunahing isyong tinuligsa sa panahon ng reformasyon. Indulhensya. Siya ay isang aleman, na nagpasimula ng reformasyon noong 1517. Ipinahayag niya na ang kaligtasan ay hindi nakukuha sa pamagitan ng mabubuting gawa o pagbili ng indulhensya, kundi sa pamagitan lamang ng pananampalataya sa Diyos. Martin Luther Ang reformasyon ay nagdulot ng malaking hamon sa simbahang katoliko.
At mula rito'y nabuo ang mga hakbang upang muling pagtibayin ang pananampalataya ng mga mananampalataya. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa paumagitan ng mga pananampalataya.
pagsubok. Santiago 1.2-3 Gaya ng pananampalatayang pinatatag sa gitna ng pagsubok, ganoon din hinubog ang simbahang katolika upang magbigay ng sagot at tugon sa hamon ng reformasyon. Bilang tugon sa reformasyong protestante ni Luther, Nagsagawa ang simbahang katolika ng mga pagbabago upang masagot ang mga kritisismo at patibayin ang pananampalataya. Ang pagbabagong ito mula sa papa hanggang sa pinakamababang kleriko ay tinawag na reformasyong katoliko o kontra-reformasyon.
Noong 1545, Isinagawa ng Simbahang Katoliko ang Council of Trents sa Italy upang pagtibayin ang pananampalataya, ituwid ang mga pang-aabuso at muling linawin ang mga turo ng simbahan. Kontra-reformasyon Mga hakbang ng simbahang katoliko Kontrol ng babasahin Noong 1559 Inilabas ng simbahan ang Index Librorum Prohibitorum o Index of Forbidden Books. Ito ay talaan ng mga aklat na bawal basahin ng mga Katolikos. Obligadong disiplina sa klero. Ipinatupad ang mahigpit na disiplina sa mga kleriko o kaparian.
Nilinaw ang mga aral. Isinumpa ng kapulungan ang mga aral ni na Luther, Calvin at iba pang reformador at nilinaw ang mga aral at doktrina na Ang simbahang katoliko Tinanggal ang indulhensya Pinagbawal ang pagbebenta ng indulhensya Residensya ng arsobispo Ang mga arsobispo ay pinatira sa mga lupain na kinakailangang subaybayan Aktibo ang kababaihan Sa huling 1500s, naging aktibo ang kababaihan sa simbahan, tulad ni Teresa ng Avila na nagreforma sa mga Carmelite at nagtatag ng kumbento. Kontrareformasyon, mga hakbang ng simbahang katoliko, kontrol ng babasahin, obligadong disiplina sa klero, nilinaw ang mga aral, Tinanggal ang indulhensya, residensya ng arsobispo, at aktibo ang kababaihan.
Nagtatag din ang simbahan ng mga seminaryo at bagong orden para palaganapin ang katolisismo. Itinatag ni Ignatius Loyola ang Society of Jesus o Jesuits noong 1540 na nagmisyon hanggang Afrika Asia at Amerika Pinakatanyag na misyonero ng panahon ito si St. Francis Xavier na nagdala ng katolisismo sa Japan, India at Silangang Asia kaya tinagurian siyang Apostle of Asia Contra-reforma Tugon ng simbahan Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy sa bawat Pagpupulong ng mga leader ng simbahang katoliko sa Italy noong 1545 upang pagtibayin ang pananampalataya at ayusin ang mga abuso. Council of Trent, tagapagtatag ng mga kumbento at nagreforma sa Carmelite Order noong 1500s. Teresa of Carmelite Order Tala ng mga aklat na bawal basahin ng mga katoliko noong 1559. Index Librorum Prohibitorum o Index of Forbidden Books. Tawag sa malawakang paglilinis at reforma sa loob ng simbahang katoliko bilang tugon sa reformasyong protestante, reformasyong katoliko o kontra-reformasyon.
Itinatag niya noong 1540 ang Society of Jesus o Jesuits na nagambag ng malaki sa reformasyong katoliko, Ignatius Loyola. From trend to trends, lessons that last. Noong 1500s, dumaan sa matinding pagsubok ang simbahang katoliko. Dahil sa mga maling gawain tulad ng pagbebenta ng indulhensya, maraming tao ang lumayo sa pananampalataya.
Kaya't ipinatawag ang Council of Trent, isang makasaysayang pagpupulong na naglayong ayusin ang mga kamalian, linawin ang mga turo, at ibalik ang tiwala ng mga tao sa simbahan. Parang sa panahon ngayon. Kapag may skandalo, kontrobersya o maling balita na lumalabas, kailangan ng malinaw at tapat na tugon upang maibalik ang tiwala ng publiko.
Gaya ng kontra-reformasyon, ang transparency, reforma at pagbibigay ng tamang impormasyon ay mahalaga, lalo na sa social media age. Sa panahon ng fake news at maling balita sa social media, paano natin mapananatili ang katatagan ng ating pananampalataya at paniniwala? Ano ang magagawa mo bilang kabataan upang hindi basta maimpluensyahan? Maraming kabataan ngayon ang nalalayo sa pananampalataya.
Dahil sa modern distractions gaya ng gadgets, trends at peer pressure. Paano makatutulong ang simbahan, paaralan, at pamilya upang manatiling makabuluhan ang pananampalataya sa kanila. Binago ng reformasyon at kontra-reformasyon hindi lang ang relihiyon, kundi pati ang lipunan, edukasyon at pamahalaan sa Europa.
Mula pananampalataya, lumago ang mga bagong ideya na nagbukas ng daan Sa makabagong panahon Ang reformasyon ang nagbukas ng daan sa makabagong panahon. Pinahina nito ang pagkakaisa ng mga kristyano ngunit nagpatatag sa protestantismo at nagluwal ng iba't ibang sangay nito. Sa kabilang banda, nagkaisa ang simbahang katoliko sa pumagitan ng kontra-reformasyon at Council of Trent. na nagbigay din sa edukasyon at nagbunsod ng pagtatatag ng mga paaralan at universidad sa Europa. Kasabay nito, humina ang moral at politikal na kapangyarihan ng simbahan, dahilan upang lumakas ang mga monarka at umusbong ang mga bansang estado.
Mula sa pagtatanong ng mamamayan sa autoridad at paniniwala, Isinilang ang Enlightenment na nagpalaganap ng mga ideya ng kalayaan at demokrasya sa Europa. Reforma o kontra? Tukuyin ang panig.
Basahin ang bawat pahayag, isulat ang reforma kung ito ay bahagi ng reformasyon at kontra kung ito ay bahagi ng kontra-reformasyon. Naniniwala sa ideya ng sola fide, of faith alone. Reforma Nagsasagawa ng mga inquisitions para supilin ang mga kaaway ng simbahan.
Kontra. Tinutulig sa ang pagbabayad para sa indulhensya. Reforma. Napagkasunduan na ang mga pari ay dapat manatiling walang asawa.
Kontra. Ito ang naging tugon sa mga nagaganap na korupsyon sa simbahang katoliko. Reforma. Pagtatatag ng Council of Trent upang ayusin ang doktorado.
Kontra Reforma Kontra Reforma Pagtatatag ng mga paaralan at universidad para palaganapin ang pananampalatayang katoliko. Kontra Reforma at kontra, punan ang kulang. Punan ang patlang ng tamang sagot.
Ang reformasyon ay nagpasimula ng makabagong panahon sa Europa at nagbunsod ng pag-usbong ng protestantismo. Bilang tugon, isinagawa ng Simbahang Katoliko ang kontra-reformasyon sa pamagitan ng Council of Trent, pagbabawal ng indulhensya, pagpapalabas ng Index of Forbidden Books, at pagpapatupad ng disiplina sa klero. itinatag ang mga seminaryo at universidad At lumitaw ang Jesuits sa pamumuno ni Ignatius Loyola, habang si Francis Xavier ay nagpalaganap ng Kristyanismo sa Asia. Ang mga pagbabagong ito ay nagpatatag sa simbahan at nagbigay daan sa pag-usbong ng Enlightenment at mga ideya ng Demokrasya.
Reformasyon ang nagbukas ng pintuan ng pagbabago. Kontrareformasyon ang nagpanatili ng pananampalataya. Ikaw, anong hakbang ang gagawin mo ngayon? Intro Music