Filipino 6, Quarter 1, Week 1 Milk Base Ang paksa ng ating aralin sa araw na ito ay Pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang mga pabula, kwento, tekstong pang-informasyon at usapan Aralin Isa Hello kids! It's me, Teacher Frelle! Don't forget to subscribe, like, and share!
And hit the notification bell for the latest video. You can also follow my Facebook page, Teacher Frelle TV. Kumusta mga bata? Sa araw na ito ay pag-aaralan natin ang pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang mga pabula, kwento, tekstong pang-informasyon at usapan.
Para sa Most Essential Learning Competencies, Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang pabula, kwento, tekstong pang-informasyon at usapan. Sa araling ito, maipamamalas mo ang kakayahan sa mapapakita. mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan o nabasang teksto.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na masasagot mo ang mga tanong sa napakinggan o nabasang pabula, kwento, tekstong pabula, pang-informasyon at usapan. Ano ang pabula at ang mga elemento nito? Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop ang gumaganap na tauhan. Mga elemento ng pabula. Una, tauhan.
Ang mga bida ang gumaganap sa kwento. Pangalawa, tagpunan. Puan, ang panahon, lugar o pook kung saan naganap ang pangyayari sa kwento.
Pangatlo, banghay, tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula. At pangapat, aral, magandang ugali o asal na mapupulot mula sa kwento. Ano-ano ang mga pabula na nabasa mo o napakinggan mo na? Nabasa o napakinggan mo na ba ang kwentong Si Pagong at si Maching Si Langgam at si Tipaklong Ang Uhaw na Uwak Ang Pagong at ang Kuneho Ang daga at ang leyon?
Ilan lamang ito sa mga pabula o kwento ng mga hayop na nagsasalita? Upang lalo nating maunawaan ang ating aralin sa araw na ito, ay dumako na tayo sa pagsasanay bilang isa. Iugnay ang tamang sagot sa hanay A patungo sa hanay B.
Gawin ito sa inyong sagutang papel. Ngayon ay simulan na natin. Para sa unang bilang, PABULA Anong ibig sabihin nito? Hanapin sa Hanay B ang kahulugan nito. Tama!
Ang pabula ay Letter D Ito ay uri ng panitikan kung saan ang mga hayop ang gumaganap na tauhan. Pangalawang bilang, tagpuan. Ano ang kahulugan nito? Magaling!
Ang tamang sagot ay letter A. Ang panahon, lugar o puok kung saan naganap ang pangyayari sa kwento. Pangatlong bilang, tauhan.
Ano ang kahulugan nito? Magaling! Ang tamang sagot ay...
Letter E. Ang tauhan ay ang mga bida o gumaganap sa kwento. Pang-apat, banghay. Ano naman ang kahulugan nito?
Magaling! Ang tamang sagot ay letter C. Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula. At para sa panglimang bilang, aral. Ano ang kahulugan nito?
Magaling! Ang tamang sagot ay letter B. Ang aral ay magandang ugali o asal na mapupulot mula sa kwento. Para naman sa pagsasanay bilang dalawa, gumawa ng kwento tungkol sa mga hayop.
Ilarawan ang mga katangian na nagustuhan mo sa mga hayop. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Sa pagsasanay na inyong sagutang papel, ito ay gagawa kayo ng sarili nyong kwento tungkol sa mga hayop. Mag-isip kayo ng mga hayop na paborito nyo at gawan nyo ito ng kwento. At ilagay nyo rin sa inyong kwento ang katangian ng mga hayop na nagustuhan nyo.
Alam ko mga bata, kayang-kaya nyong gumawa ng kwento tungkol sa mga hayop. Ngayon ay dumako naman tayo sa pagsasanay bilang tatlo. Basahin ang pabula at saguti ng mga sumusunod na tanong.
Gawin ito sa inyong sagutang papel. Ang pamagat ng kwento ay Kwento ng mag- Magkapatid na Daga, si Kiko at si Tomas Kwento ng Magkapatid na Daga, si Kiko at si Tomas Ang kwentong ito ay tungkol sa Magkapatid na Daga. Tagaprobinsya si Kiko habang tagasyudad naman si Tomas. Kahit magkalayo sila'y malapit sila sa isa't isa. Sa katunayan, madalas silang nagsusulatan para ayain ang isa't isang bumisita sa kanikaniyang tirahan.
Isang araw, naisip ni Tomas na bisitahin si Kiko. Tuwang-tuwa si Kiko at agad-agad ay naghanda sa pagdating ng kapatid. Pagkat Katapos ng dalawang mahabang araw ng paglalakbay, nakarating din si Tomas sa bahay ni Kiko sa probinsya.
Kumusta ang biyahe mo? Tanong ni Kiko. Napakatagal ng biyahe ko. Kailangan kong sumakay ng barko ng isang araw at pagkatapos ay sumakay ng bus ng napakatagal para makarating dito.
Natutuwa akong nakarating din dito pero sobra akong napagod at nagutom. Sagot ni Tomas Halika't kumain ka't magpahinga Ayan ni Kiko Nagsalo sa hapunan sina Tomas at Kiko Ito lang ba ang kinakain mo, Kiko? Mais at munggo? Tanong ni Tomas Ayaw mo ba ng mais at munggo? Pwede rin kitang ipaghanda ng iba't ibang uri ng gulay O di kaya prutas?
Sagot ni Kiko Music Wala bang keso? Sa syudad, napakaraming uri ng keso ang pwedeng kainin. Napakasarap na mga kesong natikmang ko.
At nanggaling pa ang mga yun sa ibang mga bansa. Pagmamalaki ni Tomas. Talaga? Parang gusto ko nang pumunta sa syudad para lang matikman ang mga kesong sinasabi mo, sabi ni Kiko.
Bakit hindi? Bisitahin mo ako minsan, ayan ni Tomas. Napakasaya ng magkapatid na nagkasama silang muli.
Kinabukasan, madilim pa lang ay gising na si Kiko at handa ng magtrabaho. Ang aga mo namang gumising. Sabi ni Tomas na humihikab pa. Maaga talaga akong gumigising para marami akong matapos na trabaho bago magtanghali, sagot ni Kiko. Mas mainit kasi ang araw kapag magtatanghali na.
Sabagay, maaga rin kaming gumigising sa syudad para makaiwas sa traffic, sabi ni Tomas. Naibigan nyo ba ang kwento mga bata? Ngayon ay sagutin naman ang mga sumusunod na katanungan.
Para sa unang katanungan, tungkol saan ang binasa o napakinggang pabula? Tama! Ang pabula ay tungkol sa magkapatid na daga.
Pangalawang bilang, paano nakarating si Toma sa bahay ni Kiko sa probinsya? Tama! Mula sa syudad, si Tomas ay sumakay ng barko ng isang araw at pagkatapos ay sumakay ng bus ng napakatagal upang makarating sa probinsya.
Pangatlong tanong, anong pagkain ang hinahanap ni Tomas? Tama! Si Tomas ay nagahanap ng keso dahil sa syudad ay sanay siyang iba't ibang uri ng keso ang kanyang kinakain.
Pangapat na tanong, bakit maagang gumising si Tomas? Si Kiko. Tama! Maagang gumising si Kiko para marami siyang matapos na trabaho bago magtanghali dahil mas mainit ang araw kapag magtatanghali na. At para sa panglimang katanungan, anong buhay mayroon si Kiko at si Tomas?
Tama! Si Kiko ay taga-probinsya at simple lamang ang buhay. Munggo, mais, prutas at mga gulay ang kanyang kinakain.
Maaga rin siyang gumigising upang marami siyang matrabaho. Samantalang si Tomas naman ay taga-syudad na kung saan marangyang kanyang pamumuhay. Keso ang kanyang pagkain at hindi siya maagang gumigising.
Tandaan! Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop ang gumaganap na tauhan. Ang mga elemento ng pabula ay ang Una, tauhan. Ang mga bida ang gumaganap sa kwento. Pangalawa, tagpuan.
Ang panahon, lugar o pook kung saan naganap ang pangyayari sa kwento. Pangatlo, banghay. Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula.
At pang-apat, aral. Magandang ugali o asal na mapupulot mula sa kwento. Ayan mga bata, naunawaan nyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Kung ganon, magaling!
Mga bata, sana'y marami kayo natutunan sa ating aralin. Hanggang sa susunod na video lesson, paalam! Music