Transcript for:
Maikling Kwento at Elemento Nito

May kling kwento. Ang kahulugan, uri, bahagi at elemento. Magandang buhay!

Maligayang panunood dito sa Signatorang Filipino YouTube Channel. Sa araw na ito ay ating pag-aralan ang kahulugan, uri, mga bahagi at mga elemento ng may kling kwento. Ngunit bago natin puntahan ang ating aralin, Huwag kalimutay subscribe ang ating YouTube channel na Asignator ng Pilipino para sa karagdagang kaalaman. Ano ang Maykling Kwento? Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang ama ng Maykling Kwento.

Ang Maykling Kwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay. Ano-ano ang mga uri ng maikling kwento? Ang mga uri ng kwento.

Una ay ang kwento ng tauhan. Inilarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa. Pangalawa ay ang kwento ng katutubong kulay.

Binibigyang din ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan. Ang mga uri ng pamumuhay, ang hanap buhay ng mga tao sa nasabing puok. Pangatlo, ang kwento ng kababalaghan.

Pinag-uusapan ang mga salaysayeng hindi kapanipaniwala. Pangapat, ang kwento ng katatakutan. Naglalaman ang mga pangyayaring kasindak-sindak. Panglima, ang kwento ng katatawanan. Binibigyang aliw at pinapasaya naman ang mambabasa.

Pang-anim, ang kwento ng pag-ibig. Dito matatalakay ang pag-iibigan ng dalawang tao. At ang panghuli, ang kwentong makabanghay. Pinagtutunan ang pagkakabuo ng mga pangyayari. Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na ginamit ng mayakda.

Ano-ano ang mga elemento ng maikling kwento? Ang mga elemento ng maikling kwento. Una, ang paksa. Tumutukoy sa sentral na ideya sa loob ng kwento. Pangalawa, ang tagpuan.

Ang lugar na pinangyarihan sa kwento. Naglalarawan ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Pangatlo, tauhan.

Nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa kwento. Merong dalawang uri ng tauhan sa elemento ng maikling kwento. Una ay ang tinatawag na tauhang bilog. Ano ang tauhang bilog? Ito ang mga tauhan na nagbabago ang karakter sa loob ng kwento.

Pangalawa ay ang tauhang lapad. Ano ang tauhang lapad? Ito ang mga tauhan na walang pagbabago Mula simula hanggang sa wakas ng kwento.

Tandaan, tauhang bilog at tauhang lapad. Pang-apat, ang banghay. Tumutukoy sa pagkasunod-sunod na mga pangyayari sa kwento.

Ang simula, suliranin, saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas ng kwento. Ngayon naman ay puntahan natin ang mga bahagi. Ang mga bahagi ng mayikling kwento ay simula, gitna at wakas. Ang simula ay ang bahaging nagsasaad ng suliranin ng kwento, mga tauhan at kagpuan.

Ang mga tauhan ay ang mga karakter na gumaganap sa kwento at ang mga papel na ginagampala nila sa buhay ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suportang tauhan. sa tagpuan na kasaad ang lugar kung saan naganap ang mga aksyon o mga ensidente, maging ang panahon kung kailan naganap ang kwento. Ang sulirani naman ang bahaging naglalarawan ng isyong kinakaharap ng pangunahing tauhan.

Ang gitna ay ang bahaging naglalaman ng mga sumusunod, ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ano ang saglit na kasiglahan? Ang saglit na kasiglahan ay ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang may kinalaman sa suliranin.

Ang tunggalian ay ang bahaging naglalaman ng pakikibaka o pakikipagsapalara ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kinakaharap. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na Rising Action. Meron tayong tatlong uri ng tunggalian.

Ang sarili laban sa sarili, sarili laban sa kapwa, sarili laban sa kalikasan. At ang kasukdulan, ang pinakamaramdaming bahagi kung saan matatamo ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Sa wikang Ingles, Climax.

Ang wakas ay ang bahaging naglalaman ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ay ang bahaging nagpapakita ng dahang-dahang pagbaba ng daloy ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasokdulan. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na falling action.

Ang katapusan ang bahaging naglalaman ng magiging solusyon ng kwento. Ito ay maaring masaya bunga ng pagwawagi o pananaig, at malungkot, bunga ng pagkatalo o pagkabigo. Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ang mayakda na hindi tapusin o ibigay ang wakas ng kwento upang bigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na humato lumagpas siya kung ano sa palagay nito ang maaring kinahinatnan ng pangunahing tauhan at kung ano para sa kanila ang magdudulot ng kasiyan bilang pagtatapos ng kwentong binasa.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kakintalan o aral na iniwan ito sa kanilang mga isipan. Ano ang pagkakaiba ng tema at mensahe sa maikling kwento? Ang tema ang pangkalahatang kaisipang naispalutangin ng may akda na at isang maikling kwento. Ang kaisipang ito ang binibigyan ng layong maikintal sa isipan ng mga mambabasa.

Samantalang ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa. Ngayon naman ay puntahan natin ang pagsusuri ng isang akda, lalong-lalo na ang pagsusuri sa maikling kwento. Sa pagsisuri ay kinakailangan ang kaalaman sa katang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, ang paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng author o estilo. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda ay upang ihatid ang kahalagahan nito. Dalawa ang layunin ng panitikan.

Una ang magbigay ng aliw at pangalawa ang magbigay ng aral, kaya mahalaga din sa may akda. ang magkaroon ng bias sa kaasalan. Ang bawat manunulat ay may layunin sa paglikha ng isang apda. Ang anumang layunin sa pagsulat ay isang mahalagang desisyong binubuo bago pa man simulan ang pagsulat.

Ito ay kasasalaminan ng isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Kaya nga sa pagsusuri ng akdang pampanitikan, maraming paraan na maaaring ilahad ng mga kritiko tulad lamang ng mga nabanggit sa unahan. Sa pagsusuri ng maikling kwento ay maaaring susuriin ito ayon sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng author at iba pa. Ngayon naman, bago tayo magwakas, ay puntahan natin ang mga halimbawa ng maikling kwento. Una ay ang sandaang damit ni Fanny Garcia.

Pangalawa, sa bagong paraiso ni Efren Abueg. Pangatlo, ang kwento ni Mabuti ni Hinoveba Matuti. Pangapat, kata-selo ni Rogelio R. Sikat.

Pangatlo, imping negro ni Rogelio R. Sikat. Yan ang mga halimbawa ng may ikling kwento na isinulat ng mga Pilipinong may akda. At dito nagwawakas ang ating aralin tungkol sa may ikling kwento. Huwag kalimutay subscribe ang ating YouTube channel na Signator ng Pilipino para sa karagdagang kaalaman.

Maraming salamat!